공유

Chapter 02

작가: ceelace
last update 최신 업데이트: 2022-12-05 14:43:26

Ang napunit na Kontrata

Chapter 02

Nang mahimasmasan ay hinayaan ako ng dalawang mag hilamos muna ng mukha. Habang busy ako sa pag hilamos ay naririnig ko na ang pag timpla ng kape ni JL.

Pagkatapos kong punasan ang mukha ng towel ay naglakad na ako pa punta sa kanila. Napabuntong hininga si Sianna. "We need to make a plan!" Aniya.

Busangot akong kumuha ng malunggay na pandesal. Agad ko nga lang nabitawan sakto sa plato ni JL, masama niya akong tinignan. "Mainit pa talaga 'yan shunga!"

Madamdamin akong umiling habang sapo ang dibdib. Ang sakit ng paso ng malunggay na pandesal, pero mas kumikirot ang puso ko sa paano ko haharapin ang hindi inaasahang pangyayari.

"Scam si Manong Tiyago! Sabi niya maganda ang pasok ng twenty twenty-four sa akin! November na! Nasa kalahati pa lang ako pero puro malas na lang ang nakuha ko! Konti na lang at itatakbo na ako sa hospital!"

"Bakit sa hospital pa? Puwede naman akong kumatok sa mga nursing students diyan sa kabilang kanto." Natawa si JL when I raised my middle finger at her.

"King*na ka!" Ipapahamak pa ako! Pinalo naman ni Sianna ang daliri kong nakataas pa rin sa harap ni JL.

"Hindi naman 'yon magva-viral kung hindi dahil sa indianong exchange student e!" tumalim ang mata ko pagkatapos kong sabihin iyon. Bwisit! Malay ko bang sikat 'yon?! E' di sana pala sinabi ko kahapon na patayin niya muna ang livestream. Ayan tuloy at na broadcast na sa buong mundo ang pagkakahiya ko.

"It's my fault okay! Nangyari lahat ng 'to because of my business! I drag you two here, kaya kasalanan ko!" Agad kaming natahimik ni JL when suddenly Sianna bursted out.

Pinandilatan ko sa mata si JL pero umiling siya sa akin. Tumikhim ako at pinagmasdan si Sianna na hindi pa rin matigil tigil sa paglakad, pabalik balik siya.

Sianna is still in sophomore year; she's taking BS Psych, while Jahari takes BS Pub Ad and I take Ba Comm; we are graduating students. Two years ahead from her. But we are the same age, Sianna got a personal problem kaya late na nung pumasok sa college.

And the three of us also chilhood bestie trio. Kaya nang malaman naming papasok na siya sa college, inaway namin ni JL iyong dorm mates namin para palitan ni Sai— joke lang!

Graduates na si Honey, our dorm mates before, after Sianna entered college kaya inalok namin si Sianna ang bakanteng bed spacer sa apartment. That's why we are all together again.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. "Sorry," natigil si Sianna. She shook her head at me.

"No, it's not like tha—"

"I know—"

"We're not at fault," sabay kaming napatingin kay JL when she cut out the conversation. "We wanted to deliver the letter that's all! No malice! Yes, mali natin na hindi natin na double check ang letter just because I thought you guys accidentally left the letter, I'm accountable for that." tumango siya. "But the thing is, we are innocent. The video got viral and what are the people talking about?"

My cheeks are heated. "T-The marriage contract," I whispered.

"Iyon! We need to clarify that thing, sige mapapatawag tayo sa Dean. And worst sa office ni President, but first of all we must meet the person whom we mistakenly do wrong."

"But his at fault too! He assumed! Hindi magva-viral iyon if he or let them enlightent me first that he is finding someone who is pestering him for a month now!" taas baba ang dibdib ko. Mas mahaba ang sinabi ni JL pero mas hiningal 'ata ako, siguro dahil nagpupuyos rin ako sa galit lalo na kapag naalala ko na naman ang nangyari.

"We are all accountable," malungkot na wika ni Sianna. She apologetically look at us, I groaned. I know that this is not her fault. We are not a fault! But denying it won't clear things out. "there's no way out of this but to meet him personally and ask forgiveness. Yes, he mistakenly assumed that you are his stalker," baling sa akin ni Sianna.

I flipped my hair. "Sa ganda kong 'to? Stalker?!" Agad hinawakan ni JL ang baba ko at pinaharap sa kanan at kaliwa ani mo'y may hinahanap.

Ngumisi siya sa akin. "Sa'an banda pre?" I slap her hand away from me. Basher!

"He has the right to assume because after all the letter is really for him." dagdag pa ni Sianna. Habang nakatingin sa nagkakaisang sofa naming tatlo. Agad ko namang na gets ang ibig niyang sabihin. Iyong letter na dapat kay Dela Rostelli ngayon, heto at naiwan.

Hindi naman kami nagkamali ng bilang ni JL. Pero dahil nga siguro sa pagmamadali kahapon, hindi ko na napansing nasama iyong dapat itinabi namin. At naiwan iyong totoong letter sana na ibibigay.

Natawa naman ako ng pagak. "Hindi ba governor 'yon?" Nakakapagtaka naman kung hindi niya kami kilala. Kalat na kalat naman ang anonymous letter business ni Sai e'! "Imposibleng hindi niya narinig ang business mo?"

"I don't even know him, Adria." matuyang wika ni Sianna. "Hindi porket may mga nakakakilala sa atin it doesn't mean that they need to know us too." m-may point naman siya. Pero basta! Hindi pa rin ako pabor na humingi ng tawad sa antipakong 'yon!

"Isa pa he is a busy person, himala na lang kung if he is into this thing." pertaining about her anonymous letter business.

Hello! Busy rin ako! Pero alam ko pa naman lahat ng nangyari sa loob ng university.

Napahalukipkip ako. Tuluyan ng nawalan ng gana sa malunggay na pandesal na tinda ni Manong. "Sa'an natin 'yon hahagilapin kung ganun?" tanong ni JL. Napatingin pa siya sa akin na parang nasa akin ang sagot.

Nagkibit balikat ako. Hindi ko alam! Hindi ko naman talaga alam kung saan hahagilapin ang hudyong 'yon. But we'll, aside from his from college of nursing, natambay sa six floors, hindi ibig sabihin posibleng madatnan namin siya roon kung sakaling pumunta nga kami.

"Hindi pa pwedeng itanong natin iyong client mo, Sai?" umiling sa akin si JL. Habang busy naman si Sianna sa pagkalikot sa cellphone niya.

"Galit iyong client dahil iba iyong naipadala natin." bulong ni JL. Ngumiwi naman ako. Kung ako rin naman ang sender magagalit rin ako kung biglang nag viral ang crush ko pero hindi dahil sa love letter ko, kundi dahil sa marriage contract proposal ng iba.

Pero ano bang nagustuhan nung client kay Dela Rostelli? Sa tabas ng dila niya kahapon, alam mo agad na antipatiko e! Guwapo sana kung— namilog ang mata ko sa naisip. Agad kong sinampal ang bibig.

"Yuck! Kadiri!" I shake my head. Hindi! Hindi siya gwapo! Pangit siya! Kasing pangit ng ugali niya!

"Ibang malunggay 'ata ang kailangan mo, Adria. Hindi pandesal, iyong totoong dahon ng malunggay at nang maisampal ko naman sa mukha mo. Nasaniban ka ba ng kung ano ha, at bigla kang nasigaw?!" Masama kong tinignan si JL.

"I have a friend who's acquaintance to his friend, itatanong ko ang sched." Sianna informed us when JL and I were in the middle of a heated debating eye to eye competition.

Tumango naman ako. Kahit naman mag matigas ako, aba! Kailangan naman talagang klaruhin lahat ng 'to bago pa ako mapatawag sa Dean and worst sa office ng President! Baka tuluyang ma hold ang name ko sa graduation list. Hindi puwede!

Madami na nga akong warning sa Dean dahil sa mga issue na napagkakamalang kabit raw ako! At aba! Imbes na paringgan muna ako sa social media, sa Dean agad ang bagsak e 'nu!

Kaya kahit hindi totoo. Warning agad ang balik sa pangalan ko.

Dumagdag pa 'tong viral video na 'to! Masama kong tinignan si JL nang sinusubukan niyang pag hiwalayin ang kilay ko.

"Huwag kang masiyadong bugnutin! Babalik ka pa sa URDO di ba?" I stompt my feet nang pinaalala na naman ni JL ang progress ng thesis ko.

Nakakainis dahil pabalik balik ako sa University Research and Development Office for my thesis. Maka ilang balik na ako roon, Mrs. Roman, our dean wanted twelve percent score overview of our paper. Lahat ng iyon meron na ang plagiarism, grammar, and AI.

Mataas ang percent ng paper ko sa grammar, but usually according to Sir Lazo. The head of the URDO because of the wrong spelling and spaces na niri-read ng system as error. Kaya ayon at ilang araw na akong nabwi-bwiset!

Kinakarma na 'ata ako dahil naiinis na ako sa lahat lahat. "Hindi pa ako nagsisimula sa ojt, pero nagsisimula na 'tong thesis sirahin ang buhay ko." Natawa si JL sa akin.

"Gago! Ganun talaga! Matatapos rin 'yan." thankful naman ako sa advice niya. Pero naiisip ko palang na pumunta sa office ni Sir Martinez, my thesis adviser.

Knowing na nadawit na naman ang pangalan ko sa isang issue. Talaga naman oo! Gigisahin na naman ako no'n!

"Ako na ang kakausap sa kanya. Mas mabuting ako na rin dahil ako naman talaga ang may kasalanan rito," gusto ko pa sanang i-tama si Sai pero agad siyang nagpatuloy. "Judging from your last interaction, mas mabuting ako muna ang magpapaliwanag. Tapos kung makita kong ayos naman ang pag-uusap. Saka kita tatawagan, Adie."

"Okay," hindi na ako nagmatigas pa. Gusto ko rin maayos ang lahat. Ganun nga ang naging set up.

Wala na kaming class. We are more busy with our thesis paper. At naghihintay rin sa deployment for our on-the job training. Medyo late nga kami kami compare sa iba. Nakapag send na ako sa group chat kung saan ko gustong ma deploy.

Our ojt adviser informed us na pumunta rin ng maaga sa hospital. Required iyon para sa ojt namin, para kung may sakit hindi nila i-a-allowed lumabas ng university. Sa loob ng university sila mismo mag o-ojt.

Napamura ako nang makitang mag a-alas nuebe na. Eight o'clock ang sched ng mass comm sa hospital. Malapit lang naman ang Magsaysay sa UNP pero dahil late na nga ako wala akong choice kundi mag traysikel.

Convenient rin iyon dahil pinadiretso ko na ang traysikel sa loob. "Salamat, Uncle!" wika ko bago tumakbong papasok sa hospital.

Nadatnan ko ang ibang classmate kong late rin. Nginisian ako ni Machanidas. "O dito na pala si viral queen e!"

"Shut up! Ayokong ma high blood sa'yo, makukuhanan pa ako ng dugo." tinawanan ako ng hudyo.

Sinabihan ako ni Decy na pumunta muna sa counter para magbayad. Kaya iyon ang ginawa ko. Pagkabayad ko e' agad ko silang sinundan. Lima na lang kaming nandito.

Machanidas, Decy, Hannah, Jose, and I. Parehas na late.

Iyong mga ibang kasamahan namin, mga polsci at marine biology na wala rin kahapon. Sched nila kahapon at hindi sila nakapunta kaya sumabay sila sa amin ngayon.

Habang naghihintay sa labas para tawagin iyong number ko. Next in line for x-ray. Para akong nakakita ng multo nung lumabas si Dela Rostelli sa isang pinto.

Sunod ay lumabas si Hannah na may nakadikit na cotton sa pulso. Nagkatitigan kami ni Dela Rostelli, kahit naka surgical mask siya. Alam kong siya iyon, isa pa ay kumukulo ang dugo ko kaya hindi ako namali. Siya nga!

King*na! Dito siya nag o-ojt? "Lemarie Adria Arguillan daw!" masama kong tinignan si Machanidas. Talagang complete name ko?! Nginisian niya ako.

"Tanggalin mo raw iyong bra bago ka—"

"Oo na!" sigaw ko. Napakagat ako sa labi nang may pagkamalakasan ang boses ko. Gusto kong sabunutin ang buhok ko nang tumikhim si Dela Rostelli sa likuran ko.

"Iyong mga tapos na, proceed na kayo rito sa kabilang room to check your blood." pagkapasok ko sa kuwarto rinig ko pa ang huli niyang sinabi.

"And please maintain the silence, we are inside of hospital."

Wala na talaga akong nagawang tama! Twenty twenty-four tama ka na!

"Anak, tapos na!" Five seconds lang 'ata ako sa tumayo sa loob para sa x-ray ko. Habang binabalik ko iyong bra ko. Ayaw ko ng lumabas sa CR.

Si Dela Rostelli ang nag-a-assist para sa pagkuha ng dugo?! Bakit naman ganito ang universe sa akin?! Hindi ba puwedeng huwag muna kami magkita kahit isang araw lang pagkatapos ng lahat? Kailangan talagang ipamukhang kahit plano ko mang tumakbo at magtago, wala pa rin akong kawala e' nu!

Pagkalabas ko ng room. Nalaman long nasa kabilang room naman na ang mga kasama ko para sa urinary test. Ako na lang ang huli sa aming lima.

Pagkapasok ko sa room. Malamig naman ang aircon pero mas lumamig pa 'ata ng makita ko si Dela Rostelli na tinatanggal ang cover ng syringe.

Sinenyasan ako ni Doktora na umupo. Relax, Adie! A-assist lang naman siya e' hindi siya iyong tuturok ng syringe sa'yo.

Kahit pa may galit siya sa akin, hindi niya ako pwedeng balikan ngayon. Dahil assistant lang siya! Tipid akong ngumiti, buti pa 'tong utak at puso ko at nagkakasundo ngayon.

Ang lamig ng room kaya malamig rin ang kamay ni Doktora ng hawakan na niya ang kamay ko. Habang pinapahidan ni Doktora ng alcohol ang kamay ko. Sinimulan niya na ring hanapin ang ugat ko.

Ayoko talaga kapag kinukuhan ako ng dugo. "Ang nipis ng ugat mo," habang sinasampal na ni Doktora ang kamay ko. Sanay naman ako na ganun lagi ang sinasabi ng iba. Kaya ayoko talaga nagkakasakit at ma hospital.

Hirap silang hanapin ang ugat ko! Dahil manipis!

Ngumiwi ako nung maramdaman ang tusok ng karayom. Sabi nila parang kagat lang ng langgam. Pero putek! Ang sakit!

Namilog ang mata ko ng tinigil ni Doktora nung makitang walang dugo na lumabas! "Ang nipis ng ugat mo 'nak. Walang masiyadong lumabas na dugo, pasensya na ha. Try natin dito sa kabila. ZV pakuha nga ako ng mas malaking syringe." hayok na 'yan!

Namilog ang mata ko. Humingi pa ulit ng tawad si Doc. Gusto kong umiyak, putek! Ang sakit nga nung una, gusto pang maka isa! Mas kabado ako ngayong mas malaki ang syringe na gagamitin!

Sa pagkakataong 'to si Dela Rostelli na ang naglinis sa unang naturukan. Ngumiwi ako dahil hindi ko namang akalaing napakasakit! Kung siya pa ang gumawa at nagkamali, alam kong sinadya!

May galit ba si Doc sa akin?

"You okay?" putcha! Kinausap ako!

Anong sasabihin ko?

"Mukha ba akong okay?"

Siyempre kung hindi ko siya kilala, baka pwede kong ibanat na joke iyon sa kanya. Pero dahil may atraso nga ako.

"A-ayos lang," mahinang wika ko. Pero gusto ko ng sampalin ang mukha ko ng bahagya akong nautal. Tumikhim ako. "Masakit lang ng konti. Ibang ugat 'ata ang tinurukan ni Doc." peke akong natawa. Katamtaman lang ang lakas ng boses ko, bumubulong pa nga ako kaya dalawa lang kaming nakakarinig.

Seryoso na siya ulit gusto ko sanang i-open ang nangyari kahapon. Pero alam ko namang this is not the place for that. "Magaling ka bang tumurok? Baka pwede sa'yo na lang ako paturok." biro na banat na ko dahil sa totoo lang...sobrang awkward.

Ngayong kaharap ko siya pagkatapos ng nangyari. Ayoko na gusto ko na tahimik lang siya! Ewan! Pero hinihintay ko rin na kahit isingit niya lang iyong nangyari.

"Gusto mo ba?"

"H-ha?" naguguluhan ko siyang tinignan. Lumapit ulit sa amin si Doc pero bago pa man ako hawakan ulit ni Doc inunahan na siya ni Dela Rostelli.

"It's okay if I handle her doc?" Nagulat rin hindi lang ako pati si Doktora!

Natawa si Doktora. "It's fine! ZV!" masuyo pa akong sinilip ni Doc. Habang natameme ko namang pinagmasdan si Dela Rostelli nung maingat ako nitong kinuha ang kamay ko. "You know her, ZV?" sa pagkakataong 'to may malisya na akong tinignan ni Doc.

Aba! Napanood pa 'ata ni Doc ang viral video. Nawala lang ang atensyon ko kay Doc at napunta kay Dela Rostelli nung magsimula itong turukin ako. Dahil nine-nerbyos ako sa malaking karayom. "I-ingatan mo ako please..."

Pakshet!

Ramdam ko ang init ng aking pisngi! Nanalo ang aking intrusive thoughts...nadulas tuloy.

Natawa sa akin si Doktora pero mas hindi ko inaasahan ang sagot ni Dela Rostelli sa akin.

"I'll be gentle, Adie."

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Ang napunit na kontrata [ A stand alone story]   Chapter 11

    Chapter 11: DealDivina Jaslene Prado P.O.VAgad akong sinalo ni Kenichi, hindi naman ako napuruhan pero nanghina mismo ako sa nalaman. May puot ng galit ang mga titig ang ibinigay ko sa kanya. This man...he knows...he knows Millie is the one who pointed a gun at me. How? Hindi ko alam, at hindi ko alam kung parte ba 'to ng pag-iinis at pagpapahirap niya sa akin? Pero dahil sa labanang nangyari ay nalaman ko ang ginawa ni Millie.I gritted my teeth when he carried me like a damn damsel in mistress. Ayokong isipin, pero kahit anong gawin ko...hindi ko maalis sa isip na si Millie nga...si Millie na kasabayan ko na magmula bata. Ang isa rin sa mga pinagkakatiwalaan ng mga kapatid ko, ang siyang nagtangka sa buhay ko. Wala akong naaalala na hindi pagkakaunawaan ni Milllie para tutokan niya ako ng baril.Na sa matindi niyang galit magagawa niya iyon sa akin...kahit saan ko banda hanapin...wala. Wala akong kahit makita para mapunta sa puntong gusto niya na akong mawala. "Not today, Lily." Lu

  • Ang napunit na kontrata [ A stand alone story]   Chapter 10

    Chapter 10: BetrayalDivina Jaslene Prado P.O.VIka-limang araw pa lang namin sa Japan, puwede ko ng ituro kung ano ang kinaibahan. Ayoko mang aminin pero ang isla yata ang lugar na free place nila, habang rito sa Japan ang true nature. Hawig na hawig sa Calle Granda, oo, masasabi ko nung nasa isla ako minsang pumasok sa isip ko na isa lang siguro sila sa mga mababang ranggo ng Mafia.Yes, sabihin na nating marami sila. Puwede rin na bayaran lamang ang mga tauhang kinuha nila, but when blood flow to the ground, their smile, and those laugh...they were more brutal. Pinikit ko ang aking mata nang sunod sunod na putok ang umalingawngaw sa lugar na tinatawag nilang...battleground.Ganitong senaryo ang naririnig ko sa loob ng Calle Granda, pero dahil alaga ako nila kuya. Kailanman ay tanging palaso at baril pa lamang ang nahahawakan ko, na siyang mismong sinasalo ng mannequin o kaya ay puno. Pero ang makita ang sariwang dugo—na tinakpan na nang nagkikinang na salamin lamang kanina. Pigil an

  • Ang napunit na kontrata [ A stand alone story]   Chapter 09

    Chapter 09: Real Divina Jaslene Prado P.O.VIlang araw na para bang mas humigpit ang kanilang seguridad. Ayaw ko mang aminin na ako ang naging dahilan, pero iyon nga ang kaganapan."Hindi mo pa siya nakikita? Akala ko pa naman nag usap kayo kagabi. Itatanong ko sana kung ano ang first impression mo kay Kenichi.""Kenichi?" tumango sa akin si Hitaro. Sanay naman ako kay Hitaro, pero hindi ibig sabihin na sanay ako ay nakalimutan ko ng isa siya sa mga dahilan kung bakit ako narito."Oo, siya iyong taong pumasok sa silid mo kagabi.""Hindi ko pa siya nakikilala, ni hindi ko alam na pumasok siya sa silid ko kagabi.""Baka tulog ka na nang pumasok siya." Tumango ako sa sinabi niya, siguro nga. "pero huwag kang mag-alala, makikilala mo naman siya mamaya. Isa pa, siya na ang mismo ang hahawak sa'yo.""Anong ibig mong sabihin, Hitaro?" umiling lamang sa akin si Hitaro at ngumiti."You will know later, Divina." Sabay kaming napatingin sa pinto ng bumukas ito, at iniluwa nito si Apollo. Nagtata

  • Ang napunit na kontrata [ A stand alone story]   Chapter 08

    Chapter 08: Trust Zimri Venancio Rostelli P.O.VKaya hindi ko siya masisisi kung inaakala niya na kaya ko siyang saktan. Tang*na, kahit nga lamok na dumadapo sa balat niya, tiyak na nanlalaki ang mata sa akin kapag ako na ang kaharap. Because I'll do everything to make her comfortable at any time. Napa buntong hininga ako nang maisara ko na ang pinto. Napatingin naman ako sa taong nakasandal sa pader, hinihintay mismo ako."Do you want me to knock some sense at her?" natawa ako sa sinabi ni Kenichi. He is my underboss and best friend of the pack I create at the same time. Hindi ko alam kung kailan o anong oras siya dumating, but I'm glad that his now here. I patted his shoulder. Sinundan naman ako nito sa paglakad."You don't have to do that. I want her to know and realize that for the people out there. She should trust me and never anyone else.""I understand her though, Lord. You use a method that takes away her trust in the first place.""What can I do, Key? They already made a mov

  • Ang napunit na kontrata [ A stand alone story]   Chapter 07

    Chapter 07: BelongHitaro P.O.VKandong ko si Matchy habang pinakatitigan ang tatlo. Kanina pa sila walang imik, kung hindi lang gumagalaw ang mata nila iisipin kong patay na. "Pst!" tawag pansin ko kay Apollo. Pero hindi ako pinapansin ng gago, sunod kong tinignan si Ivanov. Isusunod ko sana na kunin ang pansin niya, pero nang sinuntok niya ang mesa. Maging si Matchy natigil rin sa pagkain ng saging, rinig ko pa ang paglunok ng unggoy. Maging ako rin, napalunok.Dahan dahan akong pasimpleng tumayo, tatakas na sana kami ni Matcy. "F*CK IT!" kaya lang hindi ko magawa dahil sa biglang pag mura rin ni Apollo. Nasaan na ba kasi si Ryujin? Wala pa naman akong kakampi, baka sa inis ng tatlo ako ang gulpihin rito."Did you already check it?" napatingin ako kay Knight sa tanong niyang iyon kay Apollo. Umigting ang panga ni Apollo. Hindi niya sinagot si Knight at basta na lamang tumayo, agad akong umiwas ng tingin ng mapunta sa akin ang mata niya."Hitaro." Tawag niya sa akin kaya agad naman ak

  • Ang napunit na kontrata [ A stand alone story]   Author's Note

    Hello, Ang napunit na kontrata is my new paid story. I hope you will support my new paid story. This is a romance story. About sa mga nagtatanong po kung kailan ang mga susunod na story ng mga Hillarca's, I am not yet sure po kung kailan ko siya mapo-post since focus muna tayo rito. Heto muna ang suportahan niyo. Matumal po ang update since I am students po, as long as I want to write ng tuloy tuloy hindi kaya ng time. Maraming salamat po sa suporta, sana po ay hindi kayo magsawa. Thank you :) From, Cee

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status