Share

Chapter 46

Author: sahria iv
last update Last Updated: 2025-08-16 15:26:24

Akasia’s Point of View

Nakauwi na rin kami ng mansion ni Dad dahil maayos na lahat ng results namin. Sa sasakyan na rin kami ni Daddy sumakay dahil nagpunta rin siya ng hospital.

Nakahanda na rin ‘yung mga cribs sa kuwarto ko at nalaman kong si Akai pala ang nag-ayos.

Sinalubong din kami ni Akai na nasa living room. Si Migo ay hawak si Glau at hawak ko naman si Gaiu. Glau at Gaiu ang naisip kong nickname nila para hindi ganoong kahaba kapag tinatawag.

Hindi hinawakan ni Akai at nakatingin lang siya at nakatitig sa twins. Hindi ko ba alam kung ano ang iniisip nito at nakatitig lang siya.

Dumeretso na kami sa kuwarto at inilapag ni Migo si Glau sa crib niya. Ganoon na rin ang ginawa ko kay Gaiu para naman makapag-ayos na ako ng mga gamit nila.

“Thank you, Migo.” Pasasalamat ko kay Migo dahil sinamahan niya kami hanggang sa makauwi.

“No problem, you can always rely on me, Akasia.” Sabi ni Migo kaya lalo akong nagpasalamat. May trabaho na kasi si Lucila kaya hindi na kami nasamahan dito s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Arranged Marriage With The Ruthless Billionaire    Chapter 56

    Akasia's Point of View"Lucila, ano nang gagawin ko?" Pagmamaktol ko kay Lucila habang nandito kami sa bench ng isang park.Umalis kami kasama 'yung mga twins na ngayon ay abalang naglalaro sa playground habang kami ni Lucila ang nagbabantay at nagkuwe-kuwentuhan."Totoo ba 'yang nakita mo? Baka naman kamukha lang?" Pampapalubag loob sa akin ni Lucila."Sana nga, eh. Pero hindi! Paano ko na itatago 'tong twins? Nandoon din si Migo sa company nila kaya malaki ang chance na magkita sila ulit." Naiinis kong saad dito."Naririnig mo ba ang sarili mo? Ano? Habang buhay mo na lang itatago 'yung mga anak niyo?" Tanong niya nanaman sa akin. Wala naman talaga sa plano ko 'to, pero paulit-ulit kong sasabihin na rerespetuhin ko 'yung desisyon ni Caleb na ayaw muna niyang magkaanak. Hindi ko naman mapipilit ang isang tao kung hindi niya talaga ginusto 'yon. Tsaka una pa lang ay ako na ang lumayo."Should I let him know about the twins even though in the first place he never wanted them?" I asked

  • Arranged Marriage With The Ruthless Billionaire    Chapter 55

    Akasia's Point of ViewToday I have a very important meeting, so I picked up the twins and decided to head to Migo's workplace so that I can drop the twins off.Napag-usapan na kasi namin kahapon na siya na muna ang magbabantay sa twins habang may meeting ako buong hapon. Kahit na nahihiya ako ay kailangan ko pa rin na may magbabantay sa twins kaya hindi na ako tumanggi."Glau and Gaiu behave, okay?" Paalala ko sa kanilang dalawa."Yes, Mommy," Sabi naman ni Gaiu."I'll pick you two up after the meeting," Sabi ko ulit."Okay, Mommy, take your time, we'll have fun." Saad naman ni Glau kaya nginitian ko sila.Naglakad na kami patungong elevator para makaakyat na sa floor nila Migo. Sakto naman na nakita naming lumalabas si Migo sa office niya. Agad namang nagtakbuhan ang twins papunta sa kaniya."Dada!" Sigaw nila Glau at Gaiu.Ang mas kinagulat ko ay may isa pang tao na lumabas sa likuran niya.It's Cal

  • Arranged Marriage With The Ruthless Billionaire    Chapter 54

    Akasia’s Point of ViewI decided to take an early break so that I can pick up the twins. I want to take them both on a date since we don’t have to go to daycare and work tomorrow.Hindi naman sa lahat ng oras ay dapat akong babad sa trabaho, kailangan ko ring bigyan ng oras ‘yung mga anak ko, lalo na ngayon na malalaki na sila at madaling makaalala ng mga bagay-bagay.Bakas ang saya at ngiti ni Glau at Gaiu nang makita akong nasa labas na ng daycare nila. Kinuha ko na sila kaagad at binibigay naman nung mga in charge kapag nakita na ‘yung parents nung mga bata.“Mommy, are we going home na?” Gaiu asked. “We’re going out,” Sabi ko sa kanila at sumakay na kaming tatlo sa kotse ko.“Where are we going, Mommy?” Si Glau naman ang nagtanong.Ang daming tanong ng mga batang ito. Hindi na sila naubusan ng mga tanong.Sinabi ko na sa mall kami pupunta at maglalaro kami sa isang play place. Nakita ko kasing bagong bukas

  • Arranged Marriage With The Ruthless Billionaire    Chapter 53

    Akasia's Point of ViewAbala lang ako sa pagtratrabaho at binabantayan din ang oras. Biglang bumukas ang pinto ko at nakitang si Lucila ang pumasok."Ano wala ng katok?" Pagbibirong tanong ko rito."Jusko! Nasaan na ang mga anak ko? Sinong nagbabantay sa kanila?" Mangiyak-ngiyak niyang tanong habang papalapit sa akin. Feeling nanay nanaman 'to."Nasa daycare, susunduin ko rin sila mamaya para sabay-sabay na kaming makauwi." Sabi ko rito."Sure ka ba na okay lang sila roon?" Tanong ni Lucila sa akin. Kanina ko pa nga iniisip 'yan, pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil alam ko namang mapagkakatiwalaan ang daycare na 'yon. Marami na rin kasi ang nag-recommend sa akin na maganda raw doon at sobrang hands-on nila sa mga bata."Ano kaya ba na wala si Precy?" Umupo na si Lucila sa tapat na upuan ko at alam ko na ang ibig sabihin nito, makikipag-chismisan siya sa akin hangga't hindi siya napapagalitan."Malalaman natin kasi unang ar

  • Arranged Marriage With The Ruthless Billionaire    Chapter 52

    Akasia's Point of ViewTwo years have passed, I am living peacefully with Glau and Gaiu. I come in handy of taking care of them, especially when Precy isn't around all the time. Precy needs to study because she's earning money.Ako na mismo ang nagsabi sa kaniya na ipagpatuloy na niya ang pag-aaral niya. Matapos niyang bantayan 'yung twins ay ako na ang nagiging bantay nila sa buong maghapon at gabi. Wala na akong ibang choice at magagawa dahil wala na talaga ang maiiwan sa twins ngayon. Kailangan ko na silang ipaalaga sa isang daycare. Ilang oras lang naman at hindi buong araw."Glau, Gaiu," Pagtawag ko sa kanilang dalawa na abalang naglalaro sa couch. Agad silang lumapit sa akin at hinintay ang mga susunod kong sasabihin. Habang nakatingala silang dalawa sa akin ay hindi ko maikaila na kamukhang-kamukha na nila 'yung ama nila.Wala man lang nakuha sa akin? Halos lahat yata ay kinuha niya. Mula sa mata, kurba ng kilay, tangos ng ilong, at ang hugis

  • Arranged Marriage With The Ruthless Billionaire    Chapter 51

    Akasia’s Point of ViewA year of settling with Glau and Gaiu in my condo is a different kind of adjustment.I need to install CCTVs inside our condo in every inch so that I can see what's going on with their lives without me by their side.I’m glad that Precy’s helping me with the twins.Akala ko nga ay mahihirapan ako sa pagtratrabaho ngunit mas napadali ang lahat dahil nandiyan sila Precy, Lucila, at Migo.Si Migo naman at kinakareer na ang pagiging role model sa mga anak ko dahil halos doon na tumira sa condo namin.Nakakatuwa rin naman at hindi ko magawang magreklamo dahil aliw na aliw sila Glau at Gaiu sa kaniya. Lalo na si Glau na lumalabas lalo ang kakulitan tuwing nandiyan na si Migo.Nauna na akong makauwi sa condo at nakasunod lang sa akin si Migo. Halos ganiyan lang siya araw-araw at parang lahat ng oras ay hawak niya.“Mommy!”‘Yan lang ang kayang sabihin ng twins dahil hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status