LOGINNagising ako at bumungad sa akin ang puting kisame. Kung kanina ay nakaramdam pa ako ng saya dahil isang magarang kisame ang bumungad sa akin, ngayon ay nakaramdam ako ng lungkot.
Hindi ko alam kung bakit iyon ang naramdaman ko. Para kasing ang lungkot ng kisameng puti. Ano ba itong iniisip ko? Nilibot ko ng tingin ang paligid. May dextrose na nakakabit sa akin. Nasa hospital ako. Pero ako lang mag-isa. Siguro private ward ito. Hindi tulad noong na-hospital si Carmelle, siksikan kami sa ward. At doon, bigla kong naalala, wala na si Carmelle at hindi ko naman alam kung nasaan si Marion. Biglang bumukas ang p***o at pumasok ang isang doktor, isang nurse at ang huli kong nakita ay si Lucien. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala kami pormal na nagpapakilala sa isa't isa. Pero sumagi rin sa isip ko ang mga sinabi ng babaeng iyon kanina. Kung tama ako ng pagkaaalala sa mga sinabi niya, nangongolekta lang daw si Lucien ng virginity ng babae? Dinadala niya sa bahay niya at pinapangakuan ng kasal. Pagkatapos ay pinapatay niya sila. Pero... Bakit niya ako binili na hindi naman ako virgin? Isa pa, alam niya ng buntis ako pero bakit parang maganda pa rin ang trato niya sa akin? "Huwag po kayong mag-alala, Mrs. Del Amore, ligtas naman ang baby ninyo ni Mr. Del Amore," sabi ng doktor. Mrs. Del Amore? Napahinga ako nang maluwag. Mabuti naman at ligtas ang bata. Kahit pa sabihing nabuo siya sa hindi inaasahang pagkakataon ay anak ko pa rin siya. May kung ano pang ginawa ang nurse ay may pinag-usapan pa ang doktor at si Lucien. Hindi ko na sila pinansin dahil abala pa rin ang utak ko sa pag-iisip kung ano bang nangyayari. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang lumabas na pala ang nurse at ang doktor. Nakapamulsang nakaharap sa akin si Lucien. "Kumusta ang pakiramdam mo?" "Papatayin mo rin ba ako?" direkta kong sagot. Napataas ang kilay niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Nangongolekta ka raw ng mga babaeng birhen. Hindi naman ako birhen pero bakit mo ako binili?" tanong ko ulit. Mukhang naliwanagan siya. "Iyon ba ang sinabi ni Rachel?" "Alam nating dalawa na hindi sayo ang batang nasa sinapupunan ko," sabi ko pa. "At higit sa lahat ay hindi ikaw ang nakakuha sa pagkabirhen ko." "Kung ganoon, sino?" Para akong nasampal sa tanong niyang iyon. "Sino ang lalakeng nakakuha ng pagkabirhen mo?" Ang gagong iyon. Binuntis pa ako! Nang mapansin niyang wala akong balak magsalita dahil hindi ko naman talaga alam kung sino ang lalakeng iyon, ay nagsalita siya ulit. "Si Rachel ay mahalaga sa akin. Kaya huwag mong dibdibin ang lahat ng sasabihin niya at huwag mo na siyang sasaktan." Napairap ako. "Siya ang nanakit sa akin. Hinila niya ang buhok ko kaya ako nahulog sa sahig. Sinampal niya pa ang sarili niya para magmukhang sinaktan ko siya, baliw ba siya?" Nang hindi man lang siya nagsalita ay napatingin ako sa kanya. Namumula ang tainga niya. Halatang galit siya. "Kung iniisip mong nagsisinungaling ako, maglagay ka ng CCTV sa buong bahay mo," sabi ko pa at inirapan siya kahit hindi niya naman iyon nakikita. "Tama na." Huminga ako nang malalim. Mukhang hindi nga siya naniniwala sa akin. Bahala nga siya sa buhay niya! Dumagdag pa ang babaeng iyon sa mga iisipin ko. Ang dami kong dapat isipin— mga kasagutan sa lahat ng tanong ko. Bago pa ako tumalikod ng higa ay nahila niya na ang kama ko. "A-Anong gagawin mo?" Sasaktan niya ba ako dahil iniisip niyang ako nga ang nanakit sa babaeng baliw na iyon? Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Ito na yata ang katapusan ko. Biglang siyang may isinuot na singsing sa palasingsingan ko. Eh? "Wedding ring natin iyan, huwag mong iwawala," sabi niya at pinakita rin ang singsing sa daliri niya. "Wedding ring?" nagtataka kong tanong. "Kahit sa panaginip ko ay hindi pa ako ikinakasal. Paanong naging kasal na tayo?" Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya nang tiningnan ko siya. Ngumiti ba siya? "Kaibigan ko ang mayor kaya madali lang ang naging proseso para maging legal na mag-asawa tayo," paliwanag niya pa. "Pag-uusapan na lang natin kasama si lolo kung kailan gaganapin ang kasal natin sa simbahan." Legal na kaming mag-asawa? Ganoon lang kadali? Ni hindi ko pa nga alam kung ano ba talaga ang nangyayari pero ito at kasal na kami. Hay naku. Iba talaga kapag mayaman, mabilis lang ang lahat sa kanila. Nang may maalala ako. "M-May hihingiin sana akong p-pabor..." "Ano iyon?" "Tatlong linggo na ang nakalilipas, bago ako napunta sa impyerno na iyon, namatay ang kapatid kong babae—" "Ah, oo. Nabigyan namin siya ng maayos na libing," sagot niya kaagad na hindi pa man natatapos ang sanang sasabihin ko. "Dadalhin kita sa puntod niya kapag naka-recover ka na." Nakakunot ang noo kong napatingin sa kanya. "Paano mo nalaman?" Parang natauhan naman siya at kaagad na umiwas ng tingin sa akin. Kung saan-saan nakarating ang mga mata niya na para bang naghahanap ng irarason sa akin. "Hindi na mahalaga. Magpahinga ka na. May aasikasuhin pa ako." Lumabas na nga siya nang hindi man lang lumilingon sa akin. Duda na talaga ako. Sino ba talaga si Lucien Del Amore? Nalipat ang tingin ko sa singsing na isinuot niya sa daliri ko. Kakaibang wedding ring naman ito? Itim siya at sa gitna ay napapalibutan ng gold na may diamond. Gold? Diamond? Magkano kaya ito kun ibebenta? Pero sabi niya ay huwag kong iwawala. Isa pang tanong... Bakit kulay itim? Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang bumukas ulit ang p***o. Lihim na lang akong napamura. Bakit nandito na naman siya. "Kaya ka pala niya pakakasalan, sa lahat kasi ng babae niya ay ikaw ang aksidente niyang nabuntis," sabi ni Rachel, oo siya. "Pagkatapos mo daw manganak ay saka ka niya papatayin." "At least ako, naikama niya at magkakaanak pa kami, mahahawakan ko siya lagi, makakatabi sa kama, magsasabay ng ligo at higit sa lahat..." Tinaas ko ang kamay kong may suot na singsing. "Binigyan niya pa ako ng wedding ring." Hindi ko alam kung bakit biglang may nagbago sa ugali ko, siguro dahil sa pagbubuntis ko? Pero dati kasi hindi ako pumapatol sa mga taong mukhang hayop, pero ngayon ang tapang ko na. Mukhang epektibo naman dahil para na siyang bulkan na malapit nang pumutok. "Huwag kang masyadong mayabang," sabi niya at kaagad na lumabas. Iyon lang ang sinabi niya? Tsk. Nakakadismaya. Akala ko pa naman ay ang haba pa ng speech niya, kesyo siya ang mahal ni Lucien— Pero sabi ni Lucien kanina ay mahalaga si Rachel sa kanya. Nagtutugma naman ang mga sinasabi nilang dalawa. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ako ang pinakasalan niya at hindi si Rachel? Kahit anong piga ang gawin kong pag-iisip ay hindi ko talaga maitindihan. Para bang may nakalimutan akong mahalagang bagay. Ano kaya iyon?Hindi ko alam kung anong oras ako nagising. Ang alam ko lang, bago ko pa man tuluyang imulat ang mga mata ko, naririnig ko na ang mahinang pagkatok sa pinto ng hotel suite namin ni Lucien.“Ma’am Rain?”Boses ni Ellen iyon. Napabuntong-hininga ako at pilit na iminulat ang mga mata. “Pasok.”Bahagyang bumukas ang pinto. “Good morning, ma’am. Alas-sais na po.”Napapikit akong muli. Bakit parang kahapon lang nang sabihin sa amin ni Lolo Alfonso ang tungkol sa selebrasyon na iyon?Ngayon na ang araw ng selebrasyon. Ang araw na opisyal akong ipakikilala ng pamilya Del Amore sa napakaraming tao bilang asawa ni Lucien.At sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na maisip kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Buong buhay ko, hindi ko kailanman maiisip na isang araw ay gigising ako sa isang napakalaking hotel suite, may mga stylist at makeup artist na naghihintay sa akin, at halos buong hotel ay abala sa isang selebrasyon na para sa akin.Napaupo ako sa kama. Hindi ko a
Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o kabahan. Mula sa sala ay lumipat kami rito sa study ni Lucien.“Gaganapin natin ang pinakamalaking selebrasyon na mangyayari sa kasaysayan ng pamilya Del Amore,” sabi ni Lolo Alfonso.Napatingin ako sa kanya mula sa kabilang bahagi ng mesa. Sa harapan namin ay nakalatag ang napakaraming dokumento—mga listahan ng bisita, floor plan ng ballroom, menu, mga disenyo ng invitation, at maging ang plano para sa seguridad. Sa dami ng papel na nakikita ko, parang hindi isang simpleng selebrasyon ang pinag-uusapan namin.Napalingon ako kay Lucien. Nakaupo siya sa tabi ko, kalmado gaya ng dati. Binabasa niya na ang mga dokumento, para bang walang anumang bagay sa mundo ang kayang gumambala sa kanya.Bahagyang kumunot ang noo ni Lucien. “Hindi ba at parang engrande masyado ito, lo?”“Dapat lang dahil ipapakilala natin si Rain,” sagot naman ni Lolo Alfonso. “Bilang asawa ng CEO ng Del Amore Group of Companies, nararapat lang ang engrandeng selebrasyon.”Na
Nagising ako kinabukasan na sobrang bigat ng nararamdaman. Naghalo-halo na yata lang mga iniisip ko. Idagdag pang buntis ako.Hindi naman ako nasusuka o nahihilo. Parang gusto ko lang humiga buong araw at matulog nang matulog.Nang biglang tumunog ang tiyan ko. Nagugutom lang pala ako.Narinig ko ang mahinang tawa sa tabi ko. Nakalimutan kong sabihin na may katabi pala akong lalake.Hinarap ko siya at nakitang nakatingin na pala siya sa akin. Nagtagisan yata kami ng tingin at wala ni isa sa amin ang gustong umiwas ng tingin.Ilang sandali ay inayos niya ang buhok kong nagkalat sa mukha ko. "Mabuti na lang at walang may nangahas na alukin ka ng kasal noon.""Sino namang mag-aalok ng kasal sa tulad kong mahirap, walang pinag-aralan at—""But you're beautiful, inside and out," kaagad niya naman sabi.Ang aga-aga kung ano-anong sinasabi.Sa totoo lang ay hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Rachel o ni Tiya Adella. Sabihin na lang nating masama nga siyang tao pero sa twing nakatingin s
"R-Rania?" Bakas sa mukha ni Tiya Adella ang labis na pagkagulat. "P-Paanong nandito ka? Ang s-sabi ni Badong ay binenta ka niya sa isang auction kaya abswelto na ako sa mga utang ko sa kanya at sa boss niya."Nalipat ang tingin niya kay Lucien at mukhang nakuha niya naman ang sagot sa mismong tanong niya."Siya ang nakabili sayo?" tanong niya pa at nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Lucien.Inalalayan akong maupo ni Lucien sa bangkong hinila niya. Prente akong umupo habang nakatingin sa nakaluhod na si Tiya Adella."Noong dalhin ka ni tatay sa bahay, akala ko ay mapupunan mo ang pangungulila namin kay nanay. Nakaramdam ako ng pag-asa, dahil bilang panganay, nahirapan ako sa lahat ng bagay," panimula ko habang pilit na pinipigilan ang mga luha kong nagbabadya nang pumatak. "May saya at may pangamba rin. Dahil baka iwan mo rin si tatay dahil baka gawin niya sayo ang ginawa niya kay nanay— nananakit at palamunin mo lang."Naramdaman ko ang kamay ni Lucien na pinatong niya sa balikat
Hindi rin kami nagtagal ni Inday sa pakikipagkwentuhan kay Ellen. Bukod sa kailangan niya munang magpahinga ay nagugutom na rin ako.Wala pa rin si Lucien nang makabalik ako sa loob ng mansyon."Kumain ka na muna," sabi pa ni Manang Fely. "Bawal sa buntis ang nagpapalipas ng gutom.""Umalis na ba ang bruha, manang?" tanong ni Inday habang nagpalinga-linga."Kanina pa, hindi yata nakayanan ang mga sinabi ni Rain kanina," sagot naman ni Manang Fely at nilingon ako. "Ihahanda ko lang ang hapag."Nasaan kaya si Lucien?Gusto ko siyang tawagan pero wala naman akong cellphone.Hanggang sa matapos na lang akong kumain ay wala pa rin siya. Wala akong nagawa kung hindi ang hintayin siya sa may sala. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at paggising ko ay nasa kwarto na ako."Gising ka na pala."Bigla kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Lucien na nagpupunas ng kanyang buhok. Mukhang bagong ligo yata siya."Nakauwi ka na pala," sabi ko at dahan-dahang bumangon. "Kanina pa a
Kung saan-saan na napunta ang kwentuhan namin lalo pa at si Inday ang panay salita. Puro lang kalokohan ang alam.Oras na siguro para mas kilalanin namin ang isa't isa. Para sa akin hindi lang sila basta mga tauhan lang— mga kaibigan ko na sila."Alam ba ninyo na hindi pa rin ako makapaniwala na biglang ganito kalayo ang niliko ng buhay ko," panimula ko at nakuha ko naman ang atensyon nila dahil bigla silang naging seryoso. "Akala ko ay roon na ako mamamatay sa auction na iyon. Hindi ko alam kung kailangan ko bang magpasalamat sa madrasta namin dahil binenta niya ako kaya nakilala ko si Lucien.""Para sa akin density ang tawag doon, mam!" sabi pa ni Inday.Panay na ang saway ko sa kanila na tawagin na lang akong Rain o hindi kaya ay Rania, pero ayaw pa rin talaga nila."Anong density? Destiny iyon, Inday," pagtatama naman ni Ellen."Pareho lang iyon, binaliktad mo lang!" nakangusong sabi ni Inday.Tinawanan lang siya ni Ellen. Mas maganda si Ellen kapag ganitong tumatawa at ngumingiti







