Naumpisahan na niya kaya hindi na niya magawang pigilan pa ang sarili. Nag-atubili pa si Mateo noong una dahil pangingialam nga naman ang ginagawa niya sa mga personal na gamit ni Natalie subalit nanaig pa rin ang kuryosidad niya kaya imbes na ibalik sa loob ang unang sobreng nakita niya, lalo pa niyang binuksan ang paperbag. Doon tumambad sa kanya ang sangkaterbang sulat---lahat ng iyon ay galing kay Drake. Ang paper bag na hawak niya ay puno ng love letter. Dahan-dahan niyang ibinalik ang mga iyon sa loob ng paper bag. Hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng panlalamig. Nawala na ang interes niyang magbasa pa. -- Hindi na niya mahanap si Natalie sa presinto kaya nagpasya na siyang hanapin ito sa labas. Nag-kotse na siya para kung sakaling nakalayo na ito, mabilis niya itong masusundan. Hindi nga siya nagkamali dahil natanaw niya sa bungad ng gate ng presinto ang babaeng kanina pa hinahanap. Binusinahan niya ito ng ilang ulit pero hindi siya pinansin ni Natalie. Sa ini
“Natalie!” Kinakabahan si Mateo, mabilis niyang binuhat si Natalie. “Sa ayaw at sa gusto mo, dadalhin na kita sa ospital!” Sa tindi ng sakit na nararamdaman, wala nang nagawa si Natalie kundi ang tanggapin ang tulong na inaalok ni Mateo sa kanya. Simula kasi nang malaman niyang buntis siya, hindi pa siya nakakaranas ng ganoong klase ng kirot. Si Natalie naman ang kinabahan dahil sa ideyang namumuo sa isipan niya---marahil ay ang bata na ang mismong nagpasya---hindi na nito hinintay pa ang magiging desisyon niya. Ni hindi nga alam ng tatay ng batang nasa sinapupunan niya na isa na siyang ama. At kung sakaling nalaman man nito, marahil ay hindi rin nito tanggapin ang batang pinagbubuntis niya. At ang ina? Mahina. Litong-lito. Sa dami ng hinaharap niyang hamon sa buhay, wala ng lugar ang isa pang inosenteng tao sa buhay niya. “Diyos ko po, ito na ba yun?” Tanong niya sa sarili. Humigpit ang pagkakapit ni Natalie sa kuwelyo ni Mateo, sapat para umumbok ang mga ugat nito sa leeg.
Nagkaroon ng mga pira-pirasong panaginip si Natalie. Ang ilan sa kanila ay hindi niya maalala pero may mangilan-ngilang nanatili sa isipan niya dahil ang mga ito ay bangungot na nakakatakot, bawat isa ay mas nakakatakot kaysa sa huli. “Ah…” Nagising siyang balot ng malamig at malagkit na pawis. Ang lamig na iyon ay tagos hanggang sa mga buto niya. “Nat…” Ang pamilyar an tinig na iyon ay maingat siyang tinatawag. Ang buong akala ni Natalie ay bahagi pa iyon ng kanyang bangungot. Mabuti na lang ay naramdaman niya ang isang mainit at marubdob na yakap. Ilang segundo rin ang lumipas bago niya napagtantong gising na siya at kung sino ang nagmamay-ari ng mga matigas na bisig na yumayakap sa kanya. Itinaas niya ang ulo ng dahan-dahan, kumpara sa itsura niya kagabi, mas maayos na ang pakiramdam ni Natalie ngayon. “Natalie,” marahang sambit ni Mateo. “May nararamdaman ka ba? M-may masakit pa ba sayo?” Kasabay ng pag-aalala na iyon ay ang awtomatikong pag-abot sa kanyang noo para makit
Ilang araw na ang lumipas, napagkasunduan ng magkaibigang sina Natalie at Nilly na magkita para mananghalian. Ikinuwento ni Natalie kung ano ang nangyari sa kanila ni Irene. Halos mahati sa dalawa ang pinggan ni Nilly dahil sa paulit-ulit na pagbagsak ng kutsara at tinidor dito dahil doon na lamang nito inilalabas ang galit para sa mga nangyari sa matalik na kaibigan. “Naku! Naku! Kung hindi sayo nangyari ang mga bagay na ‘yan, hindi talaga ako maniniwala na may ganyang klase ng pamilya sa mundo! Akala ko sa teleserye lang meron nyan, eh.” Isang tipid na ngiti na lang ang naging sagot niya sa panggagalaiti ng kaibigan. Nakakapagtaka pero masasabi ni Natalie na lumipas na ang matinding daluyong ng emosyon niya, ang galit niya ay humupa na rin. Bukod doon, alam din niyang kailangan niyang magpatuloy sa buhay. “Nilly, atin-atin na lang ang nangyari, okay? Huwag na sanang makarating pa ito kay Chandon. Alam mo naman ‘yon.” Paalala ni Natalie. Kung hindi niya uunahan ng paalala si N
“Si Drake yun, ah.” Sambit ni Amanda, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. “Teka, si…si Natalie ba ang kasama niya?” Gusto niyang makasigurado kaya tinanggal niya ang suot na sunglasses. May kasamang babae ang anak niya at malakas ang kutob niya na si Natalie iyon. May edad na siya at hindi na ganoon kalinaw ang paningin niya kaya sinundan niya ang dalawa. Kabisado niya ang mga tindahan malapit sa opisina ng anak at alam niyang sa kapihan papunta ang dalawa. --Nag-order si Drake ng brownies at fresh orange juice para kay Natalie. “Nat, okay na ba sayo ang mga ito?” “Oo, okay lang,” tipid na sagot niya. Sa loob-loob niya ay napangiti siya dahil kabisado pa rin nito ang paborito niya. “Okay ba ang lasa?” Tanong ulit ni Drake matapos tikman ni Natalie ang brownies. “Mmm. Masarap.” “Mabuti naman,” dahil hiningal kanina, minabuti ni Drake na uminom muna ng tubig. Ang sumunod na tanong galing kay Natalie ay muntik nang magpabuga ng tubig mula sa bibig niya. “Drake, nasaan
Hindi mapigilang manginig ng mga kamay ni Natalie habang mahigpit na hinahawakan ang strap ng kanyang handbag. “Mauuna na po ako.” Umalis na siya at hindi na hinintay pa ang sagot ni Amanda. Nagmadali na siyang makaalis sa lugar na iyon, malayo sa mga mapanghusgang mata ng mga taong nakarinig ng mga masasakit na salita at kay Amanda mismo. Nang mga oras na iyon, palabas na din si Drake ng coffee shop. Nakita niyang papalayo ang babae kaya tinawag niya ito. “Natalie!” “Drake!” Bago pa siya makalayo, mahigpit siyang nahila sa braso ng ina. “At saan ka pupunta? Huwag mong sasabihing hahabulin mo pa ang babaeng ‘yon?” Tsaka lamang napansin ni Drake ang ina na mukhang kanina pa naroon. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito dahil sa gulat. “Mama? A-anong ginagawa mo dito?” Pagkatapos, naisip niyang nangyari ang bagay na kinatatakutan niya kaya tumaas ng bahagya ang boses niya sa ina. “Ano na naman ang sinabi niyo kay Natalie, Ma? Nilait mo na naman ba siya? Hindi ba talaga k
Habang kumakain sila, napansin ni Mateo ang isang kakatwa at kakaibang bagay: anumang ilagay ni Antonio sa pinggan ni Natalie ay kinakain nito ng walang reklamo. Sa tuwing mauubos na ang pagkain ni Natalie, kinakain nito ang idinadagdag pa ng matanda doon. Hindi ito naglagay ng kahit ano sa pinggan niya. “Oh, Mateo. Hindi ba masarap ang kaldereta? Bakit ganyan ka makatitig?” Masama ang tingin ng matanda sa kanya. Halatang naiinis ito sa apo. “Ni hindi mo man lang alam kung paano alagaan ng maayos ang asawa at magiging anak mo.” Nagtaas ng kilay si Mateo dahil sa sinabi ng lolo niya pero nanatiling tahimik lang. Sa lagay na ‘yon, ayaw na niyang salubungin pa ang inis ng matanda sa kanya. -- Nakabalik na sila sa kwarto, agad na tinungo ni Mateo ang walk-in closet niya para magpalit ng damit pantulog. Naabutan niya si Natalie na nakatayo sa harap ng malaking salamin, ang kamay ay nakapatong sa tiyan at marahang hinihimas ito. Kahit na tatlong buwan na ang kanyang ipinagbubuntis
Hatinggabi na. Napadaan si Mateo sa tapat ng pintuan ng kwartong pinaghahatian nila ni Natalie. May kakaibang pakiramdam na pumigil sa kanya. Ang balak sana niya ay magtimpla ng kape sa kusina pero hindi na niya itinuloy, walang pagdadalawang-isip na binuksan niya ang pinto at pumasok. Malamlam ang ilaw na dulot ng nakasinding lampshade sa gilid. Malinaw niyang nakikita ang paligid. Lumapit siya sa kama kung saan himbing na himbing sa pagtulog si Natalie. Umupo si Mateo sa gilid ng kama kung saan mas malapitan niyang napagmamasdan ang maamong mukha ng babae. Napakapayapa niya sa ganoong estado. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit naitanong sa kanya ni Natalie iyon. Sumagi din sa isipan niya na baka hindi gustong panagutan ni Drake ang batang nasa sinapupunan nito. Hindi niya na rin maintindihan ang sarili niya, parang nalulungkot siya. Isang matalim na kirot ang nanaig sa puso ni Mateo. Aminin man niya o hindi, niyanig siya nito kaya bigla
Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or
Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala
Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw
Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon
Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa
“Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r
“Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just
Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo
Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust