Share

Special Chapter

August 1996

"May sasabihin ako sa'yo," bungad ni Father Greg kay Nana Conrada. Nakaupo sila sa pahabang bangko sa bakuran ng simbahan. Ang langit nagkukulay abo na. Pahiwatig na malapit ng umulan.

"Ano 'yun Father?" Ipinunas ni Nana Conrada ang mga basang kamay sa suot na apron. Hindi pa niya tapos ang paghuhugas ng pinggan nang ipatawag siya ni Father Greg.

"Kailangan ko tulong mo," hininaan ni Father Greg ang boses.

"Tulong saan, Father?"

Hindi muna direktang sinagot ng pari ang tanong ng kasambahay. "Ilang taon ka nga ulit dito, Nana?"

"Magda-dalawang taon na, Father. Sa December. Naabutan ko pa noon si Father Joseph, Father Isagani tapos ikaw na," sagot ni Nana Conrada.

Ipinasa lang si Nana Conrada ng isang kamag-anak kay Father Joseph noong nabubuhay pa ito. Magma-migrate na kasi pa-Canada ang naunang mga amo ni Nana Conrada at sa kasamaang palad hindi siya makakasama sa paglipat. Masakit kay Nana ang nangyari dahil napalapit na nang husto ang kalooban niya sa mga anak ng dating
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status