Share

KABANATA 10

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-09-11 14:32:21
Dahil sa pagkawala ng kaniyang trabaho, wala nang ibang pagpipilian si Natalie kundi ang muling maghanap ng bagong trabaho. Kailangan niyang makapaghanap sa lalong madaling panahon. Kaso lang ay hindi siya makahanap ng oras para mag-job hunt dahil sa sobrang hectic ng schedule niya.

Sa loob ng isang linggo ay wala siyang ibang kinakain kundi tira-tirang tinapay sa tuwing tinatamaan siya ng gutom. Halata na nagbawas siya ng timbang dahil sa kakulangan ng nutrisyon ng kaniyang mga kinakain.

Nang matapos ang kaniyang night shift ay nagpatuloy si Natalie sa paghahanap ng trabaho.

“Natalie,” tawag sa kaniya ni Marie saka siya tinapik sa balikat. “Gusto ka raw makausap ni Mr. Olivarez.”

Natigilan si Natalie. “Bakit daw?”

“Hindi ko alam eh. Magdo-donate pa ako dugo. Puntahan mo na lang siya.”

“Sige.”

Kunot noong nagtungo si Natalie sa opisina ni Mr. Olivarez, ang kanilang chief instructor.

Kumatok siya sa pinto. “Pinatawag niyo raw po ako?”

“Oo.” Nag-angat ng tingin si Mr. Olivarez. “Nakatanggap ako ng notice mula sa ospital. Suspended daw ang internship. Effective ‘yon bukas din.”

Tila tumigil ang pagtibok ng puso ni Natalie sa narinig. “Po? Bakit daw po?”

Umiling si Mr. Olivarez. “Hindi ko rin alam. Sinubukan ko silang tanungin pero ang tanging sinabi lang nila ay sumusunod lang sila sa utos.”

Bilang chief instructor ng unibersidad, alam ni Mr. Olivarez na isa si Natalie sa mga magagaling na interns niya, practically and theoretically. Pati siya ay nagulat sa desisyon ng ospital. “May naiisip ka bang dahilan kung bakit naging gano’n ang desisyon nila?”

Bumilis ang tibok ng puso ni Natalie nang may mamuong hinala sa utak niya.

Si Mateo.

Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya. “Mr. Olivarez, may iba pa po bang paraan para mabago ang desisyon nila? Pwede niyo po ba akong tulungsan na kausapin ‘yong HR ng ospital?”

Napahugot ng malalim na hininga si Mr. Olivarez. “Kung ako sana ang direktor ng medical department, maaari kong baguhin ‘yon. Pero dahil ang mismong ospital na ang gumawa ng desisyon, wala na akong magagawa pa ro’n. Pasensya ka na, Natalie. Alam ko kung gaano ka kagaling na estudyante.”

Nanlumo si Natalie. “Naiintindihan ko po. Maraming salamat po, Mr. Olivarez.”

Nang makalabas si Natalie sa opisina ay agad na tumindig ang balahibo niya. Napagtanto niya kasing tinotoo ni Mateo ang banta nito sa kaniya. Talagang nakahanap ito ng paraan para pagbayarin siya sa ginawa niya.

Ang pag-terminate ng internship niya ay nangangahulugang hindi siya makaka-graduate. Mawawalan ng silbi ang ilang taon niyang paghihirap kapag nangyari ‘yon.

Sinisira ng lalaking ‘yon ang kinabukasan niya. At hindi niya hahayaang magtagumpay ang lalaki roon. Kung kinakailangan niyang lumuhod at halikan ang sapatos nito ay gagawin niya.

Sinubukan niyang tawagan ang numero ng lalaki pero hindi nito iyon sinasagot. Lalong bumigat ang pakiramdam niya. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang kaniyang palad para itago ang pag-iyak.

Bakit napakadaya ng mundo sa kaniya?

Sa kabila ng pagmamaltrato at kasamaan ng pamilya niya sa kaniya, sila pa rin ‘yong nasa mas maayos na kalagayan. Habang siya, unti-unting nasisira dahil sa pumalpak ang kaisa-isang plano niyang maghiganti sa kanila.

Hindi siya pwedeng sumuko.

Dahil hindi sinasagot ni Mateo ang mga tawag sa kaniya, napagdesisyonan ni Natalie na hintayin na lamang ang asawa sa ospital, sa kwarto ng lolo niya. Alam niya kasing kahit pa gaano kaabalang tao si Mateo ay hindi ito pumapalya sa pagdalaw sa kaniyang lolo araw-araw. Kaya naman bumaba na siya para pumunta sa VIP building ng ospital.

Nang makarating siya sa lobby ng gusali ay nakita niya si Mateo kasama si Isaac. Palabas na sila ng building.

Hindi inalintana ni Natalie ang bakas ng pagkalugmok sa kaniyang itsura at agad na tinakbo ang pagitan nila ni Mateo.

“Mateo, pwede ba tayong mag-usap?” maingat niyang tanong sa lalaki.

Bahagyang napangisi si Mateo. “May dapat pa ba tayong pag-usapan?”

Nanikip ang dibdib ni Natalie. “Narito ako para humingi ng tawad. Nagkamali ako. Parang awa mo na, pakawalan mo na ako. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo.”

Walang panama ang pride at poot na nadarama niya sa kapangyarihan ng kaniyang napangasawa.

Umismid si Mateo. “Natatakot ka na ba ngayon? Malas mo naman… huli na ang lahat.” Inabot niya ang panga ni Natalie at mariin iyong pinisil. “Dapat alam mong kapag ginalit mo ako, dapat handa ka sa magiging kapalit no’n.”

Napaigik si Natalie sa sakit. Lalong namula ang kaniyang mga mata. “Hindi mo ba talaga ako papalayain kahit anong gawin kong pagmamakaawa?”

“Uh-huh. Kaya huwag ka nang magsayang ng laway mo.”

Ilang sandaling nakipagtagisan ng titigan si Natalie bago siya pagak na natawa. “Inaamin ko namang nagkamali ako sa pagtalikod ko sa usapan nating dalawa. At tatanggapin ko ang parusa mo. Pero hindi mo naman kailangang umabot sa puntong sisirain mo ang buhay ng isang tao! Walang kapatawaran iyon! Napakawalang puso mo naman masyado!” Lalong nagbaga ang nararamdaman niyang galit nang maalala niya ang mga ginawa sa kaniya ng kaniyang ama, madrasta, at half-sister.

“Bagay na bagay nga kayo ni Irene!” uyam niya. “Gusto mo ng annulment?” Nginisihan niya si Mateo. “Huwag ka nang mangarap!”

Matapos niyang iwan ang mga katagang ‘yon ay tinalikuran niya na ang lalaki at naglakad paalis.

Nanliit ang mga mata ni Mateo habang tinatanaw siyang umalis. Napakuyom siya ng kamao nang muling umusobong ang galit niya sa babae. Hanggang sa hindi niya napigilang sipain ang basurahan na katabi niya. Nagduloy ‘yon ng malakas na kalansing.

Nanatali namang tahimik si Isaac habang pinapanood ang pagwawala ng kaniyang amo.

**

Hindi umuwi si Natalie sa kaniyang dorm. Sa halip ay dumiretso siya kina Nilly.

“Anong gagawin ko, Nilly? Sinuspende nila ang internship ko,” iyak ni Natalie sa kaibigan. Mugtong-mugto na ang mga mata niya sa kakaiyak.

“Paano nangyari ‘yon?” nag-aalalang tanong ni Nilly. “Kailangan nating makahanap ng taong makakatulong sa ‘yo.” Saglit siyang nag-isip. “Si Chandon!” Nagliwanag ang mukha niya. “Baka kaya ni Chandon na gawan ng paraan ang sitwasyon mo ngayon. Makapangyarihang tao naman ‘yon!”

“Pakitawagan siya, please?” pagmamakaawa ni Natalie.

Agad na tinawagan ni Nilly si Chandon para humingi ng tulong. Wala ito sa San Jose dahil may business trip ito pero nangako siyang iche-check niya kung anong magagawa niya para kay Natalie.

“Babalitaan ko kayo agad,” ani Chandon.

“Maraming salamat,” napapanatag na sabi ni Natalie.

Nang matapos ang tawag ay inabot ni Nilly ang mga kamay ni Natalie at marahang pinisil. “Naniniwala akong makakahanap tayo ng solusyon sa problema mo.”

Tumango si Natalie. Medyo kalmado na siya ngayon. Pero sa loob ng ilang taong paghihirap niya, hindi na niya alam kung kakayanin niya pa ba kung may panibago na namang problemang dadating sa kaniya.

Natatakot si Nilly na baka kung anong maisipang gawin ng kaibigan kaya naman pinigilan niya itong umuwi sa kaniyang dorm.

Kinabukasan…

Inabala ni Natalie ang sarili sa pagbabasa nang makatanggap siya ng tawag mula sa lolo ni Mateo.

“Natalie, nasaan ka? Bisitahin mo naman ako ngayon. May gusto akong sabihin sa ‘yo,” malambing nitong saad.

“Sige po, pupunta ako.”

Sa kabila ng kawalang gana ay pakiramdam ni Natalie ay obligado siyang dalawin ang lolo ni Mateo. Kaya naman naligo na siya at nag-ayos saka nagtungo sa VIP building ng ospital kung saan naka-admit si Antonio Garcia.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 439

    Bago pa tuluyang makaalis si Natalie, hinigpitan na ni Mateo ang hawak sa pulso niya. “Umupo ka. Please.”Tinitigan niya ang maputlang mukha ni Natalie, hindi nita maitago ang halong pagkabahala at kawalang magawa dahil sa mga pangyayari. “Isang pangungusap lang ang sinabi ko, at sinisisi mo na agad ako sa lahat? Sa tingin mo ba, wala akong pakialam kay Justin? Hindi mo ba talaga naiintindihan, o sinasadya mo lang akong galitin?”Lumingon palayo si Natalie, ayaw siyang tingnan at ayaw sumagot. Malinaw na iniiwasan siya nito pero wala siyang ideya bakit ganoon na lang ang pagkulo ng dugo nito sa kanya at sa estado ng asawa ngayon—mukhang hindi rin niya malalaman dahil wala itong balak na kausapin siya.Nagpakawala ng hangin si Mateo. “Hindi natin malalaman ang tunay na kalagayan ni Justin hanggang hindi pa siya nagigising. Hindi ako aalis dito. Pina-cancel ko na ang lahat ng lakad ko. Mananatili akong kasama mo. Hihintayin natin siya nang magkasama, okay?”“Ikaw?” Bahagyang tinaas ni N

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 438

    “Anong ibig mong sabihin? Magpaliwanag ka!” Kailangan niya ng sagot.“K-kwan…ang ibig kong sabihin…” Napalunok si Irene, kita sa kanyang mukha ang kaba. “May lunch sana kami ni Mateo kanina. Nang tumawag ka sa kanya, nandoon ako…sa opisina niya…”Sa sandaling iyon, parang biglang lumiwanag ang lahat kay Natalie. Nagkaroon ng linaw ang lahat para sa kanya—nang tumawag siya kay Mateo kanina, kasama pala nito si Irene—ang babaeng orihinal na may-ari ng butterfly hairpin.Ibig sabihin, nagkita na naman silang dalawa kahit na nangako na si Mateo sa kanya. Malinaw na pinependeho siya nito. Ilang beses na kaya silang nagkikita ng hindi niya nalalaman? Marahil, higit pa sa kanyang inaakala.Isang malamig na pakiramdam ang bumalot sa kanya.Bago pa siya makapag-react at muling pagbuhatan ng kamay si Irene para malabas niya ang galit na nadagdagan, biglang may lumitaw na mga anino sa pasukan ng storage room. Dumating na si Mateo at kasama niya sina Isaac at Tomas.“Natalie!” Agad na nagtagpo an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 437

    “J-justin…” Nanlambot ang mga tuhod ni Natalie at tuluyan na siyang at bumagsak siya sa sahig. Dahan-dahan niyang inabot ang nanginginig niyang kamay sa kanyang kapatid, ngunit saglit siyang natigilan, takot na baka mas mapalala niya ang kanyang kalagayan. “A-anong nangyari sayo? Anong ginawa nila sayo?!”Napuno agad ng luha ang kanyang mga mata, at halos paos na ang kanyang tinig. “Justin, nandito na si ate. Gumising ka na… kausapin mo ako…sige na….”Pero hindi sumagot si Justin. Nanatiling sarado ang mga mata nito at mababa ang pagtaas-baba ng paghinga. Sa sandaling iyon, naglaho ang lahat ng pasensya at rason niya. Biglang tumayo si Natalie mula sa pagkakaluhod sa tabi ng walang malay na kapatid at ang kanyang mga mata ay namumula sa galit habang matalim niyang tinitigan sina Janet at Irene.“Kayong dalawa. Kayo ang may gawa nito.” Hindi ‘yon isang tanong—kundi isang tiyak na pahayag mula sa kanya.“H-Hindi…” Mabilis na umiling si Janet, takot na takot sa nakamamatay na tingin ni N

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 436

    Inakala ni Irene na nawawala na sa wisyo ang ina kaya niya nagawang dukutin si Justin. Naghihintay ang kanyang ama para sa isang liver transplant at tumangging tumulong si Natalie, at hindi rin niya pinahintulutan na magpa-test ang bunsong kapatid at kahit anong pakiusap nila ay matiga pa rin ito. At dahil sa pagmamatigas na iyon, lumalim ang galit ni Janet sa magkapatid.Naiintindihan iyon ni Irene. Hindi na niya kayang sisihin pa ang kanyang ina.**BANG!Biglang umalingawngaw ang malakas na pagkatok sa bakal na pinto. Isa, dalawa, tatlong beses, hanggang sa tuloy-tuloy na kalampag na ang sumunod.“Buksan mo ‘to, Janet! Alam kong nandiyan ka! Buksan mo ang pinto at ibalik sa akin ang kapatid ko!”Kapwa nanigas sina Janet at Irene, nagpalitan sila ng kabadong tingin—tinginan na puno ng kaba. Nasa bahay nga nila si Natalie at natunton sila nito sa storage room. Ang pintuang kahoy na lang ang pagitan nila ngayon.“A-Anong gagawin natin?” Tanong ni Irene sa ina.“Una, buhatin natin siya

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 435

    Dahil naroon si Alex madali niyang napigilan ang kasambahay. Hindi niya naging problema ang kunsintidor na katulong ng madrasta. Wala itong nagawa kundi panoorin na lang si Natalie habang patungo ito sa storage room.Nataranta ito at nagsimulang sumigaw, “Madam! Madam! Madam—mmph!”Bago pa ito makasigaw ng husto, mabilis na tinakpan ni Alex ang bibig nito. “Oh, akala ko ba, wala ang madam mo dito?!”**Sa Loob ng Storage Room.Nakangising nakikinig si Janet sa sinabi ni Irene. “Tingnan mo nga naman. Sino ang mag-aakalang ganito ka kaswerte?” Tuwang-tuwa siya. “Hindi ba sabi ko sayo? Tadhana ito! Ayaw talaga ng langit na maghiwalay kayo ni Mateo—para ka talaga sa isang marangyang pamilya, anak!”“Mom.” Kumunot ang noo ni Irene, halatang nababanas na sa ina. “Pwede ba, simula ngayon, huwag kang gagawa ng kahit ano ng hindi mo muna ako kinakausap. Baka mabulilyaso pa tayo kasi padalos-dalos ka.”“Sige na, sige na, huwag ka ng magalit—” Bigla siyang natigilan, at dumilim ang kanyang mukha

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 434

    “Huh?” Nanlaki ang mata ni Janet sa narinig. “Anong pinagsasabi mo dyan? Akala ko ba hiwalay na kayo? Ibig mong sabihin… may pag-asa pa na maging bongga ang kinabukasan natin? May pag-asa pang maging Garcia ka?”“Mhm.” Hindi malinaw ang naging sagot ni Irene dahil napakaaga pa para magsalita ng tapos.“Talaga?” Lalong lumiwanag ang mukha ni Janet. Agad niyang hinawakan ang kamay ng anak, puno ng kasabikan. “Dali, ikwento mo sa akin lahat! Paano mo nagawa ‘yan?”“Mommy…”**Matagal ng hindi lumalapit si Natalie sa dating pamilya. Alam niyang matagal nang pinalitan ang mga kandado at security codes sa buong lugar at walang ibang paraan kundi ang pumasok sa mismong gate. Habang papunta siya doon, naisip na niyang kahit kumatok siya, hinding-hindi siya papapasukin ng mga katulong kahit pa kilala siya ng mga ito.Pero hindi na niya kailangan mag-alala—dahil kasama niya si Alex.Pagdating sa harapan ng bahay, inutusan niyang iparada ang sasakyan sa tapat ng gate. Pagkatapos ay bumaba sila p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status