مشاركة

KABANATA 3

last update تاريخ النشر: 2026-05-03 16:18:33

KARA'S POV

Eight months later…

Ilang buwan na ang lumipas simula noong huli kong encounter sa lalaking may tattoo. Ni hindi ko nga siya nakita paggising ko kinabukasan. Hindi ko siya nakilala, at wala rin akong idea kung saan siya hahanapin. Kaya ibinuhos ko na lang lahat ng attention ko sa studies ko at sa pag-aasikaso ng documents para sa upcoming internship ko.

“Where are you going to spend your internship, Kara?” tanong ni Sancha.

Nasa isang mamahaling café kami, nagpapalamig sa aircon matapos ang nakakapagod na pag-aasikaso ng papeles para sa internship. Kung saan-saan kami pumunta para makumpleto ang lahat at makapag-enroll na.

“I don’t know yet. Kayo ba?” tanong ko sa kanila.

“So wala ka pang company?” tanong ni Louisse.

Umiling ako habang nakatitig sa baso ko—yelo na lang ang laman dahil naubos ko na ang inumin ko sa sobrang uhaw.

“Why don’t you come with me, girls? Mag-a-apply ako sa Stewheinz. Friends kasi si Daddy sa father ng CEO doon!” masayang sabi ni Louisse.

“Talaga? Eh di ikaw na ang priority!” biro ni Sancha.

Nag-roll eyes lang si Louisse at sinabi na kailangan lang namin mag-submit ng endorsement letter at résumé. Maghanda rin daw kami ng CV just in case.

Agad kaming pumunta doon. Parang nagmamadali kaming sumabay sa mundong biglang nagiging totoo sa harap namin. Pag-uwi namin, halos sabay-sabay kaming naghalungkat ng damit—yung pang-interview, hindi masyadong formal pero hindi rin mukhang estudyante lang.

Pagharap ko sa salamin, medyo nanginginig ang kamay ko. White blouse, knee-length skirt, and closed shoes. Simple pero malinis. Professional, sabi ni Louisse—kaya sinunod ko.

Pagdating namin sa Stewheinz Building, napanganga ako.

Napakalaki. Ultra-modern. At sobrang intimidating.

Yung glass façade, nagre-reflect ng sunlight na parang sinasabing:

Welcome to the real world, Kara. Don’t mess this up.

“Wow, parang hotel,” bulong ni Sancha.

“Girl, parang mansion ng mga ruler ng universe!” tawa ni Louisse, kahit halatang kinakabahan din siya.

Sa loob, malamig, mabango, at puno ng mga taong naka-corporate attire—mabilis kumilos, diretso, walang sayang na galaw.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Pero okay. Kaya ko ’to.

Pagdating namin sa interview room, sabay-sabay kaming napalunok. Isa-isa kaming tinawag. Nang ako na, parang dumadagundong ang tibok ng puso ko sa tenga ko. Pero surprisingly, naging maayos lahat. Kumalma ako nang ngumiti nang bahagya ang interviewer habang tinatanong kung bakit gusto ko ng exposure sa construction industry.

“I want to experience being in a real workplace since I will be an engineer soon, ma’am.”

Pagkatapos ng lahat, halos tumalon kami sa tuwa nang makapasa kaming tatlo agad.

“Congratulations, all three of you passed!”

Parang may fireworks sa dibdib ko. Hindi ako mapigilang ngumiti—ganun din sila.

Dinala agad kami sa construction sites ng Stewheinz. Nagsuot kami ng hard hats at vests. Bawat hakbang ay may halong kaba at excitement. Maingay ang makina, mabigat ang alikabok sa hangin, abala ang mga workers, at ramdam ang vibration ng lupa tuwing may inilalagay na hollow blocks.

“Girl, imagine next week tayo na ang mag-a-assist dito!” sigaw ni Sancha.

“Hindi pa nga tayo nagsisimula, excited ka na agad!” tawa ko.

Ramdam namin ang init ng araw at bigat ng responsibility—but higit sa lahat, ramdam namin ang saya. Pero habang pabalik kami sa main office hallway, may lumapit na staff.

“Miss Viancé, Miss Ramos, and Miss Vela? The CEO wants to meet you personally.”

Parang tumigil ang mundo ko.

“So dumating na si Mr. Stewheinz from overseas?” tanong ng guide namin.

“Yes, kakarating lang niya. Gusto niyang i-meet ang new interns,” sagot ng staff.

“The CEO?” ulit ni Louisse.

“Yes, right now. Please proceed to the 32nd floor.”

Nagkatinginan kami.

Oh my God… seryoso ba ’to? CEO agad?

Wala kaming choice kundi sumunod.

Sa elevator, tahimik kaming tatlo. Bawat tunog parang dagdag ka ba sa dibdib ko.

Pagbukas ng pinto sa 32nd floor, bumungad ang napakalaking hallway—marble floors, glass panels, minimalist design.

Tumigil kami sa harap ng malaking double doors:

FINNIAN MATTHEW STEWHEINZ — CEO

“Okay, girls… behave,” bulong ni Sancha.

Pagpasok namin, walang tao. Tahimik, malinis, at napakalaki. May malaking desk, at swivel chair na nakatalikod sa amin. Dahan-dahan ito agad na umikot.

One second, two, and three.

At nang humarap ito, nanlamig ang buong katawan ko. Parang may kuryenteng dumaan sa spine ko at huminto ang paghinga ko. Doon ko na-realize kung bakit pamilyar ang balikat, jawline, at paraan ng pag-upo niya—parang hari sa trono.

Siya.

Siya.

At siya.

Ang lalaking bumago sa mundo ko isang gabi, ang lalaking kumuha ng virginity ko, ang lalaking hindi ko nakilala, at ang lalaking pilit kong kinakalimutan… pero hindi ko magawa.

Ang tattooed stranger… nasa harap ko ngayon ay naka-formal suit.

At nakatingin sa amin gamit ang parehong mga mata na kinatakutan ko… at nahulog ako.

Ngumiti siya.

“Nice to meet you, interns,” sabi niya, malalim at delikadong charming ang boses. “I’m Finnian Matthew Stewheinz, the CEO of Stewheinz Construction Company.”

Parang nanghina ang tuhod ko, uminit ang mukha ko, at parang lulubog ang kaluluwa ko. Hindi ako makapagsalita at hindi ako makagalaw. Hindi ko rin maalis ang tingin ko sa lalaking hindi na sana muling babalik sa buhay ko.

Pero eto siya, nasa harap ko, at ngayon…siya ang CEO namin.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Ang Init ng Haplos ng Isang Bilyonaryo (SPG)   KABANATA 21

    KARA’S POVHindi ko ito maintindihan.Kahit ilang beses ko pang balikan sa isip ko ang naging pagpupulong na iyon, kahit gaano karaming paliwanag ang pilitin kong buuin para magkaroon ito ng kahulugan, wala pa rin sa mga iyon ang nagiging tama. Ang hiling ni Mr. Stewheinz na araw-araw akong mag-report sa kanya ay mali sa paraang hindi ko maipaliwanag nang maayos.Hindi ako sekretarya. Hindi ako personal assistant. At lalong hindi ako ang taong uutusan niya sa kahit anong bagay.“Isa akong engineer,” mahinang bulong ko habang nakaupo sa aking mesa, nakatitig sa mga site plan sa screen ng computer ko ngunit hindi ko naman talaga nakikita ang mga ito. “Hindi kung ano man itong ginagawa ko.”Nakatigil ang mga daliri ko sa ibabaw ng keyboard, naninigas at puno ng inis. Ang mga engineer ay dapat nasa site, dumadalo sa mga meeting, lumulutas ng mga problema, at gumagawa ng mga bagay na may tunay na halaga. Hindi nagsusumite ng araw-araw na repor

  • Ang Init ng Haplos ng Isang Bilyonaryo (SPG)   KABANATA 20

    THIRD PERSON'S POVHindi na nag-abala si Finnian Matthew Stewheinz na buksan pa ang mga ilaw nang makapasok siya sa kaniyang condominium.Marahang nagsara ang pinto sa kaniyang likuran, na para bang ikinulong siya sa isang espasyong binubuo lamang ng salamin, bakal, at katahimikan. Inihagis niya ang kaniyang mga susi sa console table, at ang tunog ng metal ay umalingawngaw sa malawak at halos walang lamang silid.Habang naglalakad patungo sa sala, niluwagan niya ang kaniyang kurbata at tuluyang hinubad ito, na para bang buong araw siyang sinasakal nito. Sa labas ng malalawak na bintana, kumikislap ang mga ilaw ng lungsod—buhay na buhay, walang tigil, at walang katapusan. Ngunit sa loob niya, pagod lamang ang nangingibabaw.Marahan siyang bumagsak sa sofa at itinakip ang isang braso sa kaniyang mga mata. Mabagal at kontrolado ang pag-angat at pagbaba ng kaniyang dibdib, na para bang pinipilit niyang ipaalala sa sarili kung paano muling huminga.

  • Ang Init ng Haplos ng Isang Bilyonaryo (SPG)   KABANATA 19

    KARA'S POVMarahang nagsara ang pinto pagkakalabas ni Mr. Stewheinz, ngunit nanatili ang bigat ng presensiyang iniwan niya sa silid, na tila makapal na usok na ayaw maglaho. Samantala, napabuntong-hininga si Mr. Lu at sumandal sa kanyang upuan. Marahan niyang minasahe ang sentido habang pilit na ngumingiti.“Hay…” malalim niyang buntong-hininga. “Palpak ang naging pag-uusap natin.”Tahimik lang akong nakatayo, mahigpit na magkahawak ang mga kamay sa harapan ko.“Hindi niya tinanggap ang bagong proposal,” pagpapatuloy ni Mr. Lu. “Wala man lang kahit kaunting senyales na handa siyang pag-isipan iyon.”Dahan-dahan akong tumango. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang dibdib ko matapos ang biglaang pagkikita namin ni Finnian.Bigla niya akong tiningnan nang diretso, na para bang may sinusukat siyang bagay na hindi ko nakikita.“Engr. Viancé,” bigla niyang sabi, “alam mo ba kung bakit isinama kita rito ngayong araw?”

  • Ang Init ng Haplos ng Isang Bilyonaryo (SPG)   KABANATA 18

    KARA'S POVMakalipas ang Isang Taon...Tahimik na nakatayo sina Sancha, Louisse, at Aaron sa likuran ko habang pababa akong nag-i-scroll sa screen. Nangangatog ang mga daliri ko sa pagkakahawak sa mouse. Mahina lamang ang ugong ng computer, ngunit natatabunan iyon ng malakas na tibok ng puso ko. Parang walang katapusan ang listahan ng mga pangalan, na tila sinasadya kaming subukin—ang pasensya namin, at pati na rin ang katinuan namin.“Dahan-dahan lang,” mahinang bulong ni Louisse habang hinahawakan ang likod ng upuan ko. “Masyado kang mabilis mag-scroll. Baka may malampasan ka.”“Hindi ko mapigilan,” mahina kong sagot, tuyong-tuyo ang lalamunan ko. “Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba.”Napatawa nang kinakabahan si Aaron. “Matapos ang lahat ng dugo, pawis, at puyat... ito na 'yon. Isang scroll lang ang magpapasya sa lahat.”Humalukipkip si Sancha habang kinakagat ang ibabang labi. “Anuman ang mangyari, ginawa natin ang

  • Ang Init ng Haplos ng Isang Bilyonaryo (SPG)   KABANATA 17

    KARA'S POVHindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas na iyon, pero buong puwersa kong sinuntok ang likuran niya. Hindi niya iyon inaasahan.Napasubsob siya sa unahan, nabitawan ako, at napahandusay malapit sa labasan ng club. Nang makalaya ako, nanghina ang mga tuhod ko, pero sapat ang galit na nag-aalab sa dibdib ko para manatili akong nakatayo. Itinuro ko siya habang nanginginig ang buo kong katawan, at mas malakas pa sa musikang umaalingawngaw mula sa loob ng club ang boses ko.“Bakit mo ginawa 'yon kay Aaron?!” sigaw ko. “Ano bang problema mo?!”Napatawa siya nang mapakla at puno ng panunuya habang hinihimas ang likod ng ulo niya, na para bang biro lang ang lahat ng ito. Pagkatapos ay itinuon niya muli sa akin ang malamig at matalim niyang tingin.“Sinabi ko na sa'yo,” mababa ngunit mapanganib niyang wika, “ayokong may ibang lalaking hu—”“HUWAG!” putol ko sa kanya, halos mapasigaw. Lumapit pa ako kahit unti-unti nang kina

  • Ang Init ng Haplos ng Isang Bilyonaryo (SPG)   KABANATA 16

    KARA'S POVLumipas ang mga araw at sa wakas ay natapos din ang aking OJT. Kasabay ng pagtatapos nito ay ang kakaibang bigat na bumalot sa akin. Nagawa ko ngang malampasan ang lahat, ngunit may bakanteng espasyong hindi ko maipaliwanag.Hindi dumalo si Mr. Stewheinz sa araw ng pamamahagi ng mga sertipiko. Sinubukan kong huwag isipin iyon, pero hindi ko mapigilan ang kirot sa dibdib ko dahil sa pagkawala ng kaniyang presensya—ang paraan ng paglapit niya, ang impluwensiya niya sa akin, at ang lahat ng tungkol sa kaniya.Pinagmasdan ko ang paligid. Halos lahat ng kaibigan ko ay nag-uumapaw sa saya habang tinatanggap ang kani-kanilang sertipiko, handang harapin ang susunod na yugto ng kanilang buhay.Ngunit para sa akin...May kulang."Sa wakas! Tapos na rin tayo!" masayang sigaw ni Sancha bago niya kami niyakap ni Louisse.Nanatili naman si Aaron matapos ang seremonya dahil nagpapatuloy pa rin ang internship niya sa kompanya

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status