Chapter 1
"Sabi nila bahay ang lilinisan ko at nag-iisa lang ang magiging amo ko. Whooah! Parang palasyo naman ang laki ng bahay na ito. Baka kahit isang araw hindi ko matapos linisin ang buong bahay. Magkandaligaw-ligaw pa ako. Baka tigok ang abot ko nito," bulalas ko. "Nagrereklamo ka ba?" "Huh? Sino ang nagrereklamo?" tanong ko agad. "Hindi pa nga nagsisimula ang laban, susuko na ako? Para sa pamilya ko ang laban na 'to." Sabay lingon ko sa nagsalita, nagulat at napatulala pa ako. "Follow me!" ma-awtoridad na sabi ng poging lalaki na ito. Siya ba ang amo ko? Naupo ito sa upuan niya. Parang opisina siguro niya ito. Ako naman ay nakatunganga lang. "Sit!" "Saan po sir?" kabado niyang tanong. "Damn!" nainis na yata ang poging ito. "Mamili ka sa apat na upuan na nasa harapan ko kung saan mo gustong umupo! Don't waste my time, baka masesante kita agad!" iritadong sabi ni pogi. Nagulat ako, ito pala ang magiging boss ko. Napanganga ako, excited tuloy akong magtrabaho dito dahil araw-araw may yummy akong makikita. "Stop staring at me, woman!" pagalit na sabi nito. Napahilot pa sa sentido niya. "Can you tell me about how you usually handle things around the house?" "Eh, sir, pwede pa-translate sa Tagalog po?" kimi ko na tanong. "Masipag at marunong ka ba sa gawaing bahay? Ayaw ko ng tatamad-tamad na kasambahay. Ayaw ko sa kasambahay na hindi marunong sumunod sa bawal at hindi bawal sa loob ng pamamahay ko. Naiintindihan mo ba?" "Wala akong inuurungan na trabaho, sir. Kailangan ng taga-linis ang palasyo na ito. Kailangan ko rin ng pera kaya give at take lang tayo. Kung kinakailangan mag-ala Wanda ako para mahukos-pukos ko ang trabaho ko sa napakalaking bahay na ito, gagawin ko, sir! Ituturing ko na parang bahay ko na ito, sir. At kung sino man ang burara at makalat, ako mismo ang sisisante sa kahit sino. Kahit ikaw pa, sir, kahit sino ka man," sagot ko agad. Nakita ko itong nakakunot ang noo. "Are you done?" seryoso nitong tanong sa akin. "Makakaalis ka na," "Tanggap na ba ako, sir?" tumili ako kahit wala pang sagot. "Not yet! I-training ka na muna ni Manang ng isang linggo. Siya na bahala sa'yo. Makakalabas ka na!" pagsusungit ng magiging amo ko. Nawala ang excitement niya. Kailangan niyang pagbutihin ang trabaho niya para magustuhan siya ni sir at si Manang. Sana makuha niya ang kiliti nila. "Manang, nagtatrabaho po ba kayo dito?" magalang kong tanong. "Hindi. Taga-sita lang ako dito, taga-bantay sa mga tamad na katulong, taga-turo ng mga gawaing bahay, at sermon sa mga malalanding katulong," istrikta nitong sagot sa akin. "Ang ganda naman po ng trabaho ninyo dito, Manang. May ganito pa lang trabaho dito?" kimi kong sabi. May naalala ako kaya nagtanong ulit ako. "Ahm... Manang, ano po ang trabaho ko dito?" alanganin ko pa na tanong. "Ano ba ang in-applyan mong trabaho? Hindi ba katulong? Ano ba trabaho ng katulong dito?" mataray na tanong ng matanda. "Taga-linis po ng bahay, taga-laba, taga-luto, taga-hugas, taga-walis, taga-palengke, at taga-bantay ng amo kapag may ginawa siyang masama sa sarili," dagdag ko pa sa huli. "At kung may bata, aba Manang, kalabisan na iyon. Magiging wonder robot na ako niyan," sabi ko pa. "Hindi ka pa nga nagsisimula, nagrereklamo ka na!" napapitlag ako sa nagsalita na pumasok sa loob ng kusina. Si sir, sungit pala. "Good afternoon, Sir," bati agad ng matanda. "Wala pong nagrereklamo dito, sir. Sir, yes sir!" sabay salute ko pa. Natigil lang ako nang kalabitin ako ng matanda. Napayuko naman ako agad nang makita kong masamang tingin ang ipinukol ng amo ko sa akin. "Buy me food, I'm hungry!" pasupladong utos nito sa akin. "Saan po ako bibili ng food, sir?" tanong ko. Pero tumalikod na ang amo namin. Naglakad palabas ng kusina. "Sa fast food restaurant diyan lang sa labas. Paglabas mo ng mansyon, pakaliwa ka lang at makikita mo na ang fast food restaurant," marami pang sinabi sa akin bago ako umalis para bumili ng pagkain ng amo namin. 'Kabago-bago ko pa lang dito, ito na agad ang unang utos ng masungit kong amo. Hindi ko pa nga alam ang pasikot-sikot dito eh.' nag-maktol ang isip ko. Nagmadali na akong nagtungo sa gate. "Gosh... Wala bang bike dito para makarating agad sa gate? Aba, ang layo ng nilakad ko mula sa mansyon, ah. Bweisit na 'yan!" reklamo ko pa. Kaliwa raw, sabi ni Manang. Pero nagtanong na lang ako sa nakita kong security guard. Tinuro naman nito agad. Nakahinga ako ng maayos dahil malapit lang pala talaga ang bilihan ng pagkain. Maraming tao ang nakapila kaya pumila na rin ako. Sana lang 'wag magsungit ang amo ko kapag matagal ako dito dahil mahaba ang pila. Nang ako na ang bibili, sinabi ko agad ang order ko. Nagtaka ako kung bakit number ang binigay nila. Ako naman si tanga, agad na lumabas ng fast food restaurant bitbit ang number na ibinigay ng cashier. Umuwi akong mansyon na nagtataka dahil wala naman akong ideya sa pagbili ng pagkain sa mga ganitong fast food restaurant. Tamang karenderya lang kami kumakain ng mga kapatid ko. Kahit si Honeybee at Clown, hindi pa namin napasukan ito, pa kayang restaurant na ito. Pagpasok ko sa kusina, nadatnan ko roon si Manang na mukhang nagluluto na. "Oh, ang bilis mo naman, eneng?" takang tanong nito sa akin. "Eh, ito lang po kasi ang binigay ng cashier number lang. Anong gagawin ko sa number, Manang? 'Yong order ko pagkain tapos ito ang ibinigay ng cashier," simangot ko. "What the... idiot!" sigaw ng amo ko. "Ipapakain mo sa'kin ang table order number na 'yan? Where's the food? Saang lupalop ka ba ng mundo at hindi mo alam ang simpleng pag-order ng pagkain? Fvck!" galit na galit na sigaw ng amo ko. "Ito kasi ang binigay ng cashier, sir. Kaya umuwi na ako agad. Akala ko ganito 'yung kakainin mo... I mean akala ko i-deliver nila dito." natatakot kong sagot. "Go take the food now, habang may pasensya pa ako sa'yo. Baka hindi kita matansya, papalayasin na kita agad dito! Fvck!" mura na naman nito. Kaya nagmadali na akong bumalik sa fast food restaurant para makuha ang pagkain ng amo kong gwapo na may ubod ng sama ng ugali. Parang dinosaur, idagdag pa na mukhang kakain ng fresh na taong katulad ko. Nakakatakot. Pagkuha ko sa order ng pagkain ay agad na rin akong umalis doon. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating lang sa mansyon agad.Chapter 161 Margarita Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Harrison sa mansyon. Nandito si Lala, kasama si Lolo at Lola, na magbabantay sa mga bata with Hershey. "Saan mo siya kikitain, Mahal?" tanong ni Harrison habang nasa loob na kami ng sasakyan. "Sa labas daw ng Alin Mall sa Cubao," sagot ko. "Saan kayo mag-uusap? Natanong mo ba kung may communication pa sila ni Mateo?" usisa nito. "Hindi ko na tinanong eh. Tsaka empleyado siya at amo niya ang lalaking iyon. May gano'ng communication? Hindi naman siya secretary o manager sa restaurant, eh," tanong ko. "Sabi mo ayaw siyang payagan na umalis sa trabaho niya. So it means ginagamit niya si Bella para makakuha ng impormasyon tungkol sayo," seryosong sabi ni Harrison sa akin. Hindi ko naisip iyon. Kaya ba siya nagpumilit na samahan ako? "At isa pa, bakit hindi niya papayagan na mag-resign ang isang empleyado niya? Hindi naman niya pagmamay-ari si Bella, na ayaw nitong payagan na umalis sa trabaho. Ayon lang kun
Chapter 160 Margarita Ilang buwan bago bumalik sa dati ang anak kong si baby Molly. Grabe ang trauma nito halos ayaw na niyang maligo, baka daw malunod. Hirap namin siyang paliguan, kahit ang uminom ng tubig natatakot na rin. Naiiyak na lang ako kapag bigla na lang siyang sumisigaw at umiiyak ng malakas. Si Harisson madalas ang umaagapay sa anak namin, matyagang kinakarga siya. May mga gabi rin na hindi makatulog ang anak namin. Ang ama ang ginawang higaan niya hanggang sa makatulog na siya. Ngayon ay medyo maayos na siya. Nakakalaro na at masigla na ulit. "Happy na ba ang baby namin na iyan?" lambing ko, dahil may mga regalo na naman silang natanggap mula sa Lolo at Lola nila. Malaking stuffed toy ang pinabili nila na puwedeng higaan na rin. Tuwang-tuwa silang dalawa sa sorpresa ng mag-asawa. "Lambot po, Nanay! Ganda-ganda pa!" matinis na sigaw nito. Masayang nagtatalon sa ibabaw ng malaking stuffed toy. Napangiti ako dahil bumalik na ang sigla niya. Pero patuloy pa ri
Chapter 159 Margarita Bumisita ang mga kaibigan ni Harrison dito sa hospital at nagpahayag ng suporta kay Harrison. Tutulong raw sila para mahanap na agad si Mateo. Kahit ang mga ito ay hindi makapaniwala na magagawa ni Mateo na saktan ang inosenteng bata. "Takot na takot 'yung asawa ko nang mapanood nito ang ginawa ni Mateo sa bata. Close rin kasi si Mateo sa mga anak namin. Tapos pinagbantaan ako ng asawa ko na hihiwalayan niya ako kapag patuloy pa rin akong makipagkaibigan kay Mateo," napakamot pa na saad ni Stephen. Mahina silang natawa sa kwento ni Stephen. "No wonder kapag magkasama kami, sometimes nababanggit niya ang pangalan ni Marga. Tapos ang bitter niya dahil biglang umalis si Marga sa restaurant niya dahil kay Harrison. Ang dami niyang hanas sa buhay," kwento naman ni Oliver. "Parang alam na namin ang dahilan ng pag-iiba ng ugali niya. At parang na-trigger ang ego niya." Hindi ko naman binigyan ng pahiwatig ang kabaitan ni Mateo sa akin noon. Nababaitan la
Chapter 157 Margarita Pero ang ama ni Harrison nagtungo sa kama ni baby Molly. Sumunod roon si Hershey. "Baby Molly, nandito lang si Tita, hindi kita iiwan. Hindi ko kayo iiwan ni baby Hollis. I'm happy when I'm with you, kaya sana gumising ka na ha." Emosyonal na nagsasalita si Hershey habang nakahaplos ito sa kamay ni baby Molly. Pinabantayan ko kay Lala si baby Hollis dahil tumatawag ang pamilya ko. Lumabas na muna ako sa kwarto para hindi sila maingayan dito loob. Napatingin ako sa ina ni Harrison, inirapan lang ako ng ginang pero ngumiti naman ako sa kanya. Sabi nga nila, kung binato ka ng bato, batuhin mo siya ng tinapay. Pero walang ganoon, sayang ang tinapay na ibabato, kakainin ko na lang. Nailing ako sa naisip. Naalala ko pa lagi ang sinasabi ng Lola ko noon. "Kapag ginawan ka ng masama ng isang tao, wag kang gaganti. Kabutihan ang iganti dahil pinagpapala ang may mabuting kalooban." Pero ako, na bata, hindi ako sumasang-ayon sa sinabi ng Lola ko. Kaya ang na
Chapter 157 PAK! Malakas na sampal ang natamo ng ina ni Harrison dahil sa pabalang nitong pagsagot kay Lolo. "Noon pa man, sakit ka na ng ulo ng pamilya mo! Alalahanin mong ikaw ang dahilan kung bakit sila maagang namatay! Huwag na huwag mo akong pakikitaan ng kabastusan mo dahil kahit matanda na ako, hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa'yo!" napisi na ang pagtitimpi ni Lolo. Gulat na gulat rin ang ina ni Harrison sa ginawa ni Lolo sa kanya. "Huwag na huwag mong idadamay ang namayapa kong mga magulang!" inis na may galit sa tono ng ginang. "Ngayon nasasaktan ka? Ganito rin ang gagawin ng magulang mo sa'yo kapag pabalang kang sumagot," ganting sagot ni Lolo. "I accept it because they are my parents and you are just my father-in-law. We are not related. You have no right to hurt me..." sampal ulit ang natanggap ng ina ni Harrison. Tinakpan ko agad ang mata ng anak ko. Ayokong makakita siya ng ganitong eksena. "Mom! Stop being rude to everyone!" suway ni Harrison. "I
Chapter 156 Margarita Sa isang private room naka-confine ang mag-ama ko. Nagpaiwan na muna ako dito para may magbantay sa kanila. Mabuti na lang marunong makinig ang anak kong lalaki. Napapayag namin siyang sumama sa Lolo at Lola niya. Kauuwi pa lang nila kanina sa mansion nang tumatawag na siya. Ang cute na bata eh. Sobrang iyak rin niya kaninang makita ang kalagayan ng kakambal niya. Nahabag kami sa eksenang iyon. Pati kami ni Harisson ay hindi mapigilang hindi mapaluha sa nasaksihan. Mahal na mahal ni baby Hollis ang kapatid. Kahit nagsusuplada ang kapatid ay mahaba pa rin ang pasensya. "Bangon ka na para makakain ka na at makainom ng gamot mo," sabi ko kay Harisson. Tinulungan ko na itong bumangon bago hinila ang table bed para makakain na ito. Napansin kong nakatitig siya sa akin. Kaya tipid akong ngumiti sa kanya. "Mapapatawad mo ba ako kapag hindi ko naagapan si baby Molly? Paano kung namatay siya..." tinakpan ko ang labi nito. "Okay na ang lahat, waiting na