MasukMalamang ay masyado ng matagal ang paghihintay ni Natalie—kaya umalis na siguro ito. Napagod na siguro at nagpasya ng umuwi dahil abalang tao din si Natalie, isa itong doktora at bukod doon, buntis pa ito. Hindi napigilan ni Isaac na manghinayang.“Sayang naman. Kung sana nakapaghintay pa siya ng konti…” may panlulumong palatak ni Isaac sa isip niya.Pero sa mismong sandaling iyon, lumabas si Natalie mula sa banyo at agad na nakita sina Mateo at Isaac na pababa na sa hagdan papunta sa harap ng gusali. Nagpapasalamat siya na hindi niya kinailangang magtagal sa banyo dahil kung nagkataon, nagkasalisi na naman sila.Hindi na nag-isip pa si Natalie, dali-dali siyang sumigaw. “Mateo! Sandali!”Napahinto sa paghakbang si Natalie sa tawag ng kanyang pangalan. Ang buong akala niya ay -guni-guni lang niya iyon. Ngunit nagpatuloy ang pagsigaw mula sa likuran kaya gulat siyang napalingon at nakita si Natalie na mabilis na lumalapit sa kinaroroonan nila.Halos tumatakbo ito.Kumunot ang noo ni Ma
Hindi naman ito ganap na ikinagulat ni Natalie. Alam naman niya ang mga posibilidad ng mga kung anong pwedeng mangyari doon. Ang totoo, bago pa siya pumunta sa opisina nito, inihanda na niya ang sarili—hindi rin naman niya inaasahang basta-basta na lang siya haharapin ni Mateo lalo pa at pagkatapos ng mga kinakaharap nilang eskandalo ng sunod-sunod nitong mga nakalipas na araw.“Ngayon, ano na ang susunod? Uuwi na lang ba ako? Iyon na ‘yon? Paano ang mga kasama kong umaasa na mapapapirma ko siya para ituloy ang pondo ng team namin? Hindi pwede! Maraming maapektuhan!”Sandaling natigilan si Natalie, tapos tumingin sa waiting area ng lobby. “Pwede ba akong maghintay doon?” Tanong niya.“Hindi na po muna kayo magpapahatid?”Umiling si Natalie. “Hindi na muna. Nandito na rin ako kaya mas okay siguro na maghintay na lang ako dito. Salamat na lang. Dito na lang muna ako sa lobby niyo. Okay lang naman siguro, ano?”“Ah… syempre naman po, Mrs. Garcia.” Hindi siya pinigilan ng receptionist. Wa
“Naku bata ka.Wala namang problema, kung ayaw mo sa master’s bedroom, may mga guest room tayo dito...pero sigurado ka bang kailangan mo talagang umalis? Delikado na para sa isang babae ang magbyahe ngayon lalo na at buntis ka.”“Ate Tess, hindi na talaga akma para sa akin ang manatili rito.” Matatag ang desisyon ni Natalie na umalis sa mansyon.Gabi na at nag-aalala si Tess, kaya tinawag nito ang family driver para ihatid siya pauwi. Hindi na tumanggi si Natalie, walang mga taxi na dumadaan sa area na iyon at marami sa mga ride-sharing drivers kapag alanganin na ang oras ay ayaw niyang bumiyahe. Pagdating niya sa townhouse, hindi siya agad nakatulog.Hindi niya nakita si Mateo ngayong gabi, at sabi ni Tess, ilang araw na raw itong hindi umuuwi sa mansyon. Palaisipan sa kanya kung saan ito tumutuloy ngayon.“Ibig sabihin...may ibang bahay siya? Saan pa kaya siya maaaring puntahan? Baka... sa kompanya? Kahit saan siya nagpupunta sa gabi, kailangan pa rin niyang pumasok sa trabaho kinabu
Pagkaalis niya sa opisina ng Assistant direktor, bakas na bakas sa mukha ni Natalie ang pagkabalisa. Pumayag siya, oo—pero pagkatapos ng pagpayag niya, ano na? Malaking suliranin sa kanya ang binigay na obligasyon sa kanya ng direktor at hindi niya nagawang tumanggi. Noon nga na maayos pa sila ni Mateo ay hirap na hirap siyang humingi ng pabor, ngayon pa kaya na malabong-malabo na sila?Hindi pa siya nakakalayo mula sa opisina ng direktor, mabagal ang mga hakbang niya dahil tumatakbo ang isipan niya. Iniisip niya kung paano niya kukumbinsihin si Mateo na pirmahan ang second installment ng project funding ng team nila. Iniisip niya kung paano niya gagawin iyon gayong ayaw na siyang makita at makausap nito.“Natalie!”“Huh?” Laking gulat niya ng makita si Marie na naghihintay pa rin sa kanya, naroon ito sa isang bench na nagkalat sa hallway. “Nandito ka pa pala?”Agad nitong hinawakan ang braso niya. “Oo naman. Wala na akong duty, eh. Tsaka ngayon ko lang napansin, lalo na yatang lumaki
“Tungkol saan ang dokumentong ito?”Kinuha ni Isaac ang folder at mabilis na sinulyapan ito—galing ito sa departamento ni Director Norman Tolentino sa ospital na kaanib ng Garcia Group of Companies. Dati, inaprubahan ni Mateo ang isang sponsorship package para sa departamento nila dahil naroon si Natalie. Sa totoo lang, dahil lang sa suporta ng kumpanya kaya nakapagsimula ang project team ni Dr. Tolentino.Hindi ito one-time na fund approval—may kasunod pa itong mga installment. Ngayong lumipas na ang isang quarter, panahon na para ilabas ang pangalawang bahagi ng pondo para sa proyektong ito.Pero iba na ang panahon ngayon. Napakarami ng nagbago at hindi malayong maapektuhan pati ang ospital sa alitan ng mag-asawa.“Susubukan ko,” buntong-hininga ni Isaac. Pero sa totoo lang, wala siyang gaanong pag-asa.Pumasok siya sa opisina at inilapag ang folder sa mesa ni Mateo, kasama ang mga iba pang papeles na kailangan nitong i-review at asikasuhin para sa araw na ‘yon. Marami-rami rin ang
Wala pa ring sagot mula kay Mateo, kaya nagpadala ulit ng mensahe si Natalie. Hindi siya pwedeng humarap sa matanda ng mag-isa dahil mag-iisip lang ang matanda ng kung ano-ano at iyon ang iniiwasan niya.‘Hindi mo man lang ba ako masagot? Saglit lang naman daw ‘yon.’Pero pagkasend niya, biglang nag-lag ang screen—at lumaki ang kanyang mga mata sa gulat. May pulang exclamation mark na lumitaw sa tabi ng mensahe.“Ha?” Napatingin si Natalie sa screen, hindi makapaniwala. Ang paglabas ng pulang exclamation mark at malinaw na tanda na na-block siya. “Totoo ba ‘to…? Binlock niya ako?”Galit si Mateo, aminado siya na nasaktan niya ito at naiintindihan niya ‘yon. Pero usapang si Lolo Antonio ito. “Ganoon na ba siya kabulag sa galit, pati si Lolo hindi na niya iniintindi? Kalalakihan talaga. Makasarili. Mababaw. Lahat na yata.”Napabuntong-hininga si Natalie, pero kahit ganoon, nagpasya pa rin siyang dalawin ang matanda dahil nakapangako na siya kanina na darating siya para sa hapunan. Hindi







