LOGINKARA'S POV
Hindi ko alam kung bakit, pero kahit ilang buwan na ang lumipas, siya pa rin ang laging bumabalik sa isip ko. Yung init ng balat niya, yung tingin ng mata niya na parang kayang sakalin ang paghinga ko sa isang titig lang, at yung aura niya na parang pagmamay-ari niya ang buong gabi. Kahit pilitin ko, kahit anong gawin kong pag-focus sa internship, hindi ko siya maalis sa isip ko. Lalo na ngayon na nalaman kong… siya pala ang CEO namin.
Hindi ko sinasabi kina Sancha at Louisse. Hindi ko kayang sabihin at hindi ko rin kayang harapin ang magiging reaksyon nila, lalo na’t hindi ko rin maintindihan kung ano ba talaga ang nangyari o ano ang nararamdaman ko, kaya tahimik lang ako.
Iniiwasan ko siya at iniiwasan kong dumaan sa office niya kahit nasa iisang floor lang kami. Pero sa tuwing napapadaan ako, ramdam ko yung ilaw mula sa glass wall ng office niya… at parang may matang laging sumusunod sa bawat hakbang ko.
Pero mapaglaro ang tadhana.
“Kara, paki-sign kay Mr. Stewheinz ang mga documents na ito. Bilisan mo!” utos ni Ma’am Arroi habang nakataas ang kilay.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
“M-me? Ako, ma’am?” halos pabulong kong sagot habang tinatanggap ang papers.
“Yes, you. Go! Sino pa ba ang kaharap ko?”
Wala akong choice.
Habang naglalakad ako papunta sa office niya, nanginginig ang tuhod ko. Parang bata na itinutulak papasok sa kulungan ng lobo. Habang papalapit ako, lalong lumalamig ang hallway. Parang humahaba ang daan. At pagdating ko sa harap ng pinto niya, ramdam ko na ang kaba—umiinit ang mukha ko.
Kumatok ako, mahina lang, pero narinig niya.
“Come in.”
Malalim, matatag, at mas nakakatakot ngayon dahil parehong sober, maliwanag ang paligid, at wala na akong takas.
Pumasok ako nang dahan-dahan. Yung lamig ng office niya tumatagos sa balat ko. Nasa swivel chair siya, nakasandal, naka-white polo na bukas ang dalawang butones sa itaas, kita ang mga tattoo sa dibdib niya. Mas lalo siyang intimidating sa sariling mundo niya.
Nilapitan ko ang desk niya at inabot ang papers.
“Documents for signature, sir,” mahina kong sabi, pilit na hindi siya tinitingnan.
Narinig ko siyang huminga—mabagal, parang sinusuri ako.
“Sit,” utos niya.
Umiling ako.
“I’m fine, standing, sir. Okay lang.”
Isang mahinang tawa ang lumabas sa kanya, at hindi ko alam kung bakit parang may dumaan na kilabot sa katawan ko. Kinuha niya ang papers at habang pinipirmahan, ramdam ko ang bawat tingin niya.
Yung tingin na alam mong hindi dapat pansinin… pero hindi mo rin matakasan.
Kinagat niya ang dulo ng ballpen, parang iniisip kung saan unang tatama—nerves ko ba o kahinaan ko.
Nang ibalik niya ang pen, alam kong tapos na siya. Aatras na sana ako.
“Thank you, sir, I’ll—”
“Why are you in a rush?”
Natigilan ako. Hindi ako lumingon, pero naramdaman kong tumayo siya. Lumapit siya at nang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa leeg ko, halos hindi ako makahinga.
“How are you?” Bulong niya, sobrang lapit. “It’s been a while… I never thought you're four years younger than me.”
Parang nabagsakan ako ng yelo.
“But you look hotter than before.”
Biglang uminit ang buong mukha ko, parang sumikip ang blouse ko sa sobrang kaba, at humigpit ang hawak ko sa papers.
“T-thank you, sir… pero kailangan ko na talagang umalis,” pilit kong sabi. Nanginginig ang ngiti.
Ngumisi siya. 'Yung ngiti na alam mong alam niyang kontrolado niya ang sitwasyon.
“Shesh, kinakabahan ka?” bulong niya sa tenga ko.
Bago pa ako makagalaw, lalo siyang lumapit. Sobrang lapit na, halos magkadikit na kami. At bigla… hinalikan niya ako. Mabilis, magaan, pero sapat para mawalan ako ng balanse.
“You may go now,” bulong niya, parang walang nangyari. “See you later, baby.”
Narinig ko pa ang mahina niyang tawa habang umupo ulit siya sa chair niya, parang normal lang lahat. Pero yung ngiti niya, 'yun ang hindi ko makalimutan. Parang hawak niya ang buong mundo ko at parang alam niya kung gaano kalakas ang epekto niya sa akin. Huminga ako nang malalim at pumikit sandali. Pagmulat ko, lumabas ako ng office niya nang hindi lumilingon. Pero ramdam ko pa rin ang tingin niya sa likod ko.
Sa unang pagkakataon, na-realize ko na sobrang gulo na ng sistema ko dahil sa lalaking ’to.
At wala akong ideya kung paano siya aalisin dito.
--
It is a beautiful Saturday morning when I wake up.
Diretso ako sa shower para mag-freshen up dahil magsho-shopping ako today. Napag-usapan ng hiring manager ng Stewheinz at naming interns na wala kaming duty tuwing weekends. Intentional ’to para makapag-focus kami sa journal making at matapos ang mga papeles na inuuwi namin. Wala namang masyadong gagawin. Dalawang papers lang ang ibinigay sa akin ni Ma’am Arroi, kaya balak kong tapusin mamaya. Kaya buong araw, free ako lumabas.
Hindi ko makakasama sina Sancha at Louisse today kasi uuwi sila sa pamilya nila, sabi nila pagod na pagod daw sila kahit halos isang buwan pa lang kaming interns.
“Karaella, aalis ka?” tawag ni Daddy.
Baba na ako ng hagdan nang lumabas siya sa kabilang staircase mula sa kwarto niya.
Ngumiti ako at tumakbo para yakapin siya. Umiling siya habang tumatawa, tapos kinuha niya ang wallet niya at binigyan ako ng pera. Sabi niya extra money daw for self-pampering. Aside sa shopping, plano ko rin magpa-foot spa at facial.
God, internship is making me look so stressed.
“Dad… can I spend—” Naglalaro ako sa kuko ko at nagpa-cute, pero hindi niya ako pinatapos.
Gusto ko lang sana mag-overnight sa place ni Louisse. At hindi lang simpleng overnight kasi magpa-party kami.
“Actually, I’m planning to bring you to a business party on Sunday. Tomorrow ’yon,” sabi niya bigla.
“But, Da—” try ko ulit, pero pinutol niya ako ulit.
“You are coming with me, Kara. Hindi ka lalabas with your friends. End of discussion!”
Dumiretso siya sa kitchen na parang tapos na ang usapan. Umupo ako sa sofa, nakapout, halatang naiinis.
Anong gagawin ko doon? Puro matatandang businessmen lang. Wala pang cute.
Pero kahit naiinis ako, nagpaalam pa rin ako kay Daddy bago umalis. Paglabas ko ng bahay, sinalubong ako ng init ng araw, pero hindi pa rin nito natutunaw ang inis ko. Pero pilit akong ngumiti.
This is my day.
Pagdating ko sa mall, agad akong nilamon ng ingay at liwanag. Yung lamig ng aircon parang yakap na hinihintay ko. Dumiretso ako sa boutiques.
Isa-isa kong hinawakan ang mga damit—malalambot na tela, colors na nakaka-good vibes. Bumili ako ng office blouses at simpleng dress na elegant pero hindi OA. Sa bawat swipe ng card ko, parang binibili ko ulit yung confidence na ninanakaw ng pagod sa akin.
After shopping, dumiretso ako sa salon. Amoy chemicals at perfume, pero strangely calming. Umupo ako sa swivel chair at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Mukha akong… pagod.
Kaya nang mag-suggest ang stylist ng konting color change sa hair at trim, pumayag ako agad. Habang unti-unting nagbabago ang buhok ko, parang may nabubura rin sa loob ko—stress, pagod, puyat.
Pagtingin ko ulit sa salamin, may bago sa akin. Mas maliwanag. Sunod ang manicure at pedicure. Dahan-dahan nililinis ang nails ko. Parang bawat haplos sinasabi na deserve ko rin alagaan. Pinili ko yung color na simple pero classy. Pag tayo ko, parang mas magaan ang pakiramdam ko.
Pero biglang huminto lahat.
Paglapit ko sa takoyaki shop, bigla akong natigilan. Parang may malamig na humawak sa dibdib ko. Nasa loob siya, si Mr. Stewheinz.
Kasama ang isang maputing babae, mahaba ang buhok, maganda, at mukhang sanay sa atensyon. Nagfe-feed sila ng takoyaki sa isa’t isa, tumatawa, parang wala silang pakialam sa mundo.
Masakit. Hindi ko alam kung bakit, pero masakit. Pumasok ako kahit gusto kong iwasan, pero sa isang iglap, tumingala siya. Nagtagpo ang mga mata namin.
At doon, ngumiti siya. 'Yung ngiti na parang may laman at parang nang-aasar. Mas lalo akong nainis nang makita kong dahan-dahang umakyat ang kamay niya sa hita ng babae habang nakatingin pa rin siya sa akin. Parang sinasadya. Parang may gustong patunayan.
Maniac!
Kumaway pa siya, parang normal lang lahat. Hindi ko siya pinansin. Wala akong lakas ngumiti o magkunwari. Mabilis akong lumabas at halos tumakbo palayo. Dumiretso ako sa powder room, pumasok sa cubicle, at hinawakan ang dibdib ko. Hingal na hingal ako, parang tumakbo nang malayo.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin—namumula ang pisngi, magulo ang emosyon.
Nag-overthink ako.
Galit ba siya? Naiinis ba siya kasi hindi ko siya binati? Boss ko pa rin siya… intern lang ako… dapat binati ko siya.
Pero mas malakas yung isa pang tanong na sumisigaw sa isip ko…
Who is that woman?
Hindi ko alam kung bakit mahalaga. Hindi ko alam kung bakit may kirot sa dibdib ko na parang selos, kahit wala akong karapatan.
Pumikit ako at huminga nang malalim.
“Get a grip, Kara,” bulong ko sa sarili ko.
Pero kahit anong gawin ko, nananatili yung bigat sa dibdib ko—isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag, pero ramdam na ramdam ko hanggang kaibuturan.
KARA’S POVHindi ko ito maintindihan.Kahit ilang beses ko pang balikan sa isip ko ang naging pagpupulong na iyon, kahit gaano karaming paliwanag ang pilitin kong buuin para magkaroon ito ng kahulugan, wala pa rin sa mga iyon ang nagiging tama. Ang hiling ni Mr. Stewheinz na araw-araw akong mag-report sa kanya ay mali sa paraang hindi ko maipaliwanag nang maayos.Hindi ako sekretarya. Hindi ako personal assistant. At lalong hindi ako ang taong uutusan niya sa kahit anong bagay.“Isa akong engineer,” mahinang bulong ko habang nakaupo sa aking mesa, nakatitig sa mga site plan sa screen ng computer ko ngunit hindi ko naman talaga nakikita ang mga ito. “Hindi kung ano man itong ginagawa ko.”Nakatigil ang mga daliri ko sa ibabaw ng keyboard, naninigas at puno ng inis. Ang mga engineer ay dapat nasa site, dumadalo sa mga meeting, lumulutas ng mga problema, at gumagawa ng mga bagay na may tunay na halaga. Hindi nagsusumite ng araw-araw na repor
THIRD PERSON'S POVHindi na nag-abala si Finnian Matthew Stewheinz na buksan pa ang mga ilaw nang makapasok siya sa kaniyang condominium.Marahang nagsara ang pinto sa kaniyang likuran, na para bang ikinulong siya sa isang espasyong binubuo lamang ng salamin, bakal, at katahimikan. Inihagis niya ang kaniyang mga susi sa console table, at ang tunog ng metal ay umalingawngaw sa malawak at halos walang lamang silid.Habang naglalakad patungo sa sala, niluwagan niya ang kaniyang kurbata at tuluyang hinubad ito, na para bang buong araw siyang sinasakal nito. Sa labas ng malalawak na bintana, kumikislap ang mga ilaw ng lungsod—buhay na buhay, walang tigil, at walang katapusan. Ngunit sa loob niya, pagod lamang ang nangingibabaw.Marahan siyang bumagsak sa sofa at itinakip ang isang braso sa kaniyang mga mata. Mabagal at kontrolado ang pag-angat at pagbaba ng kaniyang dibdib, na para bang pinipilit niyang ipaalala sa sarili kung paano muling huminga.
KARA'S POVMarahang nagsara ang pinto pagkakalabas ni Mr. Stewheinz, ngunit nanatili ang bigat ng presensiyang iniwan niya sa silid, na tila makapal na usok na ayaw maglaho. Samantala, napabuntong-hininga si Mr. Lu at sumandal sa kanyang upuan. Marahan niyang minasahe ang sentido habang pilit na ngumingiti.“Hay…” malalim niyang buntong-hininga. “Palpak ang naging pag-uusap natin.”Tahimik lang akong nakatayo, mahigpit na magkahawak ang mga kamay sa harapan ko.“Hindi niya tinanggap ang bagong proposal,” pagpapatuloy ni Mr. Lu. “Wala man lang kahit kaunting senyales na handa siyang pag-isipan iyon.”Dahan-dahan akong tumango. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang dibdib ko matapos ang biglaang pagkikita namin ni Finnian.Bigla niya akong tiningnan nang diretso, na para bang may sinusukat siyang bagay na hindi ko nakikita.“Engr. Viancé,” bigla niyang sabi, “alam mo ba kung bakit isinama kita rito ngayong araw?”
KARA'S POVMakalipas ang Isang Taon...Tahimik na nakatayo sina Sancha, Louisse, at Aaron sa likuran ko habang pababa akong nag-i-scroll sa screen. Nangangatog ang mga daliri ko sa pagkakahawak sa mouse. Mahina lamang ang ugong ng computer, ngunit natatabunan iyon ng malakas na tibok ng puso ko. Parang walang katapusan ang listahan ng mga pangalan, na tila sinasadya kaming subukin—ang pasensya namin, at pati na rin ang katinuan namin.“Dahan-dahan lang,” mahinang bulong ni Louisse habang hinahawakan ang likod ng upuan ko. “Masyado kang mabilis mag-scroll. Baka may malampasan ka.”“Hindi ko mapigilan,” mahina kong sagot, tuyong-tuyo ang lalamunan ko. “Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba.”Napatawa nang kinakabahan si Aaron. “Matapos ang lahat ng dugo, pawis, at puyat... ito na 'yon. Isang scroll lang ang magpapasya sa lahat.”Humalukipkip si Sancha habang kinakagat ang ibabang labi. “Anuman ang mangyari, ginawa natin ang
KARA'S POVHindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas na iyon, pero buong puwersa kong sinuntok ang likuran niya. Hindi niya iyon inaasahan.Napasubsob siya sa unahan, nabitawan ako, at napahandusay malapit sa labasan ng club. Nang makalaya ako, nanghina ang mga tuhod ko, pero sapat ang galit na nag-aalab sa dibdib ko para manatili akong nakatayo. Itinuro ko siya habang nanginginig ang buo kong katawan, at mas malakas pa sa musikang umaalingawngaw mula sa loob ng club ang boses ko.“Bakit mo ginawa 'yon kay Aaron?!” sigaw ko. “Ano bang problema mo?!”Napatawa siya nang mapakla at puno ng panunuya habang hinihimas ang likod ng ulo niya, na para bang biro lang ang lahat ng ito. Pagkatapos ay itinuon niya muli sa akin ang malamig at matalim niyang tingin.“Sinabi ko na sa'yo,” mababa ngunit mapanganib niyang wika, “ayokong may ibang lalaking hu—”“HUWAG!” putol ko sa kanya, halos mapasigaw. Lumapit pa ako kahit unti-unti nang kina
KARA'S POVLumipas ang mga araw at sa wakas ay natapos din ang aking OJT. Kasabay ng pagtatapos nito ay ang kakaibang bigat na bumalot sa akin. Nagawa ko ngang malampasan ang lahat, ngunit may bakanteng espasyong hindi ko maipaliwanag.Hindi dumalo si Mr. Stewheinz sa araw ng pamamahagi ng mga sertipiko. Sinubukan kong huwag isipin iyon, pero hindi ko mapigilan ang kirot sa dibdib ko dahil sa pagkawala ng kaniyang presensya—ang paraan ng paglapit niya, ang impluwensiya niya sa akin, at ang lahat ng tungkol sa kaniya.Pinagmasdan ko ang paligid. Halos lahat ng kaibigan ko ay nag-uumapaw sa saya habang tinatanggap ang kani-kanilang sertipiko, handang harapin ang susunod na yugto ng kanilang buhay.Ngunit para sa akin...May kulang."Sa wakas! Tapos na rin tayo!" masayang sigaw ni Sancha bago niya kami niyakap ni Louisse.Nanatili naman si Aaron matapos ang seremonya dahil nagpapatuloy pa rin ang internship niya sa kompanya







