Share

Selling My Past

Author: Ely
last update publish date: 2026-11-11 23:18:33

Selling My Past

Chapter 18

Renzy’s POV

“Girl, ibebenta mo talaga lahat ito?”

“Oo, wala na akong pera eh,” sinabi ko na lang kay Donita, pero ang totoo, parang gusto ko nang burahin ang maraming alaala sa mga gamit ko.

Bawat gamit kasi ay may katumbas na alaala. May mga bagay na nagpapaalala sa akin ng masasayang araw, may mga regalong minsan kong itinuring na espesyal, at may mga bagay na bahagi ng buhay ko noon. Pero sa tuwing nakikita ko ang mga iyon, naaalala ko rin ang mga taong gusto ko na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir   Multi-Task

    Chapter 24RenzeniahMalamig ang buong estate dahil fully air-conditioned ang buong mansiyon. Hindi nila alintana ang bayarin sa kuryente. Kinukuwenta ko pa nga sa isip kung magkano ang ginagastos nila bawat araw at bawat buwan.Samantalang sa bahay nina Donita, kapag umabot ng dalawang libong piso ang bill ng kuryente, nag-aalala na sila nang sobra. Kailangan pang magtipid at magpatay ng ilaw kahit hindi pa naman ginagamit ang lahat ng appliances.Pero dito?Walang kahit anumang bakas ng kahirapan. Para bang hindi nila kailangang isipin kung magkano ang gagastusin nila sa isang araw.Kung ako lang ang tatanungin, baka isang buwan kong sahod ay katumbas lang ng isang araw nilang konsumo sa kuryente.“Hindi ka magsusuot ng uniporme. Kahit ano puwede mong isuot. But it doesn't mean na espesyal ka,” mariin niyang sinabi.Sa totoo lang, hindi ko rin naman naisip iyon.Hindi naman ako assumera para isiping espesyal ako. Kahit saan, hindi ako naging espesyal. Ang mahalaga sa akin ay makapag

  • Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir   Slave for Money

    Chapter 23Renzeniah’s POVNagkadapadapa pa ako para makarating sa oras sa trabaho. Alas-siyete ako dapat naroroon.Kapag na-late ako, sibak agad ako sa trabaho. At hindi ko hahayaang mangyari iyon. Hindi puwedeng mawalan na naman ako ng pagkakakitaan dahil lang sa isang aberya. Kailangan kong magtiis at gawin ang lahat para mapanatili ang trabahong ito.Alas-singko pa lang ng umaga ay umalis na ako, pero dahil sa isang nakabalagbag na truck sa highway, hindi na posibleng madaanan ng napakaraming sasakyan ang kalsada. Halos wala nang gumagalaw. Parang isang malaking parking lot ang buong highway.Nag-umpisa nang maglakaran ang mga tao para makarating nang maaga sa kanilang mga paroroonan. Para kaming nasa isang mahabang paglalakbay. May mga nagmamadali, may mga tumatakbo, at mayroon ding halatang sumusuko na sa kanilang kapalaran.“Sa lahat ng araw, ngayon pa talaga?” halos maloka-loka kong nasabi sa sarili.Napatingin ako sa relo ko. Hindi pa man nagsisimula ang araw ko, parang gusto

  • Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir   Bait

    Chapter 22Renzeniah's POV“Marunong ka bang magluto?”“Maglaba?”“Mamalantsa?”Teka, mukhang category ng katulong ito ah, tumatakbo sa isip ko.Hindi naman ito ang pinasukan kong trabaho. Ang alam ko, administrative position at procurement ang kailangan nila.Pero who cares? Anything for 90K.“Opo, marunong ako.”“Ano ang mga naluto mo na?”“Lahat po. Filipino, Western, Italian, Chinese cuisine.”Napansin kong tumaas ang kilay niya.“Huwag kang magpa-impress, Ms. Sandoval. Baka kasi mag-expect kami sa iyo.”“Promise, marunong po ako. Nag-take po ako ng culinary.”Tiningnan niya ang resume ko na nasa ibabaw ng mesa.“But it's not here.”“Opo, kasi ang ina-applyan ko po is admin position at sa procurement. Hindi ko naman po alam na magiging HELP ako.”Napatingin siya sa akin nang masama.“Whatever!”Napakagat ako sa labi.Ayaw niya yata sa mga paliwanag ko. Pero paano naman ako? Hindi ko naman puwedeng sabihin na lahat ng trabaho ay kaya kong gawin nang hindi ko muna nalalaman ang magi

  • Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir   Workmode

    WorkmodeRenzeniah’s POVNasa gate pa lang ako, parang ayaw na akong papasukin ng mga guwardiya.“Sir, ito oh, may appointment letter ako from RRI.”“Naku, Ma’am, wala naman pong bilin na darating kayo.”“Ay Kuya, huwag kayong magbiro ng ganyan. Ang layo ho ng pinanggalingan ko.”“Teka, Ma’am, i-double check ko po muna.”Tumawag siya sa loob pa ng mansiyon at humingi ng clearance or approval to enter.Sa isip-isip ko, gaano ba kayaman ang mga taong ito at takot yata sa tao?Mayaman din naman ang tatay ko pero hindi ganito ka-O.A. Hindi naman kailangan na parang papasok ka sa isang restricted military facility bago ka makapasok sa bahay nila.Matiyaga akong naghintay. Ang motivation ko ay ang 90K.Yes! Ninety thousand pesos!Sa halagang iyon, kaya kong lunukin ang pride ko at tiisin ang kung anu-anong rules nila. Hindi naman ako narito para makipagkaibigan. Nandito ako para magtrabaho at kumita ng pera.“Ma’am, ano uli ang pangalan ninyo?”“Kuya, nandiyan na po sa papel.”“Ang hirap po

  • Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir   Special Offer

    Chapter 20Renzy’s POV“Congratulations, Renzeniah, you are in!”“Uy, talaga, Sir? Thank you very much!”I couldn't help but smile from ear to ear. Finally! After all the applications, interviews, and waiting, may trabaho na rin ako. At hindi basta-bastang trabaho dahil mukhang maganda ang offer nila.“Pero hindi ka dito ma-a-assign, ha.”“Ha? Saan po?”“Nangangailangan kasi ang ating CEO ng PA, and since okay naman ang profile mo, nirecommend ka namin.”“Wait, PA?”“Personal Assistant?”“Yes, you will be accompanying our CEO most of the time. Don't worry, the pay is good.”“Wala naman akong experience sa pagiging P.A.”“90,000 monthly.”“Ha? 90K?”“Yes.”“Ay, hindi ninyo naman agad sinabi, eh!”“Gora ako diyan!”Napatawa si Mr. Sta. Luis sa naging reaction ko.“Here is the contract.”“Pakisignature mo na lang para ma-turn over na kita.”Agad kong kinuha ang mga dokumento. Hindi ko na halos napansin ang ibang sinasabi niya dahil may isang bagay na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko.

  • Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir   Fight

    Chapter 19Renzy's POV“Girl, gusto mong mag-apply sa RRI?”Napatingin ako kay Donita nang bigla niyang sabihin iyon.“Ay weh? May opening?”“Oo, kaya yung resume mo i-ready mo na. Lalandiin ko na lang yung HR Supervisor para makapasok ka.”“Talaga gagawin mo iyan, Donits?”“Oo naman! Para hindi ka laging nagmumukmok dito, noh.”Napatawa ako sa sinabi niya.“Eh baka naman kapag nakita nila na Sandoval ako, sabihin blacklisted na naman ako.”Hindi naman imposibleng mangyari iyon. Alam kong malaki ang impluwensiya ng pamilya ko, at kung talagang gusto nilang pigilan ako, madali lang para sa kanila na gawin iyon.Hindi ko rin naman alam kung hanggang saan ang koneksiyon nila sa ibang kumpanya.“Don't worry, girl. Leave it to me,” sabi pang confident ni Donita.Mukhang naka-adjust na siya sa bagong trabaho niya. Mukhang may nasungkit siyang matabang isda kaya malakas na ang loob niya.“Bakit? Sino ba iyang HR Supervisor na iyan?”“Secret! Basta mabait iyan. At saka, hindi naman ako basta-

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status