MATAPOS matiyak na hindi pa makakauwi ang mag-iina ay mabilis na idinayal ni Sabrina ang numero ni Criselda. Alam niyang hindi siya nito bibiguin. At hindi nga siya nagkamali, napapayag niya ito kahit pa alam niyang hindi ito sang-ayon sa nais niya. Ang palihim na bayaran ang pagkakautang ng pamilya ni Vladimir sa pinsan nito gamit ang pera niya. May access pa rin naman si Criselda sa account niya kaya hindi ito naging problema.
Masayang-masaya siya sa kaniyang ginawa, maliban 'dun ay nagpabili din siya ng mga branded na damit at sapatos para kay Vladimir. Anonymous person ang sender kaya alam niyang hindi malalaman ng binata na sa kaniya nanggaling. Hindi naman mahahalata dahil marami naman itong tagahanga. Ora mismo ay idineliver ng parcel rider ang mga pinamili ni Criselda para sa binata, ayon sa kagustuhan ni Sabrina. Tulad ng inaasahan ni Sabrina ay masaya ang binata nang madatnan ang santambak na regalo na nagmula sa isang hindi kilalang tagahanga. Isa-isa nitong isinukat, pumapalakpak naman sa tuwa ang mga kapatid nito kasabay ng pag-irap kay Sabrina na tahimik na nakamasid. "Siguradong napakayaman ng tagahanga mo Kuya, imagine napakamahal ng mga iyan," palatak ni Ness. "At kung siya ang iniuwi mo dito, marahil ay mas maginhawa ang buhay natin." Sabad naman ni Nene na umismid pa nang mapasulyap sa nakayukong si Sabrina. Binalingan ni Vladimir si Sabrina. "Sab, dalhin mo ang lahat ng ito sa silid ko." utos nito sa dalaga na mabilis namang tumalima. "Napakaswerte talaga natin ngayong araw, imagine may isang estranghero din na nagbayad ng utang natin sa pinsan kong mahadera!" Ang luwang ng ngiti na saad ng ina ni Vladimir. "Wow! Ma, baka siya rin ang bumili ng mga mamahaling regalo para kay kuya." namilog ang mga mata ni Ness. Nagkatinginan ang mag-iina saka maluwang na napangiti. Tahimik namang inayos ni Sabrina ang mga pinamili ni Criselda sa silid nila ni Vladimir. Masaya siyang napasaya niya ang binata. Palihim siyang nagpapasalamat dahil nangako si Criselda na mananatiling lihim sa mga magulang niya ang mga nangyayari sa kaniyang buhay. Inilingid niya kay Criselda ang kalupitan sa kaniya ng pamilya ni Vladimir. At alam niyang susuportahan siya para sa ikaliligaya niya ngunit tiyak na hahadlang ito kapag nalaman nito ang dinaranas niyang kalupitan sa mga ito. Lumabas na ng silid ang dalaga, nagkani-kaniya ng pahinga sa mga silid ang mag-iina kaya kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag, magagawa niya ng mas maayos ang trabaho niya. Lalo niyang naappreciate ang kahalagahan ng mga katulong nila sa mansyon. Pinalaki man siya sa marangyang pamumuhay ngunit namulat siya na may mabuting pakikitungo sa mga empleyado at maging sa mga katulong nila. Nagluto siya ng pagkain para sa dinner ng mag-iina. Pasimpleng kumain sa laundry area ng bahay, kailangan niyang pasikretong kumain dahil kailangan niya ng lakas. Tiyak kasi na mas marami siyang gagawin dahil nasa bahay ang mga ito. Ngunit nang bumalik siya sa kusina ay nakita niyang bihis ang mga ito, may mahalaga daw itong pupuntahan, ni hindi pinansin ang kaniyang mga niluto. Palihim siyang napangiti nang pumasok siya sa silid, hindi umalis si Vladimir kundi nagtitipa lang ito sa selpon nitong hawak. "N-nakapagluto na ako, gusto mo bang ipaghain na kita?" Atubili niyang tanong sa binata. Malamig ang mga tingin na sinulyapan lang siya nito. Napakagat-labi si Sabrina. Ano bang ginawa niya? Hanggang kailan siya tatratuhin ng ganito ng binata? "Mamaya, lumabas ka ng kwarto!" Asik nito. "At huwag kang papasok hangga't hindi ko sinasabi." Tila alipin kung ituring ni Vladimir si Sabrina. Pinuproblema na nga nito kung paano ididispatsa ang dalagang ulila na sa pagkakaalam niya. Pero dahil napapakinabangan pa naman ito ng kanilang pamilya ay pagtityagaan niya muna itong makita araw-araw. Mabilis na nanubig ang mga mata ni Sabrina at tumalikod na para iwan ito. Mabilis na pinahid ang namalisbis na mga luha. Dumiretso siya ng banyo at sa doon niya na hinayaan ang mga matang walang patid ang pagdaloy ng luha. Wala siyang hindi kayang tiisin para sa pagmamahal niya rito. Matapos umiyak ng ilang minuto ay pinahid niya na ang luha upang magsimula na namang maglinis ng sala. MASUSI namang pinag-aaralan ni Criselda ang buhay ng pamilya Hidalgo. Naiiling na tinitigan sa monitor ng laptop ang mukha ng mag-iina. Walang permanenteng trabaho si Marsha, kolektor ng jueteng sa Novaliches. Naging kabit ng ilang politiko 'nung kabataan pa nito. Si Vladimir ay anak ng isang negosyante na may mga illegal na pasugalan, si Ness at Nene ay mga anak naman nito sa mga pulis na protektor ng pasugalan. Mataas ang ambisyon, namumuhay sa paraket-raket. Ibinubugaw ang mga anak sa mga mayayamang mahilig tumambay sa mga bar. Hindi na nakapagtatakang maging si Vladimir ay ginagamit ang karisma upang magpaibig ng mga mayayamang kolehiyala upang huthutan ng pera. Naiiling na tinitigan naman ni Cris ang larawan ni Sabrina, inosente, mabuti ang puso. Maswerteng bata, mala disney princess ngunit minalas na nagmahal ng maling-tao. At sasagipin niya ito sa ano mang paraan, ipinangangako niya sa sarili. "Siya ba ang alaga mo?" Bungad na saad nang kararating lang na si Zachary. Malungkot na tumango si Criselda. "Magandang bata," opinyon nito na umupo na sa tabi ni Cris. "Yap, at napaka-inosente." Tumango-tango naman si Zachary, tantiya niya ay wala pang disi-otso anyos ang dalaga. "Sayang, kung hahayaan ko lang na masira ang buhay dahil lang sa bulag na pag-ibig." "Hayaan mo siyang magdesisyon para sa sarili niya," pabalewalang sagot ni Zachary. "At wala ka na naman sa buhay niya para panghimasukan pa." Inis na binalingan ni Criselda ang pamangkin. Tinitigan ang gwapong mukha nito saka sarkastikong nginitian. "Biktima si Sab ng maling pagmamahal, iniwan niya ang marangyang buhay para sa maling lalake." Natigilan si Zachary, saka napaisip. Minsan ng naikwento ng kaniyang Tita Criselda ang ilang detalye sa pagkatao ng dalaga. "At hindi mo maiintindihan dahil hindi ka pa naman nagmahal." Inirapan ni Cris ang pamangkin. Ano nga ba ang alam ng isang Zachary Montefalcon sa reyalidad ng pag-ibig? Abala ito sa pagpapayaman, abala sa mga negosyo nito, sa edad na beinte-otso anyos ay isa na itong successful online businessman. Ilang Novel Platform na ang pag-aari nito na nagkalat online. Ito rin ang nasa likod ng ilang sikat na online games. Batang CEO na sa edad na disi-nuebe anyos at siyam na taon na itong pinayayaman ng pinasok nitong karera. "Introvert kasi ang alaga mo," naiiling na saad ni Zachary. "Ipinanganak na may gintong-kutsara sa bibig, anong aasahan sa isang brat na gaya niya?" "Brat?" Umiling si Cris. "Hindi spoiled-brat si Sab." Pagtatanggol ni Cris sa alaga. "Hindi siya katulad ng inaakala mo." Natahimik si Zachary, naging curious sa buhay ng dalaga. Hinayaang magkwento ang tiyahin saka lang nito nakuha ang simpatiya niya. Nakakapanghinayang nga ang isang gaya ni Sabrina na napunta lang ito sa kamay ni Vladimir. Tila may kung anong nag-udyok sa damdamin niya para mas kilalanin pa ito. Patuloy siyang nakinig sa tiyahin at sumimpleng tumipa sa cellphone upang alamin pa ang family background nito.NAPAAWANG ang bibig ni Sabrina nang makapasok sa mamahaling resto bar, napakaraming socialite ang naroon. Talaga palang tambayan iyon ng mga celebrity. Airconditioned at napakaluwang ng kabuuan, ngayon lang siya nakapasok sa ganong establisiyemento at bagong bagay sa kaniya ang mga nakikita. Ang malakas na tugtog ng musika ay hindi niya gusto na tila umaalingawngaw sa isang malaking silid, humahalo sa ingay at hiyawan ng mga taong naroon. Nilingon niya si Criselda na nasa 'di kalayuan na kumuha na rin ng sariling table kasama si Zachary.Nangangapa si Sabrina, ang pagiging inosente ang tanging bumabalot sa kaniyang pagkatao. Ito ba ang mundo ng mga spoiled-brat na richkid sa henerasyon niya? Kumukuti-kutitap ang iba't ibang kulay ng liwanag ng mga pinong ilaw ng mga mumunting bombilyang naroon. Lahat tila umiindak sa saliw ng musikang hindi gusto ng kaniyang pandinig at panlasa niya sa musika. Tila gustong tumakbo palabas ni Sab, sumakay ng kotse at magpahatid na lang pauwi upang mak
TAMA si Zach, aniya ng isip ng dalaga napapansin na nga siya sa University. Off-shoulder knitted blouse ang suot niya na pinaresan ng trendy denim pants, sa halip na sandals ay white skechers shoes ang ipinasuot ni Zach sa kaniya at pinakulayan pa nito ng ash blonde ang dati niyang brown hair na tinalian ng puting lace. Maging siya ay naninibago sa bago niyang ayos, ang white smartwatch na paborito niya ang hindi lang nito pinalitan dahil alam nitong regalo iuon ng kaniyang daddy. Ang manipis na gpagkakapahid ng liptint at foundation ay aaminin niyang nagustuhan niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag saiyo nakatuon ang atensyon at paningin ng lahat. Tila binura ni Zach ang dating anyo ng mahiyain at simpleng Sabrina. Sanay siyang maging lowkey sa kabila ng pagiging heiress. "Sab?!" tila hindi makapaniwala si Mia nang makita ang pagbabago sa bihis niya.Nginitian ito ni Sabrina saka sinabayan sa pagpasok sa loob ng kanilang silid. Napatingin sa kaniya ang mga kaklaseng naroon. "Anong
ANG paglapit ni Vladimir ay pinaghandaan na ni Sabrina, kasalukuyan siyang nasa ilalim ng malaking puno malayo sa karamihan upang magbasa ng paborito niyang libro. "Hi pretty!" Nakangiting bati nito. Tiningnan lamang ito ni Sabrina, tila tuksong sumasagi sa isip niya ang mga sinabi ni Zachary. Kaswal niya itong nginitian. "Pwede ka bang samahan?" tanong ni Vladimir ngunit umupo na ito sa tabi niya na may isang dipa ang pagitan."May kailangan ka ba?" Seryosong sinalubong ni Sabrina ang mga tingin nito. Bahagya itong natigilan nang matitigan siya ngunit muling ngumiti. "Gusto ko lang makipagkaibigan," wika nito. Iniabot nito ang kanan nitong palad. Tiningnan lang ito ng dalaga saka muling bumalik sa pagbabasa. Napatiim-bagang si Vladimir, wala pang babaeng nambalewala sa kaniya ng ganito. Sino ba ang babaeng ito para tratuhin siyang parang wala lang? Siya si Vladimir Hidalgo, na tinitilian at hinahangaan ng maraming babae. "Pwede ka bang yayaing magdinner? O, 'di kaya samahan mo ak
MALAYO pa lang ay naririnig na ni Sabrina ang malakas na hiyawan at palakpakan sa loob ng malaking Auditorium. Pinili niyang tumayo muna sa gilid ng malaking pinto at pagmasdan mula sa kinatatayuan ang taong dahilan kung bakit nagtitilian ang marami. Walang iba kundi ang itinuturing na pinaka-gwapong Varsity Player ng SAU na si Vladimir Hidalgo. Kung alam lang ng marami na ang lalakeng halos sambahin nila ay kampon ni satanas na nagkukubli lang sa panlabas nitong anyo marahil ay ni hindi nila ito papangaraping makasama man lang. Gumuhit ang kirot sa kaniyang dibdib nang maalala ang sinapit niya sa mga kamay nito, tila nadarama niya pa rin ang bawat pananakit nito sa kaniya. Humugot siya ng malalim na hangin at pilit na binalewala ang paninikip ng dibdib. "Kanina ka pa?" untag ni Mia. Nilingon niya ang kaibigan na tulad niya ay nakasuot din ng simpleng skinny-jeans at white t-shirt. May nakasukbit na bag sa likod at kipkip sa dibdib ang portfolio. Nakasuot din ito ng University I.D ga
MAHIGPIT na niyakap ni Sabrina ang mga magulang, hindi niya na napigilan ang mga luhang kusang pumatak. Pagkatapos ng mahabang panahon, bumalik na ulit siya sa mansyon. Naninibago ang kaniyang Mommy't Daddy sa ikinikilos niya, likas siyang malambing na anak pero tila mas higit siyang naging clingy sa mga ito. "May gusto ka bang bilhin?" ani Doña Meraly na ginagap ang palad ng bunsong anak. Umiling si Sabrina saka humilig sa balikat ng ina na hanggang ngayon ay walang alam sa mga pinagdaanan niya. "What about a new car?" sabad ng nakangiting si Don Felipe. Ngumiti ng maluwang si Sabrina. "Bakasyon ang gusto ko Daddy na kasama kayo." Nagkatinginan ang mag-asawa, alam nilang imposible ang hinihiling nito. Abala ang mag-asawa sa mga negosyo nito at wala ng oras para magliwaliw pa. "Sab," malungkot na turan ni Doña Meraly. Nag-aalalang tiningnan ang asawa saka muling tiningnan si Sabrina na nakangiti. "Okey lang naman Mom, Dad. Naiintindihan ko." Totoo sa loob na saad ng d
MULA sa kinahihigaan ay dama ni Sabrina ang pangangawit ng likod, gustong-gusto niya ng bumangon at bumalik sa normal ang buhay. Ngunit tulad ng sinabi ng kaniyang doktor ang paggising niya ay nakadepende na sa isang himala. Pero tulad ni Criselda hindi siya naniniwala, alam niyang magigising pa siya. Ang kamalayan niya ay nasa ibang dimensyon, ngunit ang diwa niya ay gising na gising at dama ang kapaligiran. Malinaw na naririnig ang pinag-uusapan ng mga taong naging karamay niya habang nakaratay. Paulit-ulit ng sinubukan ni Sabrina na idilat ang kaniyang mga mata at igalaw ang mga daliri ngunit lagi siyang nabibigo, ngunit hindi sa pagkakataong iyon. Unti-unting naidilat ni Sabrina ang kaniyang mga mata, bumungad sa kaniyang paningin ang puting-kisame, bahagya siyang nasilaw sa liwanag mula sa mga ilaw na naroon. Gumalaw na rin ang kaniyang mga kamay. Napaawang ang bibig ng dalaga, inilinga ang paningin sa paligid. Natutulog si Criselda sa gawing paanan niya, sa mahabang sofa na na