Share

Chapter 73

Author: Alshin07
last update publish date: 2026-11-14 16:16:22

"Wala akong nabasang may Pilipinas sa mga target na nasa listahan ninyo," kalmado kong tanong. Pero sa loob-loob ko ay marami na namang nakapilang tanong. "Pero alam kong ang nasa listahan ay ang top twenty powerful country sa buong mundo."

"Ibig sabihin ay kulang ang kaalaman mo," sagot ni Victor. Kulang na lang ay sabihin niyang napakabobo ko naman at hindi ko alam ang ilang mga bagay-bagay.

Para sa isang tulad ko na hindi man lang nakapag-aral, masasabi kong matalino na ako. Dahil sa abilida
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nora
...️...️...️more update ...️ ... ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 78

    Kanina pa ako nakatulala sa kisame habang nakahiga sa kama ko.Umalis na kami ni Leon sa building na iyon matapos kong malaman na ako pala ang pinakaunang sample. Hindi lang pala ako basta “first prototype”, first of all first pa pala.Ibig sabihin, matagal na pala nilang ginagawa ito. Nagsinungaling sila sa part na saka pa lang daw sila dumadakip ng mga babae para gawin surrogate mother nang hindi raw tumalab ang Gaia sa kahit na sino. Iyon pala, mula umpisa pa pala ay dumadakip na sila ng mga babae at ako pa ang pinakauna.Pero bakit pa nila kailangang magsinungaling?Tinanong ko si Leon kanina habang pabalik kami kung ano pa ang alam niya.“Gustuhin ko mang sabihin sayo ang lahat pero kahit ako ay hindi sigurado kung ang sinabi ba nila ay totoo o kasinungalingan lang lahat. Mas mabuting bumalik na ang mga alaala mo nang sa gayon ay hindi ka malito at mapuno pa ng mga tanong. Kapag bumalik na ang mga alaala mo, saka ko sasabihin sayo ang tunay na layunin ng Olympus.”Ang tunay na la

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 77

    Hindi ako makagalaw.Hindi rin ako makapagsalita.Para akong nawalan ng kakayahang huminga habang nakatitig sa napakalawak na silid sa harapan ko.Mga babasaging lalagyan.Napakaraming babasaging lalagyan na magkakatabi at magkakasunod sa magkabilang panig ng silid. Bawat isa ay may lamang likidong tila tubig at may isang maliit na nilalang na nakalutang sa loob nito.Mga fetus.Napaatras ako ng isang hakbang. Hindi ko alam kung ilan ang mga iyon. Sampu? Dalawampu? O baka higit pa sa isandaang lalagyan ang naririto!Lahat sila ay may nakakabit na maliliit na tubo at ilang mga scientific tools na hindi ako pamilyar. May mga monitor din sa bawat hanay na nagpapakita ng iba't ibang impormasyon tungkol sa laman ng mga lalagyan.Ngunit ang pinakanakakakilabot sa lahat ay ang mga label na nakadikit sa bawat isa.May pangalan. May identification number. May petsa.At may nakasulat na status sa ilalim ng bawat pangalan.PRESERVED."Leon..." Halos pabulong lamang ang pagkakabanggit ko sa panga

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 76

    Narinig ko ang paggalaw ng takip. Ngunit bago pa man tuluyang mabuksan ang cart, nagsalita siya. "Do you really want to explain to the supervisor why you're delaying a restricted delivery?"Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita ang lalaki. "Fine. Go ahead."Muli akong nakahinga nang maluwag nang maramdaman kong itinulak na ulit ni Leon ang cart.Hindi ko alam kung gaano katagal kaming naglakad— ay siya lang pala. Paminsan-minsan ay may naririnig akong mga yabag at pagbukas-sara ng mga pinto. May ilang pagkakataon ding humihinto siya na para bang may hinihintay na ibang tao.Hanggang sa tuluyan kaming huminto sa isang silid. "Come out."Agad kong naramdaman ang pagbukas ng takip. Nang makalabas ako, halos mapaupo ako sa sahig dahil sa pamamanhid ng mga binti at braso ko."Next time, humanap ka naman ng mas komportableng paraan," reklamo ko habang inaayos ang damit ko."Next time, huwag kang magdala ng katawan na masyadong mahaba para sa cart."Napatitig ako sa kanya. "Ikaw ba

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 75

    "Pero paano tayo pupunta roon nang hindi nahuhuli?" tanong ko kay Leon habang naglalakad kami papunta sa kwarto ko.Sa pagkakaalam ko kasi ay restricted area ang building na iyon."Maghintay ka sa kwarto mo hanggang hating-gabi. Kakatok ako ng limang beses," sabi niya pa at tumigil kami sa harap ng pinto ng kwarto ko."Sigurado ka ba?" kinakabahan kong tanong."Kung hindi naman pala ako sigurado, dapat hindi na lang ako nag-suggest," sagot niya sa akin. Hindi ko alam kung kumpyansa lang talaga siya sa sarili niya o masyado lang siyang mayabang na hindi kami mahuhuli dahil siya na itong nag-suggest.Pero, umaasa ako.Hindi ko alam pero pamilyar talaga ang building na iyon. Sana naman ay ma-trigger ang mga alaala ko kapag nakapasok na kami sa building na iyon. Para sulit naman itong gagawin namin ni Leon mamaya.Papasok na sana ko pero nagsalita pa si Leon."Ang totoo niyan..."Kaagad akong napatingin ulit sa kanya. Nakatingin na rin siya direkta sa mga mata ko."Alam ko kung anong mayr

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 74

    "Well, kung wala ka ng ibang sasabihin tungkol sa mga realization mo na wala namang kabuluhan, let's proceed sa discussion," sabi pa ni Viena saka nilingon si Victor.Lihim na lang akong napamura. Iiniba talaga nila ang topic. Napaghahalataang may tinatago nga sila.Kung ganoon, ako na lang ang kikilos."Ang base ng Olympus ay nasa mansyon mismo ni Lucien. Sa tingin ko ay pamilyar ka na sa lugar na iyon," panimula ni Victor.Tsss..."Hindi naman siguro namumulubi ang Olympus kaya sa tingin ko ay maliit na pera lang sa inyo ang bumili ng bagong property para gawing base ng Olympus sa Pinas," pambabara ko sa kanila. "Modern design naman ang mansyon niya, both exterior at interior. Pero napansin kong luma na ang underground niyon. Ibig sabihin ay renovated ang mansyon na iyon."Ngayon ko lang din napagtanto iyon. Ayon sa naalala kong sinabi ni Ellen, ang library daw ay si Lolo Alfonso mismo ang nagpaayos niyon. Hindi kaya may kung ano sa underground kaya ginawa nilang base iyon ng Olympu

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 73

    "Wala akong nabasang may Pilipinas sa mga target na nasa listahan ninyo," kalmado kong tanong. Pero sa loob-loob ko ay marami na namang nakapilang tanong. "Pero alam kong ang nasa listahan ay ang top twenty powerful country sa buong mundo.""Ibig sabihin ay kulang ang kaalaman mo," sagot ni Victor. Kulang na lang ay sabihin niyang napakabobo ko naman at hindi ko alam ang ilang mga bagay-bagay.Para sa isang tulad ko na hindi man lang nakapag-aral, masasabi kong matalino na ako. Dahil sa abilidad kong mabilis makapag-isip ay may kaunti akong lamang.Pero, kahit anong isip ko sa kung ano ba talaga ang layunin nila ay wala pa rin akong ideya.Biglang nagbago ang larawan sa screen. Pinapakita nito ang mapa ng kontinenteng Asia.Kaagad namang nagpaliwanag si Victor. "Nasa East Asia ang China, Japan, South Korea. Nasa Southeast Asia naman ang Indonesia at syempre ang Pilipinas. Ang India naman ay nasa South Asia. At nasa Western Asia naman ang ilang lugar sa Middle East na kasali sa top twe

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status