공유

Chapter 4

작가: Alshin07
last update 게시일: 2026-07-31 02:07:34

Nagising ako at ang unang bumungad sa akin ay ang napakagarang kisame. Hindi pa ako nakakakita nang ganito kagandang kisame.

OA man pero sa isang tulad ko na lumaki sa isang bahay na butas-butas ang atip, masasabi kong ang swerte ko na kapag nagising akong ganito ang nakikita.

Nang maalala ko ang mga nangyari kanina ay saka pa lamang ako napabalikwas ng bangon. Siniguro kong hindi ako nananaginip. Napansin ko ring iba na ang suot ko at magaan ang pakiramdam ko. Pinaliguan ba at binihisan nila ako?

Bigla akong nahiya. Ibig sabihin ay nakita nila ang katawan ko. Napapailing na lang ako. Mahihiya pa ba ako kung ilang lalake na ang nakakita sa hubad kong katawan sa aution na iyon?

Biglang bumukas ang p***o at pumasok si Mr. Del Amore. "You're awake."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

"Don't worry, ako ang nagpaligo at nagbihis sayo."

"A-Ano?" Nanlaki ang mga mata ko. "B-Bakit mo ginawa iyon?"

"Ayos lang naman iyon dahil ikakasal naman tayo," sabi niya na para bang maliit na bagay lang ang sinabi niya.

"Teka lang..." sabi ko at lakas-loob na nagtanong. "Pwede bang ipaliwanag mo sa akin kung anong nangyayari? Binili mo ko sa napakalaking halaga para lang pakasalan?"

"Why? May iba pang dapat na rason?" balik niyang tanong sa akin.

Napalunok-laway ako. "Bakit? Gusto kong malaman ang totoo kung bakit."

Umupo siya sa paanan ng kama at direktang nakatingin sa akin. Hindi ko masalubong ang mga titig niya— nakakailang.

"Para may maipakilalang asawa sa buong pamilya ko at sa publiko?" sabi niya na para bang hindi sigurado.

"Sa ganoong kalaking halaga?" Hindi pa rin ako kumbinsido. "Mayaman ka, may itsura, kaya sigurado akong maraming babaeng nagkakagusto sayo. Kaya bakit ako pa?"

"May itsura?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. Nakangisi pa siya na hindi ko alam kung natuwa ba siya sa sinabi ko o nainsulto. "Hindi ba dapat kang magpasalamat sa akin dahil iniligtas kita?"

Dapat ba?

"Sa mundong kinalakihan ko, may kapalit ang bawat kabaitang pinapakita ng isang tao," prangka kong sabi. "Lumaki ako sa mundong mapang-api at hindi patas. Kaya kung ano man ang kapalit na hihingiin mo, pwede bang sabihin mo na sa akin? Sa totoo lang, hindi ako naniniwalang binili mo ako sa ganoong halaga para lang may maipakilalang babae sa pamilya mo at sa publiko."

Sa pagkakataong ito ay sinalubong ko ang mga tingin niya sa akin. Kanina lang ay nakuha niya pang ngumisi, pero ngayon, hindi ko na alam kung anong reaksyon ang nasa mukha niya.

Awa?

Siguro nga.

Pero hindi pa rin ako maniniwala na dahil lang sa awa kaya siya gumastos ng fifteen billion. Tapos gusto niya akong pakasalan dahil sa awa?

Nabagok ba ulo niya?

Umiwas siya ng tingin. "Malalaman mo rin ang totoong dahilan. Pero sa ngayon, wala kang ibang pagpipilian kung hindi ang pumayag. Una sa lahat, hindi ka na maghihirap at higit sa lahat, kung gusto mong bigyan ng magandang kinabukasan ang magiging anak mo."

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin— anak?" Natigilan ako at napatitig sa kanya. "A-Anong ibig mong sabihin?"

"Habang tulog ka kanina ay sinuri ka ng doktor. Twenty eight days ka ng buntis."

Buntis ako?

Nagbunga ang isang gabing iyon kasama ang lalakeng ni hindi ko man lang nakita ang mukha at kahit pangalan niya ay hindi ko alam?

Tumayo siya at ibinulsa ang mga kamay niya. "Kahit ano pa man ang rason ko, nagbayad ako nang malaki kaya wala kang pagpipilian kung hindi ang pakasalan ako."

"Pakakasalan mo pa rin ako kahit na buntis ako?" tanong ko ulit.

"Oo, ibibigay ko ang apelyido ko sa batang nasa sinapupunan mo," direkta niyang sagot, walang bahid ng pag-aalinlangan.

"Nababaliw ka na ba?" Hindi na nga ako makapaniwala na pakakasalan niya ako para lang may ipakilala sa pamilya niya, tapos buntis pa ako at aakuin niya ang responsibilidad? Kahit baliw hindi maiisip iyan!

"Siguro nga nababaliw na ako," sagot niya at tinalikuran ako, lalabas na yata siya. "Pero hindi ba at mas baliw ka? Sa halip na magpasalamat ay kung ano-ano pang sinasabi mo. Isipin mo na lang, naaawa ako sayo at binili kita dahil kaya ko. Mura pa nga ang fifteen billion."

Bakit biglang nagbago ang tono ng pananalita niya? Biglang lumamig at nakaramdam ako ng panliliit sa sarili.

Tuluyan na siyang lumabas at naiwan akong tulala— wala akong maintindihan sa mga nangyayari.

Hindi pa ako nakakabawi nang bumukas ulit ang p***o.

"So you're the bitch?"

Pumasok ang babaeng may makapal na make up, nakasuot nang mamahaling damit, at mataas na heels. Iyong bibig niya, parang janitor fish, ang kapal.

"At dito ka pa natulog sa kwarto ni Lucien!" sigaw niya pa habang papalapit siya sa akin.

Kwarto nino?

"Huwag kang magmayabang na porket pakakasalan ka ni Lucien ay mahal ka niya," dagdag niya pa habang nakahalukipkip sa harapan ko. "Hindi mo ba alam na ilang babae na ang dinala niya rito at sinabihan niyang pakakasalan. Lahat sila ay si Lucien ang nakakuha sa virginity nila! Pero ni isa sa kanila ay hindi nagtagal, lahat sila namatay! Nangongolekta lang siya ng mga virgin! At ako ang pinakaespesyal dahil hindi niya pa ako nakukuha!"

Ano raw?

Wala akong maintindihan kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Sino ba siya?

"Ako ang mahal ni Lucien!"

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumuka ang bibig ko at nagsita. Para bang may sariling pag-iisip ang bibig ko. "Kung ganoon, bakit hindi ikaw ang inaalok niya ng kasal?"

Mukhang mas lalo ko siyang nagalit at sa isang iglap ay hinila niya ang buhok ko. "P*****a kang p****k ka! Ito ang bagay sayo! May gana ka pang magmayabang!"

Pinilit ko namang binabawi ang buhok ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak. Pero dahil wala pa rin akong lakas ay nahila niya ako at bumagsak ako sa sahig.

May narinig kaming mga yabag na papalapit at nagulat na lang ako nang sampalin niya ang sarili niya saka sumigaw. "Bakit mo ako sinampal? Tinulungan lang naman kitang makatayo pero ito ang igaganti mo sa akin?"

Ilang gramo ba ng gamot ang nainom ng babaeng ito?

"Rachel!"

Kaagad na dinaluhan ni Mr. Del Amore ang babaeng baliw na ito. Bagay silang dalawa, mga baliw.

"Sinampal niya ako, Lucien..." Puno ng awa ang boses niya at umiyak pa siya. "Tinulunga ko lang naman siyang tumayo."

Siya pala si Lucien? Ang nangongolekta ng mga virgin na babae? Pero hindi ba alam ng babae na ito na hindi na ako virgin?

Nalipat ang tingin sa akin ni Lucien. Puno iyon ng galit na nagbigay sa akin ng kakaibang takot.

Papatayin niya rin ba ako? Gaya ng babaeng iyon?

Biglang sumakit ang puson ko. Saka ko lang napansin ang mainit na likidong nagkalat sa kinauupuan ko.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 70

    Hindi ako huminto.Muli akong nasangkot sa isang komprontasyon. May isang lalaking humarang sa akin, at isa pa ang sumunod mula sa likuran. Hindi ko na matandaan kung ilang beses akong napaatras o ilang beses akong muntik madapa.Ang natatandaan ko lamang ay ang paulit-ulit na tunog ng mga yabag at ang higpit ng pagkakahawak ko sa itim na plastic bag.Hindi ko iyon maaaring bitawan. Hindi matapos ang lahat ng nangyari."Rania, listen to me," sabi ni Via. "I'm still monitoring you. You're close to the rendezvous point.""Gaano kalapit?""Basta, magpatuloy ka lang."Hindi ko na siya sinagot. Ilang sandali pa, tuluyan akong nakalayo sa conference area. Hindi ko alam kung ilang tauhan ang naiwan sa likuran ko o kung ilan pa ang naghahanap sa akin.Ang alam ko lamang ay kailangan kong makalabas at makarating sa sasakyan.Nang tuluyan kong makita iyon, agad kong nakilala si Veronica sa loob.Binuksan niya ang pinto."Get in!"Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Agad akong sumakay at inilaga

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 69

    Hindi ko namalayang napakapit na pala ako sa bag na dala ko. Ilang hakbang na lamang ang pagitan ko at ng conference suite.Hindi ko na marinig ang karaniwang ingay ng gusali. Ang bawat tunog ay tila mas malinaw kaysa dati— ang mahinang pag-click ng sapatos sa sahig, ang paggalaw ng mga tauhan sa kabilang bahagi, at ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room."Rania," mahinang tawag ni Via."Nakikinig ako.""Two guards are moving away from their previous positions. But there's still someone outside the conference suite.""Copy.""Don't underestimate him.""Okay."Ilang sandali pa, nakita ko ang lalaking nakatayo sa labas ng pintuan. Naka-itim na suit siya at may maliit na communication device sa tainga. Hindi siya gumagalaw nang walang dahilan. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa loob ng silid bago muling ibinalik ang pansin sa hallway.Isa siyang personal security. Hindi ordinaryong tauhan."Via.""Yes?""Nakikita ko na siya.""I know. I'm watching."Nang mapansin kong m

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 68

    Hindi ako nagmamadali. Sa ganitong uri ng misyon, ang pinakamaliit na pagkakamali ay maaaring maging dahilan ng pagkabigo. Hindi mahalaga kung gaano ako kabilis o kung gaano karami ang kaya kong kalabanin. Ang mahalaga ay hindi ako mapansin bago ko pa man marating ang target.Sa loob ng gusali, mas ramdam ang higpit ng seguridad. Mataas ang kisame at halos buong dingding ay gawa sa salamin. Sa gitna ay may reception desk, habang nasa magkabilang panig ang mga security personnel na nagmamasid sa mga pumapasok.Sa malayo ay makikita ang mga elevator at ang mga pintuang patungo sa iba pang bahagi ng complex.Hindi ako dumaan doon.Sa halip, nanatili ako sa likod ng isang sasakyang nakaparada ilang bloke ang layo mula sa gusali. Nasa tabi ko ang maliit na bag na naglalaman ng mga kagamitang kailangan ko sa misyon. Tahimik akong nakaupo habang pinagmamasdan ang gusaling unti-unting nagiging sentro ng operasyon namin."Rania, can you hear me?""Clear," sagot ko."Good. I'm accessing the bui

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 67

    Dumating na rin ang araw na matagal nang hinihintay ng Olympus.Maaga pa lamang ay abala na ang buong punong-tanggapan. May mga tauhang pabalik-balik sa mga pasilyo, may mga nakatutok sa kani-kanilang monitor, at may mga opisyal na abalang sinusuri ang huling mga ulat bago magsimula ang operasyon. Iba ang katahimikang bumabalot sa gusali ngayong araw. Walang biruan. Walang malakas na tawanan. Lahat ay tila nakatuon sa iisang layunin.Ang una kong misyon.Nakatayo ako sa harap ng salamin sa loob ng kwarto ko. Nakasuot ako ng itim na kasuotang pang-operasyon na sadyang pinili para sa akin. Nakasuklay nang maayos at nakapusod nang mahigpit ang buhok ko. Wala akong anumang alahas o palamuting maaaring maging sagabal sa pagkilos ko.Sinuri ko ang sarili mula ulo hanggang paa.Sa loob ng isang taon, halos araw-araw kong pinaghirapan ang pagsasanay. Ilang beses akong bumagsak, ilang beses na nasugatan, at hindi mabilang na pagkakataong kinailangan kong ulitin ang isang galaw hanggang maging

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 66

    "I'm Via. Kilala mo na naman kung sino ako, pero para sa pormal na pagpapakilala, ako ang hahawak sa intelligence at digital support ng team.""Meaning, ikaw ang magsasabi sa akin kung saan ako pwedeng pumunta na hindi mahuhuli ng kalaban?""Exactly. Ako ang maghahanda ng mga ulat, mag-aayos ng komunikasyon, at tutulong sa pagproseso ng mga impormasyong makukuha natin. Kapag may kailangan kang malaman tungkol sa target o sa mga taong nakapaligid sa kanya, sa akin ka lalapit.""At ikaw ang magiging mata ko," sabi ko."That's right."Tiningnan ko ang tablet niya. "Mukhang marami kang ginagawa.""Mas marami pa kapag nagsimula na ang misyon.""Good luck sa atin."Napangiti siya. "I think we'll need it."Sumunod na nagsalita si Veronica. "Kilala mo naman na rin ako. Ako ang itatalaga bilang sniper at backup support.""May karanasan ka na ba sa mga ganitong misyon?" tanong ko."Marami na.""Matagal ka na sa Artemis?""Hindi kami under sa Artemis, under kami kay mama. And also, bata pa lang

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 65

    Unang kinuha nila ang aking timbang at taas. Sinukat din ang presyon ng dugo, tibok ng puso, at temperatura ng katawan. Pagkatapos ay ikinabit sa aking mga daliri ang isang maliit na kagamitan para masukat ang antas ng oxygen sa dugo ko.Karaniwan lamang ang mga pagsusuring iyon, kaya hindi na ako nagreklamo.Sumunod ay kinuhanan ako ng dugo."Marami ba kayong kukunin?" tanong ko nang makita ko ang ilang maliliit na lalagyan sa tray."Kaunti lamang sa bawat lalagyan. Iba't ibang pagsusuri ang gagawin namin sa mga sample," paliwanag ng tauhan ni Athena."Siguraduhin mong hindi ako mauubusan.""Don't worry. Sapat lamang ang kukunin namin."Umupo ako nang maayos at iniabot ang braso. Nilagyan nila ng panali ang itaas nito bago linisin ang balat gamit ang bulak na may antiseptic. Pagkatapos ay maingat na ipinasok ang karayom sa ugat ko.Napatingin ako sa kabilang direksiyon.Hindi naman ako takot sa karayom, pero hindi ibig sabihin ay gusto kong panoorin ang bawat patak ng dugong kinukuha

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status