Share

KABANATA 11

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2024-09-11 14:32:21
Pumasok si Natalie sa kwarto ni Antonio. Naupo siya sa silyang katabi ng kama nito. Kaagad naman siyang binati ni Antonio ng malawak na ngiti.

“Kumusta na ang paghahanda mo, Natalie? Nakapag-impake ka na ba?” tanong ng matanda.

Kumunot ang noo ni Natalie. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng matanda. Wala naman siyang alam na dapat siyang mag-impake. At kung para saan ‘yon.

Nang mapansin ng matanda ang pagkalito sa mukha ng dalaga ay nag-alala siya. “Bakit? Hindi ba sinabi sa ‘yo ni Mateo? Nako ‘yong batang ‘yon talaga!”

Ang siste pala ay may malapit na kaibigan si Antonio na magdiriwang ng kaarawan. At dahil hindi siya makakapunta dahil sa kalagayan niya, inutusan niya si Mateo na isama si Natalie sa pagdalo bilang proxy niya. At isa pa, napansin niya kasi na may distansya sa pagitan ng mag-asawa. Kaya naman sa ganitong paraan ay umaasa siyang kahit papaano ay magkalapit ang mga ito.

“Makinig ka sa ‘kin, Natalie. Hindi man gusto ni Mateo ang napapangunahan at nauutusan siya, pero bilang mag-asawa, hindi ba dapat ay ayusin niyo ang relasyon niyo?”

Napipi si Natalie sa litanya ng matanda. Wala siyang nagawa kundi ang tumango.

“Mabuti naman at naiintindihan mo ang nais kong iparating,” nakangiting sabi ni Antonio. “Aasahan kita, Natalie. Ikaw nang bahala sa asawa mo.”

Nang makalabas na si Natalie mula sa silid ng matanda ay saka niya nagawang pakawalan ang kunot ng kaniyang noo. Ayaw niya pa namang makita si Mateo matapos siya nitong ipasuspende. Pero hindi niya maaaring balewalain ang hiling ni Antonio. Masyadong malaki ang utang na loob niya sa matanda.

Dahil wala na siyang trabaho, hindi niya kayang bumili ng mamahaling regalo. Kaya maghahanap na lang siya ng kahit papaano ay disenteng regalo para sa celebrant.

Nagtungo siya sa Luminara Shrine para maghanap ng maaari niyang iregalo.

Kinagabihan, bumalik na si Natalie sa kaniyang dorm. Nag-impake na rin siya at binalak na tawagan si Mateo. Ngunit hindi ito sumagot. Buti na lamang at ibinigay sa kaniya ni Antonio ang address ng pupuntahan nila.

Kinabukasan, sumakay ng bus si Natalie patungo sa Mount Lorenzo. Sa kalagitnaan ng kaniyang biyahe ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Lalo pa iyong lumakas nang makarating na siya sa babaan.

Sinubukan niyang tawagan si Mateo ngunit katulad ng dati ay hindi ito sumagot.

Hindi pwede ang mga pribadong sasakyan paakyat ng bundok kaya naman kailangan niya pang maghintay ang shuttle bus na hinanda ng mga Wang para sa mga bisita nila.

Maya-maya pa ay pumaradang Bentley Mulsanne sa kaniyang harapan. Mula sa loob ay lumabas sina Isaac at Mateo.

“Mateo!” Nagmamadaling lumapit si Natalie kay Mateo sa kabila ng malakas na ulan.

Nasa likuran ni Mateo si Isaac, pinapa'yongan niya ang kaniyang amo.

“Tumabi ka,” malamig na salubong ni Mateo kay Natalie.

“Pumunta ako kasi nakiusap sa ‘kin si lolo na samahan ka,” paliwanag ni Natalie.

Ngunit walang emosyon na bumakas sa mukha ni Mateo. Tila ba wala itong pakialam sa sinabi ng babae. Inaasahan niya nang makikita niya ang babae rito. Pero wala siyang planong samahan ito. Bago tuluyang lagpasan ang babae ay nginisihan niya muna ito.

Isinantabi ni Natalie ang galit sa lalaki dahil narito siya para pagbigyan ang hiling ni Antonio. Agad siyang bumuntot sa dalawang lalaki.

Nilapitan sila ng isang drayber ng mga Wang at pinapasok sila sa sasakyan. Nakapasok na sina Isaac at Mateo. Ngunit nang papasok na si Natalie ay mabilis siyang pinagsarhan ni Mateo saka inutusan ang drayber na lumarga na.

Matuling tumakbo ang sasakyan dahilan para mabasa si Natalie ng tumilamsik na tubig baha. Nadulas pa siya at bumagsak sa sahig.

Nakita ni Isaac ang pangyayari. Hindi niya maiwasang mag-alala para sa babae. “Sir!”

Napatingin si Mateo sa side mirror ng sasakyan para tingnan ang kalagayan ng asawa. Ngunit hindi siya nagpatinag dito at muling inutusan ang drayber na bilisan ang pagpapatakbo.

Ngunit determinado si Natalie. Tumayo siya at saka pinunasan ang kaniyang mukha gamit ang likod ng kaniyang palad. Dahil wala siyang masakyan, kailangan niyang maglakad paakyat ng bundok. Nahirapan siya sa pag-akyat dahil sa ulan, dahilan para abutin siya ng trenta minutos bago makarating.

Nang marating niya ang villa, napansin ni Natalie na wala roon si Mateo. Siguro ay nasa mga kaibigan niya ito. At dahil wala siyang hawak na susi ng kwarto, kailangan niyang maghintay sa labas hanggang sa dumating ang asawa niya.

Sa sobrang pagod at panlalamig, napasandal si Natalie sa may pinto hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.

Makalipas ang ilang oras, nagising siya nang maramdaman ang marahang pagtapik sa kaniyang balikat. At nang imulat niya ang kaniyang mga mata, nakita niya si Isaac sa kaniyang harapan, at sa likuran nito ay si Mateo.

“Nakabalik ka na pala,” malat ang boses na komento ni Natalie. Unti-unti siyang tumayo at napangiwi dahil masakit ang tuhod niya.

Ngunit pinukulan lang siya ng malamig na tingin ng lalaki. “Kung inaakala mong kakaawaan kita dahil sa ginawa mo, nagkakamali ka. Umalis ka na! Hindi kita gustong makita!”

Binuksan niya ang pinto at saka pumasok sa loob. Naiwan si Natalie sa labas, lugmok na lugmok.

Muling napangiwi si Natalie nang tumunog ang kaniyang tiyan. Hindi pa siya kumakain simula kaninang umaga.

Mabuti na lamang at may dala siyang dalawang loaf of bread. Pinilit niya iyong lunukin kahit na wala siyang panulak. Dahil sa unti-unti nang nauubos ang ipin niyang pera, ginagawa niya ang lahat para makatipid.

Napaangat siya nang tingin nang abutan siya ni Isaac ng isang bote ng tubig.

“Maraming salamat, Isaac,” halos bulong na sabi niya. Pagod siyang ngumiti sa lalaki.

“You're welcome. Pero ito lang ang masasabi ko sa ‘yo sa sitwasyon mo ngayon. May girlfriend na si Sir Mateo. Kaya huwag mo na siyang pag-aksayahan ng oras.”

Kumurba nang bahagya ang labi ni Natalie. Magalit niya lang sina Janet at Irene kapag nalaman nila ang totoo, magiging sapat na ‘yon para maibsan ang bigat ng loob niya ngayon.

“Maraming salamat sa payo mo. Pero wala na akong ibang gusto kundi ang tuparin ang pangako ko kay Lolo Antonio.”

Tumango si Isaac. Naiintindihan niya ang babae. “Ako na ang hihingi ng pasensya dahil sa mga nararanasan mo ngayon. Mag-iingat ka.”

Hindi pa rin tumila ang ulan nang sumapit na ang gabi. Nagtiis si Natalie na manatili sa veranda ng villa.

Kinabukasan, hindi na nakatiis si Isaac nang makita niya ang sitwasyon ng dalaga. Kaya naman lumuhod siya at binuha ang babae.

Nang bigla ay bumukas ang pinto at iniluwa roon si Mateo. Napakalamig ng tingin nito kay Isaac, halatang hindi natuwa sa nakita niya.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (836)
goodnovel comment avatar
Ammielyn Dumol
Puro nman putol
goodnovel comment avatar
dyshen Shippers
tangina na kwento na ito puro api ang bida bwesit
goodnovel comment avatar
Lanie Abella
Episode 397 na ako bat bumalik
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 439

    Bago pa tuluyang makaalis si Natalie, hinigpitan na ni Mateo ang hawak sa pulso niya. “Umupo ka. Please.”Tinitigan niya ang maputlang mukha ni Natalie, hindi nita maitago ang halong pagkabahala at kawalang magawa dahil sa mga pangyayari. “Isang pangungusap lang ang sinabi ko, at sinisisi mo na agad ako sa lahat? Sa tingin mo ba, wala akong pakialam kay Justin? Hindi mo ba talaga naiintindihan, o sinasadya mo lang akong galitin?”Lumingon palayo si Natalie, ayaw siyang tingnan at ayaw sumagot. Malinaw na iniiwasan siya nito pero wala siyang ideya bakit ganoon na lang ang pagkulo ng dugo nito sa kanya at sa estado ng asawa ngayon—mukhang hindi rin niya malalaman dahil wala itong balak na kausapin siya.Nagpakawala ng hangin si Mateo. “Hindi natin malalaman ang tunay na kalagayan ni Justin hanggang hindi pa siya nagigising. Hindi ako aalis dito. Pina-cancel ko na ang lahat ng lakad ko. Mananatili akong kasama mo. Hihintayin natin siya nang magkasama, okay?”“Ikaw?” Bahagyang tinaas ni N

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 438

    “Anong ibig mong sabihin? Magpaliwanag ka!” Kailangan niya ng sagot.“K-kwan…ang ibig kong sabihin…” Napalunok si Irene, kita sa kanyang mukha ang kaba. “May lunch sana kami ni Mateo kanina. Nang tumawag ka sa kanya, nandoon ako…sa opisina niya…”Sa sandaling iyon, parang biglang lumiwanag ang lahat kay Natalie. Nagkaroon ng linaw ang lahat para sa kanya—nang tumawag siya kay Mateo kanina, kasama pala nito si Irene—ang babaeng orihinal na may-ari ng butterfly hairpin.Ibig sabihin, nagkita na naman silang dalawa kahit na nangako na si Mateo sa kanya. Malinaw na pinependeho siya nito. Ilang beses na kaya silang nagkikita ng hindi niya nalalaman? Marahil, higit pa sa kanyang inaakala.Isang malamig na pakiramdam ang bumalot sa kanya.Bago pa siya makapag-react at muling pagbuhatan ng kamay si Irene para malabas niya ang galit na nadagdagan, biglang may lumitaw na mga anino sa pasukan ng storage room. Dumating na si Mateo at kasama niya sina Isaac at Tomas.“Natalie!” Agad na nagtagpo an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 437

    “J-justin…” Nanlambot ang mga tuhod ni Natalie at tuluyan na siyang at bumagsak siya sa sahig. Dahan-dahan niyang inabot ang nanginginig niyang kamay sa kanyang kapatid, ngunit saglit siyang natigilan, takot na baka mas mapalala niya ang kanyang kalagayan. “A-anong nangyari sayo? Anong ginawa nila sayo?!”Napuno agad ng luha ang kanyang mga mata, at halos paos na ang kanyang tinig. “Justin, nandito na si ate. Gumising ka na… kausapin mo ako…sige na….”Pero hindi sumagot si Justin. Nanatiling sarado ang mga mata nito at mababa ang pagtaas-baba ng paghinga. Sa sandaling iyon, naglaho ang lahat ng pasensya at rason niya. Biglang tumayo si Natalie mula sa pagkakaluhod sa tabi ng walang malay na kapatid at ang kanyang mga mata ay namumula sa galit habang matalim niyang tinitigan sina Janet at Irene.“Kayong dalawa. Kayo ang may gawa nito.” Hindi ‘yon isang tanong—kundi isang tiyak na pahayag mula sa kanya.“H-Hindi…” Mabilis na umiling si Janet, takot na takot sa nakamamatay na tingin ni N

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 436

    Inakala ni Irene na nawawala na sa wisyo ang ina kaya niya nagawang dukutin si Justin. Naghihintay ang kanyang ama para sa isang liver transplant at tumangging tumulong si Natalie, at hindi rin niya pinahintulutan na magpa-test ang bunsong kapatid at kahit anong pakiusap nila ay matiga pa rin ito. At dahil sa pagmamatigas na iyon, lumalim ang galit ni Janet sa magkapatid.Naiintindihan iyon ni Irene. Hindi na niya kayang sisihin pa ang kanyang ina.**BANG!Biglang umalingawngaw ang malakas na pagkatok sa bakal na pinto. Isa, dalawa, tatlong beses, hanggang sa tuloy-tuloy na kalampag na ang sumunod.“Buksan mo ‘to, Janet! Alam kong nandiyan ka! Buksan mo ang pinto at ibalik sa akin ang kapatid ko!”Kapwa nanigas sina Janet at Irene, nagpalitan sila ng kabadong tingin—tinginan na puno ng kaba. Nasa bahay nga nila si Natalie at natunton sila nito sa storage room. Ang pintuang kahoy na lang ang pagitan nila ngayon.“A-Anong gagawin natin?” Tanong ni Irene sa ina.“Una, buhatin natin siya

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 435

    Dahil naroon si Alex madali niyang napigilan ang kasambahay. Hindi niya naging problema ang kunsintidor na katulong ng madrasta. Wala itong nagawa kundi panoorin na lang si Natalie habang patungo ito sa storage room.Nataranta ito at nagsimulang sumigaw, “Madam! Madam! Madam—mmph!”Bago pa ito makasigaw ng husto, mabilis na tinakpan ni Alex ang bibig nito. “Oh, akala ko ba, wala ang madam mo dito?!”**Sa Loob ng Storage Room.Nakangising nakikinig si Janet sa sinabi ni Irene. “Tingnan mo nga naman. Sino ang mag-aakalang ganito ka kaswerte?” Tuwang-tuwa siya. “Hindi ba sabi ko sayo? Tadhana ito! Ayaw talaga ng langit na maghiwalay kayo ni Mateo—para ka talaga sa isang marangyang pamilya, anak!”“Mom.” Kumunot ang noo ni Irene, halatang nababanas na sa ina. “Pwede ba, simula ngayon, huwag kang gagawa ng kahit ano ng hindi mo muna ako kinakausap. Baka mabulilyaso pa tayo kasi padalos-dalos ka.”“Sige na, sige na, huwag ka ng magalit—” Bigla siyang natigilan, at dumilim ang kanyang mukha

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 434

    “Huh?” Nanlaki ang mata ni Janet sa narinig. “Anong pinagsasabi mo dyan? Akala ko ba hiwalay na kayo? Ibig mong sabihin… may pag-asa pa na maging bongga ang kinabukasan natin? May pag-asa pang maging Garcia ka?”“Mhm.” Hindi malinaw ang naging sagot ni Irene dahil napakaaga pa para magsalita ng tapos.“Talaga?” Lalong lumiwanag ang mukha ni Janet. Agad niyang hinawakan ang kamay ng anak, puno ng kasabikan. “Dali, ikwento mo sa akin lahat! Paano mo nagawa ‘yan?”“Mommy…”**Matagal ng hindi lumalapit si Natalie sa dating pamilya. Alam niyang matagal nang pinalitan ang mga kandado at security codes sa buong lugar at walang ibang paraan kundi ang pumasok sa mismong gate. Habang papunta siya doon, naisip na niyang kahit kumatok siya, hinding-hindi siya papapasukin ng mga katulong kahit pa kilala siya ng mga ito.Pero hindi na niya kailangan mag-alala—dahil kasama niya si Alex.Pagdating sa harapan ng bahay, inutusan niyang iparada ang sasakyan sa tapat ng gate. Pagkatapos ay bumaba sila p

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status