Takot na takot si Gerald sa punto na hindi na niya kayang kontrolin ang panginginig niya at halos maihi na rin siya sa pantalon. Ang kanyang nag-uutal na boses ay narinig, “Big Boss Bill, galing ako sa pamilya White…”“Pamilya White?” Ngumiti nang masama si Bill. “Ano raw? Huwag mo ‘kong patawanin, okay!”Dumura nang masungit si Bill. Sinipa niya si sahig Gerald at sinabi, “Katatapos lang ng don na turuan ng leksyon ang isang tanga mula sa pamilya White kahapon, ang tangang ‘yon ay sinampal ng isa naming tauhan ng sampung libong beses sa mukha! May lakas-loob ka pang banggitin sa akin ang pamilya White, huh!”“Ha?” Napaatras si Gerald sa sobrang gulat.Akala niya na binugbog si Kevin habang ninanakawan siya, pero ang totoo pala ay si Don Albert ang bumugbog sa kanya!Habang nasa kalagitnaan siya ng sobrang pagkagulat at pagkatakot, itinaas ni Bill ang kanyang pamalo at pinalo ito sa ulo niya!Bang!Naramdaman ni Gerald na ang mundo ay umiikot sa paligid niya. Isang buzz ang patu
Nandito na si Don Albert!Mr. Wade? Sino si Mr. Wade?Pumasok si Albert sa kwarto at binugbog si Bill sa sahig. “Tarantado ka, paano mo hindi nakilala si Mr. Wade! Papatayin kitang hayup ka!”Nagmura si Albert habang balisang sinisipa si Bill.Si Bill, na napakalakas at mapagmataas kanina, ay nakayuko sa sahig at umuungol na parang isang asong binubugbog.Talagang nagulantang si Loreen. Anong nangyayari?Ang lahat ng tao ay nag-panic din. Si Mr. Wade ba talaga ang batang lalaki? Muntik na rin nilang bugbugin siya. Literal na hinuhukay nila ang kanilang libingan!Galit na sinabi ni Albert sa mga natira, “At kayong mga tanga rin! Bakit nakatayo lang kayo diyan na parang kahoy? Humingi kayo ng tawad kay Mr. Wade, ngayon na!”“Mr. Wade, humihingi po kami ng tawad. Kami ay mga tanga at hindi ka nakilala! Patawarin mo po kami!”Ang lahat ng lalaki ay sabay-sabay na lumuhod at walang tigil na humingi ng tawad.Parehong natakot si Bill. Sinampal niya ang kanyang mukha habang humihing
Pumayag si Loreen kay Doris Young ng Emgrand Group na magsimulang magtrabaho bukas.Pagkatapos umalis ng Heaven Springs, hinatid siya ni Charlie sa hotel kung saan siya mananatili at umalis na.Gulat pa rin si Loreen sa nangyari kanina sa restaurant habang iniisip ang kanyang gagawin sa hinaharap.May mahalaga siyang layunin ngayon para pumunta ng Aurous Hill. Mula sa halatang pananaw, nandito siya para sa kanyang bagong trabaho sa Emgrand Group, pero mayroon siyang mas malaking agenda mula sa kanyang pamilya.Sinabi sa kanya ng kanyang ama na ayon sa isang sikretong impormasyon, ang pamilya Wade, ang pinaka prominenteng pamilya sa Eastcliff, ay nahanap na ang kanilang young master na ilang taon nang nawawala. Binili pa nila ang buong Emgrand Group bilang regalo sa kanilang young master upang sanayin at hasain ang kanyang kasanayan sa pagnenegosyo.Sa ibang salita, ang young master ng pamilya Wade ay nasa Aurous Hill ngayon at siya ang bagong chairman ng Emgrand Group.Sa Eastcli
Naging alerto at maingat si Doris sa sandaling sabihin ito ni Loreen.Kakautos lang ni Charlie na bantayan si Loreen sa araw bago kahapon. Sa sandaling pumasok si Loreen, tinanong niya na agad ang tungkol sa chairman. Tila ba napaka kakaiba at hindi ito pangkaraniwan.Tiningnan ni Doris ang magandang batang babae at inisip, ‘Ano ang iyong layunin sa pagpunta ng Emgrand Group?’Sinabi niya nang nakangiti, “Bihira lang pumunta sa opisina ang ating chairman, pero kung pupunta siya, sasabihin ko sa kanya at ipapaalam ko sa’yo kung gusto ka niyang makita.”Kaunting nadismaya si Loreen, pero nakangiti pa rin siya at sinabi, “Okay, salamat po, Miss Young!”Sa sandaling bumalik si Doris sa kanyang opisina, agad niyang iniulat ang pangyayari kay Charlie. Mas lalong naging maingat si Charlie nang marinig na gusto siyang makita ni Loreen sa sandaling pumasok siya.Talaga nga, ang babaeng ito ay pumunta para sa kanya.Ano ang layunin niya upang puntahan siya?Nandito ba siya para saktan
Sobrang saya ni Charlie nang marinig niya ang sinabi ng kanyang asawa.Mukhang pinili niya ang pinakamagandang lugar para sa kanilang anibersaryo ng kasal. Siguradong sabik siya at masaya sa araw na ‘yon!Pumasok sila sa Sky Garden at umupo sa nakareserbang upuan. Hindi matagal, dumating si Loreen.“Claire!”“Loreen!”Ang dalawang matalik na magkaibigan ay niyakap ang isa’t isa, kailgayahan ang dumadaloy sa kanilang ekspresyon.Pagkatapos, pinag-usapan nila ang nakaraan habang magkahawak ang kamay. Matagal bago sila kumalma mula sa pagkasabik.Sinabi ni Loreen, “Claire, masyado kang magastos. Nagreserba ka talaga sa Sky Garden para sa hapunan!”Humagikgik nang masaya si Claire, “Nandito ka! Syempre kailangan kong gumastos!”Ngumisi si Loreen. “Ikaw ang matalik kong kaibigan!”“Sa totoo lang, hindi ako kwalipikado na kumain dito. Humingi ako ng tulong kay Miss Doris Young na mag reserba rito gamit ang kanyang membership card!”Nagbuntong hininga si Loreen. “Medyo mataas ang h
Medyo mahirap na ito.Naramdaman ni Charlie na kailangan niyang kausapin si Isaac at mag-ayos ng buong proteksyon sa araw na iyon. Hindi dapat siya makilala kahit anong mangyari.Sa kalagitnaan ng kanilang hapunan, sinabi ni Loreen, “Bago pa ako pumunta sa Aurous Hill, kinausap ko ang mga kaklase natin sa kolehiyo at nagmungkahi sila ng isang class reunion. Ano sa tingin mo?”Agad na sinabi ni Charlie, “Salamat nalang, hindi ako pupunta.”“Bakit?” Tinanong nang mausisa ni Loreen. “Kahit na hindi tayo magkaklase sa kolehiyo sa apat na taon, nagkasama pa rin tayo ng isang taon!”Nang inalagaan si Charlie ni Lord Wilson, ipinadala niya siya sa Aurous University upang makilala niya si Claire. Silang dalawa ni Claire ay ginugol ang huling taon nang magkasama sa parehong klase.Pagkatapos ng graduation, agad silang nagpakasal.Hindi siya nakipagkaibigan sa kahit sino sa klase. Bukod dito, halos lahat sila ay minamaliit siya, kaya hindi siya interesado nang marinig ang reunion.Ibinah
Dahil pumayag si Charlie na pumunta sa class reunion, pinaalala ni Claire, “Kailangan nating maghanda ng regalo para sa pagbubukas ng restaurant ni Douglas, hindi dapat tayo pumunta nang walang dala.”Tumango si Charlie. “Sige, pupunta ako at bibili ng regalo para sa kanya bukas ng umaga.”“Magaling,” sinabi ni Claire “Kailangan kong pumunta sa opisina ng Emgrand Group bukas ng umaga.”Sinabi nang nasorpresa ni Loreen, “Gano’n ba? Pumunta ka sa opisina ko pagkatapos mo, pwede akong sumabit sa kotse mo papunta sa restaurant ni Douglas sa tanghali.”Ngumiti nang nahihiya si Claire, “Pwede mo nang itapon ang iniisip mo palabas ng bintana! Wala akong kotse. Kadalasan ay sumasakay ako sa taxi o sa bus, at minsan sinusundo ako ni Charlie gamit ang kanyang scooter.”“Ano?” Sinabi nang gulat ni Loreen. “Batang babae, direktor ka na ng isang kumpanya, bakit hindi ka pa bumibili ng kotse para sa sarili mo?”“Kasisimula ko pa lang at hindi pa ako kumikita. Kadalasan, ang sahod ko ay ginagam
Maraming babae ang nainggit at nausisa pagkatapos marinig ang balita.Iniisip ng lahat na sino ang sobrang swerte na magkaroon ng isang lalaki na gagastos ng milyong-milyong dolyar sa isang gabi para ireserba ang buong Sky Garden at magtapat ng pag-ibig sa kanya!Maraming tao ang nasabik sa araw na darating upang makapunta sila at makita nila ito!Para maging sikreto ang kanyang pagkakakilanlan, inutusan ni Charlie si Isaac na gumawa ng espesyal na pagbabago sa Sky Garden sa araw ng pagdiriwang. Sa parehong oras, nasabik siya sa pagdating ng araw na iyon!Gusto niyang bigyan si Claire ng isang di malilimutan na engrandeng kasal sa kanilang anibersaryo ng kasal!***Pumunta si Charllie sa 4s shop nang maaga sa sumunod na araw.Mayroon siyang bank card na may laman na sampung bilyong dolyar na hindi niya pa masyadong nagagamit.Sa oras na ito, gusto niyang gastusin ito para makabili ng isang maganda at kaaya-ayang kotse para kay Claire.Nilayon niyang bilhan siya ng Rolls-Royce,
Pagkatapos niyang magsalita, binuksan niya ang headlights at inapakan ang gas para makaalis.Samantala, sa loob ng itim na sedan, mabilis na pinaandar ni Jilian ang kotse habang nakasuot ng puting evening gown. Kanina, sinadya niyang sirain ang suot niyang gown at ginamit iyon bilang dahilan para makalusot palabas ng main hall. Sa likod-bahay, may nakita siyang itim na sedan na may susi pa sa loob, kaya agad niya itong ginamit.Sa mga oras na iyon, hindi alam ni Jilian kung saan siya pupunta. Ang mahalaga lang sa kanya ay makaalis agad bago pa mapansin ng iba ang pagkawala niya.Pero habang kinakabahan siyang nagmamaneho palabas ng estate, biglang lumitaw ang isang Chevrolet sa mismong harap ng gate.Mabilis siyang napakadyak sa preno, pero kahit anong pilit niya, hindi niya ito maapakan kahit kaunti. Hindi alam ni Jilian, pero ito mismo ang hinihintay ni Charlie.Ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para harangan ang preno at manibela ng kotse, kaya kahit sino pa ang nagmamaneho,
Walang magawa ang dalaga sa loob ng kwarto at sinabi, “Sige na, tama ka na. Pero umalis ka muna. Kailangan ko munang mag-ayos at magbihis!”Malamig na sagot ni Antonio, “Bibigyan kita ng sampung minuto. Maghihintay ako rito.”Napilitan ang dalaga at sinabing, “Bahala ka. Kung gusto mong maghintay, wala namang pumipigil sa’yo.”Humagikgik si Antonio at malamig na binalaan, “Jilian, payo ko lang sa’yo, huwag mong subukang tumakas sa bintana. May tao na akong inilagay doon sa labas para magbantay. Kapag sinubukan mong lumabas, huhulihin ka agad nila at diretso kang dadalhin sa airport!”Biglang nagalit ang dalaga. “Walang hiya ka talaga!”Hindi natinag si Antonio sa panlalait ng anak niya. Ngumiti pa siya at sinabi, “Tandaan mo, Jilian, ang mga babaeng Sicilian ay nabubuhay para sa pamilya nila habang buhay! Ang pagtataksil sa pamilya ay kahihiyan para sa akin. Mas pipiliin ko pang ipadala ka sa Sicily at mag-alaga ng tupa habang buhay kaysa hayaan kang ipahiya ang pamilya natin.”N
Habang nangyayari iyon, minamaneho ni Charlie ang hindi kapansin-pansing Chevrolet papunta sa labas ng Zano Manor, kasama si Angus na halatang kinakabahan.Mula sa labas, kita nilang napakakulay at abala ngayon sa Zano Manor. Maliwanag ang buong lugar at maraming miyembro ng mafia na nakasuot ng itim na suit ang nakahanay sa magkabilang gilid ng pasukan, para bang may hinihintay silang napakahalagang bisita.Pagkakita niya nito mula sa malayo, napangiti si Charlie at sinabi, “Mukhang napakaganda ng timing natin. Parang may malaking okasyon ang pamilya Zano ngayon.”Napalunok si Angus sa kaba at tinanong si Charlie, “Mr. Wade, mukhang may daan-daang tao rito sa unang tingin pa lang. Papasok ba talaga tayo para gumawa ng gulo?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Hindi ba sinabi ko na gagawa tayo ng eksena sa kanila? Sundan mo lang ako mamaya. Bibigyan kita ng senyas para sa susunod na gagawin.”Pagkatapos ay idinugtong niya, “Pero kung talagang nag-aalala ka, pwede akong pumasok mag-isa
Sa halip, hinati nila ang lahat ng ilegal na transaksyon at ibinaba iyon sa mga mukhang walang kinalamang puppet gangs. Palihim nilang pinalalawak ang impluwensiya ng mga gang na iyon sa New York at sa buong East Coast para mas lumaki ang kapangyarihan at ilegal na kita ng kanilang grupo.Samantala, ang pampublikong imahe ng mga Zano, na pinamumunuan ng kasalukuyang ulo ng pamilya na si Antonio, ay todo-kayod sa pagpapaputi ng kanilang imahe at paglalapit ng sarili sa mga makapangyarihan sa lipunan.Alam na alam ni Antonio na kailangan din ng mga nasa mataas na lipunan ang mga grupong gaya ng mafia. Pero dahil sa pagkukunwari nila, hindi sila pwedeng makitang lantaran na nakikipagtulungan sa mafia. Kaya kung gusto ng isang mafia family na mapansin ng high society, ang unang dapat gawin ay linisin ang sarili nila.Sa madaling salita, hindi na sila naghahanap ng parang arinola na tinatago sa ilalim ng kama. Ang kailangan nila ngayon ay isang inidoro, malinis, walang amoy, at pwedeng i
Habang nagsasalita si Charlie, may plano na agad na nabuo sa isip niya.Dahil nasa New York na rin siya, naisip niyang ayusin na nang tuluyan ang ilang problema. Dahil pati ang Oskiatown at ang tindahan ni Uncle Janus na ilang dekada niyang pinaghirapan ay pinakialaman na ng mga Zano, wala na silang karapatang magreklamo kung magiging bastos siya.Kaya sinabi niya kay Angus, “Angus, magpalit ka ng damit. Sumama ka sa akin.”Tumingin si Angus sa limang miyembro ng Burning Angels at agad na nagtanong, “Mr. Wade, anong gagawin natin sa kanila? Paano kung patayin ko muna sila? Isang bala bawat isa, walang masasayang.”Takot na takot ang limang lalaki kaya nanginig sila sa kaba. Hindi nila inakalang ang maliit na chef na dati nilang inaapi sa punto na hindi siya nangahas na umutot ay handa na ngayong patayin silang lima!Nang makita ni Charlie na seryoso si Angus, ngumiti siya at sinabi, “Masyado pang maaga para patayin sila. Hayaan mo muna silang bantayan nina Uncle Janus at Daves. Hi
Pinasimulan ni Janus, na nasa tabi lang, ang pagpapakilala kay Charlie, “Matalino ang kasalukuyang pinuno ng mga Zano. Hinati niya ang dating simpleng operasyon sa ilang bahagi, tapos ang bawat hakbang ay ipinasa sa ibang grupo. Ang mga grupong ito ay nagtutulungan, nagba-balanse, at nagbabantayan sa isa’t isa.”Napataas ang kilay ni Charlie at sinabi, “Uncle Janus, pakipaliwanag pa nang mas detalyado.”Paliwanag ni Janus, “Base ito sa mga narinig at nakita ko lang mula sa labas, kaya maaaring hindi ito eksaktong tama, pero malapit-lapit na rin siguro.”Seryosong ipinagpatuloy ni Janus, “Sa totoo lang, ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga Zano ay ang smuggling at pagbebenta ng droga. Meron silang sariling gang para sa smuggling at isa pa para sa pagbebenta. Bukod pa roon, may mga mas maliliit silang grupo gaya ng Burning Angels, na ang trabaho ay sakupin ang mga teritoryo sa iba’t ibang bahagi ng U.S.”“Ang sistema nila ay pagpapakilos ng mga mababang-lebel na gang para palawakin
Nahiya si Daves nang marinig niya ito. Totoong hindi naman ganoon kataas ang tingin niya kay Angus.Bukod pa roon, si Charlie ay isang estranghero na bigla na lang lumitaw, kaya hindi siya naniniwalang may kakayahan itong tulungan siya o si Angus na buhayin muli ang Oskian gang sa ilalim ng pang-aapi ng Burning Angels.Pero kailangan niyang aminin na si Angus, bagamat bata at kulang pa sa karanasan sa mundo, ay mas matapang kaysa sa kanya.Kahit wala siyang tiwala sa kakayahan ni Charlie, may sarili rin siyang pangamba. Kung tatanggihan niya ito, kailangan pa rin niyang magtago kung saan-saan, at baka wala na siyang pagkakataong makabawi sa buong buhay niya.Pero kung makikipagtulungan siya kay Charlie, baka may tsansa pa siyang makabalik at bumangon.Habang iniisip niya iyon, hindi niya naiwasang mapatingin kay Janus na nasa tabi lang.Sa tingin niya, si Janus ay isang kahanga-hangang tao.Kahit matagal na itong naipit sa pagluluto ng roast goose sa tindahang ito, siya pa rin a
Pagkasabi noon, napakagat siya sa labi at mahigpit na sinabi, “Pero bago ako umalis sa United States, kailangan ko munang ipaglaban ang mga kababayan kong namatay sa Oskiatown! Kailangan kong makaganti, kahit ilan man lang sa kanila ang madala ko!”Gustong magsalita ni Janus pero napigilan niya ang sarili niya at napatingin na lang kay Charlie, hinihintay ang sasabihin nito. Tumingin si Charlie kay Angus at seryosong sinabi, “Angus, kung ikaw ang babaril, may dalawang pagpipilian ka. Una, papalabasin kita sa United States ngayong gabi. Tulad ng sinabi mo, hindi ka na babalik.”Pagkasabi niyon, saglit siyang tumigil, tapos tinaasan nang kaunti ang boses niya. “Ang pangalawa, manatili ka rito, at tapusin ang lahat ng dapat tapusin!”Nagtatakang tinanong ni Angus si Charlie, “Mr. Wade, ano pong ibig mo sa pangalawa?”Seryoso ang mukha at boses ni Charlie habang sinabing, “Manatili ka rito, tutulungan kitang buuin ang bagong Oskian gang. Simula ngayon, kahit sino pang manghamak sa’yo a
Agad na natakot nang husto ang lima, pati na si Will, sa sinabi ni Charlie!Paano nila naisip na kahit tiniis na nila ang lahat ng kahihiyan at pagpapahirap mula kay Charlie hanggang ngayon, at umaasa pa rin sila na palalayain sila ni Charlie, pero sino ang mag-aakalang ilalabas pa ni Charlie ang lider ng Oskian gang at uutusan pa siyang patayin sila.Takot na takot ang lima, at halos hindi na malinaw ang boses ni Will habang may dugo sa bibig. “Mr. Wade… ginawa na po namin ang gusto mo… pakiusap, huwag mo po kaming patayin…”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung sapat na ang pakiusap para makaligtas, edi sana wala na kayong pinatay. Naalala niyo ba ‘yung mga biktima niyo? Nakiusap din ba sila bago niyo sila pinaslang?”Pagkasabi nito, hindi na pinansin ni Charlie si Will. Inilagay niya ang baril sa kamay ni Daves, tapos malamig niyang sinabi, “Bakit nakatayo ka pa rin diyan?”Halatang nag-aalangan si Daves habang nakatitig sa baril sa kamay niya. Malalim ang galit niya sa Burning A