Madeline's P. O. V.Habang naghuhugas ako ng mga pinggan na pinagkainan namin ni Raven ay bigla kong narinig ang pagtugtog ng isang maromansang kanta. Napangiti ako nang marinig iyon, alam kong si Raven ang nagpatugtog noon. "Hindi ka pa ba tapos diyan?" tanong ni Raven."Hindi pa~" masaya kong sambit.Naramdaman ko ang presensya ni Raven sa likod ko. Dahan-dahang lumapat ang dalawang kamay ni Raven sa beywang ko niyakap niya ako mula sa likod. Napatigil ako sa paghuhugas ng mga plato. Binitawan ko ang hawak kong sponge at humarap kay Raven.Nakangiti lamang si Raven sa akin, hinawakan niya ang kamay ko kahit basa ito. Dahan-dahan niya akong inindayog pa-kaliwa't kanan. Kangiti lamang kaming dalawa habang sumasayaw at sinasabayan ang musika. Mabagal niya akong sinasayaw habang nasa kusina. Nilapit naman ni Raven ang mukha niya sa tenga ko."Happy anniversary," bulong nito.Tumitig si Raven sa mga mata ko at napatingin ako sa labi niya. Sandaling natigil kami sa pagsayaw. Gusto kong h
Madeline's P. O. V.Kinabukasan, sinundo ako ni Mommy at Daddy para kami naman ang pumunta sa puntod nila Lolo at Lola. Samantalang si Raven ay naiwan lang mag-isa sa bahay, mukha pa siyang masaya na mawawala ako, ewan ko ba sa kaniya. Ang mixed signals niya, minsan sobrang caring, minsan sobrang bwisit."Madeline, how's your life? Matagal din tayong hindi nag-usap," ani Mommy.Napatingin ako sa kaniya na nakaupo sa passenger seat, habang ako ay nasa back seat lang mag-isa."I'm happy na wala nang issue na ginagawa ang media patungkol sa amin. Mas tinignan kami ng mga netizens in a positive way because Raven show how much he love me, but it's fake only," ani ko."Why anak, wala bang pag-asa maging totoo ang relasyon niyo? Would Mr. Aguilar like you?" tanong ni Dad.Napairap ako, sometimes It feels like boto talaga sila kay Raven. Sa ngayon, ayoko tumanggi, dahil may parte sa puso ko na what if gusto nga niya ako, kaso hindi ko maramdaman."Maganda ka anak, hindi ka ba niya nagugustuha
Madeline's P. O. V.Tumatawa kaming tatlo nina Roselle ay bigla na lamang may pamilyar na lalake ang tumayo sa gilid ng table namin, sabay-sabay kaming napalingon kung sino iyon."Raven?" Nawala ang ngiti sa labi ko, ganoon din sila sa gulat. Bakit nalaman niyang narito ako? Anong ginagawa niya rito?"It's late, Mrs. Aguilar." Walang emosyon ang pananalita ni Raven."Ayiiiiieeee!" Nilingon ko kaagad ang dalawa na nakangiti sa akin, nagsisimula na silang mang-asar dahil alam na nilang may nararamdaman na ako kay Raven."M-Maaga pa--" Lumingon ako sa labas ngunit hindi ko napansing lumubog na pala ang araw. "Opss..." napayuko ako sa kahihiyan.Ang confident ko na maaga pa, tapos hindi naman pala. Ganoon na ba kami katagal nagkukwentohan? Nakalimutan na naming tumatakbo ang oras."Ladies, sorry for interrupting you. Magkikita naman kayo ni Maddy the next day because of school. We need to go home," pormal na sabi ni Raven.Napataas ang kilay ko sa kaniya, bakit naman kailangan na naming
Madeline's P. O. V. Kakatapos lang ako make-up-an ng isang hired professional make-up artist. Pabor naman sa akin dahil gumanda ako, isa pa, wala akong ginastos dito dahil sagot lahat ni Raven. Ngayong gabi ay pupunta na kami sa isang mamahaling 5 star hotel kung saan gaganapin ang celebration party ng may birthday."Napakaganda mo talaga, Mrs. Aguilar. Hindi na nakapagtataka kung bakit sa 'yo nahulog ang puso ni Mr. Raven," ani ng baklang make-up artist.Napangiti naman ako. Kanina niya pa binabati ang ganda ko, ng kutis ko, ng shape ng mukha ko. Bet na bet ko ang make-up artist na 'to, dahil sa humbleness niya."Thank you, ang galing mo rin mag-make up. I swear, sa lahat, ikaw talaga the best." "Sobrang overwhelming naman niyan, Mrs. Aguilar. It's my honor to touch your pretty face." Ngumiti ito sa akin."Tapos na ba kayo?" Natigil kami nang biglang dumating si Raven, nang mapatingin ako sa kaniya habang naglalakad pababa ng hagdanan ay tila ba bumagal ang ikot ng mundo ko. Nakaa
Madeline's P. O. V. Tumakbo ako, papalayo sa lahat. Hindi ko alam kung saan ako papunta, pero tumatakbo ako, hanggang sa makarating ako sa kalsada. Pinagtitinginan pa rin ako ng mga tao pero nagpatuloy ako sa pagtakas. Tuluyang bumuhos ang nagbabadya kong mga luha, hanggang sa tuluyang manghina ang katawan ko. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa malamig na simento. "Miss, okay ka lang?" May isang babae ang yumuko para tulungan akong tumayo.Yumuko lang ako habang lumuluha. Ramdam ko ang kirot sa kamay ko dahil tinukod ko ito sa magaspang na simento. Hindi ko matanggap na nagmukha na naman akong mali sa paningin ni Raven, sa kung bakit kailangan gawin at sabihin 'yon ni Rebecca. Wala akong ginagawang masama, pero sa paningin ng lahat, masama ako. "Miss?" Naramdaman ko ang kamay ng babae sa likod ko."T-Taxi..." nanghihina kong sambit at tinaas ang kamay ko."Miss, tulungan na kita tumayo... Kung ako man nangyare sa 'yo, sana malagpasan mo." Napatingin ako sa babaeng tumulong s
Madeline's P. O. V. Nagising ako na may kirot sa aking sentido. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, napahawak ako sa aking noo at dahan-dahang hinilot ito. "Aarrggh... Ang sakit ng ulo ko," daing ko at naupo sa aking kinahihigaan.Bigla akong napatigil, naalala ko bigla ang mga nangyare. Nagkaroon ako ng issue, galit sa akin si Raven kaya pumunta ako kala Roselle, pero bakit... Bakit nandito ako sa bahay ni Raven? Paano ako napunta dito? Nag-inom kami ni Roselle ng beer tapos---"Glad you're awake, uminom ka na ng gamot and I prepared a soup for you. Alam kong may hang-over ka." Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Raven na lumabas ng dirty kitchen, hinuhubad nito ang suot niyang apron. Nakatitig lang ako sa kaniya. Bakit parang ang hinahon niyang magsalita? Hindi ba dapat galit siya sa akin dahil sa kapatid niyang bitch? Feeling victim na Rebecca."A-Anong... P-Paanong..." Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko, hirap akong magsalita dahil hindi ko matandaan ang mga na
Madeline's P. O. V.Kinabukasan, lunch na parang ayoko makita si Raven. Nalulungkot lang ako, pero dahil gutom ako ay wala akong choice. Lumabas ako ng kwarto ko dala ko ang cellphone ko. Naabutan ko si Raven sa sofa habang nakaharap sa kaniyang laptop. Nang mapansin niya akong naglalakad sa hagdanan ay bigla niyang sinara ang kaniyang laptop.Bakit kaya? Siguro kausap niya yung babae niya? Takot ba siya na malaman kong may babae pala siyang foreigner? Ano ngayon? Wala akong pake."What did you do last night, when you're alone here?" bigla niyang tanong."Nanonood lang ako sa laptop ko, bakit ba?" irita kong sagot."Nothing." Tumayo siya.Dumiretso ako sa kusina, tinignan ko ang ulam. Mukhang nagluto si Raven, hindi ko lang alam ang tawag dito sa may sarsa na manok. Kumuha ako ng plato dahil gutom na ako. Napansin ko namang kumuha rin ng plato si Raven. Hindi pa ba siya kumakain?"Do you have a problem?" tanong niya.Umiling ako habang nagsasandok ng kanin mula sa rice cooker."Okay,
Madeline's P. O. V.Nagising ako sa aking kama. Bigla kong naalala ang plano ko kagabi, pero hindi na naman natuloy dahil nakatulog ako. Obviously, si Raven na naman malamang ang nagdala sa akin sa kama ko. "Aish!" Nilamukos ko ang aking kumot at nagdabog, hinampas ko ng malakas ang aking unan. Balak at plano ko pa namang gawin kagabi ang advice sa akin ni Roselle, ang akitin si Raven."Napakatagal niya kasing umuwi, nakatulog tuloy ako," reklamo ko.Bumangon na ako at nagtungo sa banyo, mabilis akong naligo at nagbihis ng school uniform. Nag-braid ako ng aking buhok saka naglagay ng mamahaling pin sa buhok para magmukha ako lalong maganda. Nag-shave ako ng excess kong kilay para maganda ang shape nito. Naglagay rin ako ng kulay pulang liptint."Kailangan mo makuha ang puso niya!" Tinuro ko ang sarili ko sa salamin. Taas-noo akong naglakad palabas ng kwarto dala ang aking bag. Nakita ko si Raven na nakaupo sa dining area habang hawak ang cellphone nito, humihigop siya ng kaniyang k