Home / Romance / Ang Lihim ni Pukangkang / 42. PAALAM, MARCOS.

Share

42. PAALAM, MARCOS.

Author: Mir
last update publish date: 2026-10-23 14:28:42

MARCO DE LA FUENTE’s POV

“Si Pukangkang ay hindi ang totoong Pukangkang.”

Napangiwi ako sa nabasa, “Ano naman bang kadramahan ito? Tss! Akala ko naman inuukit niya ang mga pangalan namin kaya siya laging umaakyat dito.”

Patalon akong bumaba ng puno. I was busy preparing everything para makauwi na, pero talagang sinadya ko muna ito. I was too curious kung anong pinagkakaabalahan dito palagi ni Pukangkang.

“Marco! Heto sabi ni Lola dalhin mo raw pauwi sa Lolo mo. Dahon ito ng sambong, pakuluan m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Lihim ni Pukangkang   47. MATANDANG BALIW

    3rd Person’s POVMakailang beses siyang nadapa at magkakahalong mga bato at bubog na ang tumatama sa mga paa niya. Sa kabila ng panghihina ng kanyang katawan ay pilit pa rin siyang bumabangon, inaakay ang lupaypay niyang katawan para makatakas.“Akala ko ba nakita mo?! Nasaan na?!”Nag-uunahan ang kanyang mga luha habang nagtatago sa loob ng kulungan ng mga baboy. Mabuti na lang at madilim kaya’t hindi siya naaaninag ng mga lalakeng iyon. Tinakpan niya ng dalawang mga palad ang kanyang bibig. Maging ang paghinga ay halos hindi niya magawa sa sobrang takot na baka mahuli siya.“Tsk! Lintik! Malalagot tayo kay Gov kapag hindi natin naiuwi iyon! Halughugin niyo lahat! Kung kinakailangang pasukin niyo ang bawat bahay dito gawin niyo! Basta siguruhin niyo na hindi mababanggit ang pangalan ni Gov at ang pangalan ng babaeng iyon sa kahit na sino!”“Copy, boss!”Tumahimik na ang paligid. Akala niya ay makakahinga na siya sa wakas. Ngunit sa pagsilip niya sa siwang ng kulungan, isang pares ng

  • Ang Lihim ni Pukangkang   46. ANG LIHIM NI PUKANGKANG

    PUKANGKANG GUEVARRA’s POV“Hahaha! Ikaw talaga, Marco! Kahit kailan loko-loko ka talaga! Akala mo siguro kaagad mo akong mapapaniwala ano? Tsk! Kahit kailan ka talaga!” Pabiro ko pang itinulak ang dibdib niya pero sinalo niya lang ang kamay ko.Madilim ang mukha niya. Malayong malayo sa masiyahing Marco na kilala ko.“Hindi ako nagbibiro, Kangkang. My grandpa’s health is my priority right now. Muntik nang maparalisa si Lolo. Ako na lang ang nag-iisang pamilya niya kailangang nasa tabi niya ako palagi. Can’t you do this one favor for me? Kang, hindi naman kita ikukulong doon. Makakabisita ka pa rin naman dito kahit kailan mo gustuhin. Kung gusto mo bibilhan kita ng sarili mong chopper at sarili mong piloto para makauwi ka rito kahit anong oras mo gustuhin. Please, sumama ka na sa akin.”Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin, malamig ang boses niya ngunit puno iyon ng pakikiusap. Pero kahit gaano pa kaganda ang offer niya, pakiramdam ko lalo akong nasasakal. Paano ako makikisalamuha sa

  • Ang Lihim ni Pukangkang   45. PAGBABALIK AT PAGLISAN

    PUKANGKANG GUEVARRA’s POV“Huy! Ano ka ba? Heto yung iyong tasa ng kape mo oh! Kanina mo pa sinasawsaw iyang pandesal sa malamig na tubig!” “Aray ko! Lola naman eh!” As usual, may kasamang hampas iyong paninita niya.“Lola naman ka dyan! Ano ba kasing nangyayari sa iyo? Palagi ka na lang lutang. Palagi kang wala sa sarili mo, akala mo naman kung pasan mo ang daigdig!”“Inaantok pa po kasi ako, hindi naman ako araw-araw na ganito.”Napakamot ako ng ulo saka kinain iyong pandesal na wala nang lasa dahil napuno na ng tubig.“Sus! Mula nung nawala si Marcos naging ganyan ka na. Akala mo mo naman kulang sa esmiringhoy eh, napakaarte.” Sinamaan niya ako ng tingin.“Esmiringhoy? Ano pong esmiringhoy?” nakatitig ako sa kanya habang nakakunot ang noo.“Wala, huwag mo nang alamin! Ayusin mo iyang sarili mo, hindi iyong akala mo pinagbagsakan ka ng langit at lupa!” Tumayo na siya at saka kinuha ang tali ng kambing niya saka sila pumwesto sa sala.Pero hindi ko talaga maiwasang matulala. Halos

  • Ang Lihim ni Pukangkang   44. CLEAVAGE NI THANOS

    PUKANGKANG GUEVARRA’s POV“Sayawan na! Ang pinakamagaling sumayaw, mananalo ng grocery!” sigaw ni Mang Celso habang nagsasayaw sayaw sa harap ng damara.Walang humpay na budots ang tugtugan kahit na puro mga matatanda na ang nandoon. Kung sumayaw akala mo mga walang rayuma eh.“La, sayaw ka na doon. Sumali ka na sa kanila, ‘di ba mahilig ka sumayaw?” udyok ko kay Lola.“Asus! Huwag na, masyado na akong matanda para sa ganyan.”“Sus! Eh bakit iyong Maria, Leonora, Theresa todo bigay pa oh? Mas matanda pa sa iyo ang mga iyon ah?”Mula nang magsabi ng kung ano ano ang tatlong matandang iyon tungkol sa kanya ay hindi na siya gaanong nakisama. Pati tuloy itong mismong pista namin ay hindi na rin niya maenjoy.Lumapit siya sa akin at saka bumulong, “Alam mo namang mga nagmumurang kamatis ang mga iyan eh. Kita mo puro na kulubot pero puro pa mga nakasuot ng shorts at sando. Aba! Ang iikli kulang na lang mag Panty at bra na lang sila,” nakangiwi niyang sabi.“Si Lola talaga grabe ang bibig, s

  • Ang Lihim ni Pukangkang   43. PRINSESA KA BA?

    PUKANGKANG GUEVARRA’s POV“Hah! Ako wala akong sinabing ganyan! Sa iyo nanggaling iyan!” taas-kilay na sagot ng matanda habang nagpapaypay ng abaniko niya.“Kang, tama na hayaan mo na,” ani Lola, hinihila ang braso ko.“Bwisit na matandang ‘to, mula ngayon magpaigib ka na sa anak mong batugan!” singhal ko.“Aba, talaga! Bakit? Humingi ba ako ng tulong sa iyo? Ang sama sama ng ugali mo palibhasa mana ka sa Lola mo!” singhal niya rin.“Kangkang! Tama na!” Kung hindi lang dahil sa talim ng titig sa akin ni Lola ay talagang hindi ko siya tatantanan. “Sumusobra na sila La, lahat na lang ng gusto nilang sasbaihin tungkol sa inyo sasabihin nila? Akala mo naman hindi sila sa atin umuutang noon nung tayo pa ang may kaya.”Hapo akong umuwi ng bahay dahil sa sobrang inis.“Huwag mong pinaiiral iyang tigas ng ulo mo, ayan ka na naman eh! Masyado kang palaaway! Sinabi ko naman sa iyo na iwasan mong makipag-away dahil baka kung anong gawin at sabihin nila!” saway niya habang hinahampas ang braso

  • Ang Lihim ni Pukangkang   42. PAALAM, MARCOS.

    MARCO DE LA FUENTE’s POV“Si Pukangkang ay hindi ang totoong Pukangkang.”Napangiwi ako sa nabasa, “Ano naman bang kadramahan ito? Tss! Akala ko naman inuukit niya ang mga pangalan namin kaya siya laging umaakyat dito.”Patalon akong bumaba ng puno. I was busy preparing everything para makauwi na, pero talagang sinadya ko muna ito. I was too curious kung anong pinagkakaabalahan dito palagi ni Pukangkang. “Marco! Heto sabi ni Lola dalhin mo raw pauwi sa Lolo mo. Dahon ito ng sambong, pakuluan mo lang saka ipainom sa kanya. Tapos maligo ka na daw doon sa bahay para mas mabilis. Iyong mga gamit mo naayos mo na ba?” hapong hapo siya, halatang nagmamadaling puntahan ako.“Oo, kakatapos ko lang. Salamat dito ha? Pakisuyo na lang pakilagay sa bag ko? Papunta na rin kasi dito ang kaibigan ko para sunduin ako.”Tumango siya, “Sige ako na ang bahala.”Mabilis siyang naglakad paalis pero nahagip ko ang braso niya. Hinawakan ko iyon at muli siyang pinaharap sa akin.“Kang, pwede ka bang sumama s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status