LOGINKaius' POV "Sir? Sir! Ano po ang nangyari sa inyo? Gusto n'yo po bang dalhin ko muna kayo sa ospital?" bulalas ni Mang Carding, ang driver ng pamilya namin, pagkakita sa akin.Iwinasiwas ko ang kamay ko bilang pagtanggi. "Hindi na po. Diretso po tayo sa bahay. Gusto ko na pong umuwi."Pagpasok ng sasakyan ay ipinikit ko ang mga mata ko. Nangunot ang noo ko nang maalala ko ang mga suntok at panggugulpi na pinagdaanan ko sa kulungan kanina. Pero kumpara doon ay walang sinabi ang ginawa sa akin ni Heidi. Hindi ko akalaing magagawa n'ya akong ipagpalit sa matandang 'yun, para lang sa pera.Napaisip tuloy ako, kung nung una pa lang ay ipinaalam ko na sa kanya ang totoong estado ng buhay ko, hindi kaya n'ya ako ipagpapalit? Pero paano ko naman siya magagawang subukan kung ganoon? Mukhang nagkamali nga ako ng pagkilala sa kanya. Pero hindi ba't siya ang nagligtas sa akin? Nagdududa na tuloy ako ngayon kung siya nga ba talaga 'yun.Ngayong tapos na ang lahat sa amin, hindi ko na rin makiki
Hannah's POV Nag-iba ako ng daan at hindi na sana s'ya papansinin pero sinundan niya ako."Saan ka pupunta? Parang wala kang nakita, ah? Hindi ka ba naturuan ng nanay mo, ha?""Wala akong kasalanan sa'yo!" sigaw ko. "Kaya lang naman kita pinalo ng bote sa ulo ay dahil minanyak mo ako!" Hindi ako matatakot sa kanya. Kapag may ginawa siya sa akin dito, sisigaw na lang ako."Anong wala kang kasalanan sa akin? Alam mo ba kung ilang tahi ang inabot ng ulo ko nang dahil sa ginawa mo?"Napasigaw ako nang sunggaban niya ako. Nakakainis, kahit matanda na siya ay parang ang liksi pa rin niyang kumilos."Akala mo ba makakatakas ka sa akin? Runner ata ako ng mga parak dati, kaya kahit mas bata ka, mas mabilis pa rin ako sa'yo."Sumigaw na ako at humingi ng tulong."Hannah!" Nagkaroon ako ng pag-asa nang biglang dumating si Uncle Kaius. "Uncle kasi, tulungan n'yo po ako!""Hoy, huwag k
Hannah's POV A-ano raw? T-tinatablan na raw siya sa akin?... Anong ibig niyang sabihin? Parang gusto ko nang kiligin nang bigla naman niyang inilapit ang mukha niya sa akin.Nanlaki ang mga mata ko. Ano ang nangyayari at ano ang ginagawa ni Uncle Kaius?Bumilis ang tibok ng puso ko, at bigla akong nalito. Ano ba ang gagawin ko, tama ba ang iniisip ko? Gusto niya ba akong halikan? Pero...Hindi na ako makapag-isip pa. Ilang sandali na lang ay didiit na ang mukha niya sa mukha ko. Hindi man ako sigurado sa gusto o sa balak niyang gawin noong mga oras na iyon, pero isa lang ang alam ko; kung merong mangyari na hindi nararapat sa aming dalawa, tiyak na pagsisihan lang namin iyon pareho pagkatapos. Bago pa man may mangyari ay itinulak ko na siya, at dahil may tama na siya ng alak ay natumba siya. "Ay, Uncle Kaius!" Dali-dali ko siyang tinulungan. Hindi ko naman gusto ang mabuwal siya pero hindi ko na-control ang lakas ko. "S-sorry po, ayos lang po ba kayo?" Sumalampak siya ng upo s
Kaius' POV : "U-uncle Kaius..."Napamulagat ako at biglang dumistansiya. Ano ba itong ginagawa ko? "P-pasensya na, Hannah. Parang nawalan kasi ako ng balanse eh," palusot ko. Sinabi ko sa kanya na papasok muna ako sa kuwarto para makapagbihis.Sa loob ng kwarto ay hinampas ko ang noo ko. Hindi puwede ang ganito. Magiging parang anak ko na rin si Hannah kapag naikasal na kami ni Heidi kaya dapat ngayon pa lang ay pag-aralan ko nang kontrolin ang mga kilos ko. Mahirap na, baka maaktuhan pa kami ni Heidi at baka kung ano na naman ang isipin niya sa amin. Habang natutulog ay naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang paglubog ng kama. Hindi naman talaga mababaw ang tulog ko pero buhat nang matira ako dito at matulog sa kama ni Heidi ay parang ang dali ko na lang magising. Pagdilat ko ay nakita kong katabi ko na si Heidi. Nakatalikod siya sa akin. Pumihit ako sa kanya at niyakap s'ya. "Heidi, saan ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Hindi s'ya sumagot. "Heidi..." tawag ko.
Kaius' POV: Agad kong hinila si Hannah. "Heidi, ano ka ba naman?! Ano ba ang problema mo?" Pumagitna ako sa kanila, at ikinubli ko si Hannah sa likuran ko. "Alam kong mali na hindi kami nakapagpaalam sa iyo, pero kailangan mo pa ba talagang sampalin ang anak mo? Nagpaalam naman ako sa iyo kahapon, ah? Kaya siguro naman ay dapat alam mo na rin kung saan kami nanggaling, hindi ba?" Tumingin sa akin si Heidi na tila galit na galit. "At tingin mo maniniwala ako sa sasabihin n'yo?" "Heidi, puwede bang makinig ka muna—" "Hindi!" singhal niya. "Ikaw ang makinig sa akin, Kaius. May nakakita sa inyo—si Rina, ang kasamahan ko sa trabaho!" Kinuha niya ang cellphone niya. Binuksan niya iyon at inihagis sa mesa. "Ayan! Nariyan ang ebidensya ng pagtataksil ninyo sa akin!" "Pagtataksil?" Napamaang na lang ako. Ano ba ang sinasabi niya, at kailan ko siya pinagtaksilan? Dinampot ko ang cellphone at nakita ko ang isang stolen shot namin ni Hannah sa sakayan ng tricycle. Pu
Hannah's POV: Biglang tumawa si Uncle Kaius at pabirong isinara ang bibig ko. Doon ko lang namalayan na nakanganga pala ako."Bakit ganyan ang mukha mo, Hannah? Ang seryoso mo naman. Nagjo-joke lang naman ako," binalingan niya ang mga kasama ko sa TESDA. "Hi, kumusta kayo?"Nang makita nila na walang ere si Uncle Kaius at friendly naman ito, pinaikutan na siya ng mga ito. Naitulak na lang ako sa isang tabi."Kuya, ano po ang pangalan n'yo?""I'm Kaius. Kayo?"At isa-isa silang nagpakilala. At mga kinikilig pa nga ang."E, kaano-ano n'yo po si Hannah?""Boyfriend ako ng nanay niya.""Ahh..." pagkamangha nila."Ilang taon na po kayo?""Thirty-one.""Ang bata n'yo pa po pala."Natigil lang sila sa pag-uusyoso kay Uncle Kaius nang tawagin na kami dahil magsisimula na kaming mamahagi ng mga relief goods. Nang magtagal-tagal na ay nagtaka ako nang hindi ko na makita si Uncle Kaius. Saan kaya nagpunta? Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin siya."Yung stepfather mo ba ang hinahana







