تسجيل الدخول
Hindi ko maalala kung paano ako nakauwi.
Parang dumaan lang ang lahat nang hindi ko nararamdaman. The flight, the people talking to me, the papers they asked me to sign. I remember answering, nodding, doing what I was told, pero hindi ko talaga naiintindihan kung ano ang nangyayari. It felt like I was just there physically, pero yung isip ko naiwan sa moment kung saan nagsimula ang lahat.
All I know is this. Wala na sila. Mom and Dad. Pareho silang wala na.
Humigpit ang hawak ko sa bag ko habang bumababa ako ng sasakyan. The moment the door opened, a cold breeze hit my skin. Pamilyar yung lamig na iyon, but this time it didn’t feel comforting. It felt heavy. Parang may kasamang sakit na hindi ko matanggal.
Dahan-dahan akong napatingala. The mansion. My home.
Dito ako lumaki. Dito ako natutong tumawa, maglaro, mangulit. This was the place where Mom would wait for me at the door, smiling like I was the highlight of her day. Where Dad would call my name the moment I stepped inside, asking me about school, about anything, like nothing mattered more than hearing my voice.
This place held everything. I had a perfect life. Hindi ko kailangang magtanong kung mahal ba ako, kasi ramdam ko iyon araw-araw. Everything was already given to me. Comfort, security, a life that felt stable and complete.
I had everything. A complete family.
Pero ngayon, habang nakatayo ako sa harap ng parehong mansyon na iyon, pakiramdam ko wala na akong kahit ano.
Tahimik ang paligid. Sobrang tahimik na parang may kulang. Walang tumatakbo papunta sa akin. Walang tumatawag sa pangalan ko. Walang nagmamadaling staff para batiin ako. It didn’t feel like home anymore. It felt empty. It felt… dead.
Huminga ako nang malalim, pero hindi sapat. Parang may nakabara sa dibdib ko that I couldn’t push out, no matter how hard I tried.
“Miss Serena…” Mahina ang tawag ng isang maid sa likod ko, pero hindi ako lumingon. I couldn’t. Ayokong makita ang mga mata nila na puno ng awa. Ayoko ng awa. So I just walked forward. Each step felt heavier than the last. Hanggang sa makarating ako sa loob.
And then…. everything stopped. Dalawang kabaong. Magkatabi.
Placed right in the center of the hall that used to be full of light, laughter, and noise. Dati, dito ginaganap ang mga parties. Dito ako patakbong umiikot sa mga bisita habang tumatawa si Mom sa gilid at pinapanood ako ni Dad like I was the most important person in the room.
Ngayon, wala na sila. Hindi ako agad nakalapit. For a moment, I couldn’t move. Parang may kung anong pumipigil sa akin. Like if I stayed still, hindi magiging totoo ang lahat.
But I knew better. So I forced myself to move. Dahan-dahan akong naglakad papalapit. Every step made it harder to breathe. Every second made it more real.
I could feel people watching me. Whispering. Familiar faces from past gatherings, business partners of my parents, people who used to smile at me politely.
But right now, none of them mattered. Wala akong nakikita kundi sila. Mom and Dad.
Huminto ako sa harap ng kabaong. My hand trembled as I slowly reached out. Nang mahawakan ko ang gilid, napapikit ako. Malamig at sobrang tahimik. And that’s when it finally hit me.
They’re really gone. Hindi na sila babalik. Hindi na nila ako tatawagin. Hindi na nila ako yayakapin. Hindi na nila ako hihintayin sa bahay. Humigpit ang panga ko. I tried to hold everything in. Hindi ako pwedeng umiyak. Not here. Not in front of everyone. I had to stay strong. I had to.
Pero kahit anong pilit ko, parang may sumisigaw sa loob ko. Parang may durog na durog sa dibdib ko na hindi ko na kayang buuin ulit.
“At least… hintayin niyo naman ako…” Mahina kong bulong. “Hindi man lang kayo nagpaalam…” Napapikit ako nang mariin. My hands started shaking. Ramdam ko na unti-unting nawawala ang control ko.
For a second, I thought I was going to break. The silence around me felt too loud. Parang may echo ng nakaraan na bumabalik sa tenga ko. The sound of laughter. Glasses clinking. Music playing softly in the background.
“Serena, behave.”
“Serena, come here.”
“Serena, anak.”
Napamulat ako, pero hindi nawala yung sakit. Reality was louder than memories. I swallowed hard, forcing myself to stay still. If I let even one tear fall, I knew I wouldn’t be able to stop. So I stood there. Holding on. Barely.
Sa kabilang dulo ng hall, may isang taong tahimik na nakatingin. He didn’t move. Hindi siya lumapit. Nakatayo lang siya doon, dressed in black, his presence quiet but heavy. The kind of presence you wouldn’t notice unless you were paying attention.
But I wasn’t. Hindi ko siya nakita. Hindi ko siya kayang makita. Because at that moment, my entire world was focused on the two people in front of me who used to be everything.
The life I had. The perfect life. The luxury, the comfort, the security. The family that made everything feel whole. All of it shattered into pieces in a single moment. And now, I was left standing in the middle of what used to be mine, trying to understand how everything disappeared so easily.
I didn’t notice the man watching me. I didn’t notice how long he had been there. Hindi ko napansin kung sino siya. Because I couldn’t see anything past my grief. All I knew was that nothing would ever be the same again.
Hindi ko alam kung ilang beses kong binasa ang mensahe sa phone ni Lucian.One time. Two times. Five times.Pero kahit ilang beses kong tingnan, hindi nagbabago ang mga salita.Someone knew.May nakakita sa amin kagabi. At hindi lang basta nakakita. May taong nag-abala pang kumuha ng litrato at ipadala iyon sa ama ni Lucian."Who sent it?" tanong ko.Lucian checked the number again. "Unknown. Maybe one of the people here.”"Can you trace it?""I'm handling it."Napailing ako. "That's not an answer."He looked at me. "It's the only one I have right now."Gusto ko pang magtanong, pero may kung anong humigpit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung mas natatakot ba ako sa posibilidad na malaman ng lahat ang nangyari sa amin o sa posibilidad na kapag nalaman nila, si Lucian ang unang lalayo.At base sa kilos niya ngayong umaga, mukhang iyon ang mas malamang mangyari."Let's go inside," sabi niya. "My father is waiting."I followed him without saying another word.Pagpasok namin sa mansion, nakit
Sa sobrang sarap sa pakiramdam ang paghaplos niya ay hindi ko na namalayan kung paano niya tinanggal lahat ng saplot ko.Bigla akong nainis nang lumayo siya at tumayo. Pero nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang maghubad ng pants niya sa harap ko habang nakatingin siya sa akin. Nakita niya kung paano nanlaki ang mata ko.“Oh my!” napabulalas ko nang makita ko ang sandata niya. I heard him chuckled. Hindi na siya nagsalita pa at muli siyang sumampa sa kama. Siya na ang gumawa lahat kasi wala naman akong alam sa ganito. Parang akong manika na binabaliktad niya kung anong posisyon ang gusto niya. Gustong-gusto ko naman.…Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi.Ang huling naaalala ko ay ang mukha ni Lucian habang nakatingin sa akin. Yung paraan ng paghawak niya sa kamay ko, yung mga halik na ilang oras ko sigurong iisipin kapag nag-iisa na ako, at yung pakiramdam na kahit sandali, hindi ko kailangang isipin ang lahat ng problema ko.For the first time since my parents die
Umupo ako sa living room, hawak yung baso ng tubig na kanina ko pa hindi iniinom. Tahimik yung paligid. Yung ibang tao sa bahay nasa kani-kanilang rooms na, habang yung mga ilaw sa hallway lang ang bukas. I kept looking at the entrance. Waiting. For what? Hindi ko alam.“Serena?” Napalingon ako. Lucian was standing a few steps away from the living room entrance.Nakasandal siya nang bahagya sa doorframe, one hand inside his pocket while the other was holding his phone. His sleeves were still rolled up, revealing his forearms. His hair looked slightly messier than earlier, like he'd been running his fingers through it.He looked tired. But somehow, he still looked composed. “Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya. His voice was low, almost quiet enough to disappear into the silence of the room.I shrugged. “Hindi ako inaantok.”He looked at the untouched glass in my hand. “You've been holding that for five minutes.”Napatingin ako sa baso. “Oh.” I let out a small laugh, embarrassed.
His eyes stayed on mine for a few seconds before his expression changed slightly. His brows lifted, almost as if he was surprised I had stopped there.“Serena.” He said my name quietly. His voice was deeper than I remembered. I swallowed. “Lucian?” I said it almost like I was testing the name. The corner of his mouth moved slightly. “Yeah.” He lowered his phone and slipped it into his pocket. “It’s me.” I don't know why, but hearing him say it made my chest feel weird. I took a few steps closer.“So ikaw talaga yung nakita ko kanina?” I asked, my voice sounding more curious than I intended. I crossed my arms loosely, trying to look normal even though I suddenly felt very aware of myself.Lucian gave a small nod. “I figured you didn't recognize me.” There was something almost amused in his voice. I frowned. “Obviously.” I looked at him from head to toe before looking back at his face. “Last time I saw you, bata pa ako.”He smiled faintly. “I know.” His eyes stayed on me. “You were seve
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, nasa isip ko pa rin yung guy na nakita ko. Anyway, it’s been days na nalibing na ang parents ko. Some of the visitors still want to stay here in this very huge mansion. Maganda nga yun para hindi ako mabigla na pagkatpos ng libing ay uuwi ako ditto ng sobrang tahimik at walang katao-tao, tanging mga maids na lang at ako.Kanina pa ako nakahiga, nakatitig sa ceiling habang paulit-ulit kong binabalikan yung nangyari. Yung tingin niya. Yung way na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. And the weirdest part? I didn't even know who he was.Or at least, akala ko hindi ko siya kilala.I turned to my side and grabbed my phone from the bedside table. Tiningnan ko yung screen kahit wala naman akong hinihintay na message. Wala. Same old notifications. Nothing interesting.I sighed and dropped the phone beside me. “Seriously, Serena?” Napailing ako sa sarili ko. “Bakit ba kasi iniisip ko pa siya?” Hindi naman siya gumawa ng kahit ano. Na
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatayo roon. Maybe five minutes. Maybe ten. Honestly, wala na akong idea.Everything around me felt like it was moving in slow motion. May mga taong nag-uusap sa paligid, may mga yabag na dumadaan sa marble floor, may mga bulong na hindi ko naman maintindihan. But somehow, none of it was really reaching me.Parang nasa sarili akong mundo. My hand was still resting on the edge of the coffin. Malamig. Sobrang lamig. Hindi ko na nga alam kung yung lamig ba ng kabaong ang nararamdaman ko or kung kamay ko mismo ang malamig.I slowly pulled my hand away. Napatingin ako sa fingers ko. They were slightly shaking. I immediately curled them into a fist. Ayokong makita. Ayokong maramdaman. Ayokong aminin na hindi ko na talaga kaya. Huminga ako nang malalim. Inhale. Exhale. Pero parang walang nagbago. Still heavy. Still painful. Still empty."Miss Serena..." I heard someone call my name from behind. Hindi ako agad lumingon. I already knew what was coming.







