Share

Kabanata 1

Aviona’s POV

“Any minute ay dadating na sina Stavros, Avi. Tandaan mo ang mga bilin ko sayo, okay? Ininom mo na ba ang gamot mo?” tanong ni mommy habang kulong-kulong niya sa kaniyang mga palad ang aking mukha. 

Marahan akong tumango. “Opo.”

Mahinhin siyang ngumiti. “Mabuti.”

“Aviona.” Isang malalim na tinig ang nagpalundag ng aking puso.

Si daddy. Seryoso ang mukha niya habang naglalakad palapit sa akin.

Nahigit ko ang aking paghinga.

Si mommy na kanina ay nasa aking tabi, ngayon ay nasa tabi na ni daddy. 

“Aviona,” muli niyang tawag sa akin. Masyado siyang malapit sa akin. 

Nagsimulang mamawis ang aking mga palad. 

“After the ceremony today, you will now leave the house. You will stay with Stavros and will become his wife. Dapat alam mong simula ngayon ay mag-iiba na ang takbo ng buhay mo. Pagsisilbihan mo si Stavros bilang isang ulirang asawa dahil ‘yon ang magiging silbi mo sa kaniya,” aniya.

“Roberto.” Bakas sa boses ni mommy na nais niyang pigilin si daddy dahil hinawakan niya ang braso nito. 

“Gagawin mo kung anong sasabihin niya. Kung gusto niyang ipagluto mo siya, gawin mo. At kung gusto niyang galawin ka, wala kang karapatang tumanggi dahil responsiblidad mong pasayahin siya sa kama.”

“Roberto! That’s enough!” galit na saway ni mommy. 

Ngunit huli na ang lahat. 

Pumintig ng malakas ang ugat ko sa ulo. Lumalabo rin ang paningin ko ngunit agad rin na bumabalik sa pagiging malinaw. Hanggang sa makarinig ako ng maliit na tinig sa bumubulong sa tainga ko. 

‘Gagawin mo ang gusto ko! Kapag sinabi kong h***d, magh***d ka!’

‘Ngayon, h***d!’

‘Wala kang karapatang tumanggi dahil utang mo ang buhay mo sa akin! Kaya kapag gusto kitang galawin, gagalawin kita!’

‘Responsibilidad mong pasayahin ako sa kama dahil binuhay kita!’

“Avi, are you okay?” Balak akong hawakan ni mommy ngunit agad kong iniwas ang aking katawan sa kaniya. 

Pagewang-gewang akong tumakbo palayo sa kanila. Halos matapilok na ako dahil sa hilo at labo ng aking paningin. 

Nang makakita ako ng karatula ng CR ay agad ko iyong pinasok. Ini-lock ko ang pinto. Muntik pa akong masubsob kung di lang ako napakapit sa pasimano ng lababo. 

Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Nanginginig ang mga talukap ko na tila nagpapahiwatig ng parating na delubyo. 

Hindi. 

Hindi ito pwedeng mangyari ngayon. Hindi ito maaari. 

Bakit ba laging nangyayari 'to? Bakit ngayon pa? 

Ang init. Sobrang init. Ang sikip ng suot kong gown. Gusto ko itong tanggalin. 

Hindi ko mahabol ang aking hininga. Bakit 'di ako makahinga ng maayos? 

Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay. Lalo na ang lalong pagbilis ng tibok ng aking puso. 

Bakit bumibilis nang bumibilis ito? 

Bigla akong nilamig. Oo. Malamig. At ang bigat ng aking dibdib. Aatakihin ba ako sa puso? 

Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang aking mga kamay. Kung sa dibdib ba para aluin ang bigat na nadarama nito o ang ikiskis ang mga ito sa aking balat upang maibsan ang lamig na aking nararamdaman. Ngunit may sarili atang utak ang aking mga kamay. Kusa itong kumuyom. Sinuntok ko ang aking dibdib ng ilang beses. Baka sakaling mabawasan ang bigat nito. 

Ngunit habang lumilipas ang mga segundo, mas lalong sumasakit ang aking dibdib. Parang may mga dagang nagpapabalik-balik ng takbo dito. At ang kanilang mga kuko ay nag-iiwan ng mga kamot at sugat sa aking puso. Naninigas na rin ang aking mga kalamnan sanhi para ako ay mamanhid. Hindi ko na maramdaman ang aking mga paa. 

Napapikit ako. Pagmulat ko ay nakatayo na ako sa harap ng pinto ng CR. Nakatingin sa sarili ko habang inaatake sa kabilang sulok ng silid. Para akong isang kaluluwa na pinapanood ang aking katawan. Gayunpaman ay nararamdaman ko pa rin ang nararamdaman ng aking katawan. 

Napahawak ako sa aking dibdib. Malabong mangyari ito. "Hindi 'to totoo… Hindi 'to totoo…" hingal kong sabi sa aking sarili. Pumikit akong muli. At nang muli akong magmulat, nakabalik na ako sa aking katawan.

Nakaramdam ako ng pagkahilo. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako. Lalagnatin ba ako? Kailangan ko ng gamot kung gan'on. Nasaan ang aking gamot?

Nanginginig kong inapuhap ang aking pouch para kalkalin ang banig ng tabletas na lagi kong iniinom. Kailangan ko nito. Kailangan ko nito para kumalma. 

Aligaga kong binuksan ang tatlong tabletas at sinubo saka nilunok. Nahirapan pa ako sa paglunok dahil may kalakihan ang mga ito. 

Magiging okay na ako. Magiging okay na ako. Nakainom na ako ng gamot. Magiging maayos na ang aking pakiramdam. 

Ngunit akala ko lang iyon. Dahil ngayon, parang mas lumala ang sama ng pakiramdam ko. Dumoble—hindi. Naging triple pa ito sa aking naramdaman kanina. 

Na-overdose ba ako? Siguro nga. 

"Ah!" Tinakpan ko ang aking mga tainga. Bakit ang ingay? Bakit ang lakas ng tunog ng patak ng tubig? Bakit rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng aking puso? Pati ang mga paglakad ng mga taong nasa labas ng silid ay aking naririnig. At nakakabingi ang mga ito. Ang sakit sa tainga. Parang may lalabas na dugo mula sa mga ito. 

Napasabunot ako sa’king buhok. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko dahil sa mga nangyayari. Oo. Sasabog na ang ulo ko. Nababaliw na ba ako? Siguro nga nababaliw na ako. 

Sana ay may tumulong sakin. 

Hindi. Ayoko. Pagtatawanan lang nila ako. Aakalain nilang nababaliw na ako. At ang pinakamalala, sasaktan nila ako. Sasaktan lang nila ako. 

Hindi ko naramdaman na nawala na ang higpit ng aking kapit sa pasimano. Napaupo ako sa sahig at napasandal sa malamig na pader na aking katabi. Ilang beses kong inuntog ang ulo ko. Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa hindi ko na mabilang pa. Sa una ay mahina lang. Hanggang sa lumakas.

Ang ingay. Ang sakit at bigat ng aking dibdib. Hindi ako makahinga. Namamanhid ang aking buong katawan. Sasabog na ang ulo ko. 

Mamamatay na ba ako? Oo. Mamamatay na ako. 

Wala sa sariling napangiti ako sa naisip ko. Mamamatay na ako. Makakapagpahinga na ako sa wakas. Hindi ko na mararanasan pa ulit ang mga ito. Sa wakas. Lilisan na ko sa mundo. 

"Avi? Avi? Are you there?" Kasabay nito ay ang sunod-sunod na katok mula sa kabilang bahagi ng pinto na gumising sa akin. 

Sinampal ako ng katotohanan. Hindi pa ako mamamatay. Inaaatake lang ako. Inatake lang ako ulit. 

"Avi, please. Try to take a hold of yourself. Drink your meds. You can't ruin this day, Avi. Please," malambing at may pagmamakaawang suyo ng nasa kabilang dako. 

Kilala ko ito. Siya ang mommy ko. At ngayong araw ang aking kasal. 

Hindi pa rin bumabalik sa normal ang pakiramdam ko. Kailangan kong kumalma. Ngunit masyado akong nanlalambot. Parang wala ng buhay ang aking katawan. Pero kahit gan'on, pinilit ko pa ring kumilos upang pakalmahin ang aking sarili. 

"Walang mangyayaring masama… Walang mangyayaring masama," alo ko sa sarili ko. 

Ikinuyom ko ang aking mga kamay at pinilit na huminga ng malalim sa marahang paraan. Sinuklay-suklay ko rin ang aking buhok dahil bahagya itong nagdadala ng kaginhawaan sa aking pakiramdam. 

Kumalma ka, Avi. Kumalma ka. Walang mangyayaring masama sayo. Walang mananakit sayo. 

Ilang minuto pa ang aking ginugol bago ko tagumpay na napakalma ang aking sarili. Nang masiguro kong kalmado na talaga ako ay kumapit ako sa pasimano ng lababo para kumuha ng suporta upang makatayo. Nanghihina pa rin ang aking mga binti. Pero hindi na katulad kanina na hindi ko maramdaman ang mga ito. 

Nang sa tingin ko ay kaya ko nang tumayo mag-isa, inangat ko ang aking mukha at tinitigan ito sa salamin. Basang-basa ng luha ang aking mukha. Mabuti na lamang at waterproof ang ginamit na make-up sa akin. May kumalat man ay kaunti lamang kaya naman ay kaya kong gawan ng paraan. 

Inayos ko muna ang aking suot na gown bago nagsimulang ayusin ang kolorete sa aking mukha.

"Avi? Lumabas ka na riyan, please? Kanina pa naghihintay sayo si Stavros," muling tawag ni Mommy. 

Napatigil ako sa paglagay ng face powder at napapikit ng mariin. Bumalik sa aking alaala ang dahilan kung bakit narito ako ngayon. Kung paano ako napunta sa sitwasyong ito. Kung bakit naging responsibilidad kong magpakasal sa isang Stavros Bienvenelo, sa isang negosyanteng handang gawin lahat para lamang lumago ang kaniyang negosyo. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status