Share

Capitulo Veintisiete: Dela Cerna

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Nagdulot ng kahihiyan sa inyong pamilya ang ibinunyag ng mga dela Cerna,” pagpapatuloy ni Guadalupe. Hindi inaalis ang pagkakatitig sa babaeng kaharap niya, at ganoon din ang mabilis na tibok ng puso ni Vahlia sa kabang nararamdaman niya.  “Sabihin mo kung ano iyon.”

“Ngunit sa tingin ko po’y hindi po ako ang nararapat magsabi ng bagay na ito sa iyo, ate Victoria.” Yumuko si Guadalupe lalo na nang biglang sumulpot ang dalawang guwardiya personal at hinablot si Vahlia. Sa gulat ay nanlaban si Vahlia sa dalawang kalalakihang humablot sa kaniya, nilingon nito pabalik si Guadalupe na nananatiling nakayuko.

“A-Anong ibig sabihin nito? Bakit ni'yo ako—”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status