Share

Chapter 01

Author: ceelace
last update Last Updated: 2022-12-04 17:22:34

 Chapter 01

  Contract

“Hindi masamang magkaroon ng pagkakakitaan Miss Santiago, ang concern lang ng student council marami silang natatanggap na reklamo tungkol sa business mo.” panimula ni Ma’am Roman, ang adviser ng BA Comm 3. “Yes! It’s unique— tumango siya sa amin “patok talaga sa masa, pero marami ring napurnada. You’re getting my point, Miss Santiago?”

Napa buntong hininga si Sianna. “Naiintindihan ko naman Ma’am,” sagot ni Sai kay Ma’am. “Hindi ko rin naman po gustong magkaroon ng problema.” wika pa ni Sai.

Napa kurap kurap ako ng sa akin naman nabaling ang atensyon ni Ma’am Roman. “Miss Arguillan,” pagka tawag sa akin ni Ma’am napangiwi agad ako ng nagpakawala siya ng pinakamalalim na buntong hininga.

“What are you even doing here?” umiling iling siya sa akin. Ani mo’y napakalaki kong disappointed sa isang pamilya. “You are the very last person I am expecting to meet here in my office,” alanganin akong ngumiti kay Ma’am Roman. I know that it was sarcastic.

Sianna cleared her throat. “Wala pong kasalanan si Adie dito Ma’am, nagkataon lang na sinamahan niya ako at nasaktong nakita kami ni Klea sa ganung senaryo.” pagtukoy ni Sai sa student council secretary. “Hindi naman naming intensyong makipag away.” Pagtatanggol sa akin ni Sai. Hindi naman nagustuhan ni Ma’am Roman ang biglang pag singit ni Sai kaya napatikom agad ng bibig si Sai.

“Is the university really your dream school, Adria? Judging from your records, it seems like you don’t want to graduate here. Remember, you are now in junior year. Isang taon na lamang.”

“I’m sorry Ma’am,” mahinang wika ko na lamang not wanting to add the fire. Alam ko namang kahit anong sabihin ko hindi siya makikinig sa akin. Kapag nakagawa ka ng mali sa una, kahit ikaw ang tama sa pangalawa. Mali pa rin sa kanila. Napa buntong hininga si Ma’am Roman.

“One more record from you. You know what will happen.”

“We’re sincerely sorry, Ma’am.” Sainna said.

 “I can understand why you are doing this kind of business, Miss Santiago,” natahimik kami ni Sai.

Nung unang sabihin sa akin ni Sai na gagawin niyang negosyo ang pagpapadala ng nga anonymous letter, wala kaming ginawa ni JL kundi tawanan siya. Sino naman kasing matino ang magkakaroon ng ganitong negosyo? But…tatlong buwan, three months has passed pero hindi namin inakalang pa patok ang page ni Sai.

Akala ko trip niya lang nung una, pero dahil araw-araw na binaha si Sai ng mga liham, doon ko napagtanto na marami pa palang mga taong takot sabihin ang salitang sa isip nabuo pero takot ibahagi ito…tulad ko.

Gustuhin ko mang gamitin ang anonymous letter to reconnect with my family…alam ko namang sa basurahan lang rin ang kaba bagsakan. Lalo na if it is written as anonymous. Gets ko naman na hindi lang pera ang habol ni Sianna. Kahit ano mang sabihin ng iba, yes, it’s really a unique way to tell someone some words that are hard to tell in a normal way of communication.

I am getting the point of the page. Kung tutuusin she made her client convenient, kahit sa paraan man lang ng pagpapadala ng anonymous letter.

The person who received those letters has the chance to know what went wrong, have the opportunity to be compromised, or have the chance to be appreciated… na hindi nagawa ni Sianna noon.

Kaya sinimulan niya ang ganitong business. Alam ko sa iba trip trip lang, na kahit kaming kaibigan niya ganun rin ang alam…but upon knowing her deepest reason for opening this kind of business…oo nga ‘nu.

Kahit merong social media, ang hirap pa rin magpadala ng liham sa taong gustong gusto mong padalhan ng samu’t saring kwento o di kaya reklamo.

Kasi kahit namang itanggi natin meron na meron pa rin sa point na we are asking ourselves, saan ako magsusumbong?

And the answer is the “yours to tell” page by Sianna.

“But you need to stop,” dagdag ni Ma’am Roman. “I know grieving is a long healing process, but if the business is the only way to cope. From the bottom of my heart, not as an adviser or your proctor, but as a mother," Mapungay ang mga matang tumingin si Ma’am Roman kay Sianna. “I think the pages needed you more than someone else.”

Sianna froze….

My eyes look at her intently. I know those words hit…

Six months has passed when Emmett gone, and for those couple of months ni hindi ko siya nakita na umiyak kahit sa harap namin. Ni hindi niya ipinakita ang kahinaan niya. We support her and let her do what she wants, because we know how she feels.

If her anonymous letter business is the only way to release her distress, we become her sender. My heart aches for her, for her grief. Even though I wanted to hug her, Ma’am Roman shook her head at me. We let Sianna let go of her pain; we knew she needed that.

She cried silently.

At the end, Ma’am Roman instructed us to coordinate with the student council. We also pass a promissory note to the guidance regarding the anonymous letter business. Agad bumulong sa akin si Sianna na mauna na ako, kaya nagpaalam na ako kay Ma’am Roman.

“M-Ma’am,” rinig ko pang wika ni Sainna pagka sara ko ng pinto. Hinayaan ko silang magka usap na dalawa, sumandal ako sa pader nagpasyang dito na lamang sa labas ng faculty ko hintayin si Sianna.

Napa ayos naman ako ng tayo ng bumukas na ang pinto. Ngumiti siya sa akin. “Let’s go,” Aniya at nilagpasan ako. I slightly bow at Ma’am Roman, giving her our goodbyes when she accompanies Sai through the door. Tumango si Ma’am Roman sa akin. I ran towards Sianna. “JL texted she’s in student park,” she informed me.

“What did you two talk about?” I asked her while walking at the same speed as her.

“I ask a favor, if it’s okay to deliver all the letters for the last time,”

“Did she say yes?” gumaan naman ang pakiramdam ko nung tumango si Sai sa akin.

“I need your help and JL to close and wrap up,” aniya. Tumango naman ako, mabuti na lang at half day ang klase may oras pa kami to wrap some things. Agad naming sinundo si JL sa student park bago tuluyang umuwi. Malapit lang naman ang dormitory room sa university, aabot sa ten minutes kung lalakarin.

Agad kaming nag kuwento kay JL kung paano kami napatawag sa faculty office. “She wanted to expose her boyfriend's affairs. I already rejected her request through my message on the page. And she wanted to meet up, but I declined.”

“And she appeared somewhere and threaten us to sue,” dagdag ko. “At saktong nakita ni Klea.” Pertaining to our student council secretary. Ngumiwi naman si JL, actually this is not the first time. Dahil sa binaha ng maraming kwento at sumbong ang page ni Sianna. Hindi rin maiiwasan ang magkaroon ng liham na pwedeng makasira ng iba, gaya na nga ng nangyari kanina.

Inakbayan ni JL si Sianna. “What is your plan then?” umiling si Sai kay JL.

“I don’t have a choice but to end it,” napabuntong hininga kaming tatlo. Even though tama naman si Ma’am Roman, nanghihinayang lang ako. Hindi ko naman itatanggi na I enjoyed delivering those unsaid thoughts letters for those people who are waiting for answers. “It’s fine. I think this is the right time mabuti nga at nangyari na rin ang ganito.”

Natawa kami nang bigla kaming tangayin ni JL at dinamba ng mahigpit na yakap. At walang habas na tinangay at pina ikot ikot sa gitna ng daan. Hindi naman pinapansin ni JL ang ibang sasakyang walang habas kaming binubusinahan dahilan ng pagkaka taranta naming dalawa ni Sai. Kung hindi pa pabirong hinila ni Sai ang buhok niya hindi niya kami papakawalan. “Sira ulo ka talaga! Baka sagasahin tayo e!” Sai exclaimed.

“Subukan nila at nasa pedestrian line tayo, sila rin naman ang magbabayad!” umiling na lang kami sa sinabi niya.

When we got into our dorm. Wala kaming sinayang na oras, kanya kanya kami ng ginagawa. Sai is the only one who has access to her page, even though we’re assisting her in sending letters to some of her clients. She didn’t disclose some of the information to us. “It’s a good thing that I already printed out, may anim lang na nadagdag.” Aniya.

“You’ll print all those?” tanong ko.

“Just one,” aniya. Tumango naman ako at nagpatuloy sa pag arrange. I arrange the letter in one place, magkakasama iyong mga nasa iisang lugar lang na pagbibigayan. While JL is in charge of putting the letters in the envelopes.

“Wait! The one who has a cute ribbon, remember to throw that one, Adie.” Napatingin naman ako sa tinuro ni Sai, agad kong kinuha ang sinabi niya. Maka ilang turo pa ako ng papel bago natumbok ang tinutukoy ni Sai.

“Heto? Bakit?” umiling sa akin si Sai.

“Nah, it’s a silly request. Napagtripan ko lang ilagay, but remember to throw it. Hindi natin ‘yan isasama.”

“Okay.” Wika ko at agad binigay kay JL para siya na ang bahalang magtabi. Nagpatuloy kami sa ginagawa, and when we are done arranging in 1 hour. For the next step, since I am good at writing, Sai entrusted me with her statement for her page. Habang sumaglit naman sa kusina si JL para mag luto ng pancit canton na meryanda.

Dear Tellers,

Good afternoon, my dear tellers. Hope everyone is doing okay. For the last few months, you have been asking for my inspiration for opening this kind of business. For some reason, I opened this page up to nowhere to help someone write those unsaid thoughts, and for those who are waiting for answers. I opened this page because of them…But I know if you ask me again…my answer will be different.

I open this page hoping that if I help by sending those anonymous letters, maybe the guilt I have will at least be at ease. For the last few months, my door has been closed to unwanted communications. I lost someone dear to me, who even in his last breath…I don’t have the chance to tell him my side…my answer. And I don’t want others to experience what I have been through, not saying anything until you can’t anymore.

It hurts me to say that I have decided to close my page. I am helping someone through this page, but I think I need the page more than someone else, they said, and I know they are right. For now, when the time is right, I know those unsaid thoughts we can learn to subside, not eventually, for now…but it will come one day.

Truly yours,

     Sai

Agad tinapik ni Sai ang balikat ko nang hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. “It’s well written,” komento niya. “You really good at this, Adria.” Dagdag pa niya. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

Tinawanan niya lang ako nung medyo paghikbi hikbi na ako, I just can’t help to be so sentimental, I cried not because of her business. I cried because I know it’s been so hard for her, kahit hindi man siya magsabi sa amin. Hinayaan niya ako at hinaplos pa sa likuran ng niyakap ko siya.

“We’re here, Sianna. We are always here.” I whispered.

“I know Adie, and I am so thankful that you guys are always by my side,” she answered. Naabutan kami sa ganung senaryo ni JL at nagtataka kaming tinignan.

“Nagluto lang ako at nag iiyakan na kayo!” Natawa si Sai sa sinabi niya pero kalaunan sinamahan rin kaming dalawa.

After wrapping things out. Nakaabot na rin sa iba ang pag tigil ni Sai sa anonymous letter business niya. Nanghihinayang ang mga ibang nagpapadala ng mensahe sa kanya, at natutuwa naman ang mga taong hindi pa rin gets kung bakit ito sinimulan ni Sianna sa umpisa.

Sianna page is totally well known inside our university, kaya nga nakatanggap rin kami ng reklamo at minsang napatawag sa student council. Dahil nadadagsa rin sila ng liham galing sa amin. Hindi ko namang maipagkakailang guwapo si Pres.

We have already sent those anonymous letters. Lumabas lang kami saglit, we go to café, computer shop, library, and such para naman sa mga outsider client. And for the last part, of course, within the vicinity of our university.

Humugot ako ng malalim na hininga ng sa wakas ay naka apak na ang paa sa six floor. Bakit ba ang taas taas ng floor dito sa nursing? Kung ganitong araw-araw na sa six floor ang klase ko, nungkang mas mabuti na lang mag pagulong gulong na lang ako.

“K-Kaya pa?” hinihingal na wika ni JL. I give her a thumbs up. Mabuti na lang at tapos naman na yata ang class ng iba, may mga ibang natambay na lang sa room. At isa na roon ang sadya namin.

Agad kong kinuha nang inabot na sa akin ni JL ang letter. I-aabot ko lang naman ang letter, tapos na. Minasahe masahe pa ni JL ang balikat ko bago ako tuluyang pumasok sa room.

Agad umaliwawas ang mukha ko ng akma ang details na binigay ng client kay Sai.  “Hi!” mahinang bati ko sa tatlong lalaki na nakatambay sa room.

Ngumiti sila sa akin. “Nandito ba si Dela Rostelli?” tumango sila sa akin. Lumawak naman ang ngiti ko, apat silang nakatambay rito. Itong dalawang lalaki na nasa gilid ko, isang lalaki malapit sa pinto sa likuran na bahagyang nakaharap sa cellphone. I don’t know if I heard him right, but looks like he is having a livestream? Kaya mas dapat na bilisan ko.

“Bakit Miss? Kukunin mo bang respondents?” umiling ako sa kanila at bahagyang natawa. Napagkamalan pa akong nagdi-distribute ng questionnaire.

“Hindi,” umiiling na wika ko at napa kamot sa ulo. “i-aabot ko lang sana ang letter, uh where is he?” kumunot ang noo ko nang sabay sabay silang binalingan ang bintana.

“Dela Rostelli! May dalaw ka!” natatawa na wika ng isa. Napa kurap kurap ako ng tawagin nila ang taong hinahanap ko…sa bintana? Ni hindi ko napansin na may tao malapit sa bintana!

Magkakulay naman kasi sila ng damit ng kurtina, parehas na nakaputi. Kung gabi ko ‘to ginawa at saktong nandyan siya mag-isa tiyak na aatekihin ako sa puso.

“Tang*na mo naman, Harriz! Alam mo namang badtrip ‘yan kapag biglang iniistorba ang pahinga!” banta ng isa.  

Hindi ko alam kung bakit kabado ako, lagi ko namang ginagawa ‘to. Siguro naninibago lang dahil last na ‘to.

Lemarie Adria, relax!

Inhale, exhale.

Inulit ulit ko ‘yon habang pinagmamasdan ang tinawag nilang Dela Rostelli na mahimbing ang tulog sa upuan. Sinilip ko si JL sa bintana, umiling ako sa kanya. Wrong timing pa ‘ata kami. Agad ko naman ibinalik sa harap ang atensyon ng sensayan ako ni JL.

Napaluno ako nung magtama ang mata namin ni Dela Rostelli. Bagot na bagot na tumingin siya  sa banda kung saan ang kanyang mga kaibigan. Habang nagtuturuhan naman ang mga kasama ko. As if they know he will throw a fit by the suddenly commotion. Napalunok ako ni hindi ko na alam kung saang banda ako titingin.

Nanginginig ang mga labi kong pekeng ngumiti. “H-hi!” I even waved at him. Kapag ito binali buto ko ha, sinasabi ko talaga Sianna. Bahagya akong napaatras nang nasa harap ko na siya, I was a bit intimidated for his height.

Isang balibag lang sa akin nito sa sahig kapag nagkamali ako ng sasabihin. Naku! Sinasabi ko talaga Sianna ha!

“Yes?” masungit na wika ni Dela Rostelli sa akin. I was taken aback by his rudeness.

“Here,” napa tingin siya sa letter na hawak ko. “I just wanted to give you this, it’s a letter that was written by someone—”

“Are you sure it’s a letter, not a contract?” He cut me.

“H-ha?”

Tagos kaluluwa ang malamig na titig niya sa akin. “It’s good that you stand now in front of me face to face, I can clearly see who’s been pestering me for a few months.”

“P-pesteri—what?!” namilog ang mga mata kung tiningala siya. Ang bilis ng pangyayari. Ni hindi ko na rin napigilan ang kamay niya na hablutin ang letter….at tuluyang buksan.

It's a private matter, susuwayin ko na sana siyang huwag basahin harap harapan…but instead he displayed the letter in front of my eyes….and I was so plastered by seeing the word…

Marry me.

Signed by.

“Do you think I’ll say I do?” the boys burst into laughing beside him.

“N-no…. there’s a mistake!” umiling iling siya sa akin. Laglag ang panga ko ng pinunit niya ang kontrata… na akala ko love letter unti-unti sa harap ko! “Stop pestering me, I can sue you for harassment.”

“Harassment?!” napa talon sa gulat si Sai at JL nang hampasin ko ang mesa. “Ha! Kahit kasuhan niya ako ng harassment as if I am the one who’s stalking him! I can sue him too for making me distressed! Ang kapal! Napakapal!” naiinis na wika ko.

“Relax ka lang Adie,” masama kong tinignan si Sai. Agad naman siyang nagtago sa likod ni JL.

“Stop laughing, Jahari Leigh!” suway ko naman kay JL.

“S-sorry, I just can’t help it,” she wiped her tears. Mangiyak iyak na rin siya sa kakatawa.

“It’s not funny,” nakasimangot na wika ko.

“It is,” natatawa na wika naman ni Sai na nahawa na sa tawa ni JL.

“Isa ka pa,” masama kong tinignan si Sai.

“I already warned you na itabi na ‘yong letter.”

“I did!” Masama kong tinignan si JL nang mapansin na masama ang tingin ko sa kanya, agad niyang itinaas ang kamay niya na ani mo sumusuko.

“Sorry na! Hindi ko naman alam na hindi pala kasama iyon, akala ko naiwan mo lang!”

“Itabi nga di ba?!”

Bagsak ang balikat ko ni hindi ko matanggap na napahiya ako. “Hindi naman niya alam pangalan mo, ang lawak ng UNP hindi naman siguro kayo magkikita ulit.” Pagpapakalma sa akin ni JL pero natapos ang araw na iyon pa rin ang aking inaalala ko.

At halos mabaliw ako pagka gising ko ng umaga, hindi ko inaakalang sikat na ang mukha ko hindi lang mula batanes hanggang jolo, buong pilipinas na mismo!

“Tang*na?!” I cursed. Halos hindi pumasok sa utak ko ang sinabi ni Sianna.

“Sikat ‘yon dahil exchange student galing india!”

“Hindi naman siya ‘yon Sai! Hindi ‘yong nag live! Iyong governor sa CN kasi!”

Nakapag take ba ako ng vitamins kagabi? Wala na ‘ata akong dugo sa sobrang putla ko. Kung bakit sa dinami daming pwedeng magkaroon ng issue, bakit ako? Bakit nadawit pa ang pangalan sa isang sikat na exchange student galing sa india, at sa isang student governor pa?! Bakit?! 

Pero hindi e! Hindi iyon ang problema. “Bakit muna marriage contract ‘yon?! Hindi ba lahat ng letter ng mga sender ay love, apologized, admiring, and inspiration letter?! Paano nangyari ‘yon na marriage contract, Sianna?!” Nababaliw na ako rito! Hindi naman totoo ang hula sa akin ni Uncle Tiyago! Akala ko ba maganda ang taong twenty twenty-five sa akin?!

Scam ang putek!

Natatawang napakamot sa ulo si Sianna. “Kaya nga sinabi kong itabi niyo, hindi ba?” Namilog ang mata ko sa sinabi niya.

“King*na 'yan! Gusto ko lang namang ibigay ang akala kong love letter sa h*******k na 'yon tapos ano?! Pinagkamalan pa akong stalker!” pinagmasdan ako ng dalawa ng kunin ko ang unan, binaon ang mukha at doon ako nagsisigaw.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang napunit na kontrata [ A stand alone story]   Chapter 11

    Chapter 11: DealDivina Jaslene Prado P.O.VAgad akong sinalo ni Kenichi, hindi naman ako napuruhan pero nanghina mismo ako sa nalaman. May puot ng galit ang mga titig ang ibinigay ko sa kanya. This man...he knows...he knows Millie is the one who pointed a gun at me. How? Hindi ko alam, at hindi ko alam kung parte ba 'to ng pag-iinis at pagpapahirap niya sa akin? Pero dahil sa labanang nangyari ay nalaman ko ang ginawa ni Millie.I gritted my teeth when he carried me like a damn damsel in mistress. Ayokong isipin, pero kahit anong gawin ko...hindi ko maalis sa isip na si Millie nga...si Millie na kasabayan ko na magmula bata. Ang isa rin sa mga pinagkakatiwalaan ng mga kapatid ko, ang siyang nagtangka sa buhay ko. Wala akong naaalala na hindi pagkakaunawaan ni Milllie para tutokan niya ako ng baril.Na sa matindi niyang galit magagawa niya iyon sa akin...kahit saan ko banda hanapin...wala. Wala akong kahit makita para mapunta sa puntong gusto niya na akong mawala. "Not today, Lily." Lu

  • Ang napunit na kontrata [ A stand alone story]   Chapter 10

    Chapter 10: BetrayalDivina Jaslene Prado P.O.VIka-limang araw pa lang namin sa Japan, puwede ko ng ituro kung ano ang kinaibahan. Ayoko mang aminin pero ang isla yata ang lugar na free place nila, habang rito sa Japan ang true nature. Hawig na hawig sa Calle Granda, oo, masasabi ko nung nasa isla ako minsang pumasok sa isip ko na isa lang siguro sila sa mga mababang ranggo ng Mafia.Yes, sabihin na nating marami sila. Puwede rin na bayaran lamang ang mga tauhang kinuha nila, but when blood flow to the ground, their smile, and those laugh...they were more brutal. Pinikit ko ang aking mata nang sunod sunod na putok ang umalingawngaw sa lugar na tinatawag nilang...battleground.Ganitong senaryo ang naririnig ko sa loob ng Calle Granda, pero dahil alaga ako nila kuya. Kailanman ay tanging palaso at baril pa lamang ang nahahawakan ko, na siyang mismong sinasalo ng mannequin o kaya ay puno. Pero ang makita ang sariwang dugo—na tinakpan na nang nagkikinang na salamin lamang kanina. Pigil an

  • Ang napunit na kontrata [ A stand alone story]   Chapter 09

    Chapter 09: Real Divina Jaslene Prado P.O.VIlang araw na para bang mas humigpit ang kanilang seguridad. Ayaw ko mang aminin na ako ang naging dahilan, pero iyon nga ang kaganapan."Hindi mo pa siya nakikita? Akala ko pa naman nag usap kayo kagabi. Itatanong ko sana kung ano ang first impression mo kay Kenichi.""Kenichi?" tumango sa akin si Hitaro. Sanay naman ako kay Hitaro, pero hindi ibig sabihin na sanay ako ay nakalimutan ko ng isa siya sa mga dahilan kung bakit ako narito."Oo, siya iyong taong pumasok sa silid mo kagabi.""Hindi ko pa siya nakikilala, ni hindi ko alam na pumasok siya sa silid ko kagabi.""Baka tulog ka na nang pumasok siya." Tumango ako sa sinabi niya, siguro nga. "pero huwag kang mag-alala, makikilala mo naman siya mamaya. Isa pa, siya na ang mismo ang hahawak sa'yo.""Anong ibig mong sabihin, Hitaro?" umiling lamang sa akin si Hitaro at ngumiti."You will know later, Divina." Sabay kaming napatingin sa pinto ng bumukas ito, at iniluwa nito si Apollo. Nagtata

  • Ang napunit na kontrata [ A stand alone story]   Chapter 08

    Chapter 08: Trust Zimri Venancio Rostelli P.O.VKaya hindi ko siya masisisi kung inaakala niya na kaya ko siyang saktan. Tang*na, kahit nga lamok na dumadapo sa balat niya, tiyak na nanlalaki ang mata sa akin kapag ako na ang kaharap. Because I'll do everything to make her comfortable at any time. Napa buntong hininga ako nang maisara ko na ang pinto. Napatingin naman ako sa taong nakasandal sa pader, hinihintay mismo ako."Do you want me to knock some sense at her?" natawa ako sa sinabi ni Kenichi. He is my underboss and best friend of the pack I create at the same time. Hindi ko alam kung kailan o anong oras siya dumating, but I'm glad that his now here. I patted his shoulder. Sinundan naman ako nito sa paglakad."You don't have to do that. I want her to know and realize that for the people out there. She should trust me and never anyone else.""I understand her though, Lord. You use a method that takes away her trust in the first place.""What can I do, Key? They already made a mov

  • Ang napunit na kontrata [ A stand alone story]   Chapter 07

    Chapter 07: BelongHitaro P.O.VKandong ko si Matchy habang pinakatitigan ang tatlo. Kanina pa sila walang imik, kung hindi lang gumagalaw ang mata nila iisipin kong patay na. "Pst!" tawag pansin ko kay Apollo. Pero hindi ako pinapansin ng gago, sunod kong tinignan si Ivanov. Isusunod ko sana na kunin ang pansin niya, pero nang sinuntok niya ang mesa. Maging si Matchy natigil rin sa pagkain ng saging, rinig ko pa ang paglunok ng unggoy. Maging ako rin, napalunok.Dahan dahan akong pasimpleng tumayo, tatakas na sana kami ni Matcy. "F*CK IT!" kaya lang hindi ko magawa dahil sa biglang pag mura rin ni Apollo. Nasaan na ba kasi si Ryujin? Wala pa naman akong kakampi, baka sa inis ng tatlo ako ang gulpihin rito."Did you already check it?" napatingin ako kay Knight sa tanong niyang iyon kay Apollo. Umigting ang panga ni Apollo. Hindi niya sinagot si Knight at basta na lamang tumayo, agad akong umiwas ng tingin ng mapunta sa akin ang mata niya."Hitaro." Tawag niya sa akin kaya agad naman ak

  • Ang napunit na kontrata [ A stand alone story]   Author's Note

    Hello, Ang napunit na kontrata is my new paid story. I hope you will support my new paid story. This is a romance story. About sa mga nagtatanong po kung kailan ang mga susunod na story ng mga Hillarca's, I am not yet sure po kung kailan ko siya mapo-post since focus muna tayo rito. Heto muna ang suportahan niyo. Matumal po ang update since I am students po, as long as I want to write ng tuloy tuloy hindi kaya ng time. Maraming salamat po sa suporta, sana po ay hindi kayo magsawa. Thank you :) From, Cee

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status