Share

ALNA KABANATA 5

Author: Yenoh Smile
last update Last Updated: 2026-01-08 19:37:16

Pikit-mata at nagdadasal si Angelita habang nakaupo sa mesa. Nasa ibabaw ng mesa ang cellphone niya at naghihintay ng tawag mula sa lalaki. Sana ay nakita nito ang cellphone number niya sa likod ng sonogram na iniwan niya sa condominium.

Hindi niya sigurado kung doon pa nakatira ang lalaki pero ayon sa guwardiya ay hindi naman nag-iba ang may-ari ng penthouse at madalas pa rin umuwi doon.

Nanghina na siya at nawalan ng pag-asa matapos ang ilang araw na walang tunog na binigay ang cellphone niya. Mapait na rin siyang ngumiti. Malamang ayaw ng lalaki sa responsibilidad at baka hindi naniniwala. Sino ba naman siya di ba? Isang babaeng bumukaka para sa tatlong milyon! Marumi at iisipin lang ng lalaki na mukha siyang pera.

Hindi naman pera ang habol niya—well, ganoon din iyon pero para naman sa mga baby niya. Para naman sa mga supling na binuhay nito sa loob ng sinapupunan niya!

Pinalis niya ang tumulong luha. Mabilis na tumayo at hinablot ang bag niyang nakasabit sa dingding. Susugurin niya ang lalaki! Hindi pwedeng hindi nito panagutan ang mga anak nito sa sinapupunan niya.

Pagbaba pa lang niya ng taxi ay kita niyang naalerto na ang guwardiya ng condominium. Luminga pa ito sa paligid at lakad-takbong lumapit sa kanya.

"Miss, bawal na po kayong magpunta rito. Pinagbabawal na po kayong lumapit dito ni Sir Lorenzo," madiing imporma ng guwardiya at akmang hahawakan siya sa braso para itaboy ngunit pinalis niya ang kamay nito.

"Lorenzo ba ang pangalan niya? Gusto ko siyang makausap. Sabihin mong dala-dala ko ang mga anak niya—"

"Miss, wala raw nabuntis si Sir Lorenzo at wala siyang inimbitang babae sa penthouse niya," pagdidiin nito.

Magsasalita pa sana siya ngunit naunahan siya nito.

"Hija, umuwi ka na at huwag ng babalik dito. Wala kang mapapala kay Sir Lorenzo. Ingatan mo na lang ang sarili mo. Ang mga mayayaman ay hindi basta-basta nagpapabilog sa mahihirap," mahinang bulong nito na may kalakip na pag-aalala.

Parang gusto niyang humikbi. Ibig sabihin ay wala siyang makukuha sa lalaki!

"A-no pong kumpletong pangalan niya? Please, hindi pwedeng hindi ko siya makausap dahil hindi ko kayang buhayin ang mga anak niya, Kuya. Please, kailangan ko ang tulong pinansiyal niya," pagmamakaawa na niya rito ngunit umiling ito.

"Kahit larawan na lang niya. Ako na ang hahanap—"

"Hindi kami nagbibigay ng impormasyon sa mga kliyente namin, Hija. Hindi mo ba siya naging nobyo at hindi mo siya kilala?" usisa nito.

Napalunok siya at umiling. Naumid na rin ang dila niya. Nahihiya siyang magsabi na pinainit niya lang ang gabi ng lalaki tapos ay nabuntis siya.

"Sige na. Umuwi ka na at huwag ng babalik dito." Binitiwan siya nito at bumalik na sa pwesto nito.

Bumagsak ang mga balikat niya kasabay ng mga luha. Tiningala niya ang mataas na gusali. Hahanapin niya talaga ang Lorenzo na iyon at isusumpa niya!

Samantala, kanina pa nakatitig si Gustavo sa mga papeles niya sa mesa pero ang utak niya ay iniisip ang ultrasound na iniwan sa penthouse ni Lorenzo.

Pinaikot niya ang fountain pen sa mga daliri habang nag-iisip. Paano kung nabuntis niya nga ang dalaga? Tagapagmana niya ang bata kung sakali!

"F*ck!" frustrated niyang pagmumura at naibagsak ang ballpen sa mesa.

Hindi siya matahimik! Kailangan niyang malaman ang totoo!

Saktong pagtayo ni Gustavo ay siya namang katok at pasok ni Lorenzo sa opisina niya.

"What? Para kang nakakita ng multo, Gustavo," nakangising bigkas ni Lorenzo sa kaibigan.

Bumuntong hininga si Gustavo, "Any news?" pasimpleng tanong niya.

Bumalik siya sa pagkakaupo sa swivel chair. Hinawakan muli ang ballpen pero ang tenga niya ay nakikinig sa ibabalita ng kaibigan.

"News about what?" pang-aasar pa sa kanya ng kaibigan kaya't sinamaan niya ito ng tingin na kinatawa nito.

"About your babies? About the girl?" nakatawang panghuhula ni Lorenzo.

Parang gusto na itong suntukin ni Gustavo sa mga oras na iyon lalo na sa nakapipikong tawa nito.

"Get lost, Lorenzo," iritadong utos niya na kinahagalpak muli ng kaibigan sa tawa.

"Bro, come on. Let's celebrate. Gusto lang kitang i-congratulate at hindi ka mapipikot ng kung sino." Kinuha pa nito ang palad ni Gustavo at ni-handshake.

"What do you mean? Diretsuhin mo ko, Gago!"

Sinupil ni Lorenzo ang pagtawa noong makitang inis na inis siya. Huminga pa ito nang malalim bago muling nagsalita.

"Ang ibig kong sabihin ay ligtas ang pera mo. Tama lang na huwag ka ng mag-abala pang alamin kung totoong nabuntis mo ang babaeng iyon. Bumalik siya kanina sa penthouse, nanghihingi ng financial assisstance. Hindi niya raw kayang buhayin ang mga pinunla mo sa kanya,"asar pa nito.

"F*ck you, and f*ck her," nangagalaiting bigkas ni Gustavo.

Muli siyang tumayo. Nagsalin ng brandy na agad din niyang nilagok. 

Bakit pa siya nag-agam agam kung totoong buntis ito gayong malinaw naman na pera ang habol ng dalaga.

"Para kang nabunutan ng tinik," komento ng kaibigan na nagsasalin na rin ng alak.

"Yeah. Ligtas ang tatlong milyon ko. D*mn."

Napailing siya habang si Lorenzo ay naibuga naman ang alak na iniinom.

"Tatlong milyon? Huwag mong sabihing ganyan din ang binayad mo sa kanya para sa isang gabi?"

Nilagok niya ang alak at maliit na tumango sa kaibigan kaya ito naman ang napailing.

"Baliw ka, Gustavo—"

"She's a virgin—"

"Man, kahit sinong virgin papatulan ka at hindi mo kailangang magbayad. Ah, baka natipuhan mo?" asar nito sa kanya.

Sinamaan niya ito ng tingin, "Wala sa ayos ang isip ko noon. I was broken hearted. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob."

"Yeah right. Semilya nga lang ang nailabas mo at muntik ka pang mapikot ngayon. Tsk! Hindi babae ang solusyon sa isa pang babae, Gustavo," payo pa nito na akala mo ay eksperto ito sa larangan ng pag-ibig.

Nginisihan niya ang kaibigan ngunit dumako ang mga mata niya sa pinto noong bigla na lang iyong bumukas.

Niluwa noon si Simone, ang ex-girlfriend niya. Halatang pwersahan lang ang pagpasok lalo't habol ito ng sekretarya niya.

"Sir, nagpumilit," paliwanag ni Lolita, ang istrikto at nasa singkwentang sekretarya niya.

Kinuha niya ito noon dahil ayaw niyang magselos si Simone.

"Mauuna na ako, Gustavo. Asikasuhin mo muna iyang malaking problema mo. Babae na naman 'yan. Baka mamaya magbayad ka na naman ng ibang babae dahil diyan," nang-aasar na bulong na paalam ni Lorenzo na tumango lang kay Simone noong madaanan ng huli.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Lihim ni Angelita   ALNA KABANATA 7

    Hindi na alam ni Angelita kung anong ire pa ang gagawin mailabas lamang ang mga anak niya. Halo na ang hikbi at pag-ire niya, maging ang kanyang pawis at luha.Napahagulhol na lamang siya noong marinig niya ang iyak ng sanggol."Good job, Mommy," nakangiting bigkas ng doktor.Pero isa pa lamang iyon. May dalawa pang gustong lumabas.Hinihingal man ay sinubukan niyang ikalma ang sarili at humugot nang malalim na paghinga upang maka-ire muli.Muli niyang narinig ang pag-iyak ng isa pang sanggol. Dinig niya pa ang tuwa sa boses ng mga nurse na naroon."Diyos ko! Ang gwapo! Ang mga mata, ang gaganda!"Halos mahilo na siya kaka-ire pero pinilit niyang umire para sa isa pa. Saktong pagkarinig niya sa matinis na iyak ng sanggol ay siya namang pagkawalan niya ng malay.Kahit noong magkagulo ang mga nurse ay hindi na niya alam. Ang sunod na niyang gising ay nakahiga na siya sa hospital bed. Tanging kurtina ang tabing dahil may kasama pa siyang ibang pasyente."Miss nasa nursery room pa ang mga

  • Ang Lihim ni Angelita   ALNA KABANATA 6

    "What was that, Gustavo? Hindi na ako pwedeng pumunta rito kahit kailan ko gusto?! Seriously?!" histerya nito.Kumibot ang mga labi ni Gustavo. Pailalim na tinitigan ang dalagang minsan ay namahay sa puso niya.Kung tutuusin ay ang ganda pa rin nito. Maputi, malaki ang hinaharap at mukhang hollywood star sa makapal at pouty lips nito. Idagdag pa ang blonde na kulot na buhok at ang tangkad nito. Sa suot nitong fitted tube black dress ay papasa itong kambal ng pinakamagandang hollywood actress na si Angelina.Umangat ang gilid ng labi niya. Hindi nakapanghihinayang dahil wala siyang balak manatili sa babaeng hindi nakukuntento."Umaasa ka pa bang reyna ang itatrato sa'yo ng mga tauhan ko?" may tunog sarkastiko ang boses niya, "You are nothing to me now, Miss. Estranghero at kakausapin lang kita kung may business proposal ka."Iniwasan na niya ito ng tingin at lumagok sa hawak na alak.Nangatal naman ang dila ni Simone sa narinig. Tila may punyal na tumusok sa puso niya."Oh come on, Gus

  • Ang Lihim ni Angelita   ALNA KABANATA 5

    Pikit-mata at nagdadasal si Angelita habang nakaupo sa mesa. Nasa ibabaw ng mesa ang cellphone niya at naghihintay ng tawag mula sa lalaki. Sana ay nakita nito ang cellphone number niya sa likod ng sonogram na iniwan niya sa condominium.Hindi niya sigurado kung doon pa nakatira ang lalaki pero ayon sa guwardiya ay hindi naman nag-iba ang may-ari ng penthouse at madalas pa rin umuwi doon.Nanghina na siya at nawalan ng pag-asa matapos ang ilang araw na walang tunog na binigay ang cellphone niya. Mapait na rin siyang ngumiti. Malamang ayaw ng lalaki sa responsibilidad at baka hindi naniniwala. Sino ba naman siya di ba? Isang babaeng bumukaka para sa tatlong milyon! Marumi at iisipin lang ng lalaki na mukha siyang pera.Hindi naman pera ang habol niya—well, ganoon din iyon pero para naman sa mga baby niya. Para naman sa mga supling na binuhay nito sa loob ng sinapupunan niya!Pinalis niya ang tumulong luha. Mabilis na tumayo at hinablot ang bag niyang nakasabit sa dingding. Susugurin ni

  • Ang Lihim ni Angelita   ALNA KABANATA 4

    Nanginginig siya sa galit. Kinukuyom ang kamao at makailang beses na naibato sa mesa ang cellphone dahil hindi na niya matawagan si Rodora.Nasabunot niya ang buhok at gustong magwala."Ahhh! Bwisit!"Gusto niyang maiyak sa gigil at galit.Pera niya iyon! Katawan niya ang kapalit ng pera na iyon!Nagpuyat siya, napagod, at inalay ang sarili sa estranghero para sana makaalis na sa lugmok pero put*ngnang Rodora at inunahan siyang maglaho!Bumagsak ang luha niya sa sobrang galit. Paano na ang mga pangarap niya?Napahagulhol na lang siya sa sama ng loob. Muntik niya pang masira ang maliit niyang mesa kakahampas doon.Nalulutang siyang pumasok sa paaralan. Ni walang isang daang libo ang nasa bangko niya at hindi iyon kakasya sa kanya!Hindi niya lubos akalain na gagawin iyon sa kanya ni Rodora. Ang tagal na niya itong mistulang manager at walang bawas ang bayad sa kanya tapos nasilaw ng tatlong milyon! Sabagay siya nga ay nasilaw din ng pera.Gusto niya itong ipakulong pero noong nagpunta s

  • Ang Lihim ni Angelita   ALNA KABANATA 3

    Bum*on ang mga kuko niya sa balat nito noong magsimulang gumalaw ang daliri nito. Mabagal ngunit mahapdi."M-asakit," sa wakas ay nabigkas niya.Tumigil ito at marahang hinugot ang daliri. Nabitiwan niya ang braso nito noong tumayo ito.Ayaw na ba nito? Hindi na ba siya babayaran?Narinig niya ang pagbukas ng drawer at pagsara noon. Narinig niya rin ang kung anong bagay na binubuksan nito."Stay still," utos nito at pinigilan ang pagsara ng mga hita niya noong akmang isasara niya ang mga iyon.Bumalik ito sa ayos nito kanina. Nahigit niya muli ang paghinga sa pagtutok ng daliri nito pero kumpara kanina ay mas madulas na ang pagpasok noon.Napasinghap siya. May kaunting hapdi ngunit mas kaya niya."Better, butterfly, hm?" bulong na tanong nito.Tumango siya kahit hindi nito nakikita. Napahawak siya sa kobre kama noong magsimulang gumalaw ang daliri nito. Mabagal na bahagyang bumilis hanggang sa hindi niya mamalayan na dalawa na pala ang naipasok nito!"Uhhh," mahabang ungol niya at nil

  • Ang Lihim ni Angelita   ALNA KABANATA 2

    Tinikom niya ang bibig at hindi alam paano sasagutin ang h*lik nito. Tumigil ito at sigurado siyang kunot-noo ito. Inis pa nitong hinila ang suot niyang mask na hinabol ng mga kamay niya ngunit hinawakan nito ang kamay niya at pininid sa kanyang katawan."S-ir, bawal niyo pong makita ang mukha ko—""Mata mo lang ang nakikita ko," mabilis na sagot nito at nakipagtitigan pa sa kanya.Napalunok siya at hindi nakasagot. Ramdam niya sa balat niya ang balahibo ng katawan nito.Gusto na niyang tumakbo. Mukhang hindi niya magagamit dito ang pangmalakasang sleeping pills niya."Alam mo ba? My girlfriend cheated on me." Sinabayan pa nito ng hilaw na tawa iyon."Po?""Nagloko ang nobya ko dahil lang wala pang nangyayari sa amin," mapait na bigkas nito.Aba! Story time yata ang napuntahan niya."Ang babaw ng rason niya pero mas mababaw kayo para umupa pa ng babae nang dahil doon," hindi mapigil niyang komento kaya nangiwi siya noong higpitan nito ang hawak sa kanyang bewang."Right. Call it what

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status