Chapter 14Margarita Hindi na ako lumabas ng kwarto ko. Sinabi ko na lang kay Manang na masama ang pakiramdam ko. Mahilig at paborito pa naman ng amo namin ang pumasok sa kusina. Ayokong makita siya sa ngayon. Mahilig kumain at mag-snack, laging pumapasok sa kusina, pwede naman niya akong tawagin sa intercom para mag-utos imbes na pumasok na lang sa loob ng kusina at biglang magsalita. Nakakagulat siya. Parang jumbo na kabute."Manang, pasensiya na, medyo masama po ang pakiramdam ko," pag-iinarte ko nang pumasok si Manang sa kwarto ko."Tinatawag ka pa naman ni Sir Harrison. Mukhang galit na naman ang mukha. Magpahinga ka na muna, ako na ang bahala sa amo natin," nakakaunawang sabi naman ni Manang.Hmp! Ano na naman ba ang sasabihin niya matapos niya akong nakawan ng halik sa labi? Hindi pa nakontento, hinigop at kinain pa ang labi ko sabay kagat. "Salamat po, Manang. At saka masakit pa po ang mga paa ko. Nagkunwari lang akong hindi masakit dahil marami akong trabaho sa mansyon na i
Chapter 15Margarita "Anong nangyari sa labi mo? Mukhang namamaga at may sugat pa yata?" usisa ni Manang. Napatitig pa siya sa labi ko.Shooks! Nakalimutan kong itago ang mukha ko. Kailangan kong magsinungaling para mapaniwala ko agad si Manang. Nang hindi na siya mag-usisa pa."Bigla kong nakagat ang labi ko kanina, Manang, dahil sa sakit ng paa ko. Bawat hakbang ko, kinakagat ko ang labi ko para hindi po ako makalikha ng ingay. Ayoko po kasing masabihan na naman ako ni sir na nagrereklamo ako sa trabaho ko dito," sabay yuko ng ulo ko."Ay, susmaryosep, kang bata ka!" sabay palo sa braso ko. Ngumuso ako sa ginawa ni Manang. Si sir nga napigilan niyang 'wag akong kutusan, itong si Manang makahampas wagas."Manang naman!" reklamo ko pa dahil naalog ng bahagya ang ulo ko."Kulang pa yan! Pasaway ka. May masama na palang nangyari sa'yo, hindi ka man lang nagsasabi. Paano kung na-infect 'yang mga paa mo? Baka kami pa ang sisihin ng pamilya mo kapag hindi ka na makalakad!" sermon ni Mana
Chapter 16Margarita Apat na araw akong nakahiga lang sa kama. Nakakabagot at nakakahiya na kay Manang at kay Sir. Naging pabigat ako sa kanila ng apat na araw at ngayon ay magaling na ako. Pero sabi ni Manang, huwag ko na muna pwersahin ang sarili ko, baka mabinat daw ako.Ngayon, masaya akong naglilinis sa sala. Parang nakawala ako sa hawla matapos ang matagal na pagkakakulong ko."Uy, lumaban si Marga, matapang. Uy, lumaban si Marga, matapang, aw! Get, get, get, aw. Sige, sige (ooh) sige, kembot pa (aah)Kembot kembot (ooh), ihataw, igiling mo pa (uh-huh)" kanta ko habang masayang naglilinis sa sala, sinabayan ko pa ng pagsayaw at giling ng katawan."Gumaling ka na naman, heto ka na naman, nagwawala na naman dito sa mansyon ko! Hindi ka ba nakainom ng gamot mo?" nagulat ako sa boses ng amo ko. Kamuntik pa akong mabuwal sa pagkagulat. Agad akong tumingin sa kanya, pero hindi ko naman nakitaan ng galit sa mukha niya. Mukhang masaya pa na makita ako. Hula ko lang naman kasi iba ang
Chapter 17Margarita "Hala, sir bakit po gumagalaw? Ano pong nangyayari?" mahintakuting tanong ko. Bahagya pa akong nahilo kaya napakapit ako sa hawakan na nasa gilid."Sir, bakit gumagalaw? Nahihilo pa ako. Dios ko, bakit naman hindi mo ako sinabihan, sir, na ganito ang sasakyan natin patungong opisina mo? Hindi man lang ako nakapaghanda, nakakatakot. Wala bang hagdan dito at sa hagdan nalang sana ako dumaan?" kinakabahan kong sambit. Pero, bwesit, wala man lang response ang amo ko. Nakahawak lang sa cellphone nito na parang hindi niya ako naririnig. "Sir, kapag ako nahimatay dito dahil sa nerbyos, mumultuhin kita!" banta ko pa. Napatingin naman ito sa gawi ko na parang nagtataka.Hindi ba niya ako nakikita dito na parang natatae na sa nerbyos? Namumutla na rin yata ako dahil sa kaba at nerbyos, wala pa rin itong pakialam?"Akala mo ba, sir, nagbibiro lang ako? Hindi ako nagbibiro dito, ha! First time kong sumakay sa ganito at hindi ko nga alam kung anong tawag sa sinakyan nating
Chapter 18Margarita Rinig kong nagpaalam na ang lalaki, kaya agad akong lumapit sa lamesa ng amo ko para makapagbigay suporta rin sa lalaki at sa amo ko."Mag-ingat ho kayo sa daan, Uncle. Laban lang nang laban para sa kabutihan. Huwag ka pong babawi, Uncle, baka mabawian ka ng buhay. Joke lang po," sabay peace sign ko.Humalakhak naman ito sa sinabi ko. Mukhang naaliw pa ito sa akin. Humarap ito sa akin na may ngiti sa labi."Hindi mo sinasabi, bro, may kasama ka pa lang magandang dilag dito," titig nito sa akin."Dalag? Ginawa mo naman akong isda, Uncle. Mukha bang isda ang mukhang 'to?" sabay hawak ko pa sa mukha ko.Mahina naman itong tumawa. "Dilag iyon, Miss Beautiful, hindi dalag," pagtatama naman ng lalaki sabay ngiti sa akin."Ah, namali po ako ng pandinig. Kailangan ko na yatang maglinis po ng tainga, sorry po at salamat. Saka mabuti na 'yung nagtatanong ako, nakakatalino raw kasi ang nagtatanong po," ngiti ko pa."What's your name?" magiliw na tanong ng lalaki. Nawili na
Chapter 19Margarita Panaka-naka akong napapalingon sa gawi ng amo ko. Nakakahanga ang galaw habang kumakain. Galawang mayaman talaga ang amo ko. At ang tindig niya habang kumakain ay hindi nakayuko, liyad na liyad ang malapad nitong mga balikat. Busog na busog na ang mga mata ko sa kakatitig sa kanya. Ang cool naman ang amo kong ito. Sige, kumain ka lang, sir, habang ang mga mata ko ay busog na nakatingin sayo. "Eat, Margarita! Stop staring at me! Kumakain tayo, respetuhin ang pagkain at ang kumakain dito!" mahina pero pagalit na sita niya sa akin. "Humahanga lang naman ang katulong sa'yo, sir. Sorry naman po. Pero sir, pwede po magtanong?" sabi ko."What it is?" "Tungkol sa politika po,""Proceed,""Ano pong masasabi mo, sir, sa mga isyu sa bansa? Naki-chismis kasi ako sa social media, sir, at ang daming iba-ibang opinyon. Ang iba tumiwalag sa tungkulin dahil lang sa isyu na nangyayari sa bansa natin, sir. Ang iba naman ay nanatali sa serbisyo, mas pinili na magtrabaho kaysa ma
Chapter 20 Margarita Kaarawan ko na at hindi ko sinabi kay Manang o kay Sir na birthday ko. Wala naman si Sir dito sa mansyon ng tatlong araw na kaya pwede naman siguro akong magpakain dito ng mga bodyguards at security guard ni Sir dahil birthday ko naman. Nagtaka pa si Manang bakit ang dami kong hinahandang lutuin eh, wala naman dito si Sir. Ngumiti lang ako. "Mamaya ka na mag-usisa, Manang. Maupo ka na lang muna. Ako na po ang bahala dito. Kayang-kaya ni Wonder Wakanda ang magluto. Uminom ako ng gayumang pampalakas ng katawan para makapagluto ako ng marami nang hindi napapagod," natatawa kong sabi. "Saan ka nakabili ng gayumang pampalakas ng katawan, hija?" curious na tanong ni Manang. Humalakhak naman ako agad. Naniwala naman agad si Manang sa sinabi ko. "Secret, Manang. Bawal kang uminom ng gano'n dahil matanda ka na," sagot ko. "Ikaw na bata ka! Makatanda ka sa'kin, akala mo naman sobrang matanda na ako!" simangot ni Manang. "Bawal po kasi kayong uminom ng gayumang pamp
Chapter 21Margarita Mabuti na lang at tinulungan nila akong naghugas ng pinagkainan namin. Hindi nila ako pinayagan na maghugas at maglinis dahil birthday ko daw ngayon dapat magrelax lang ako. Kaya umalis na ako doon at hinayaan ko na silang maglinis at magligpit ng kalat namin.Nagtira ako ng cake para sa amo namin. Baka magtampo na naman ito dahil hindi ko siya sinabihan na birthday ko. Nagmukha tuloy siyang outsider dahil hindi siya invited sa birthday ko. Bahagya akong natawa.Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ko ng makarinig ako ng tunog ng sasakyan. Agad akong lumapit sa sala para tingnan kung sino ang bisita. Baka ang amo na namin ang dumating. Na-excite tuloy akong makita siya. Pero dahil ayoko naman na nagmumukha obvious, mabilis akong bumalik sa kwarto ko. Maghintay na lang ako kapag tatawagin na niya ako. "Gano'n dapat ang gawin mo, Margarita, huwag maglandi sa amo.''Padapa akong nahiga sa kama ko. Ramdam ko na ang pagod sa katawan ko sa dami ng niluto ko kanina. A
Chapter 86 Margarita Kinabukasan, may mga tauhan si Harrison na kumuha sa mga gamit na gusto naming dalhin. Ang iba ay pinamigay na namin sa mga ka-close ko dito. Ang TV ay binigay ko kay Pal dahil wala pala silang TV nasira daw. Yung maliit na fridge ay binigay ko kay Bela. Lumiban sa trabaho si Bela para makita lang kami. Matutulungan din kaming mag-impake. Umiiyak na ang matalik kong kaibigan, niyayakap naman siya ng dalawang anak ko. Habang ako, masakit ang ulo ko dahil sa hangover. "Maraming malulungkot, panigurado, sa pag-alis niyong ito, Rita. Mamimiss namin ang masarap mong luto," nalulungkot na sabi ng landlady. "Kami rin po, mamimiss namin ang lugar na ito at ang mga mababait na suki namin. Alam ko na magugulat sila dahil wala nang nagbebenta ng ulam dito. Kailangan na po kasi naming umalis talaga dito," sagot ko. Nalungkot rin ito pati si Pal, at ng malaman niyang aalis na kami, dali-dali siyang nagtungo dito sa bahay. Binigay ko na din sa kanya ang ibang lagayan ng u
Chapter 85Margarita Kinahapunan pagkatapos naming kumain, nagpaalam ako saglit na aalis. Hindi ko na sinagot ang mga tanong nila, basta na lang ako umalis ng bahay. Tumayo agad ako nang makita ko ang kaibigan kong nagmamadaling magtungo sa apartment niya. Nasa labas kasi ako naghihintay sa kanya. "Pasok na, beh," sabi nito. "Anong problema?" Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Nahihirapan akong magdesisyon, friend," hinaing ko. "Ano bang nangyari?" usisa nito. Wala akong ibang pagsumbungan kundi kay Bela lang. Kaya naparito ako sa apartment niya. "Nasa bahay si Harrison, at may offer siya sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko. Pero tatanggapin ko man o hindi ang alok niya, kukunin pa rin niya sa akin ang mga anak ko. Anong gagawin ko?" naluluha kong tanong sa kaibigan ko. "Ano bang offer? Aba, Margarita, ayusin mo 'yang sinasabi mo para maintindihan kita. Hindi manghuhula ang magandang babae sa harapan mo. Hindi ko kamu
Chapter 84 Margarita Nilayasan ko na siya sa loob ng kusina. Pinahid ko na muna ang mga luhang tumagas sa pisngi ko bago lumabas patungong munting karenderya namin. "Nanay, okay na po kayo at nag-usap na kayo ni Tatay?" tanong agad ni baby Hollis. Ngumiti naman ako at tumango. "Puntahan niyo na siya sa loob. Tapos na kaming nag-usap, mga anak," sabi ko at hindi ko na sila pinansin pa. Mabilis na tumakbo ang mga bata papasok sa loob ng bahay. Nalungkot ako bigla at pinipigilan ko ang sarili na huwag umiyak. Tumayo ako para tingnan kung marami pa ang natirang ulam para iyon na lang ang ulam namin mamayang hapon. Pero paubos na lahat. "Ilagay mo na sa maliit na lagayan ang mga natirang ulam, Lala," utos ko. Sakto naman may bibili ng ulam. Bigay na lang na isang sukat ang natirang ulam. Iyon ang sabi ko kay Lala. "Masarap ang luto mo, Marga. Sana sa susunod, damihan mo na ang lulutuin mo. Maraming gustong bumili sa luto mong ulam," sabi ng ginang. "Salamat po. Balik po ulit kayo
Chapter 83 Margarita "Titigan ba ang i-offer mo sa akin, Sir? Matira matibay?" taas kilay kong sabi.Nainis ang mukha nito sa pagtawag ko sa kanya ng Sir. "Call me Haris o Harrison. Pwede rin Aris, yan ang tawag ni baby Hollis sa akin, and I like it. You can call me that name too," seryosong sambit nito. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, ang dami mo pang daldal," sabi ko naman. "Pinag-isipan ko ito ng mabuti bago ako nagtungo dito. It's a give and take, na pareho tayong magbenepisyo dito. Pero nasa iyo pa rin ang desisyon kung gusto mo o hindi," sabi ni Sir Harrison. Pabitin ang lalaking ito, eh. Hindi pa niya ituloy-tuloy ang sasabihin. "Ano ako, manghuhula ng hindi mo pa sabihin ang gusto mong sabihin sa akin?" sabi ko naman. "Since your father..." "Bakit, anong nangyari kay Tatay?" tanong ko agad. "Baka gusto mo akong patapusin, pwede?" seryosong sabi ni Sir Harrison. "Oh siya, sige, tapusin mo agad ang gusto mong sabihin. Ang bagal mo kasi, ang dami mo pang pasakal
Chapter 82Margarita Nag-solo kaming dalawa ni Sir Harrison. Dahil gusto kong malaman ang sinasabi nitong offer sa akin. Sana nakakabuti ito sa akin at sa mga anak ko. "Bago tayo magsimula sa gusto kong offer sa'yo, gusto ko munang pagbigyan ang sarili ko," tinawid na nito agad ang agwat naming dalawa. Alam ko na ang gusto nitong gawin, pero mas mabilis ito kesa sa pagtayo ko. Nahawakan na niya ako sa batok at mapusok niya akong hinalikan sa labi. Wala pa ring nag-iba sa halik ni Sir, masarap pa rin kagaya ng dati nitong paghalik sa akin. Matamis, malalim, maalab at mapusok. Halos kainin na niya ang labi ko. Kinagat niya ang ibabang labi ko. "Kiss me back, my crazy woman," utos nito sa akin sabay halik na naman niya sa akin."Uhmp!" pigil ko.Baka biglang pumasok ang mga bata. Makita nila kami sa ganitong tagpo. Ayoko pa namang makita nilang may dalawang naghahalikan na tao. Masyado pa silang inosente kaya hangga't maaari, sana hindi nila kami makita. Pinalo ko siya sa braso, p
Chapter 81 Margarita Parang isang masayang pamilya kami kung titignan. Masayang-masaya ang dalawang bata na kausap si Sir Harrison. Ganoon din ang lalaki sa mga bata. Mukhang bumalik sa dating aura nito na maaliwalas at masayahin. Malambot ang ekspresyon ng mukha at laging nakangiti. Nakita ko na 'yang mukha niya dati noong wala pang nangyaring hindi maganda. Kumakain na silang tatlo habang ako ay naglalatag pa ng ibang ulam na requested nilang tatlo. Gusto ko sanang umangal, kaya lang nasa hapag-kainan kami. Feeling maasekasong ina naman ako sa mag-aama ko. "Hayyyy..." buntonghininga ko. Sabay-sabay silang tatlo na napatingin sa akin. Bahagya akong nagulat. Hindi ko na lang sila pinansin at lalabas na muna sana ako para tingnan si Lala sa labas nang sabay-sabay na naman silang nagsalita. "Huwag labas, Nanay," si baby Molly."Saan ka pupunta, Nanay?" si baby Hollis."Where are you going, Mahal?" feeling ng lalaking ito tawagin akong mahal! Pero ang puso ko kinikilig. "Bwesit!"
Chapter 80 Margarita Naging normal ulit ang takbo ng buhay ko dahil hindi na nagpakita pang muli si Sir Harrison. Pero sa kaibuturan ng puso ko, umaasam na sana dumalaw siya dito. Sa isip ko naman, ayaw ko na lang siyang makita. Heto at may komunikasyon ulit ako sa pamilya ko at nakikibalita sa bahay tungkol kay Tatay. Sana matulungan kami ng PAO. Sa linggong nagdaan, may palaging nagbibigay ng bulaklak sa aming dalawa ni baby Molly. Iba rin ang binibigay kay baby Hollis. Palagi silang natutuwa at masayang-masaya sa mga natatanggap nilang mga laruan, pagkain, at kung ano-ano pa. May kutob na ako kung sino ang salarin kundi si Sir Harrison. Siya lang naman ang nasa isip ko na magbigay ng mga ito sa aming mag-iina. Sino pa nga ba? "Hello po, anong bibilhin niyo?" rinig kong tanong ni baby Molly sa lalaking nakatayo sa harapan ng mga tinda naming ulam. "Pwede bang bilhin ang Nanay mo?" biro ng lalaki. "Bawal po. Hindi po siya pakain at hindi puwedeng bilhin. May Tatay na po kami
Chapter 79 Margarita Masayang nakikipagkuwentuhan ang dalawang bata kay Sir Harrison. Hahayaan ko na muna sila sa ngayon. Deserve rin naman ng mga anak ko ang maging masaya at makausap ang ama nila kahit hindi pa nila alam na ama nila ang kausap nila. Si Sir Harrison na rin ang umaasikaso sa dalawang bata. Gustong-gusto naman nila, at masaya ang mukha ng mga bata sa pag-aasikaso sa kanila ni Sir Harrison. Ramdam ko na gustong-gusto ng mga bata ang presensya ni Sir Harrison. Alam kong naghahanap na sila ng ama, ayaw lang nilang magtanong sa akin tungkol sa Tatay nila kung nasaan. Dahil nasabi ko na sa kanila na wala silang Tatay. Sinabi ko rin na hindi ko alam kung nasaan ang Tatay nila. "Tatay, titinda rin po kami ng ulam na luto ni Nanay. Tikim mo po luto niya, sarap po," daldal ni baby Hollis. "Mas masarap pa ang luto ni Nanay ng epagiti kaysa po ito," turo ni baby Molly sa spaghetti na kinakain niya."Shh..." pigil kong suway agad sa anak ko. "Totoo po, pero masarap rin nama
Chapter 78 Margarita "Mado labing labing, you," kanta ng anak kong lalaki. Sumigla sila lalo at naging hyper dahil sa sobrang saya. First time kasi nilang makakain sa loob ng MacDo. "Mali Kuya, Mado labing ko to," sabay pakita sa dalawang daliri niya.Nagbangayan pa talaga silang dalawa kung sino sa kanila ang tama. Mahina namang natawa ang lalaking ito.Wala na akong nagawa. Wala akong laban sa mga batang ito at sa lalaking kinaiinisan ko! Sa lalaking ito yata nagmana sa katigasan ng ulo ang mga anak ko.Nakikinig naman ang mga anak ko, pero kapag may gustong gawin, sabihin, at maglaro sa mga bawal, ginagawa talaga nila. Nakasimangot akong sumunod sa kanila dahil pati ang anak kong si baby Molly ay humawak na rin sa kamay ng lalaking ito. Sa isip ko, sinusuntok ko ang mukha ng lalaking ito. Galit na galit ang isip ko sa pagsuntok at sabunot sa lalaki. Masamang tingin pa akong nakatingin sa likuran nito. Bigla itong tumingin sa likuran, sakto namang inambaan ko siya ng su