공유

Chapter 6

작가: RIAN
last update 최신 업데이트: 2024-10-15 13:42:49

NAPABALIKWAS ng bangon si Sab, napatili nang buhusan ng malamig na tubig ng ina ni Vladimir.

"Magluto ka na!" sigaw nito. Basa ng tubig na tinungo ni Sab ang banyo para magpalit ng damit ngunit hinarang na siya sa pintuan ni Ness at sinampal habang binubungangaan ng ina ng mga ito. Tumutulo ang luhang nilingon ni Sab si Vladimir na sinamaan lang siya ng tingin, wala itong ginagawa kundi panoorin ang pananakit sa kaniya. Ni hindi siya ipinagtatanggol man lang. Sa halip na magbihis ay tinungo niya na lang ang kusina at naghanda ng mailuluto. Mas masakit pa sa sampal ang pambabalewala ni Vladimir.

"Kung bakit naman kasi nag-uwi ka na lang ng babae dito, tamad pa?" irap ni Nene sa kuya nito na lumabas na ng silid.

Hinayaan ni Sab na kusang tumulo ang luha habang ipinagluluto ng almusal ang mga ito. Tahimik na naghain, naghintay na matapos kumain ang buong pamilya ng binata saka tinungo ang silid nila ni Vladimir upang magbihis.

"A-aalis ka?" tanong niya rito nang pumasok ito ng silid.

"Anong pakialam mo?" asik nito.

"p-pwede ba ako sumama?" pagbabakasakali ng dalaga.

"hindi," walang lingon-likod itong umalis, nanghihinang napaupo si Sab. Nakiramdam. Nang matiyak na nakaalis na ang mga ito ay isinara niya ang pinto at inilock, kinapa ang ilalim ng bag na may secret pocket na kinalalagyan ng kaniyang cellphone, idinayal ang numero ni Criselda.

"S-señorita?" tinig ni Cris.

Tanging hikbi lang ang naisatinig ni Sabrina.

"Nasaan ka?" nag-aalalang tanong ni Cris. Tila nahimasmasan si Sab sa tanong ng dating assistant.

"Sa bahay ni Vladimir,"

"Pupuntahan kita,"

"Huwag na, gusto ko lang ng kausap." saad ng dalaga.

"Señorita-"

"Sab, tawagin mo akong Sab." lumuluhang pakiusap ni Sabrina. Higit niyang nakita ang kahalagahan ni Criselda sa buhay niya.

Natigilan si Criselda, dama niya na hindi mabuti ang kalagayan ni Sabrina. At hindi niya mapapatawad ang sarili dahil hinayaan niya itong mapahamak.

"Sab, susunduin kita. Umuwi ka na!"

Ngunit sa halip na sumagot ay tinapos na ni Sabrina ang pakikipag-usap rito. Muling itinago ang cellphone at tahimik na lumuha. Tinitigan ang replika sa salamin. Halos hindi niya na makilala ang sarili. Nangingitim ang gilid ng mga mata, impis ang pisnge, at bagsak ang katawan dahil sa maghapong pagtatrabaho. Halos hindi na nasasayaran ng suklay ang may kahabaan niyang buhok. Hindi gumagaling ang mga sugat sa kamay, napakaputla niya dahil ni hindi siya naaarawan man lang dahil bawal siyang lumabas ng bahay.

Mahihinang katok ang nagpapitlag sa dalaga, maliliit ang hakbang na lumabas siya ng silid. Tumambad ang kalat ng mag-iina ngunit inuna niya munang buksan ang pinto bago iligpit ang mga ito.

"Si Marsha?" tanong ng may edad ng babae na napakunot-noo. "Katulong ka ba nila?"

Nahihiyang napilitan siyang tumango. "Nand'yan ba siya?"

Umiling si Sab,

"Pipi ka ba?" kunot-noong tanong nito. Kinikilatis ang kabuuan ng dalaga. "Magandang bata ka pa naman, sayang hindi ka nakakapagsalita." opinyon nito.

Kiming ngumiti si Sab, "H-hindi ho ako pipi,"

Nagulat man ay ngumiti ito. "Ako si Amanda, pinsan ni Marsha."

"Umalis po sila,"

Napatingin ito sa kabuuan niya, saka napailing.

"Pakisabi nanggaling ako rito, naniningil ng utang. Maliwanag?" saad nito.

"o-opo,"

"At sabihin mo sa amo mo, babalik ako sa katapusan."

"H-hindi po ako katulong," lakas-loob niyang sagot.

Natigilan ito.

"Kaaanu-ano ka nila?"

Kiming ngumiti si Sab, "Girlfriend po ako ni Vladimir."

"Ha?!" tila hindi ito makapaniwala. Para siyang palaboy sa ayos niya, ang kupasing t-shirt na suot niya napakarami ng butas at marumi pa.

"Inaalila ka dito 'no? Shinota ka lang ng pamangkin ko para may katulong sila." naiiling na tinitigan nito si Sab. Ngunit hindi mabasa ni Sab kung naaawa ba ito o naiinis?

"Calling card ko, kapag gusto mong tumakas. Tawagan mo ako." saad nito saka umalis.

Napatitig si Sab sa calling card na iniabot nito. Alam niyang hinding-hindi niya 'yun gagawin, ang umalis para iwan si Vladimir. Sinundan niya ito ng tanaw, saka ibinulsa ang calling card nito.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
lintik na pagibig
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 16

    NAPAAWANG ang bibig ni Sabrina nang makapasok sa mamahaling resto bar, napakaraming socialite ang naroon. Talaga palang tambayan iyon ng mga celebrity. Airconditioned at napakaluwang ng kabuuan, ngayon lang siya nakapasok sa ganong establisiyemento at bagong bagay sa kaniya ang mga nakikita. Ang malakas na tugtog ng musika ay hindi niya gusto na tila umaalingawngaw sa isang malaking silid, humahalo sa ingay at hiyawan ng mga taong naroon. Nilingon niya si Criselda na nasa 'di kalayuan na kumuha na rin ng sariling table kasama si Zachary.Nangangapa si Sabrina, ang pagiging inosente ang tanging bumabalot sa kaniyang pagkatao. Ito ba ang mundo ng mga spoiled-brat na richkid sa henerasyon niya? Kumukuti-kutitap ang iba't ibang kulay ng liwanag ng mga pinong ilaw ng mga mumunting bombilyang naroon. Lahat tila umiindak sa saliw ng musikang hindi gusto ng kaniyang pandinig at panlasa niya sa musika. Tila gustong tumakbo palabas ni Sab, sumakay ng kotse at magpahatid na lang pauwi upang mak

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 15

    TAMA si Zach, aniya ng isip ng dalaga napapansin na nga siya sa University. Off-shoulder knitted blouse ang suot niya na pinaresan ng trendy denim pants, sa halip na sandals ay white skechers shoes ang ipinasuot ni Zach sa kaniya at pinakulayan pa nito ng ash blonde ang dati niyang brown hair na tinalian ng puting lace. Maging siya ay naninibago sa bago niyang ayos, ang white smartwatch na paborito niya ang hindi lang nito pinalitan dahil alam nitong regalo iuon ng kaniyang daddy. Ang manipis na gpagkakapahid ng liptint at foundation ay aaminin niyang nagustuhan niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag saiyo nakatuon ang atensyon at paningin ng lahat. Tila binura ni Zach ang dating anyo ng mahiyain at simpleng Sabrina. Sanay siyang maging lowkey sa kabila ng pagiging heiress. "Sab?!" tila hindi makapaniwala si Mia nang makita ang pagbabago sa bihis niya.Nginitian ito ni Sabrina saka sinabayan sa pagpasok sa loob ng kanilang silid. Napatingin sa kaniya ang mga kaklaseng naroon. "Anong

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 14

    ANG paglapit ni Vladimir ay pinaghandaan na ni Sabrina, kasalukuyan siyang nasa ilalim ng malaking puno malayo sa karamihan upang magbasa ng paborito niyang libro. "Hi pretty!" Nakangiting bati nito. Tiningnan lamang ito ni Sabrina, tila tuksong sumasagi sa isip niya ang mga sinabi ni Zachary. Kaswal niya itong nginitian. "Pwede ka bang samahan?" tanong ni Vladimir ngunit umupo na ito sa tabi niya na may isang dipa ang pagitan."May kailangan ka ba?" Seryosong sinalubong ni Sabrina ang mga tingin nito. Bahagya itong natigilan nang matitigan siya ngunit muling ngumiti. "Gusto ko lang makipagkaibigan," wika nito. Iniabot nito ang kanan nitong palad. Tiningnan lang ito ng dalaga saka muling bumalik sa pagbabasa. Napatiim-bagang si Vladimir, wala pang babaeng nambalewala sa kaniya ng ganito. Sino ba ang babaeng ito para tratuhin siyang parang wala lang? Siya si Vladimir Hidalgo, na tinitilian at hinahangaan ng maraming babae. "Pwede ka bang yayaing magdinner? O, 'di kaya samahan mo ak

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 13

    MALAYO pa lang ay naririnig na ni Sabrina ang malakas na hiyawan at palakpakan sa loob ng malaking Auditorium. Pinili niyang tumayo muna sa gilid ng malaking pinto at pagmasdan mula sa kinatatayuan ang taong dahilan kung bakit nagtitilian ang marami. Walang iba kundi ang itinuturing na pinaka-gwapong Varsity Player ng SAU na si Vladimir Hidalgo. Kung alam lang ng marami na ang lalakeng halos sambahin nila ay kampon ni satanas na nagkukubli lang sa panlabas nitong anyo marahil ay ni hindi nila ito papangaraping makasama man lang. Gumuhit ang kirot sa kaniyang dibdib nang maalala ang sinapit niya sa mga kamay nito, tila nadarama niya pa rin ang bawat pananakit nito sa kaniya. Humugot siya ng malalim na hangin at pilit na binalewala ang paninikip ng dibdib. "Kanina ka pa?" untag ni Mia. Nilingon niya ang kaibigan na tulad niya ay nakasuot din ng simpleng skinny-jeans at white t-shirt. May nakasukbit na bag sa likod at kipkip sa dibdib ang portfolio. Nakasuot din ito ng University I.D ga

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 12

    MAHIGPIT na niyakap ni Sabrina ang mga magulang, hindi niya na napigilan ang mga luhang kusang pumatak. Pagkatapos ng mahabang panahon, bumalik na ulit siya sa mansyon. Naninibago ang kaniyang Mommy't Daddy sa ikinikilos niya, likas siyang malambing na anak pero tila mas higit siyang naging clingy sa mga ito. "May gusto ka bang bilhin?" ani Doña Meraly na ginagap ang palad ng bunsong anak. Umiling si Sabrina saka humilig sa balikat ng ina na hanggang ngayon ay walang alam sa mga pinagdaanan niya. "What about a new car?" sabad ng nakangiting si Don Felipe. Ngumiti ng maluwang si Sabrina. "Bakasyon ang gusto ko Daddy na kasama kayo." Nagkatinginan ang mag-asawa, alam nilang imposible ang hinihiling nito. Abala ang mag-asawa sa mga negosyo nito at wala ng oras para magliwaliw pa. "Sab," malungkot na turan ni Doña Meraly. Nag-aalalang tiningnan ang asawa saka muling tiningnan si Sabrina na nakangiti. "Okey lang naman Mom, Dad. Naiintindihan ko." Totoo sa loob na saad ng d

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 11

    MULA sa kinahihigaan ay dama ni Sabrina ang pangangawit ng likod, gustong-gusto niya ng bumangon at bumalik sa normal ang buhay. Ngunit tulad ng sinabi ng kaniyang doktor ang paggising niya ay nakadepende na sa isang himala. Pero tulad ni Criselda hindi siya naniniwala, alam niyang magigising pa siya. Ang kamalayan niya ay nasa ibang dimensyon, ngunit ang diwa niya ay gising na gising at dama ang kapaligiran. Malinaw na naririnig ang pinag-uusapan ng mga taong naging karamay niya habang nakaratay. Paulit-ulit ng sinubukan ni Sabrina na idilat ang kaniyang mga mata at igalaw ang mga daliri ngunit lagi siyang nabibigo, ngunit hindi sa pagkakataong iyon. Unti-unting naidilat ni Sabrina ang kaniyang mga mata, bumungad sa kaniyang paningin ang puting-kisame, bahagya siyang nasilaw sa liwanag mula sa mga ilaw na naroon. Gumalaw na rin ang kaniyang mga kamay. Napaawang ang bibig ng dalaga, inilinga ang paningin sa paligid. Natutulog si Criselda sa gawing paanan niya, sa mahabang sofa na na

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status