Share

KABANATA 107 

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-12-27 16:10:58
Hindi lang basta isang pagkakataon ang graduate school admission letter na iyon. Para kay Natalie, ito na lang ang natitirang paraan nilang dalawa ng nakababatang kapatid. Iyon ang daan para magkaroon sila ng marangal na pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap at pagtatagumpayan niya iyon.

“Sabi ng bitawan mo ako!” Nakawala mula sa pagkakasabunot ni Natalie si Irene. Dinuro pa siya nito habang may isang nakakalokong ngiti sa labi. “Syempre, Natalie! Alam na alam ko kung gaano kaimportante sayo ang sulat na iyon, kaya nga siniguro kong hindi mo makukuha ‘yon. Wala na, sinira ko na!”

“Hindi…” Nanlaki ang mga mat ani Natalie sa narinig at nagsimulang manginig ang mga labi niya. “Ulitin mo ang sinabi mo!”

“Ang sabi ko,” inayos pa ni Irene ang nagkalat niyang buhok. Mayabang niyang hinarap ulit ang kapatid. “Bingi ka ba? Ang sabi ko, wala na ang admission letter na hinahanap mo dahil sinira ko na ‘yon!”

Sinundan iyon ng nakakabinging halaklak mula rito. Ligayang-ligaya itong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (30)
goodnovel comment avatar
Amy Rivera
sana Malaman na ni Mateo ang totoo kainis nman ahhh
goodnovel comment avatar
Tpc Aicos Pmlo
nakakainis ka Mateo IBA pinapaniganmo
goodnovel comment avatar
luz fediles
tpos Na kwento baliw Na s natalie kanino kayo kinikilig kay mateo at nag hindi sila kz ang mahal ni nat si drake naku marami pang alibi papahabain p ng author ang kwento
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 582

    “Salamat talaga, Mateo.” Habang papalapit siya kay Mateo, ito na lang ang nasabi niya. Mahina ngunit taos-pusong bulong ni Natalie. Kahit na simpleng salita lang iyon, damang-dama ang bigat ng pasasalamat niya.Kung sa sariling kakayahan niya lang siya aasa, ni hindi niya naisip na posible para sa kanya ang makakuha ng tulong mula sa forensics department ng PNP. At kahit na ipilit niya, baka abutin ng anim na buwan—o isang taon bago lumabas ang resulta. At kahit mapatunayang inosente siya, baka may mga bagay na hindi na maayos dahil sa tagal ng patunay na siya nga ang may akda ng thesis niya.Ang para sa kanya na halos imposibleng abutin—para kay Mateo, parang isang iglap lang. Alam niyang maimpluwensyang tao ito sa mundo ng negosyo pero hindi niya naisip na pwede itong makisuyo sa mga opisinang malayo sa industriya niya.Dahil sa tangkad ni Mateo, kailangan pang itingala ni Natalie ang ulo para makatingin sa lalaki. At sa hindi niya namamalayan, may paghanga at pagkamangha sa kanyang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 581

    Bahagyang tumango si Mateo bilang tanda ng pag-unawa. Wala siyang magagawa dahil hindi naman siya direkatang involved sa board hearing na iyon.Iniyuko niya ang ulo at tumingin kay Natalie at mahinahong nagsalita, “hihintayin kita dito. Hindi ako aalis. Huwag kang matakot. Nasa panig mo ang katotohanan.”“Sige. Salamat.”Dinala sila ni Maurice sa isang malapit na conference room. Sa loob, naroon na ang lahat, ang Academic Director ng university at ilang miyembro ng faculty—kabilang si Dr. Norman Tolentino.Nang makita ni Natalie ang ngiti at tango ng kanyang guro, unti-unting kumalma ang pintig ng kanyang puso. Pero kahit ganoon...hindi niya mapigil ang isipin kung ano nga ba talaga ang ginawa ni Mateo para sa imbestigasyon na ito. Kampanteng-kampante ito, ang tanging inaalala lang nito ay ang magiging reaksyon ni Maurice.“Maupo kayo.” Utos ng Academic Director.“Salamat po.”Umupo sina Natalie at Maurice gaya ng inutos sa kanila. Ang batang propesor na nagpapasok sa kanila ang nagsi

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 580

    Alam na ni Natalie kung ano ang ibig sabihin ni Mateo. Kahit pa umamin si Maurice na sinadya niyang siraan siya, ang pinsala ay nangyari na. Kumalat na ang tsismis sa kung saan-saan. Kahit matapos pa ang kaso, may bahid na ng pagdududa ang pangalan niya—parang isang aninong mahirap burahin sa kanyang record.Iniisip pa lang niya iyon, tila lalong sumasakit ang puso niya. Ang lahat ng taon ng pag-aalaga niya sa reputasyon niya bilang isang alagad ng medisina ay ganoon lang pala kadali mawawala.“Pero...may ebidensya ka ba talaga?” Siya mismo, na nasa gitna ng lahat ng ito, ay hindi man lang nakahanap ng matibay na patunay. Lahat ng nakuha nila ay dead end.“Hindi ko pa sasabihin. “Sa ngayon, ‘yon muna ang kailangan mong malaman.” Ngumiti si Mateo, tila sinasadya siyang paasahin. “Kapag ayos na ang lahat, makikita mo rin.”Habang nagsasalita, kumuha siya ng shrimp tempura at nilagay sa plato ni Natalie gamit ang chopsticks. “Kumain ka pa. Parang pumayat ka nitong mga nakaraang araw.”“T

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 579

    Dahil gipit na at nangakong gagawan niya ng paraan ang hapunan kasama ang mag-asawa, gaya ng kagustuhan ng matanda, wala ng magawa si Ben kundi ang tawagan si Mateo.“Hello, Mateo? Nasaan ka?”[Ben, kung hindi importante ang sasabihin mo, mamaya na lang.] May iritasyon sa boses nito mula sa kabilang linya. [May ginagawa akong importante—]“Nasa mansyon na ang lolo mo.” Putol ni Ben. Hindi na siya nag-abalang magpaligoy-ligoy pa.[Ano? Kailan pa? Bakit ka pumayag?!]Nilayo ni Ben ang cellphone mula sa tenga dahil sa lakas ng boses ni Mateo. Inasahan na niya ang ganoong reaksyon at sanay na siya sa ugali nito. Imbes na sumagot agad, hinayaan niya muna itong magmura. Nang humupa na ang galit nito at bumalik na ang lohika sa sistema nito, tsaka ito nagtanong.[Paano ito nangyari, Ben?]Kalmado si Ben kahit na nangangapa siya. “Ang lolo mo ang nag-discharge ng sarili niya. Nandito ako sa mansyon para kumuha ng pagkain niya. Kilala mo ang lolo mo, kapag nakapagdesisyon na siya, wala na tayo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 578

    Mauugong na ang usapan tungkol sa suspension ng star student ni Director Norman Tolentino. Kahit na puro propesyonal ang mga tao sa ospital—basta tsismis ang usapan—nalilimutan na ng karamihan ang ipinunta nila doon. Nasa doctor’s lounge ang marami sa mga doktor ng umagang iyon kaya hindi maiwasan na magkwentuhan ang ilan sa kanila.“Narinig niyo na ba ang bali-balita?” Umpisa ng pinaka-tsismosang doktora sa grupo. “Atin-atin lang, ha? Hindi pa naman talaga confirmed. Suspendido daw si Natalie dahil sa plagiarism case na isinampa sa kanya sa academic board. Eh, hindi ba, makapangyarihan ang asawa niya? Anong nangyari? Bakit inabot ng ilang araw, eh, wala pa ring solusyon?”Kasunod ng pahayag na iyon ay ang mababang ugong ng bulong-bulungan mula sa iba pa. Nagmistulang pugad ng mga bubuyog ang doctor’s lounge. Kanya-kanya sila ng mga spekulasyon pero dahil opisyal na miyembro pa rin ng Garcia family si Natalie, ang ilan ay may takot pa rin na magpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 577

    “S-sir Antonio?” Gulat na gulat si Tess ng makita ang matanda sa bungad ng pintuan ng mansyon. “A-ano pong ginagawa niyo dito?”“Hmph!” Singhal nito. “Natural, bahay ko ito! Ano ka ba, Tess?”Nang makabawi sa pagkagulat, napangiti si Tess at nakipagpalitan ng matalas na tingin kay Ben. Hindi pa dapat nakauwi si Antonio kahit na maayos na ang lagay nito. Umiwas ng tingin si Ben at sumenyas na mamaya na sila mag-usap. Maging siya ay walang ideya na nagpadischarge na ang matanda. Pagdating niya kaninang umaga sa ospital, nakahanda na ito at siya na lang ang hinihintay.Ang mga malamlam ngunit aktibong mga mata ni Antonio ay nilibot ang buong kabahayan. Tila nakikiramdam—tila may pinapakiramdaman na kung ano na tanging siya lang ang nakakaalam. Wala ni isa ang nagsasalita. Kilala nilang lahat si Antonio. Mabait ito ngunit may tinatagong bagsik.“Tess?”“Sir?” Kabadong tugon ni Tess.“Maayos naman ang kwarto ko dito?” Tanong ni Antonio ng hindi tinitingnan ang katiwala ng bahay. Tumango it

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status