MasukAFTER 4 YEARSMaingat na nilalagyan ni Angelita ng pulang lipstick ang kanyang mga labi. Sinipat niya rin sa salamin ang suot niyang formal na damit.Matagal niyang hinintay ang araw na iyon. Nag-ipon siya ng sapat na lakas ng loob bago mag-apply sa malaking kumpanya bilang sekretarya.Sa nakalipas na apat na taon. Ginugol niya ang oras sa paghahanap ng trabaho, pag-iipon, at paghahanap sa negosyanteng si Lorenzo Suarez. Tugma ang lahat ng nakalap niyang impormasyon na ang lalaking ito ay ang may-ari ng penthouse.Gusto niya sanang dumiretso mismo sa kumpanya ni Lorenzo ngunit nagbago ang isip niya. Mas maganda kung magtrabaho siya sa kaibigan nitong si Gustavo upang hindi makatunog si Lorenzo na gusto niyang makita ang triplets nila.Pinaskil niya ang ngiti. Pansamantalang sekretarya lamang siya kay Gustavo Duckworth, ang may-ari ng AARAV group of companies. Pansamantala pero sasapat na upang makilala niya si Lorenzo sa pamamagitan ni Gustavo.Maaga siyang dumating sa matayog at mala
"You got her pregnant. Iyon ang nangyari, G*go!" paalala sa kanya ni Lorenzo bago niya p*tayin ang tawag.Wala sa ayos na tinigil ni Gustavo ang sasakyan sa harap ng building ni Lorenzo. Malalaki rin ang mga hakbang niya pagkababa upang makapasok agad sa lobby.Unang bumungad sa kanya ang kaibigan niyang si Lorenzo na nakangisi kahit nakatapis lang ng tuwalya sa bewang."Bro! Sabi ko na nga ba, buhay ang mga t*mod mo—""Tabi!" Hinawi niya pa ito upang makita ang malaking basket na may tatlong sanggol. F*ck! Tatlong sanggol na sinasabing anak niya!Napaluhod siya agad sa sahig at tinitigang mabuti ang mga sanggol.Kung kanina ay litong-lito siya, ngayon ay sigurado na siya sa nakikita niya. Maingat niyang hinawakan ang kamay ng isa. Napakalambot at tila mababali kapag hinigpitan ang hawak.Napalunok siya at inisa-isa ang mukha ng tatlo. Umawang ang mga labi niya noong magmulat ng mata ang isa at kuminang sa liwanag ang abuhing mga mata nito.D*mn it! Semilya niya nga ang mga ito!"Ehem
Hindi na alam ni Angelita kung anong ire pa ang gagawin mailabas lamang ang mga anak niya. Halo na ang hikbi at pag-ire niya, maging ang kanyang pawis at luha.Napahagulhol na lamang siya noong marinig niya ang iyak ng sanggol."Good job, Mommy," nakangiting bigkas ng doktor.Pero isa pa lamang iyon. May dalawa pang gustong lumabas.Hinihingal man ay sinubukan niyang ikalma ang sarili at humugot nang malalim na paghinga upang maka-ire muli.Muli niyang narinig ang pag-iyak ng isa pang sanggol. Dinig niya pa ang tuwa sa boses ng mga nurse na naroon."Diyos ko! Ang gwapo! Ang mga mata, ang gaganda!"Halos mahilo na siya kaka-ire pero pinilit niyang umire para sa isa pa. Saktong pagkarinig niya sa matinis na iyak ng sanggol ay siya namang pagkawalan niya ng malay.Kahit noong magkagulo ang mga nurse ay hindi na niya alam. Ang sunod na niyang gising ay nakahiga na siya sa hospital bed. Tanging kurtina ang tabing dahil may kasama pa siyang ibang pasyente."Miss nasa nursery room pa ang mga
"What was that, Gustavo? Hindi na ako pwedeng pumunta rito kahit kailan ko gusto?! Seriously?!" histerya nito.Kumibot ang mga labi ni Gustavo. Pailalim na tinitigan ang dalagang minsan ay namahay sa puso niya.Kung tutuusin ay ang ganda pa rin nito. Maputi, malaki ang hinaharap at mukhang hollywood star sa makapal at pouty lips nito. Idagdag pa ang blonde na kulot na buhok at ang tangkad nito. Sa suot nitong fitted tube black dress ay papasa itong kambal ng pinakamagandang hollywood actress na si Angelina.Umangat ang gilid ng labi niya. Hindi nakapanghihinayang dahil wala siyang balak manatili sa babaeng hindi nakukuntento."Umaasa ka pa bang reyna ang itatrato sa'yo ng mga tauhan ko?" may tunog sarkastiko ang boses niya, "You are nothing to me now, Miss. Estranghero at kakausapin lang kita kung may business proposal ka."Iniwasan na niya ito ng tingin at lumagok sa hawak na alak.Nangatal naman ang dila ni Simone sa narinig. Tila may punyal na tumusok sa puso niya."Oh come on, Gus
Pikit-mata at nagdadasal si Angelita habang nakaupo sa mesa. Nasa ibabaw ng mesa ang cellphone niya at naghihintay ng tawag mula sa lalaki. Sana ay nakita nito ang cellphone number niya sa likod ng sonogram na iniwan niya sa condominium.Hindi niya sigurado kung doon pa nakatira ang lalaki pero ayon sa guwardiya ay hindi naman nag-iba ang may-ari ng penthouse at madalas pa rin umuwi doon.Nanghina na siya at nawalan ng pag-asa matapos ang ilang araw na walang tunog na binigay ang cellphone niya. Mapait na rin siyang ngumiti. Malamang ayaw ng lalaki sa responsibilidad at baka hindi naniniwala. Sino ba naman siya di ba? Isang babaeng bumukaka para sa tatlong milyon! Marumi at iisipin lang ng lalaki na mukha siyang pera.Hindi naman pera ang habol niya—well, ganoon din iyon pero para naman sa mga baby niya. Para naman sa mga supling na binuhay nito sa loob ng sinapupunan niya!Pinalis niya ang tumulong luha. Mabilis na tumayo at hinablot ang bag niyang nakasabit sa dingding. Susugurin ni
Nanginginig siya sa galit. Kinukuyom ang kamao at makailang beses na naibato sa mesa ang cellphone dahil hindi na niya matawagan si Rodora.Nasabunot niya ang buhok at gustong magwala."Ahhh! Bwisit!"Gusto niyang maiyak sa gigil at galit.Pera niya iyon! Katawan niya ang kapalit ng pera na iyon!Nagpuyat siya, napagod, at inalay ang sarili sa estranghero para sana makaalis na sa lugmok pero put*ngnang Rodora at inunahan siyang maglaho!Bumagsak ang luha niya sa sobrang galit. Paano na ang mga pangarap niya?Napahagulhol na lang siya sa sama ng loob. Muntik niya pang masira ang maliit niyang mesa kakahampas doon.Nalulutang siyang pumasok sa paaralan. Ni walang isang daang libo ang nasa bangko niya at hindi iyon kakasya sa kanya!Hindi niya lubos akalain na gagawin iyon sa kanya ni Rodora. Ang tagal na niya itong mistulang manager at walang bawas ang bayad sa kanya tapos nasilaw ng tatlong milyon! Sabagay siya nga ay nasilaw din ng pera.Gusto niya itong ipakulong pero noong nagpunta s







