تسجيل الدخولALTHEA POV
Amoy gamot na may hinalong mamahaling pabango ang unang pumasok sa ilong ko paggising ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, nag-e-expect na ang madilim at mabahong eskinita o ang maruming bodega ni Kapitan Turing ang sasalubong sa akin. Pero nagkamali ako. Isang napakalawak na puting kisame na may dambuhalang chandelier na gawa sa kristal ang nakatapat sa akin.
Grabe, nananaginip ba ako? Patay na ba ako at nasa langit na?
Sububukan ko sanang umupo pero biglang kumulo ang tyan ko at naramdaman ko ang matinding hilo.
"Huwag ka munang biglang babangon, hija. Kakakabit ko lang ng IV fluids sa'yo," isang mahinahong boses ng matandang lalaki ang narinig ko mula sa gilid ko.
Nalingon ko siya nang dahan-dahan. Naka-salamin siya at may suot na stethoscope sa leeg. Mukha siyang doktor na madalas kong nakikita sa mga palabas sa telebisyon.
"N-nasaan po ako?" patay-gutom kong tanong habang pilit na inaayos ang sarili ko.
Nakahiga ako sa isang kama na kung ihahambing sa banig ko sa Samar ay parang gawa sa ulap sa sobrang lambot. Nakasuot na rin ako ng malinis, maluwag, at mabangong pantulog na kulay puti. Wala na ang marurumi kong damit.
"Nasa Montenegro Estate ka. Ako si Dr. Ramos, ang personal na doktor ng pamilya," ngumiti siya nang bahagya habang tinitingnan ang takbo ng swero na nakatusok sa likod ng palad ko. "Masyadong mababa ang blood sugar mo at sobrang dehydrated ka. Halatang ilang araw ka nang hindi kumakain nang maayos."
Montenegro. Doon ko biglang naalala 'yung lalaki sa ulan. 'Yung supladong may-ari ng Rolls-Royce na tinitigan ako na parang basura sa daan.
Bago pa ako makapagtanong muli kay Dr. Ramos, bumukas ang dambuhalang p***o ng kwarto. Awtomatikong napalingon ang ulo ko roon.
Pumasok si Marcus. Kung gwapo at nakakatakot siya sa ilalim ng ulan kagabi, mas lalo siyang naging intimidayt sa personal ngayon. Naka-ayos na ang kanyang madilim na buhok, nakasuot ng tila bagong biling asul na polo na hapit sa matipuno niyang katawan, at ang mga kamay niya ay nakapamulsa habang naglalakad palapit sa amin. Ang bawat hakbang niya ay may kasamang kakaibang awtoridad na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"How is she?" malamig na tanong niya kay Dr. Ramos, nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
"She’s out of danger, Marcus. Kailangan lang niyang magpahinga at kumain. Sobrang pinagod niya ang katawan niya," sagot ng doktor habang nag-aayos na ng mga gamit niya sa bag. "I’ll leave some vitamins and medicines. Kausapin mo na lang siya nang dahan-dahan."
Tumango si Marcus. Pagkaalis na pagkaalis ni Dr. Ramos, naiwan ang nakabibinging katahimikan sa loob ng kwarto. Lumapit siya sa dulo ng kama ko, ang mga mata niya ay mapanuri at matalas habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa.
"Anong pangalan mo?" tanong niya, walang kahit anong emosyon.
"A-Althea po... Thea na lang," nanginginig kong sagot habang hinihila ko ang kumot para takpan ang dibdib ko. Sobrang liit ng pakiramdam ko sa harap niya.
"Okay, Thea. Let’s be direct," sumandal siya sa gilid ng pader at nag-cross ng kanyang mga braso. "Sino ang mga lalaking humahabol sa'yo kagabi? At bakit sinasabi nilang magnanakaw ka?"
"Hindi po ako magnanakaw!" mabilis kong depensa, muntik ko nang makalimutang may swero ako sa kamay. "Ibinenta po ako ng stepfather ko kay Kapitan Turing sa Samar pambayad sa utang nila. Muntik na po akong... kung hindi lang ako tumakas, baka kung ano na ang ginawa sa akin ng matandang 'yon! Sinundan nila ako rito sa Maynila. Peksman po, hindi ako nagnakaw kahit piso sa kanila!"
Tinitigan niya ako nang matagal. Yung klase ng titig na parang binabasa ang kaibuturan ng kaluluwa ko para malaman kung nagsisinungaling ako.
"I've heard thousands of sob stories, Thea. In my world, people create the most dramatic scripts just to get close to me and steal my money," mapait siyang ngumiti, isang ngiting walang init. "Malay ko ba kung binuo mo lang ang kwentong 'yan para kaawaan kita?"
Nanikip ang dibdib ko. Akala ko ba ligtas na ako rito?
"Hindi po ako nagsisinungaling... please, maniwala kayo," pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako sa takot na baka ipamigay niya ako sa mga pulis o kaya ay pabalikin sa Samar. "Kahit ipatanong niyo pa po sa amin. Kahit ano pong trabaho gagawin ko rito, huwag niyo lang po akong palabasin."
Bago pa siya makasagot, biglang may kumatok at pumasok na isang may-edad na babae. Naka-uniporme siya ng pang-mayordoma, maayos ang pagkakatali ng buhok, at may hawak na tray ng pagkain.
"Sir Marcus, heto na po ang lugaw para sa bata," magalang na saad ng matanda. Tumingin siya sa akin na may halong awa, bago hinarap si Marcus. "At nga pala, Sir... nag-alsa balutan na naman po 'yung bagong personal maid na kinuha natin noong isang linggo. Nahuli ko na namang nagpupumilit pumasok sa kwarto ninyo kagabi habang wala kayo."
Napahilot sa kanyang sentido si Marcus, halatang naiirita sa narinig.
"I told you, Nana Rosa. I don't want young, ambitious women cleaning my private space. All they do is try to slide into my bed," pagalit na bulong niya.
"Kaya nga po, Sir. Pero mahirap maghanap ng mapagkakatiwalaan at walang ibang balak sa inyo," sagot ni Nana Rosa, sabay tingin sa akin. Biglang may nagbagong kislap sa mga mata ng matanda habang pinagmamasdan ako. "Teka... bakit hindi na lang si Thea?"
Nanlaki ang mga mata ko. Ako? Magiging maid ng masungit na bilyonaryong ito?
Tumingin din sa akin si Marcus. Pinagmasdan niya ang gulo-gulo kong buhok, ang namumutla kong mukha, at ang halatang kawalan ko ng kaalaman sa marangyang buhay sa siyudad. Wala akong kahit anong kolorete sa mukha at halatang nanginginig pa ako sa takot sa kanya. Kung mayroon mang babaeng imposibleng magkaroon ng lakas ng loob na akitin siya, ako na 'yon.
"Gusto mo ng trabaho, hindi ba?" tanong ni Marcus, dahan-dahang lumapit sa gilid ng kama ko at bahagyang yumuko para pantayan ang tingin ko.
"O-opo. Kahit ano po, basta may matuluyan ako at hindi ako mahanap nina Berto," mabilis kong sagot habang hawak-hawak ko pa rin ang kumot.
Isang malamig na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi.
"Fine. You will be my personal maid. Lilinisin mo ang kwarto ko, aayusin mo ang mga gamit ko, at gagawin mo ang lahat ng iuutos ko nang walang reklamo," banta niya, habang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin na naging dahilan para mapaurong ako sa unan ko. "Bibigyan kita ng isang buwang palugit. Subukan mong mag-inarte, magnakaw, o hawakan ako nang walang pahintulot ko... ako mismo ang magbabalik sa'yo sa Samar o kaya ay direktang magpapakulong sa'yo. Maliwanag?"
Napalunok ako habang nakatitig sa kanyang mga madidilim na mata na seryosong-seryoso sa banta niya.
"Opo, Sir Marcus. Maliwanag po," sagot ko habang pilit na pinatatatag ang sarili kong boses.
Tumayo siya nang diretso, inayos ang kanyang polo, at lumingon kay Nana Rosa. "I-orient mo siya sa mga patakaran sa bahay kapag natapos na niyang kainin 'yan. Ayaw kong makita ang mukha niya sa labas ng kwarto ko nang hindi oras."
Pagkasabi niyon ay mabilis siyang lumingon at lumabas ng kwarto, tuluyang isinarado ang p***o nang may malakas na kalabog na nagpagulat sa akin.
ALTHEA POVHingal na hingal ako habang bitbit ang tray pabalik sa ikalawang palapag ng mansyon. Buong buhay ko, ngayon lang ako natakot nang ganito sa isang tasa ng tsaa. Kung hindi magugustuhan ni Sir Marcus Montenegro ang ginawa ko, katapusan ko na.Pagpasok ko sa library, nakasandal pa rin siya sa dingding, nakapikit ang mga mata habang dahan-dahang hinahawakan ang sentido niya. Halatang hirap na hirap siya sa sakit ng ulo."S-Sir, eto na po 'yung tsaa," mahina kong sabi habang dahan-dahang inilalapag ang tasa sa mesa, medyo malayo sa mga basang papel para umiwas sa isa pang trahedya.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Tiningnan niya muna ako bago lumipat ang tingin niya sa umuusok na tasa. Kumunot ang noo niya nang maamoy ang kakaibang aroma ng luya, tanglad, at honey. Sa isang bilyonaryong sanay sa mga mamahaling tsaa at imported na gamot, mukhang napakabaduy at kakaiba ng inihanda ko."Anong tawag dito?" tanong niya, medyo paos ang boses."Tsaa po mula sa luya at tan
ALTHEA POVInabot ako ng tatlong araw bago tuluyang maka-recover. Sa tatlong araw na 'yon, hindi ko nakita si Sir Marcus. Literal na nakakulong lang ako sa kwarto ko, nilalapatan ng kung anu-anong ointment ni Nana Rosa 'yung mga pasa ko, at pinapakain ng masasarap na putahe na sa panaginip ko lang nakikita rito sa Montenegro Estate.Pero ngayong umaga, opisyal na ang simula ng aking "isang buwang palugit."Kasalukuyan kong suot ang uniporme ko—isang simpleng kulay abong bistida na lagpas tuhod at may puting apron sa harap. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Medyo bumalik na ang kulay sa mga pisngi ko, pero mukha pa rin akong bata na naliligaw sa dambuhalang mansyon na ito."Heto ang listahan ng mga gawaing itinalaga ko sa'yo, Thea," sabi ni Nana Rosa habang iniaabot sa akin ang isang pirasong papel. "Sa ngayon, ang tanging pwede mo lang galawin ay ang library at ang private office ni Sir Marcus sa ikalawang palapag. Huwag mong pakikialaman ang mga papel sa desk niya. Ayusin mo lan
ALTHEA POVAmoy gamot na may hinalong mamahaling pabango ang unang pumasok sa ilong ko paggising ko.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, nag-e-expect na ang madilim at mabahong eskinita o ang maruming bodega ni Kapitan Turing ang sasalubong sa akin. Pero nagkamali ako. Isang napakalawak na puting kisame na may dambuhalang chandelier na gawa sa kristal ang nakatapat sa akin.Grabe, nananaginip ba ako? Patay na ba ako at nasa langit na?Sububukan ko sanang umupo pero biglang kumulo ang tyan ko at naramdaman ko ang matinding hilo."Huwag ka munang biglang babangon, hija. Kakakabit ko lang ng IV fluids sa'yo," isang mahinahong boses ng matandang lalaki ang narinig ko mula sa gilid ko.Nalingon ko siya nang dahan-dahan. Naka-salamin siya at may suot na stethoscope sa leeg. Mukha siyang doktor na madalas kong nakikita sa mga palabas sa telebisyon."N-nasaan po ako?" patay-gutom kong tanong habang pilit na inaayos ang sarili ko.Nakahiga ako sa isang kama na kung ihahambing sa banig k
ALTHEA POVAng lamig. Sobrang lamig ng basang aspalto sa pisngi ko.Gusto kong bumangon. Gustong-gusto kong pilitin ang mga binti ko na tumayo at tumakbo ulit dahil alam kong ilang metro lang ang layo nina Berto sa akin. Pero para akong naparalisa. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang gumiit sa gilid habang habol ang hininga ko, basang-basa ng ulan, at nasisilaw sa dalawang dambuhalang ilaw ng sasakyang muntik nang sumagasa sa akin.May narinig akong malakas na kalabog ng pinto. Kahit hilong-hilo na ako at halos lumalabo na ang paningin ko, pinilit kong iangat nang bahagya ang ulo ko."Sir, may nabangga po ba tayo?" pamilyar na boses ng isang lalaki, medyo natatarantang tanong nito sa kung sino."I don't think so. Bigla siyang humarang sa daan," sagot ng isa pang boses.Yung pangalawang boses... Iba 'yung tunog. Mababa, baritono, at sobrang lamig. Walang kahit anong bahid ng pag-aalala o takot, tila ba isa lang akong istorbo sa gitna ng daan na kailangang iurong para makadaan sila.Nar
ALTHEA POVHabol-habol ko ang hininga ko habang tumatakbo sa ilalim ng napakalakas na ulan. Bawat tapak ng luma at pudpod kong tsinelas sa basang semento ng Maynila ay tila may kasamang kaba na lumulundag sa dibdib ko. Sobrang dilim ng eskinita. Walang ibang ilaw kundi ang paminsan-minsang kidlat na nagbibigay-liwanag sa paligid, sapat lang para makita ko ang mga naglalakihang tambak ng basura at mga basang pusa na mabilis ding umiiwas sa akin.Niyakap ko nang mahigpit ang bitbit kong kupas na backpack. Naroon ang iilang piraso ng lumang damit ko, ang kaunting barya na naitabi ko mula sa pagtitinda ng kakanin sa Samar, at ang buong buhay ko.Huwag kang hihinto, Thea. Konti na lang. Malayo na sila.Sumasakit na ang tagiliran ko sa tindi ng pagod. Galing ako sa halos dalawampu’t apat na oras na biyahe sakay ng barko at bus. Walang kain, walang tulog. Pero hindi ko pwedeng maramdaman ang gutom ngayon. Ang tanging utak ko lang ay ang mukha ng stepfather ko habang binibilang ang maruruming







