Home / Romance / Ang Nawawalang Bilyonarya / Four: Malapit na Panganib

Share

Four: Malapit na Panganib

last update Last Updated: 2024-12-11 10:08:47

Yzza's POV

Ngayon ay araw ng Linggo at as usual, pupunta na naman kami ng bukid. Doon na naman kami mag-aagahan muli at mag-aayos na din kami ng mga tanim na gulay. Mas maaga kami kaysa kahapon nang dumating sa bukid kaya naman mas marami kaming nagawa nang araw na iyon.

Busy ako sa pagcucultivate ng mga tanim na sitaw at kalabasa ni Inay nang mapansin kong wala sa paligid si Itay. Nawili ako sa aking ginagawa dahil nage-enjoy ako ng sobra kaya’t hindi ko na namalayang wala na pala sa paligid si Itay. Napahinto ako sa aking ginagawa at hinanap siya ng aking mga mata.

Tumingin na ako sa lahat ng sulok sa aking palibot pero hindi pa din nahanap ng mga mata ko si Itay. Sinulyapan ko si Inay na tuloy lamang sa ginagawa nito at wala pa ding malay na hindi na naming kasama si Itay. Naisip kong tanungin siya at baka nagpasabi rito si Itay patungkol sa pupuntahan nito at hindi na nakuha pang magpaalam dahil sa pagmamadali.

“Inay, napansin niyo po ba si Itay? Bigla lang kasi siyang nawala.” Nakakunot-noo kong tanong kay Inay. Napahinto naman siya at tiningnan ako ng diretso. Nakita ko sa mukha niya ang kawalan ng reaksiyon at panatag ng mukha.

“Ang sabi niya kanina ay magsasadya lamang siya kay Don Samson. May importante lamang silang pag-uusapan.” Saad niya at muli nang nagpatuloy sa ginagawa matapos akong bigyan ng isang makahulugang tingin.

Hindi na ako nagimbestiga pa pagkatapos ng sagot niyang iyon. Napatango na laamang din ako nang makuha ang sagot na kanina ko ibig malaman.

Nagpatuloy na akong muli sa aking ginagawa. Habang busy ako sa pagcucultivate ng mga tanim ay sumagi sa isipan kong muli si Don Samson. May paminsang naliligaw sa malawak na plantasyon ng mga gulay si Don Samson. Dahil marami itong negosyong inaasikaso, halos magawi roon ang Don.

Minsan naman daw ay naroon ito sa anak nitong si Loid Xavier na kasalukuyang nag- aaral din ng kolehiyo.

Sa tantiya ko nga ay magkasing edad lang kami ng anak nito. hindi din malayong magkaklase kami ng anak nito kung nagkataong iisang school lang at unibersidad ang aming pinapasukan.

Madalang na lang nagagawi sa Mansion ang Don Samson. Ang huling pagkakatanda ko nang pumunta roon ang Don ay nakaraang taon pa. May importante lang itong kinuha sa plantation kaya nagawi roon.

One year ago….

MAINIT na mainit ng umagang iyon kahit pa alas nuebe pa lamang . Araw iyon ng Sabado kaya magkasama kami ng Itay at Inay ng araw na iyon sa bukid. Sa kalagitnaan ng aking kabisihan ay hindi ko napansing may kausap si Itay. Although naririnig ko ang kanilang mga pag-uusap pero hindi ko na iyon pinansin dahil alam kung tungkol lang din sa pagtatrabaho namin sa bukid nila ang pag-uusapan ng mga ito.

“Mukhang sinuswerte tayo ngayon Samuel.” Narinig kong wika ng Don. Nasa boses nito ang saya at eksayted na pagbabalita kay Itay. “Lumalaki na ngayon ang produksiyon at supplay natin ng gulay hindi lang dito sa atin kundi maging sa kabilang bayan.”

“Naku, Don Samson. Nakakataba naman ng puso ang mga sinasabi niyong iyan kung sakaling totoo nga.” Tugon naman ni Itay na kahit alam kong hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong sobrang masaya ito sa pinagsasabi ng Don.

“Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako? Siyempre, totoo lahat ng sinasabi ko. Ito ang ikalawang dahilan kung bakit ako narito. Para lang ibalita sa’yo ang tungkol sa ating malakas na kita sa gulayan.”

Naging interesado naman ako na makita kung ano talaga ang reaksiyon ni Itay kaya naman ay natukso akong sulyapan sila. Nakuha ko yata ang atensiyon ng Don kaya naman parang natuka ito ng ahas ng makita akong sumulyap sa kanila.

Kitang-kita sa dalawang mata ng matanda ang isang napakalaking paghanga. Hindi ko halos nalaman kung ilang segundong nakapause lamang ito sa kinatatayuan at nakapako lamang ang tingin sa akin.

Binawi ko naman ang aking mga mata at ibinalik ang aking atensiyon sa aking ginagawa. Para namang nahalata ang Itay at malugod niya akong ipinakilala sa kaniyang amo.

“Siyanga pala, siya pala si Yzza, anak namin ni Miriam.”

Hindi ko na nakita ang naging reaksiyon ng Don dahil sa totoo lang ay ayaw kong salubungin ang mga mata nito. Habang tumatagal kasi ay hindi na paghanga ang nararamdaman ko mula sa Don.May nababasa akong pagnanasa sa mga mata nito lalo na nang hagurin nito ako ng tingin.

“Hindi mo sinabing may anak ka na babae? Sayang naman ang ganda niya at nabibilad lamang sa araw.” Narinig kong pahayag ng Don. Naramdaman ko ang paghakbang niya palapit sa kinaroroonan ko na nagbigay sa akin ng hindi maipaliwanag na takot at pagiging uncomfortable.

“Pasensiya na Don Samson. Madalang na din kasi kayong makakapunta rito kaya hindi niyo na napansin siya.” Paliwanag ng ama ko na hindi ko maisip ang dahilan kung bakit kaylangang magpaliwanag rito ni Itay. Porke ba tauhan nito ang aking mga magulang ay may karapatan nang malaman nito kung sino ang anak ng mga tauhan? Kailangan bang updated ito sa mga kaganapan ng buhay ng mga tauhan?

Ang awkward ha!

“No, it’s okay.” Dahil busy ako sa paghahanap ng sagot kung bakit kailangan ni Itay ang magexplain rito, huli na ng mapansin kong nasa likuran ko na siya at hinawakan ako sa balikat.

Isang bagay na ikinagulat ko at napasinghap sa bigla. Kahit kaylan ay hindi pa ako nahahawakan ng kahit na sinong binata o lalaki kaya iba sa pakiramdam ko ang ginawa ng Don. Mas lalong dumagundong ang kaba ko sa takot na natriggered kanina pa kung paano nito ako tingnan.

Agad kong inilayo ang sarili ko at tumakbo sa aking Inay Miriam. Kinikilabutan ako sa mga sandaling iyon, hindi ko alam kung bakit pero trust me, sobra-sobrang takot na hindi ko alam kung bakit.

Narinig kong mahinang tumawa si Don Samson. Takot na takot naman akong isiniksik ang sarili kay Inay.

“Relax, baby girl. Hindi kita kakainin. Gusto ka lamang makilala ni Don Samson.” Natatawang saad ni Don. Hindi na nito ako hinabol dahil na din siguro sa takot na nakalarawan sa mukha ko.

Ang buong akala ko ay ipagtatanggol ako ni Inay. Sesermunan lang din pala ako.

“Diyos ko namang bata ka, oo! Para ka namang ngayon lang nakakita ng tao.” Sermon ni Inay na pilit akong inilalayo sa katawan niya. “E gusto ka lamang namang makilala ni Don Samson.” Dagdag pa niya. “Umupo ka nga roon at may pag-uusapan pa kami ni Don Samson.”

Gusto ko sanang manlaban kay Inay dahil pilit niyang tinatanggal ang aking mga daliri pero hindi ko na nagawa. Nilunok ko na lamang ang takot kong nararamdaman lalo na noong paano akong tingan ni Inay nang binalak kong hindi umalis sa pagkakasiksik sa kaniya.

Para akong basang sisiw na naupo sa gilid at hindi sinubukan pang magsalita. Lumayo lamang sila ng ilang distansiya at mahinang nag-usap. Sinubukan kong tingnan sila buhat sa malayo. Wala na akong narinig sa kanilang pinag-uusapan liban na lang sa buka ng kanilang mga labi habang nagpapalitan ng sagot.

Nahuli pa ng mga mata ko ang pag-abot ni Don Samson ng isang bagay kay Itay. Kung pera iyon o kung ano pa man iyon ay hindi ko na alam.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   Nineteen : Puso ng ISang INa

    LOID XAVIER’s POVMaghapon kaming nasa laot ni Rico kasama ang operator ng sinasakyan naming baruto at noon ay magtatakip-silim na. Hindi naman sa taghirap kami para umarkela lang ng isang baruto imbes na sumakay sa isang yacht or whatever kind of ship na may class naman at hindi kagaya nitong sinasakyan namin, na kung titingnan ay kunting hampas na lang ay may posibilidad na masira o tumaob.Gaya ng napagtripan namin, fishing is fun. Marami kaming nahuli at eksayted na akong iuwi iyon dahil gusto ko talagang magluto ng sariwang sinigang na bisugo at matambaka na nahuli namin. Habang naghahanda pauwi ay hindi ko makalimutan ang mga kaganapan kanina.Three hours earlier…..I just try some trip na mas ma-adventure like this na kulang na lang ay hampasin ng alon ang aming Bangka.. Alam kong hindi ako sanay sa ganitong uri ng buhay at trips, but I admit, I love what I am doing right now!Natatawa nga ako sa tuwing maalala ko ang reaksiyon kanina ni Rico while I kept insisting to him na di

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   Eighteen: Past Torture

    THIRD PERSON’s POVNoon ay magtatakip-silim na. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng magpasya akong magpahinga kasama ang aking asawa. Nakaupo ako sa lilim ng isang malaki at mayabong na puno ng acasia, samantalang ang asawa ko naman ay kasalukuyang natutulog sa isang duyan na nakasabit ng kabilaan sa dalawang punong-kahoy na hindi naman kalakihan pero malayo naman sa posibilidad na bibitaw ang naturang duyan sa pagkakatali.Nakasandal ang aking ulo sa isang malaking puno gamit ang aking mga siko habang ang mga paa ay malayang nakabukaka sa ibabaw ng nilikha kong sahig na gawa sa kawayan. Buong tiyaga kong tinatanaw angmalawak na kapatagan na pagmamay-ari ni Don Samson Aguirre. Nakapuwesto sa bahaging kanluran ang kapatagan kaya naging napakagandang tanawin para sa akin ang lugar at puwesto na iyon tuwing sasapit ang alas-says ng gabi.Kahanga-hanga ang tanawin iyon para sa akin. Pagkatapos ng maghapong mapagod sa pagtatrabaho sa bukid at pag-aalaga ng mga pananim na siyang panguna

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   Seventeen: Inlove ang peg!

    YZZA’s POVMATAGAL nang nakaalis ang dalawang lalaki pero nanatili akong nakatulos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung napansin pa ni Xavier ang bahagyang pamumula ng pisngi ko kanina nang bigla akong magmulat ng mata matapos magising sa isang inaasahang halik mula sa lalaki.Hindi ko maintindihan ang sarili kanina. Gustong-gusto ko siyang iwasan pero bakit para akong natulos kanina sa kinatatayuan? Ang mas malala pa, ini-imagine ko na hinahalikan niya ako sa mga labi ko nang hindi ko man lang tinututulan!‘Ang gaga mo talaga, Yzza!’ Sermon ng sarili kong isipan. ‘Hindi ko alam kung anong nakain mo at nagawa mong pagpantasyahan ang anak ng amo mo. Ang mabuti pa ay maligo ka dahil….’Hindi ko na pinatapos sa panenermon ang aking isipan dahil bahagya ko nang hinila ang manggas ng suot kong blusa. Basa ng pawis ang ilang bahagi ng kasoutan ko. Naamoy ko na din ang aking sarili dahil sa lagkit ng pawis ko. Ang baho ko na nga!Oras na para maligo ako.Bumalik ako sa loob ng kuwarto ni D

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   Sixteen: Paastigan

    YZZA’s POVMatapos kong kumain ay inutusan ako ni Don Samson na ayusin ang kaniyang kuwarto. Hindi naman ako nakatanggi dahil sa totoo lang, wala naman akong karapatang tumanggi. Paano ko ba matatanggihan ang isang utos sa isang Don?Napakapelingira ko naman kong ako pa ang may ganang tumanggi. Ang haba ng hair ko sa part na ‘yon.Idagdag pa na gusto kong maging busy. Ang anak kasi ni Don Samson. Simula ng kaganapan sa pool, parang lagi na akong sinusundan ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang ipinahihiwatig ng mga tingin na iyon. Ang alam ko lang, kailangan ko siyang iwasan.May iba akong nararamdaman sa klase ng kaniyang titig sa akin. Isang bagay na ayuko munang isipin. Basta ang kailangan ko lang gawin ay iwasan siya, hangga’t maari.Tagaktak na ang pawis ko ng mga oras na iyon. Matapos ko kasing walisan ang buong paligid ng kuwarto ay nilampasuhan ko na din. Yari sa tiles an gang kuwarto kaya sobrang kintab ng malampasuhan ko. Gamit ang Domex, nagmistulang salamin ang tiles. Ha

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   Fifteen: Love Triangle

    YZZA’s POV Maaga akong nagising kinaumagahan. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Matapos kaming maghiwalay ng landas ni Sir Loid Xavier sa pool, hindi na ako dinalaw ng antok. Hindi ko nga alam kung bakit. Dahil ba iyon sa kaba ng muntikan na akong malunod o dahil namamahay pa din ako? Hindi ko masabi kung alin sa dalawang iyon ang dahilan o may iba pang kahulugan. Simula kasi kagabi, hindi na makatkat sa isipan ko ang mukha ng binata. Ang mala-Papa P Pascual niyang masculine figure ay parang tintang nag-iwan ng mantsa sa isipan ko. Kahit anong pilit kong alisin siya sa isipan ko ay para siyang sardinas na pilit ipinagsiksikan sa isipan ko. Ang six-pack abs niya parin ang nakikita ko kahit nakapikit na ako. Ang mas hindi ko makalimutan ay ang iyong ano niya. Kahit nakasuot pa ito ng boxer kagabi, hindi pa din niyon naikubli ang tunay na sukat niyon. Idagdag pang basa na ang binata at dahil isang lalaki ay normal na nag-init ang pakiramdam. Ang isa pang hindi ko maalis sa isipa

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   Fourteen : Kilig Feber

    YZZA’s POVNapaubo ako sa aking muling pagmulat ng aking mga mata. Kasabay din no’n ay paglabas ng maraming tubig na nainom ko siguro kanina ng malunod ako. Hindi naman ako sa marunong lumangoy, sadyang nagkapulikat lang ako. Dahil na din siguro sa currency ng tubig at dahil medyo malalim na, nawalan na ako ng balance at walang naisip na gawin kundi humingi ng tulong kahit pa sabihing alam kong walang makakarinig sa akin dahil lahat ay puro tulog na. Nagulat na lamang ako ng makita ang isang lalaking nakaluhod malapit sa akin.“Sino ka? Ano’ng ginagawa mo sa akin?”.Iwan ko ba kung bakit iyon ang naitanong ko kahit malinaw naman sa akin na ito ang tumulong para makaahon ako sa pool. Niyakap ang sarili na parang nakahubad kahit may suot pa akong panty at bra. Never pa kasing may nakakita sa akin na nakasuot ng ganito“Ganyan ka ba magpasalamat?” Tinawanan lamang ng lalaki ang tanong ko. “Sino ako? Ako lang naman itong sumagip sa iyo sa pagkakalunod mo sa pool.” Tumayo na nga ang lala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status