공유

CHAPTER 15

작가: Gael Aragon
last update 최신 업데이트: 2025-09-15 07:41:59

Gabi na rin nang matapos ng mag-aama ang ginagawa. Sa buong oras na iyon, tanging pagmamasid lang sa mga ito ang ginawa ni Chesca.

Agad niyang sinamahan paakyat si Jacob sa silid nito para maglinis ng katawan. At dahil siguro sa pagod, maaga itong nakatulog at hindi na nakakain pa. Kaya maaga din siyang nakababa at nakapagbihis. Nanlilimahid na rin kasi siya.

Nang matapos siya sa pag-aayos sa sarili, sa halip na matulog ay kinuha niya ang kaniyang cellphone. Binuhay niya iyon. At gaya nang dati, maraming text message at call alert na galing sa daddy niya.

Masama pa rin ang loob niya rito. Kaya hindi pa rin niya magawang buksan ang mga mensahe nito o tawagan man lang. Hindi niya alam kung ano ang intensyon nito kung bakit gusto siyang ipadala sa America, pero isa lang ang nagtutumining sa isipan niya—ayaw na siya nitong makita pa.

Dahil biglang sumama ang loob, lumabas siya sa hardin. Naupo siya roon habang pinagmamasdan ang magandang kalangitan. Bilog na bilog ang buwan at maraming m
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 43

    PAGKATAPOS maghapunan, pinaderetso ni Leandro ang mga bata sa kaniyang opisina. Doon niya gustong kausapin ang mga ito.Gusto sana niyang naroroon din si Nanay Mercy para may kasama siya sa pagpapaliwanag sa mga ito, ngunit mas pinili niyang harapin sila nang nag-iisa. Mas maigi sigurong sila-sila lang mag-aama, para mas maunawaan niya ang magiging reaksyon ng mga ito. Baka rin mahiyang magsalita ang mga ito kung may iba silang kasama.Kani-kaniyang upo ang mga ito sa upuan na nasa harapan ng mesa niya. Tumikhim muna siya bago tiningnan ang mga ito isa-isa.“I wanted to talk to you guys because there’s someone who wanted to see you. . .” umpisa niya.Nagkatinginan ang tatlo, pagkakuwa’y unang nagtanong si Enrico, “Sino, Dad?”Sunod-sunod na buntonghininga ang pinakawalan niya bago ito sinagot, “Your mother.”Nagpalitan ng tingin ang mga ito, pagkatapos ay tinitigan siya. Walang ni isang nagsalita. Nang lingunin niya si Jacob, may naaaninag siyang kalituhan sa mga mata nito. Sa kanilan

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 42

    NANG sumapit ang hapon, sinundo ni Leandro ang kaniyang mga anak. Pagkasakay ng mga ito sa kotse ay agad niyang iniabot kina Jacob at Alejandro ang bagong bili na cell phone. Tuwang-tuwa na nagpasalamat sa kaniya ang dalawa.Mabilis na nagpaturo si Jacob sa kaniyang Kuya Alejandro sa paggamit noon. At hindi rin naman nagtagal ay nagamay din agad nito iyon.Napailing si Leandro habang pinagmamasdan ang dalawa sa likuran.Maya-maya nakita niya sa rear-view mirror na may hinugot si Jacob sa bag nito. Isa iyong papel. Masusi nitong isinulat sa telepono nito ang nakalagay roon, pagkatapos ay nakita niyang nag-dial ito. Nakangiti pa ito habang hinihintay na sumagot ang tinatawagan.“Ate Ikay!” malakas na sabi nito na ikinalingon nina Enrico at Alejandro dito.Siya man ay biglang napatuwid ng upo sa pagmamaneho at naging alerto sa pakikinig kay Jacob.“Yeah. . . it’s me, Jacob. Dad bought me and Kuya Alejandro new phones, so that we can call you,” paliwanag nito sa kausap. Malapad ang ngiti

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 41

    KINABUKASAN maagang gumising si Leandro. Sinadya niya talaga iyon para makasabay sa agahan ang mga anak. May pasok na rin ang mga ito kaya maaga rin silang gumigising. May bago na ring yaya si Jacob at wala pa naman siyang naririnig na reklamo mula rito. So far so good. Behave na behave na ang bunso niya. Hindi talaga niya alam kung paanong diskarte ang ginawa ni Francesca at kahit sa pagpasok ay ganadong-ganado ito. Nasa kalagitnaan na sila ng pag-aagahan nang magsalita si Jacob, “Daddy. . .” Ngumiti siya rito. “Yes?” Isa-isa muna nitong tiningnan ang mga kapatid bago nagsalita, “Can you buy me a phone? `Yung may sim card, puwede ipantawag.” Nasa mga mata nito ang pagsusumamo. Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito. “Why? Saan mo naman gagamitin?” Napakamot ito sa ulo. “Did you already forget?” disappointed na tanong nito. Lumalim ang gatla sa noo niya. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng anak. “Please, tell me about it,” aniya. Huminga nang malalim si Jacob bago

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 40

    NANLALAKI ang mga mata ni Francesca na napatitig dito. “Are you insane!?” may kalakasang palatak niya. Napalingon tuloy sa kanila ang mga nasa katabing table. Pero bago pa makasagot si Renz dumating na ang waiter dala ang in-order nitong pagkain. Maingat iyong inilipag ng waiter sa table. Nagpasalamat dito si Renz bago sila iniwan. “I am not insane,” sagot nito habang hinihiwa ang steak sa plato niya. Kung sa iba sigurong pagkakataon, baka sakaling nagustuhan niya ito. Nakikita niya kasing may mabuting puso din ang lalaki. He was also gentle and kind. Pero hindi naman natuturuan ang puso. Her heart was already beating for someone. Tumitibok lang iyon para kay Leandro. But seeing him today with another woman broke her heart. Alam niyang wala naman siyang aasahan dito, but she was still hoping. Subalit tila malabo na iyong mangyari pa. “I am just suggesting that, para ipakita sa papa ko that we are in good terms,” narinig niyang sabi nito. “Para hindi siya maghinala. At para hindi

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 39

    BIGLANG tumalim ang mga mata ni Francesca nang makita si Renz. Kaagad siyang sumakay sa elevator na naghihintay sa kaniya. “Francesca! Wait!” malakas na wika nito at malalaki ang mga hakbang na lumapit sa kaniya. Hindi niya ito pinansin. Mariin niyang pinindot ang close button ng elevator. Kaagad naman nitong iniharang ang katawan sa papasarang pintuan noon. “Whoa! That was so close!” palatak nito nag makasakay sa loob. Hindi siya umimik, nor bothered herself to look at him. Hindi niya ito gustong makita. Kung puwede nga lang huwag niya na itong makita kahit na kailan—ginawa na niya. Marinig pa nga lang ang pangalan nito kumukulo na ang dugo niya, ang makita pa kaya ito? At dito pa talaga mismo sa opisina! Sino kayang nagsabi rito na naroroon siya? “You already knew everything, didn’t you?” tanong nito makalipas ang ilang sandaling katahimikan. Nananatiling tikom ang bibig niya. Narining niyang bumuntonghininga ito. “I’m really sorry, Francesca. I didn’t really know what my fath

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 38

    ISANG katok ang nagpatigil sa nagliliwaliw na diwa niya. Nang bumukas ang pinto, nakita niya si Diday, isa sa kanilang katulong. “Ma’am, may tawag ho kayo sa telepono,” anito. Wala sa sariling tumayo siya at sumunod rito. “Hello?” sagot niya nang damputin ang awditibo. “Ate Ikay?” tanong ng nasa kabilang linya. “Ate Ikay, it’s me. . . Jacob.” Biglang nawala ang alalahanin ni Francesca nang marinig ang tinig nito. Napangiti siya sa sarili. She missed Jacob already. “Bakit ka bumubulong?” tanong niya at ginaya ang pagsasalita nito. Parang may pinagtataguan ito nang mga sandaling iyon. Narinig niyang huminga nang malalim si Jacob. “Eh, kasi you said, it’s just our secret that’s why I’m whispering. . .” Napangiti siya. Jacob really wanted to fulfill his promise. Truly, a man of his words, ika nga. “Who was there and why did you call?” tanong niya rito. “I was here in the living room. They were busy preparing for Kuya Alejandro’s welcome back party. Wala naman ako maitutulong sa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status