Share

Part 27 - Kumot

Nakabalik si Minggay sa Casa Del Los Benditos bandang alas sais 'y medya na ng gabi. Gusto pa niya sanang puntahan ang mga kapatid sa plaza kung saan namamalimos ang mga ito ngayon para kumustahin, pero nalaman niyang binabantayan pala sila ng Kuya Iking nila. Nakita niyang nagyo-yosi ito sa may basketball court, malapit sa kung saan nakapuwesto sina Edgar at ang iba pa.

Hindi pa rin mawala sa isip ni Minggay ang nakita niyang pananakit sa ga-tingting nilang bunso na si Caloy. Sobrang laki ng katawan ng kanilang tiyo para pumatol sa walang kalaban-labang bata. Sa sobrang galit nga ni Minggay, hindi niya napigilang magsisisigaw sa kalsada habang naglalakad siya kanina pauwi. Minumura niya si Iking mula ulo hanggang paa, bahala na kung sinong makarinig o makakilala sa kanya. Ang payong na dala-dala, pinaghahampas niya sa railing ng tulay na nagdudugtong sa Villapureza at Villadolid hanggang sa ito ay magkagutay-gutay. Sa isip-isip ni Minggay, mukha ng Kuya Iking niya ang railing at ang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status