Hindi pa tuluyang gumaling ang paa ni Abigail kaya minabuti na lamang ni Axis na bungkalin ang lupa sa likod ng kaniyang bahay. Ang bukid niya nakasalukyan inaararo ni uncle john ay pinagkatiwala muna niya rito. Ang matanda na rin ang magtuturo sa mga babayaran niyang mag-aalis ng mga ligaw na damo roon. May tiwaala naman siya sa matanda dahil uncle ito ng asawa ni Roger. Isa pa ay napakabait nito.Hindi niya gustong iwan mag-isa si Abigail dito sa bahay niya at baka hindi na lang ang kaserola ang susunugin nito. Baka buong bahay na. Hindi pa niya nakakalimutan ang panunubok nitong magluto kaya mas maganda pa kung dito na muna siya hanggang sa gumaling ang paa nito.Nakakalakad naman na ito pero kailangan pa rin nito ng suporta. Biniro niya ito minsan na kung kailangan nito ng saklay ay puwede naman siyang bumili. At halos hindi na maipinta ang mukha nito nang banggitin niya ito. Hindi raw ito embalido para gumamit ng tungkod.Nasa gilid ito at nakaupo sa bangkito sa lilim ng puno ng
Hindi lumabas si Abigail para kumain ng dinner. At hindi rin naman pinilit ni Axis ang dalaga na lumabas sa kuwarto nito. Kaya ang ginawa niya pagkatapos niyang kumain ay tinakpan niya ang mga natirang pagkain sa mesa. Pagkatapos ay pumasok siya sa kuwarto niya at sinimulan na namang maging abala siya sa trabaho. Bahala na ito kung lalabas ba itong kakain o hindi. Hindi naman ito bata pa para dalhin pa niya sa kuwarto nito ang kakainin nito. Kung ginugutom ito ay kusa rin itong lalabas at kakain.Iwinaglit na muna niya ang tungkol sa dalaga at hinarap na ang mga hindi pa niya natapos na trabaho niya. Nagrereklamo na kasi ang pinsan niyang si Amara at tinatadtad na siya ng email at text na ipadala na niya ang mga napirmahan niyang papeless. Kapag 'di pa niya pinadala ay baka ito pa ang magbibiyahe papunta rito at hanapin siya. Kilala niya ang pinsan na kapag nainis ay gagawin nito kung ano ang naisip nitong gawin.Halos isang oras na siyang nakaupo sa silya at nagtatrabaho nang biglang
Gising na si Abigail pero wala pa rin siyang balak na kumawala sa bisig ng natutulog na si Axis. Dapat ay makaramdam siya ng hiya pagkatapos na gawin iyon ng binata sa kaniya pero iba ang nararamdaman niya. Pagmulat pa lamang niya ng kaniyang mata kanina ay namutawi agad ang ngiti sa labi niya. Lalo pa nang ang guwapong mukha nito ang bumungad sa kaniyang mata. At ang una talaga niyang napansin ang mahahabang pilik mata nito na bahagyang nag-curl pa. Hindi katulad niya na kinailangan pa niyang gumamit ng curler at maskara upang lalabas na mahaba ang sa kaniya.Ang sarap na nakamit niya kaninang madaling araw ay nakatanim na sa kaluluwa niya. At gusto niya uli iyong maranasan. At hindi lang iyong daliri ni Axis ang gagamitin nito kundi ang malaking nota nito. Baka mas makokontento pa ang hiyas niya 'pag iyon na ang pumasok sa kaniya. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit hindi sila aktuwal na nagtalik gayong pumayag naman siya.'Kontento ba talaga ang tamang term na gagamitin mo? Sa
"Huwag mong bibitiwan ang kamay ko!!" nagbabanta at natatarantang tili ni Abigail nang lumuwag ang hawak ni Axis sa dalaga. She was so terrified that her knees trembled in fear. "Ayaw kong maulit muli ang pagkakahulog ko sa putik!" natatarantang dugtong pa nito at mariing kumapit sa kaniyang kamay.Nagpumilit kasi si Abigail na isama niya ito sa palayan. Kahit na tumanggi siya lalo na at hindi pa magaling ang paa nito. Pero ang rason nito ay mabo-bore daw ito sa bahay niya na walang kahit anong source ng entertainment. Nagsawa raw ito sa mga palabas sa pipitsuging TV niya na tinawanan lang niya. "Paano tayo makakaabante sa paglalakad kung kailangan na magkatabi tayong maglakad? Ang liit ng pilapil, oh!" Tinuro pa niya ang dadaanan nila na isang tao lang ang puwedeng dumaan. Tapos may may 3 feet pa ang taas at kapag hindi ka talaga maging maingat ay baka sa ibabang palayan ka mahuhulog."Bakit ba kasi ang liit? Wala bang ibang puwede nating daanan?" protesta pa rin ni Abigail. "Doon n
Kumakain sila ng hapunan ng gabing iyon nang nagdisisyon na tanungin ni Abigail kay Axis ang tungkol sa edad ng binata. Tumaas ang sulok ng labi ng huli at nangalumbaba. His eyes stared at her deeply. Abigail's mind scrambled and her heartbeat raced with that deep look. Hindi siya nahihiya na makipag eye contact sa kahit na sino pero sa pagkakataon na 'to ay hindi niya ma-maintain ang contact na 'to. She just wants to break it and avert her eyes somewhere. Animo tumalon kasi ang puso niya at nalaglag sa sahig dahil sa kaba. Parang tumutupok kasi ang tingin nito hanggang sa kaniyang kaluluwa. Ang kamay niyang nakahawak sa kubyertos ay nanginig at muntik na mabitiwan ang mga ito.Ngunit si Axis ang nagbawi ng tingin at niyuko ang kinakain. Saka nakahinga ng maluwag si Abigail at kumalma ang nagkakagulong kalamnan niya. Dahil kung patuloy na magtititigan sila ay baka hindi na niya alam kung paano kikilos sa harapan nito. Ayaw niyang mahalata nito na kahit sa tingin lang nito ay naaapektu
"Maupo ka lang dito at huwag kang malikot," turan ni Abigail kaya napakunot ang noo ni Axis at disimuladong pinagmasdan ang mukha nito."Anong balak mong gawin?" tanong niya sa dalaga na pilyang ngumiti lang sa kaniya.Kumindat pa ito at pinindot ang tungki ng kaniyang ilong.Tinignan niya ang mga bagay na nasa kulay pink na bag. Kanina lang ay hinila siya nito sa sala at pinaupo sa sofa pagkatapos ay iniwan siya sandali at pumunta ito sa kuwarto nito at kinuha ang mg bag na ito. Wala siyang ideya kung ano ang mga laman 'nun kaya nang buksan nito iyon ay kuryusong sinilip niya ang laman. Mga bottles at pabilog na bagay ang naroon na hindi niya alam kung ano."Ano ba kasi ang mga 'yan?" takang tanong niya nang kumuha ito ng isang bottle at cotton. Nagsalubong pa ang kilay niya nang masamyo ang bango ng bottle."Ito? Tutulungan kitang ibalik ang makinis at maputi mong mukha," excited na tugon nito. "Maaalis na ang balat mong sunog sa araw at magiging makinis muli. Magiging kasing guwapo
Kahit na kumikirot ang ulo ay napipilitang bumangon si Axis. Hinilot niya ang ulo habang nakapikit at mahinang nagmumura. Sa dami ng ininom niya ay ito ang napala niya. Ang magkaroon ng hangover. Minsan talaga ay traydor ang rice wine. Ni hindi mo talaga namamalayan na lasing ka na. Feeling mo ay okay ka pa rin pero 'pag tumayo ka na ay saka mo mare-realize na lasing ka pala. Tapos iba pa talaga ang tama ng ganitong rice wine 'pag nasobrahan mo. Mabuti na nga lang at hindi sila nagdagdag ng gin at paniguradong sasabog na talaga ang ulo niya sa kirot.Pero kagabi ay aware siya sa dami ng nainom niya. He's so annoyed that he just wants to get drunk. At hindi niya maipaliwanag kung bakit siya naiinis. Kung umaasa ba siya na kaya naaakit si Abigail sa kaniya ay hindi dahil sa guwapong mukha niya. At nagustuhan siya nito dahil sa hitsura niya ngayon.But hell! Halata sa kilos ni Abigail na mas gusyo nitong ang nakita nitong hitsura niya sa picture ang gusto nito. Bakit niya nasabi ito? Dah
Kasalukuyang nagsasabon ng kan’yang katawan si Axis nang biglang bumukas ang pinto at dumungaw doon si Abigail na hawak ang tuwalya nito. Nagkagulatan pa silang dalawa sa biglaang pagpasok ng dalaga at muntik nitong mabitiwan ang hawak nito. Namimilog ang matang napatitig ito sa katawan ni Axis particular na sa nasa pagitan ng hita niya. Lumunok pa ito at hindi man lang ito nagbawi ng tingin. Tumaas ang sulok ng labi niya nang makitang parang natulala si Abigail at dumaan ang paghanga sa mata nito.“Gusto mong sumabay sa’kin?” alok niya rito na hindi pa rin nabuburi ang ngisi sa kaniyang mga labi. Saka lamang nito binawi ang tingin sa sandata niyang nagsisimulang magkaroon ng erection dahil sa mainit na titig nito. Isa siyang lalaki at nasa rurok pa rin ang kapusukan niya kaya hindi na nakakagulat ito.“Puwede?” mahinang usal nito kaya tumango siya. Lumapit siya rito at kinuha sa kamay nito ang hawak nitong tuwalya at isinabit niya sa sabitan. Pagkatapos ay hinarap niya ito at sinimul