Share

Chapter 2 : Wayne Iskibidi

Author: Araliege WP
last update Last Updated: 2025-12-22 13:26:30

“They will making fun of you, ikaw? Maiinlove sa isang gusgusin na gaya ko?” Hindi makapaniwalang tugon niya sa akin, malinaw na tinatanggihan niya ang gusto kong mangyari ngunit hindi ako susuko, “I will transform you into a different person, if it's okay to you?”

“Fine, do whatever you want pero hindi ako magpapabayad, gusto ko lang na tulungan ka” sagot niya dahilan upang mapairap ako, “Ayaw kong nagkakaroon ng utang na loob sa iba, hayaan mong bayaran kita” mapilit ko ngang sabi rito, wala siyang nagawa kundi ang tumango na lamang—gusto rin naman, pakipot pa.

Ngumiti ako, “Four months lang naman, huwag kang mag-alala” mariin kong sambit. Tumayo na ako mula sa isang sulok na iyon, palubog na rin ang araw, at nais ko nang umuwi. “Thanks Damian, papapirmahan ko nalang sa'yo yung kotrata bukas, baka bigla kang magback out eh” dagdag ko pa.

“Why would I do that?” seryoso niyang sabi sa akin, sumilay naman ang ngiti sa aking labi palibhasa ay pinagbigyan niya ako. “Naninigurado lang, sige, aalis na—” tumalikod na ako ngunit mahigpit niyang hinawakan ang aking pulsuhan, muli akong napaharap sa kanya.

Ilang inches na lamang ang layo ng mukha namin mula sa isa't isa, hinapit niya ang aking baywang dahilan upang mas lalo pang magdikit ang katawan namin, “W-hat are you doing?” nauutal kong tanong ngunit tanging pag-angkin lamang sa labi ko ang kanyang naging sagot, hindi ako makagalaw mula sa aking kinatatayuan—nanatiling blanko ang aking isipan at napakurap-kurap pa ako nang magka-ilang ulit.

Agad ko siyang tinulak papalayo sa akin, ngumiti siya habang pinagmamasdan ang ekspresyon kong gulat na gulat. “Pa'no tayo magpapanggap kung hindi mo kayang sikmurain ang labi ko? Hindi mo kaya, Leana” pagdidiklara niya.

“I can, nagulat lang ako” pagdedepensa ko nga sa sarili. “You're not comfortable when I kissed you. You don't really need to pretend Leana, hindi ka lose—” bago niya pa matapos ang sasabihin ay pinutol ko na ito sa pamamagitan nang pagsiil ng halik sa kanya, nakita ko ang namuong gulat sa mukha nito ngunit agad din namang tumugon sa aking mapanlarong halik.

Hindi ko inaasahan na magiging malalim, madiin, at agresibo ang halik na iyon, halos magpalitan na kami ng laway buhat sa pageespadahan ng mga dila namin.

“I'm good pretender, don't underestimate me” matalim ko siyang tinignan ngunit matamis na ngiti lamang ang kanyang iginawad sa akin.

Pagkatapos 'non ay umuwi na nga ako sa apartment na aking tinutuluyan, yung bigat ng nararamdaman ko kanina ay himalang naglaho, hindi ko alam kung dahil ba 'dun sa hug or sa kiss. I can't believe that I kissed someone I've only just met, not once but twice. I'm still broken hearted though, wala akong ganang kumain kaya humiga na lamang ako sa kama para matulog, “Ano ba 'yan! Pati pagtulog, hindi ko na rin magawa!” reklamo ko ngang usal sa sarili.

Ilang oras pa akong nagpagulong-gulong sa kama ngunit wala talaga, hindi ako madalaw-dalaw ng antok kahit pagod na pagod ako. Pinilit kong hindi isipin si Felix, hindi ko gustong umiyak dahil sa kanya ngunit ang daya ng aking memorya, bumabalik sa isip ko ang mga masasayang ala-ala namin.

Hindi ako nagpatinag. Naalala kong bigla si Damian Wayne Paredes, naisipan kong ichat na lamang siya kaysa tuluyan pa akong maiyak dito, hindi naman deserve ni Felix ang mga luha ko. Sino ba siya para iyakan?!

Sinubukan kong hanapin ang account ni Damian sa I*******m ngunit hindi ito lumabas, nagbukas ako ng F******k, at nakita ko ngang nagsesend na pala siya ng friend request sa akin sa ilalim ng ibang pangalan, pakiwari ko ay dump account niya ito. I accept Wayne Iskibidi which is si Damian, hindi ko mapigilan ang sarili ko na tawanan ang pangalan niyang derived pa sa Iskibidi toilet.

Biglang lumabas ang kanyang profile sa gilid ng screen ng cellphone ko, “Leana” pagchat nito sa akin na dali-dali ko namang sineen.

“Why Iskibidi?” natatawa kong reply, tinawanan ko ang aking sariling mensahe but this búllshit, ang killjoy niya talaga. Hindi man lang nagawang ihaha yung message ko,

“Why are you laughing at your own message? Sanaol baliw” waring napa-awang ang aking labi sa naging turan niya, so balíw na pala ang tingin niya sa akin palibhasa ay hindi siya marunong umintindi ng humor. “Ang pangit mo namang kabonding” naiinis kong sabi sa pamamagitan ng pagvovoice message ngunit hindi niya na ito pinansin.

Napairap ako ng mata, maya-maya ay nagchat ulit ito. “Have you eaten your dinner, baby?” mapanuyong tanong niya. Bahagya ngang napataas ang isa kong kilay, gusto kong itanong kung bakit niya ako tinatawag na 'baby' ngunit hindi ko na itinuloy, baka kantiyawin niya lamang ako na assuming.

Siguro, nagpapractice lamang siya para sa pagpapanggap na gagawin namin. Sinabayan ko na nga lang ang trip ng lalaking ito, “nope, hubby, wala akong ganang kumain eh” sagot ko.

“Kumain kana, ayaw kong nagpapalipas ka ng gutom” utos niya, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng elektrisidad na dumadampi sa aking buong katawan, sumagi nanaman si Felix sa isipan ko—ganyan din kasi siya sa akin noon.

“Stop, Leana! Manahimik ka dyan” parang balíw ko ngang sambit sa sarili, at sinampal-sampal pa ang aking magkabilang pisngi. “Ayaw ko ngang kumain, wala akong gana” pasaway kong tugon.

Sinabihan niya ako nang makulit ngunit hindi ko na ito nireplyan. Tinatamad na akong makipag-usap kaya nagcharge na lamang ako ng cellphone, ilang minuto nanaman akong nagmuni-muni ngunit hindi pa rin ako madalaw-dalaw ng antok.

Kakahintay na makatulog ay unti-unti na ring napupuno ang pantog ko, I went to the bathroom where I find the toilet there, naalala ko nanaman si Damian, bwísit. Sa dinami-dami ng bagay sa mundo, toilet talaga ang nakakapagpaalala sa kanya.

Nakakahiyang utak 'to, hindi naman siya mukhang inidoro.

Pagkatapos kong mailabas ang lahat ng tubig sa aking katawan ay bumalik na nga akong muli sa kwarto. I checked the time, and it's already 10:30PM. Bigla nanamang tumunog ang aking cellphone, nakita kong nagchat si Wayne Iskibidi. Papatayín ko na sana ngunit agad akong natigilan nang mabasa ang mensahe niya, “I'm here outside”

Sumilip ako sa maliit na siwang ng aking bintana sa kwarto, nasulyapan ko siyang nakatayo sa labas ng gate, at nagcecellphone, inaantay niya yata ang reply ko. “Anong ginagawa mo dyan?” nagugulumihan kong tanong, nakaramdam ako ng takot dahil mag-isa lang ako sa apartment na ito. Pa'no niya naman nalaman kung saan ako nakatira?!

“I brought foods for you, alam kong broken hearted ka pa rin. Let me stay by your side, Leana” malambing niyang reply sa akin. Hindi ko maiwasang matakot ngunit nilabanan ko iyon, hindi naman siguro siya masamang tao. Kinakabahan akong bumaba mula sa kwarto upang labasin siya kahit na tinatamad talaga ako. He's acting so weird, why did he cared so much?!

“Ano bang trip mo? Tinatakot mo ako, Damian” diretso kong sambit dito, agad naman siyang humingi ng paumanhin sa akin. Napaginipan niya raw na nagpakamat4y ako kaya agad siyang napapunta rito, at binilhan na rin ako ng pagkain. Pinapasok ko siya ngunit nanatiling nakakunot ang aking noo,

“Galit ka'ba sa'kin kasi pumunta pa ako rito? pasensya kana kasi nag-aalala lang talag—”

“Pa'no mo pala nalaman yung address ko?” seryosong tanong ko sa kanya. Hinugot niya mula sa bulsa ng kanyang pantalon ang ID ko, agad ko ngang hinatak iyon mula sa kamay niya. “Baka sabihin mo, kinuha ko yung ID mo ah. Nahulog mo kasi sa rooftop kanina, nakalagay sa likod yung address mo.”

Shít! ang pangit ko pa naman 'don.

“Salamat” nahihiya kong turan, hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Tumawa ito nang mahina kasabay ng paglalapag sa mesa ng mga binili niyang manok, mantika, toyo, suka, bawang, sibuyas, at patatas. Pakiwari ko ay magluluto siya ng Adobo, “Ano 'yan? Pumunta ka rito para lang magluto?” giit ko sa kanya, tumawa naman ito na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.

“Binilihan lang kita, hindi ka pa kumakain” sagot niya.

“Akala ko pa naman instant, makakain ko ba ng hilaw 'yan? No thanks, Damian” nanlulumo kong sambit. “Lutuin mo” utos niya sa akin na para bang kaya kong gawin iyon. Tumataas ang dugo ko sa lalaking ito, ansarap sapakin ngunit mas pinili kong pakalmahin ang sarili,

“Thankyou for your effort to came here pero hindi naman kasi ako nagugutom—”

“Brrrrrghh” mahabang litanya ng aking tyan na siya ngang nakapagpangiti kay Damian. Dàmn this stomach of mine, hindi marunong makisama, amp! “See. Lutuin mo na 'yan para makakain kana” pag-uulit niya ngunit hindi na ako umimik, ano pa bang sasabihin ko eh hindi naman ako marunong magluto. Bumibili lamang ako ng mga lutong ulam sa kanto minsan pero kadalasan, puro fast-food.

“Spoiled ka nga” nakasmirk niyang tugon na para bang nababasa niya kung ano ang iniisip ko. “Bakit?” maang-maangan kong tanong.

“I get it now, ako nalang ang magluluto para sa'yo, Princess” He said, sarcastically. Napairap na lamang ako ng mata. Hindi naman kasi talaga ako nagugutom kanina eh, ewan ko ba sa tyan na 'to at bigla nalang siyang kumalam ngayon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Arrange Marriage with Mysterious Billionaire    Chapter 5 : Sanitary Pads

    Mabilis na lumipas sa kalendaryo ang sabado't linggo. Nadatnan ko na lamang ang sarili na nasa unibersidad nanaman ng Sto. Tomas, magkasabay kaming pumasok ni Damian na siyang nakalikha ng bulungan sa hallway, “Sister, Am I dreaming? Si Damian!!” tili ng isang babae na siyang sinamaan ko ng tingin. Rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Damian kasabay ng paglalapat ng kanyang kamay sa baywang ko. “Don't be jealous” mahina niyang bulong sa akin dahilan upang mahampas ko siya. “Hindi ako nagseselos” pagdepensa ko nga sa sarili. Hindi ko naman iniutos ngunit hinatid niya pa rin ako sa aming silid-aralan. Marahan niyang idinampi ang kanyang labi sa pisngi ko na siyang ginawa ko rin naman sa kanya, I stepped into our classroom after that. Halo-halong tingin ng mga estudyante ang sumalubong sa akin—masaya, galit, at inggit ang tanging nababasa ko mula sa kanilang mga mukha. Hindi ko na pinansin at naupo na lamang ako, paniguradong may pinakalat nanaman si Zandra na chismis tungkol sa ak

  • Arrange Marriage with Mysterious Billionaire    Chapter 4 : Pretend

    Kinabukasan, maaga kaming gumising 'pagkat bibihisan ko pa siya. Pumunta kami sa mall, pinaayos ko nga ang kanyang estilo ng buhok, gayon din kung paano siya manamit—Binilhan ko ito ng mga damit at sapatos, pinatanggal ko na rin ang salamin niya sa mata. Tsk, hindi naman pala malabo ang mata niya, anti-radiation lang daw, bwísit.“Leana, pagod na ako” walang ganang reklamo niya sa akin, kanina pa kasi siya nagsusukat. “Last na” pagkumbinsi ko rito dahilan upang pumasok na ulit siya sa loob ng fitting room. Ilang minuto rin akong naghintay bago siya tuluyang lumabas. Halos malaglag ang panga ko nang makita siya, sobrang guwapo. Yung tipong walang laban sa kanya ang basurang mukha ng ex-boyfriend ko. He's so elegant with that suit that I picked for him, para siyang CEO sa isang kompanya.“Okay lang ba?” tanong niya ngunit hindi ko ito pinansin. Nanatili akong tulala habang tulo-laway pang nakatitig sa kanya. “Leana, galaw-galaw baka matunaw” isa pang sambit niya dahilan upang mabalik na

  • Arrange Marriage with Mysterious Billionaire    Chapter 3 : Contract

    Hayst. It's been two years since I left my parents in the States to study here in Manila. I feel like I'm going to die early because of the food I'm eating, my whole life I've had a nanny taking care of me, we had chefs, everything seemed perfect. “Damian” mahina kong pagtawag sa kanyang pangalan, agad namang napadapo ang tingin niya sa akin. “Dito ka nalang magstay, please” I begged, mataas naman yung allowance ko, I want to hire him as my fake boyfriend and my houseboy. “Okay naman na ako sa apartment—” “Be my houseboy? Idodoble ko yung bayad. I know, you already know that I can't cook, I don't wanna díe early” may kaartehan kong sabi ngunit ngumiti lamang ito. “I'll cook for you, don't worry. Hindi mo kailangang bayaran ako” saad niya sa may mababang tinig, agad naman akong napayakap sa kanya patalikod. Sobrang bait niya, mygosh! “Thank you, Damian!” masayang sabi ko. Isiniksik ko ang aking ulo sa leeg niya, at pinanood siya kung paano maghiwa ng patatas, sobrang smooth. “Ang g

  • Arrange Marriage with Mysterious Billionaire    Chapter 2 : Wayne Iskibidi

    “They will making fun of you, ikaw? Maiinlove sa isang gusgusin na gaya ko?” Hindi makapaniwalang tugon niya sa akin, malinaw na tinatanggihan niya ang gusto kong mangyari ngunit hindi ako susuko, “I will transform you into a different person, if it's okay to you?” “Fine, do whatever you want pero hindi ako magpapabayad, gusto ko lang na tulungan ka” sagot niya dahilan upang mapairap ako, “Ayaw kong nagkakaroon ng utang na loob sa iba, hayaan mong bayaran kita” mapilit ko ngang sabi rito, wala siyang nagawa kundi ang tumango na lamang—gusto rin naman, pakipot pa.Ngumiti ako, “Four months lang naman, huwag kang mag-alala” mariin kong sambit. Tumayo na ako mula sa isang sulok na iyon, palubog na rin ang araw, at nais ko nang umuwi. “Thanks Damian, papapirmahan ko nalang sa'yo yung kotrata bukas, baka bigla kang magback out eh” dagdag ko pa.“Why would I do that?” seryoso niyang sabi sa akin, sumilay naman ang ngiti sa aking labi palibhasa ay pinagbigyan niya ako. “Naninigurado lang,

  • Arrange Marriage with Mysterious Billionaire    Chapter 1 : Betrayal

    Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Excited? Happy? Nervous? Halo-halong ang aking nararamdaman. Ika-dalawang taong anibersaryo namin ng boyfriend ko, at gusto ko siyang sorpresahin. Dahil dito, hindi na nga ako kumatok sa pintuan ng kanyang condo unit. My boyfriend Felix was shocked to see me, and so was the girl he was making out with. Sa dami-daming babae sa mundo, yung best friend ko pa talagang si Alexzandra ang naging kabit niya. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman—I felt a mix of anger, sadness, pain and betrayal.Wala sa sarili kong sinabunutan si Alexzandra, nandidilim ang mga mata ko sa kanilang dalawa. “Tumigil ka na, Leana!” sigaw ni Felix sa akin. Pumagitna siya, at niyakap ang kaibigan kong matalim pa ang titig sa akin. Nakakabwísit! Ang sarap lamutakin ng makapal niyang mukha.I couldn't control myself anymore. I slapped my boyfriend, hindi naman siya nanlaban. “How could you do this to me, Felix? At sa kaibigan ko pa talaga!” I said to him, the tears keep st

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status