Beranda / Romance / Ang Ganti ni Amarra Villasanta / KABANATA 1: ANG NAPIPINTONG KAPALARAN NI AMARRA

Share

Ang Ganti ni Amarra Villasanta
Ang Ganti ni Amarra Villasanta
Penulis: Wilson Peredo

KABANATA 1: ANG NAPIPINTONG KAPALARAN NI AMARRA

Penulis: Wilson Peredo
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-12 23:47:35

Sa probinsya ng Damortis sa Bayan ng Sto. Cristo, matatagpuan ang isang napakalaking hacienda— Ang “Hacienda Avaristo” na pag-aari ni Doña Consuelo Vitalia viuda de Arguelles asawa ng namayapang Gobernador na si Don Fausto Arguelles. Sadyang maimpluwensya Ang mga Arguelles. Sila lang naman ang  pinakamakapangyarihan sa Damortis. Ang kanilang pag-aari ay hindi basta-basta. Libo-libo, ekta-ektaryang lupain ang kanilang nasa malaking palad.

Sa lupaing ito naninirahan ang isang dalagita na nagngangalang Amarra Villasanta. Morena, katamtaman ang taas, may kurba ang katawan at talaga namang may kakaibang ganda. Sayang nga lang na sa kabila ng kanyang natatagong alindog at ganda ay inaalila lamang siya ng kumupkop sa kanyang si Celing. Si Amarra sampu ng kanyang mga kababata ay sapilitang pinagtatrabaho ng kani-kanilang mga magulang bilang magsasaka sa Hacienda Avaristo.

Ni minsan, di nakaranas ng amor si Amarra sa kanyang ina na si Celing. Tila ba sumpa kung ituring ni Celing si Amarra. Nakakaawang talaga. Walang araw na hindi nakatikim ng masasamang mura at insulto si Amarra, bukod dun, napagbubuhatan pa niya ng kamay ang dalaga kapag may hindi nagawa o hindi nagawa ng tama ang kanyang mga pinag-uutos. Minsan nga’y kahit hindi pa niya kasalanan, bigla na lang siya ang pag-iinitan. Ngunit isang insidente ang naganap na halos mapatay na ni Celing sa bugbog si Amarra nang wala na itong maibigay na pera dahilan ng pagkatalo nito sa sugal. Ganitong-ganito umiikot ang kapalaran ni Amarra. Masakit man para sa kanyang parte, Ni minsan ay hindi siya nagtanim ng galit kay Celing. Bagkus ay umaasa pa rin ito na balang araw, matatauhan din ang kanyang ina at mamahalin din siya nito ng tapat at totoo.

Kahit pa mahirap na ang buhay ni Amarra, kuntento na siya sa lugar na kanyang kinagisnan at buhay na nakasanayan. Ngunit isang anunsyo mula sa kanang kamay ni Doña Consuelo na si Calixto ang magpapabago ng ihip ng hangin at kapalaran ni Amarra. Nangangailangan ang Mansyon ng mga kababaihan bilang dagdag na mga kasambahay. Lahat ng babae ay interesado sa anunsyo pwera kay Amarra.

Pag-uwi ni Amarra sa kanilang kubo, nagtaka siya na bakit nakaimpake na ang kanyang mga gamit. Isang bag at isang tampipi na nakalapag sa hapag-kainan. Lumabas ng kwarto si Celing at sila’y nagkakatitigan.

“Nay, anong ibig sabihin nito?” tanong ni Amarra na tila naguguluhan.

“Amarra, sa ilang taon kong pagbuhay sa’yo, aba’y panahon na para naman suklian mo ang mga paghihirap ko sa’yo.”

“Suklian? nay, wag niyo akong palayasin. Lagi naman akong nagbibigay sa inyo matapos ang araw ko sa bukirin.”

“Pwe! barya-barya lang yun! At sinong may sabing pinapalayas kita? Hoy, Amarra, ipinalista ko ang pangalan mo sa mga dadalhin ni Calixto sa Mansyon para maging katulong. Panahon na para naman lumaki ang silbi mo sa akin.”

“Nay,  ayoko. Sapat naman ang kinikita ko para mabuhay tayo eh.

“Che! Wag ka ngang tanga Amarra. Tiyak na mas malaki ang kikitain mo kung doon ka sa mansyon magtatrabaho. Ayaw mo ba nun, malapit ka sa mga taong bumubuhay sa atin sa Haciendang ito.”

“Pero Nay…” Isang sampal ang natikman ni Amarra. Hindi man lang pinatapos ni Celing magsalita ang anak.

“Ayoko nang makarinig ng rason o reklamo mula sa’yo. Sa ayaw mo man o hindi, magsisilbi ka sa mansyon, at huwag mo nang hintayin na kaladkarin kita papunta dun.”

Wala nang nagawa si Amarra kung hindi sundin ang nais ni Celing. Kahit labag sa kalooban niya, pilit siyang nagpakatatag. Una pa man ayaw na niyang magtrabaho sa mansyon. Samu’t saring kwento kasi ang naririnig ni Amarra na bumabalot dito. Kahit papaano’y naibsan pansamantala ang takot at lungkot na kasalukuyang nararamdaman ni Amarra nang malaman niyang kasama sa ipadadala sa mansyon para magsilbing katulong ang kanyang matalik na kaibigang si Andeng.

“Salamat sa Diyos at andyan ka Andeng. Akala ko, susuungin ko to nang mag-isa. Siya nga pala, bakit pati ikaw? tanong ko kay Andeng.

“Kailangan Amarra eh. Pangpa-ospital. Si Inay kasi may bukol sa kaliwang suso. Eh diba delikado yun? Sinanla ko na nga yung secondhand kong cellphone, hindi pa rin sapat.”

“Ikinalulungkot kong marinig iyon Andeng. Konting tiis at sakripisyo, makakaipon ka rin para sa Inay mo.”

“Salamat Amarra. Nga pala, bakit ikaw din? pinilit ka lang ni Aling Celing no?”

“Oo eh. Wala na akong magawa kundi ang sundin siya.”

“Ay naku, mabuti na yung ganun. Eh Amarra sa totoo lang, ikaw lang naman ang nagpapaka-martir sa matandang iyon. Hinahayaan mo lang siyang alilain ka niya. Ni hindi ka nga niya trinatong anak. Kung ako ikaw, matagal ko na siyang nilayasan.”

Buntong hininga na lamang ang sinukling reaksyon ni Amarra kay Andeng.  

Ang tatlo pang babaeng mangagatulong kasama sina Amarra at Andeng ay isinakay ni Calixto sa kanyang pick-up truck. Habang nasa daan, inilabas ni Amarra ang puting rosaryo mula sa kanyang bulsa. Hinalikan niya iyon at nagsimulang magdasal. Humihingi ng lakas ng loob na sana’y makayanan niya ang buhay na naghihintay sa kanya sa loob ng mansyon.

“O, Diyos na mahabagin, kayo na po ang bahala sa akin. Sana po magawa ko ng tama ang mga gawain. Sana maging mabait ang mga taong nandoon sa akin.”

Ilang minuto pa, unti-unting lumilitaw sa dako pa roon ang mansyon. habang papalapit sina Amarra ay siya namang unti-unting paglaki nito sa kanilang mga mata.

“Diyos na mahabangin, Narito na at nalalapit na ang lugar na magsisilbing aking piitan. Gabayan niyo po ako at ang aking mga kasama na sana magampanan namin ang aming magiging tungkulin.”

Habang papalapit ng papalapit sa tarangkahan ng gate, nagsalita si Calixto. malakas na animo’y laging pautos.

“O, makinig kayo. Malapit na tayo sa mansyon. Isang natatanging paalala. Anumang maririnig niyo o masasaksihan sa loob o labas ng paligid ng mansyon ay mananatili sa tarangkahan ng mansyon. Ayaw ni Doña Consuelo na pati sila ay pagchi-chimisan niyo. Bawal ang mga human CCTV. Huwag na huwag kayong basta nagtatanong at uriratin ang buhay ng mga tao sa loob. Isa pa sa ayaw ni Doña Consuelo ay ang tatanga-tanga. Intindihin lahat ng kanyang sinasabi at inuutos. Ayaw din niya ng nagda-drama. Tandaan niyo, andito kayo para lang magtrabaho. Kaya hangga’t maaari, umayos kayo, matutong lumugar, at manahimik na lamang, kung ayaw niyong manahimik habambuhay”

Napahawak si Amarra ng mahigpit sa kanyang bag. Tila hindi niya alam kung bakit ipinilit ng kanyang Nay Celing na ito’y kanyang pasukin. Talaga nga bang sa tindi ng galit niya sa akin ay tila siya na mismo ang naglagay sa anak niya sa kumunoy? Nag-antanda muli si Amarra at nanalangin kay Birheng Maria, ng lakas at kalinawan ng isipin sa susungin nitong madilim na pagsubok.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 4: MGA PAGHIHIRAP NI AMARRA

    Unang sinag pa lang ng araw ay abala na itong si Amarra sa pagwawalis sa malawak na veranda. Tagaktak na ang kanyang pawis at bahagya niyang pinupunasan ng bimpo ang kanyang leeg at noo. Sa gitna ng kanyang pagpupunas sa sarili, napansin niyang may nakamasid mula sa ikalawang palapag. Isang binatang may hawak ng cellphone, nakapang-amerikana, may ngiti ng palihim. Tila ba katatapos lang din kuhanan ng picture si Amarra ng palihim. Naconcious si Amarra ngunit di siya nagpatinag, tinuloy lang niya ang kanyang gawain. Sa isip ni Amarra ngayon palang niya nakita ang binatang iyon. “Siya na marahil ang nag-iisang anak ni Doña Consuelo.” dagdag sabi ni Amarra sa kanyang isipan. Bago pa man ibuka ni Amarra ang kanyang bibig upang magtanong kay Marites, agad na niyang sinagot ang nasa isipan ni Amarra.“Siya ang kaisa-isang anak ni Doña Consuelo,” bulong ni Marites na nasa tabi. “Siya si Senyorito Claudio Benedicto Arguelles. Mag-ingat ka dyan, Amarra. Huwag kang mahuhulog sa kagwapuhan, ka

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 3: SI DOÑA CONSUELO

    Matapos ang unang pagharap nina Amarra at Andeng sa Doña ng Hacienda Avaristo, tila napansin ni Tiyang Rosa ang naging takbo ng usapan.“Amarra, humanda ka. Sapagkat sa inyong dalawa ni Andeng, sa’yo mas napukaw ang atensyon ni Doña Consuelo.”“Ano po? bakit ako?” napatanong ako ng may gulat sa aking mga mata.“Anong sinabi ko tungkol sa pagtatanong? Sundin mo na lang ang pinag-uutos ni Doña Consuelo kung ayaw mong mapahamak ka at mas bumigat ang mga ipagawa sa’yo.” Sa pangyayaring iyon, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Ang mga nasambit kaya ni Doña Consuelo ay isang hamon o isang pagbabanta. Sa unang araw pa lang, nabatid niyang ang Hacienda Avaristo ay hindi lamang lugar ng mga ekta-ektaryang lupain, ito rin pala ay pugad ng mga lihim, poot, hirap at pagtitiis. At nag-umpisa na nga ang araw ng kanyang pagsubok at pagtitiis. Sa gitna ng matinding sikat ng araw, habang kinukusot at pinipiga niya ang mga basang damit ng mga amo, tumingin siya sa malawak na taniman. Ti

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 2: ANG MANSYON

    Nang makalagpas na ang pick-up truck sa mabigat na gate, pakiramdam ni Amarra’y pumasok siya sa ibang mundo. Ang mundo ng mayayamang puno ng kinang sa labas, ngunit umaalingasaw ang lihim at kasinungalingan sa loob. Napabulong si Andeng kay Amarra. Mangha kasi ito sa karangyaan ng lugar. “Amarra, ito pala ang lugar ng mayayaman. Kay ganda.”“Oo Andeng, ngunit wag kang pakakasilaw dahil ang mga yamang iyong nakikita ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa atin.”Napakunot noo na lamang si Andeng sa sinabi ni Amarra, at matapos ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkamangha sa mga nakikita niya. Pagdating sa loob, napanganga sila sa lawak ng bakuran. May malawak na hardin, punong-puno ng mga naggagandahang bulaklak. May napakalaking fountain sa gitna nito. Pero habang ginagala ni Amarra ang kanyang mga mata sa dami ng magagandang bagay na kasalukuyan niyang nakikita, Tila napukaw ang atensyon niya sa isang lalakeng nakapanghardinero na nakatayo sa gitna ng hardin. Makisig, may katangkaran,

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 1: ANG NAPIPINTONG KAPALARAN NI AMARRA

    Sa probinsya ng Damortis sa Bayan ng Sto. Cristo, matatagpuan ang isang napakalaking hacienda— Ang “Hacienda Avaristo” na pag-aari ni Doña Consuelo Vitalia viuda de Arguelles asawa ng namayapang Gobernador na si Don Fausto Arguelles. Sadyang maimpluwensya Ang mga Arguelles. Sila lang naman ang pinakamakapangyarihan sa Damortis. Ang kanilang pag-aari ay hindi basta-basta. Libo-libo, ekta-ektaryang lupain ang kanilang nasa malaking palad.Sa lupaing ito naninirahan ang isang dalagita na nagngangalang Amarra Villasanta. Morena, katamtaman ang taas, may kurba ang katawan at talaga namang may kakaibang ganda. Sayang nga lang na sa kabila ng kanyang natatagong alindog at ganda ay inaalila lamang siya ng kumupkop sa kanyang si Celing. Si Amarra sampu ng kanyang mga kababata ay sapilitang pinagtatrabaho ng kani-kanilang mga magulang bilang magsasaka sa Hacienda Avaristo.Ni minsan, di nakaranas ng amor si Amarra sa kanyang ina na si Celing. Tila ba sumpa kung ituring ni Celing si Amarra. Nak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status