LOGINALEXANDRA’S POV Bumalik kami sa mansyon nang tahimik. Walang nagsalita sa sasakyan. Si Elara ay nakatulog na sa likuran, pagod sa takot at kalituhan ng nakita at narinig. Pero ako… hindi ako makapikit kahit saglit. Ang bawat salita ni Cheska ay paulit-ulit na umuugong sa isip ko—parang walang tigil na patalim na tumatagos sa puso ko. “Lumaki siyang bunga ng kasinungalingan at pagtataksil.” “Kahit anong pagmamahal ang ibigay ni Xian… hindi na mababago ‘yon.” Paulit-ulit. Walang tigil. Pagpasok namin sa kwarto, kahit anong gawin ko—hindi ko matanggal sa isip ko ang mga salitang iyon.Bakit pa kasi kailangan na lumabas yung pangyayari na yon. bakit nalaman pa ni Cheska?! okay na ang lahat,eh. masaya na kami ni Xian. Kung tutuusin, dapat payapa na lang kami kaya lang kung bakit pa kasi hinayaan ng tadhana na magkrus pa ulit ang mga landas namin. Nakatayo ako sa bintana, nakatingin sa dilim ng gabi, habang ang luha ay tumutulo nang walang ingay. Baka tama siya. Baka totoo ang sinab
Huminto si Cheska, ang noo ay magkakunot, ang tingin ay lumilipat sa tatlong taong nananahimik nang mabigat sa harap niya. Hindi niya maintindihan ang bigat ng tensyon na bumabalot sa kanila—ang mga tingin na puno ng lihim, ang pag-iwas ng mga mata, ang panginginig ng mga kamay. "Teka," matapang niyang sinabi, pumagitna nang bahagya sa pagitan nila. "Parang hindi ko gets yung reaksyon niyo. Bakit parang ang OA? Bakit ganyan ang usapan niyo? Meron ba akong hindi nalalaman dito?" Katahimikan ang sumagot—mabigat, nakakabingi. Namutla si Edward. Nanigas si Xian. Si Alexandra ay parang tumigil ang pagtibok ng puso, ang mga kamay ay nanginginig habang mahigpit na hawak ang maliit na kamay ni Elara. Tumingin si Cheska kay Edward, diretsong tumitig sa mga mata nito. "Edward? Anong ibig sabihin nung 'limang taon na siya'? Bakit parang gulat na gulat ka na makita ang anak niya? At ikaw…" lumingon siya kay Alexandra, ang boses ay nagsisimula nang manginig. "Bakit parang may itinatago kayong
ALEXANDRA’S POVAkala ko tapos na ang lahat ng kabanata ng nakaraan. Akala ko sarado na ang pinto, nakatago na ang susi, at hindi na muling bubuksan. Pero ang buhay—hindi naman laging sumusunod sa gusto natin. Isang hapon, habang naglalakad kami ni Elara sa mall—hawak ang kamay ko, masiglang nagkukuwento tungkol sa school niyq—bigla siyang huminto. Nanlaki ang mga mata niya, nakatitig sa dulo ng pasilyo. Sumunod ang tingin ko… at parang tumigil ang mundo ko.Si Edward.Nakatayo siya roon—matangkad, pormal ang suot, mas matikas na tignan kaysa noong huli ko siyang nakita. Mas malalim ang mga mata niya, may bakas ng pagod pero punong-puno ng tagumpay. Kasama niya si Cheska at ang kanilang anak na si Elise—masaya, buo, ang pamilyang pinili niya noon. Pero ang tingin niya… ang tingin niya ay nandoon sa akin. At sa kamay ng batang hawak ko.Bago pa man ako makagalaw o makapagsalita… may mabilis na aninong dumaan sa harap ko.Si Xian. Agad siyang humarang sa akin at kay Elara, ang buong ka
ALEXANDRA’S POV Nakatayo ako sa may pintuan ng kwarto, pinapanood si Xian habang inaayos niya ang kumot ni Elara—dahan-dahan, maingat, parang hawak niya ang pinakamahalagang bagay sa mundo. His movements are so gentle, his eyes so full of something I refused to see for so long. Tinitigan ko siya—sa mukha na minsan ay tiningnan ko lang bilang panakip-butas, bilang paraan para makalimutan si Edward. Ngayon? Ngayon nakikita ko na ang lahat. Ang kabutihan niya. Ang pasensya niya. Ang pagmamahal na walang hinihinging kapalit—noon pa man. He gave me everything. Gold, safety, a home, his heart. And I looked right past it. I looked right past him. Dati, akala ko ang pagmamahal ay parang kay Edward—puno ng sigaw, puno ng sakit, puno ng pangakong hindi natutupad. Pero si Xian? Si Xian ay tahimik. Si Xian ay nanatili. Si Xian ay naghintay kahit na wala akong maibigay sa kanya kundi ang mga piraso ng pusong sira-sira. Napapikit ako nang mahigpit, ang kirot ng pagsisisi ay tumutusok sa dibdib
ALEXANDRA’S POV Linggo na ang lumipas mula noong matagumpay ang operasyon ni Elara. And Xian has been here every single day—without fail. He shows up before dawn with breakfast, stays through the afternoon, and leaves only when Elara is fast asleep, promising to be back first thing in the morning. He holds her hand when she’s in pain. He reads her stories. He whispers goodnight to her like she’s been his whole life. He doesn’t ask for anything in return. No gratitude. No explanation. No proof. Pero sa loob-loob ko… takot pa rin ako. Takot na baka isang araw magbago ang isip niya. Takot na baka magbago ang tingin niya kapag nalaman niyang hindi pala sa kanya ang batang tinatawag na niyang anak. Kaya kapag binabanggit ng doktor, ng mga nars, o minsan kahit ni Xian ang tungkol sa DNA test… laging may kumakabog sa dibdib ko. Isang hapon, habang tahimik kaming nagpapahinga sa kwarto ni Elara, dahan-dahang binuksan ni Xian ang paksa. "The doctor mentioned a paternity test again today,"
ALEXANDRA’S POV Ilang oras na akong nakaupo sa labas ng operating room, hawak ang ulo ko sa pagitan ng mga kamay. Every second stretches like an hour. Every sound from inside feels like a knife twisting in my chest. Ang mga salita ng doktor kanina ay paulit-ulit na umuugong sa isip ko—"kailangan ng operasyon agad," "mahal ang gastos," "kailangan nating magdesisyon ngayon." Wala akong sapat na pera. Wala akong matakbuhan. At ang buhay ng anak ko ang nakataya. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot at kawalan ng pag-asa. Baka mawala siya. Baka mawala siya dahil lang sa wala akong maibigay para sa kanya. Biglang may marahang kamay na dumampi sa balikat ko. Lumingon ako—si Xian. Nakatayo siya roon, seryoso ang mukha, walang bakas ng pagdududa. Hindi niya ako tiningnan nang may paghuhusga. Hindi niya ako tinanong kung sino ang ama. "Magkano ang kailangan?" tanong niya nang diretso, ang boses ay kalmado ngunit may bigat na hindi matatawaran. Napalunok ako, hiya ang bumalot sa buong
Alexandra POV Hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko habang suot ko ang ibinigay nilang uniporme. Isang simpleng puting polo shirt na bahagyang maluwag sa akin, at isang itim na palda na sadyang napakaikli—halos umabot lang sa itaas ng tuhod ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa maliit na sala
Alexandra POV Nakahiga ako sa upuan gawa sa kawayan, tahimik ang paligid at malalim akong nag-iisip. Bawat tunog ng tiyan ko dahil sa gutom, bawat tingin ko sa payat na katawan ng mga kapatid ko, at bawat hininga ni Nanay na parang pasan ang buong mundo—lahat ‘yon ay parang tinik na tumutusok sa
Alexandra POV Wala akong dala kundi ang sarili ko at ang maliit na supot na naglalaman ng iilang damit. Walang ibang kasama kundi ang bigat ng dibdib ko at ang batang dinadala ko. Nilakad ko ang daan pabalik sa tanging ibang bahay na matatawag kong sarili—ang bahay ng nanay ko sa tabi ng ilog. Ang
Alexandra POV Parang hindi mauubos ang luha ko. Ilang oras na akong nakadito sa sulok ng kwarto, niyayakap ang sarili ko habang parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko sa sakit. Ang hirap-hirap tanggapin na ang lalaking akala ko’y magiging takbuhan ko sa lahat ng bagay, siya pa ang naging







