Sa paghahanda ni Natalie, naengganyo rin si Mateo sa pagkain. Bago pa siya makapansin, ubos na ang isang serving ng lamb chops. Si Natalie naman ay patuloy pa ring kumakain, tila hindi pa nasisiyahan. Pinipigilan ang pagtawa, tinawag ni Mateo ang waiter. “Isa pang serving ng lamb chops, please.” “Syempre, Mr. Garcia.” Nagliwanag ang mukha ni Natalie at ngumiti sa kanya, sabay sabing, “Salamat.” “Walang anuman…” Habang nag-uusap sila, tumunog ang telepono ni Mateo. Tinignan niya ito at sinagot ang tawag. “Hello, attorney.” Tumingin kay Natalie, sinabi niya, “Tatawagan ko lang ito.” “Oh,” tumango si Natalie, ang mga mata ay tila malayo habang pinapanood siyang maglakad patungo sa bintana. Nakarinig siya ng mga pira-pirasong salita mula sa tawag. “Oo, tinamaan si Irene. Attorney, ikaw na ang bahala sa pag-asikaso…” Bumangon ang pag-aalala kay Natalie. Ang attorney na tinutukoy nito ay si Jose Panganiban. Isa sa mga pinakamahusay na abogado sa bansa! Kung siya na
Walang duda, galit na galit si Mateo. Parang sasabog ang dibdib niya sa galit, at lalong lumalakas ang nararamdaman niya sa bawat segundo. Pinipigilan niya ang sarili, pero hindi niya mapigilang hawakan ang braso ni Natalie at hilahin siya papasok sa kotse nang walang imik. Sumakay siya at mabilis na nagmaneho palayo. Ang pagkakahawak niya sa pulso ni Natalie ay masakit, o baka naman ang nakakatakot niyang itsura ang dahilan. Bumangon si Natalie at tahimik na nagtanong, "Saan tayo pupunta?" "Uuwi!" Saglit siyang nilingon ni Mateo. "O gusto mo bang bumalik pa at kumain pagkatapos ng lahat ng nangyari?" Syempre, pagkatapos ng mainit na pagtatalo, wala na siyang gana kumain. Umiling si Natalie at sumunod na lang sa kanya papasok sa kotse. Tahimik ang biyahe, mabigat ang atmospera. Nakatuon ang mga mata ni Mateo sa kalsada, mahigpit ang hawak sa manibela. "Wala ka bang sasabihin sa akin?" tanong niya sa wakas. Dati, hindi niya alam, pero ngayon alam na niya ang lahat. Hin
Nang magdamag, hindi pa rin nakabalik si Mateo. Hindi rin nakatulog nang maayos si Natalie. Nagising siya bago mag-umaga at hindi na muling nakatulog.Habang kumakain ng almusal, nakatanggap siya ng tawag mula kay Drake.“Hello, Drake, kumusta ang sitwasyon?”Sa kabilang linya, nagbuntong-hininga si Drake at hindi na itinago ang katotohanan. “Talaga namang mahirap ayusin. Matigas ang kanilang paninindigan, at ang kakayahan ni Jose Panganiban sa batas ay talagang magaling, kaya’t masalimuot. Pero patuloy pa rin naming pinagtatrabahuhan. Huwag ka masyadong mag-alala…”Masalimuot.Ginamit ni Drake ang salitang iyon.Pinagtuunan ng mga mata ni Natalie ang kanyang pagkain at nagbuntong-hininga. “Naiintindihan ko.”Pagkatapos ng tawag, nawala ang gana niya sa pagkain. Parang hindi na niya kayang mag-stay lang nang walang ginagawa.Pumunta si Chandon kay Irene dahil sa kanya, at nararapat lang na gawin niya rin ito para sa kaibigan. Handang magpakumbaba siya para sa kanya.Nagdesisyon siya—ka
Nagkunot ang noo ni Natalie. Isang mahina ngunit tumitinding pakiramdam ng hindi magandang mangyayari ang dahan-dahang pumasok sa kanyang isipan. Tinutok ni Irene ang kanyang mga mata, ang tono ay mabagal at maingat, binibigkas ang bawat salita nang malinaw. "Kung iiwan mo si Mateo, ititigil ko ang kaso." Napatigil si Natalie, ang ekspresyon ay sumikip. Eksakto ito sa inaasahan niyang mangyari. Si Irene, na ngayon ay kalmado at maayos, ay nagdagdag pa, "Pag-isipan mo. Isang lalaking hindi ka mahal o isang kaibigan mula pagkabata—paano mo pipiliin?" Nagtagpo ang kanilang mga mata. Naghintay si Irene ng sagot mula kay Natalie. Tahimik si Natalie sa loob ng ilang segundo, ngunit hindi nagtagal bago siya nagdesisyon. Tumango siya at nagsalita ng matatag na tono. "Sige. Iiwan ko si Mateo. Sana panindigan mo ang sinabi mo." Walang hinihintay na sagot, tumalikod siya at umalis. Pumayag siya! Hinaplos ni Irene ang kanyang mga kamao, ang mga mata ay kumikislap ng kasiyahan. It
Sa kabilang linya, naramdaman ni Mateo ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso at ang pagkahapo sa kanyang dibdib. Ito na ang ikalawang beses na binanggit ni Natalie ang diborsyo. Ngunit iba na ngayon—legal na silang mag-asawa. At gayunpaman, napakadali para kay Natalie na imungkahi iyon. Hindi kaya wala siyang halaga para sa kanya? Isa lang ba siyang lalaki na basta-basta niyang itinatapon, gaano man sila kalapit? Tulad ng mga lalaki noon, basta itinatapon na lang nang walang pakundangan? Isang bagyo ng emosyon ang sumabog sa kanya—galit, pagkabigo, kahihiyan. Nawala ang karaniwang kalmado at komposisyon ni Mateo, napalitan ng galit ang kanyang mukha. Sumigaw siya, “Natalie, akala mo ba madali lang ang diborsyo? Sinabi ko bang pumayag ako?” Napasinghap si Natalie, naguguluhan. “Bakit hindi ka papayag? Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon ni Irene? Kung maghihiwalay tayo, masamahan mo siya bukas…” “Kalokohan!” sigaw ni Mateo, ang boses ay mabagsik. “Huwag mong gawing ma
Sa puntong iyon, hindi alam ni Natalie kung ano ang gagawin niya. Bigla niyang naalala ang isang kasabihan. Naging paborito niya ang kasabihang, ‘Tanging ang nagkabit ng buhol ang makakalas nito’. Dahil doon, nagpasya siyang muling puntahan si Irene.Naisip niya rin kasi na mahal na mahal ni Mateo si Irene—kung may hihilingin si Irene sa kanya, sigurado si Natalie na pagbibigyan agad ito ng lalaki. Hindi siya sigurado kung gagana ang plano niya, ngunit kailangan niyang subukan. Agad siyang nagmadaling pumunta sa affiliated hospital nila at dumiretso sa VIP ward.Naitulak na ni Natalie ang pinto nang mapagtanto niyang hindi pala siya nakakatok. Ang eksenang bumungad sa kanya ay labis niyang ikinagulat—gustuhin man niyang umalis ay napako na siya sa kinatatayuan.Hindi inakala ni Natalie na naroon din si Mateo. Nagulat din ang dalawa sa pagdating niya. Pero mabilis na iniwas ni Mateo ang paningin mula sa kanya. Nakaupo ito sa tabi ng kama ni Irene, habang binabalatan ang isang mansana
Nang makaalis na si Mateo, nawala na din ang ngiti sa labi ni Irene. Agad itong napalitan ng malalim na kunot sa noo. Napakaraming tanong ang naglaro sa isipan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ni Mateo na makulong si Chandon. Gustuhin man niyang isipin na ginagawa ito ng lalaki para makamit ang hustisya para sa kanya—hindi niya magawa. May bahagi sa utak niya na nagsasabing may mas malalim na dahilan si Mateo. Alam na nito marahil na malapit na magkaibigan sina Natalie at Chandon. May mga pagkakataon namang mabait si Mateo kay Natalie kaya hindi niya maunawaan kung bakit wala ni katiting na konsiderasyon at awa ngayon ang lalaki. Marahil ay may nagawa itong hindi kapata-patawad. Kaya ganoon na lang ang galit ni Mateo kay Natalie. Pabor ito sa kanya. “Ha. Kapag sinuswerte ka nga naman. Mukhang ubos na ang maliligayang araw mo, Natalie.” Kinuha ni Irene ang mga nahiwang prutas na inihanda ni Mateo para sa kanya kanina. Pumili siya ng mapulang
Nawalan na ng gana si Mateo na bumalik sa opisina. Alam niyang sa kalagayan niya ngayon ay malaki ang tsansang mabubulyawan lang niya ang lahat ng makakasalamuha niya doon. Para maiwasan ito, napagpasyahan niyang umuwi na sa Antipolo. Tahimik ang bahay at dahil hapon na ay ang buong akala niya ay nasa kwarto ang lolo niya at nagpapahinga. Pagpasok na pagpasok niya sa sala, agad siyang sinalubong ng tanong ng lolo niya. “Ah. Nandito ka na pala. Si Natalie?” Hindi sumagot si Mateo at akmang aakyat na sana sa itaas. Bawat galaw niya ay kabisado ng matanda kaya agad nitong nabasa na may problema ang dalawa. Ang pag-iwas ni Mateo ay higit pa sa sagot na kailangan nitong marinig. “Nasaan siya? Mag-isa ka bang umuwi?” Tanong muli ni Antonio sa apo. Mula sa pagkakaupo nito sa paboritong silya sa sala ay tumayo ito. Maagap namang umalalay sa kanya si Manong Ben. Kahit na may tungkod itong gamit ay hindi ito naging dahilan para mabilis itong lumapit kay Mateo. Nakatitig sa kanya ang ma
“Kailangan kong pumunta!” Matigas at walang pagdadalawang-isip ang boses ni Mateo. Napatigil siya sandali bago nagdagdag, “sinasabi ko sayo ito dahil kailangan mo akong pagtakpan kay Lolo.”Alam ni Antonio na magkasama silang dalawa at kung makakarating sa matanda na iniwan niya si Natalie para puntahan si Irene, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan. Nangako siya sa lolo niya at kung susuwayin na naman niya ito, hindi niya alam kung mapapatawad pa siya ng matanda. Ngunit importante din ang kailangan niyang puntahan.“Si Alex na ang maghahatid sayo.”Nanikip ang dibdib ni Natalie. Isang malalim at hindi maiwasang pakiramdam ng kawalang-magawa ang lumukob sa kanya. Kilala niya si Mateo, kapag nagpasya na itong umalis, wala na siyang magagawa para pigilan pa ito.Kaya sa halip, hindi na siya lumaban pa o nakipagtalo. Isa iyong tahimik na pagtanggap. Nakatigil na ang kotse kaya bumaba na lang siya.Nagkuyom ang mga kamao ni Mateo. Tumigil siya sandali---isang segundo lang at pagkat
Isang tawag lang naman---hindi mahirap gawin. Wala namang mawawala sa kanya kung tatawagan niya ang lalaki. Tumulong na din naman siya, lulubus-lubusin na niya.Naiwan raw ni Janet ang telepono niya kanina dahil sa pagmamadali. Naiintindihan niya iyon. Sa oras ng emergency, napakaraming mga bagay ang nakakalimutan. Wala ring binigay na paliwanag si Janet sa nangyari sa anak kaya hindi na rin nagtanong pa si Drake. Tinawagan na niya si Mateo.**Sa mga sandaling iyon, nasa ospital sina Mateo at Natalie para bisitahin si Antonio. Maaga pa lang ay ipinatawag na sila nito para paalalahan na kailangan silang makausap nito. Naroon din si Ben, nasa gilid ito ng kama ng matanda. May hawak itong kalendaryo na tinitingnan ni Antonio. Abalang-abala ang dalawa nang pumasok sina Mateo sa loob ng silid.Nang makita ang dalawa, agad na nagliwanag ang mukha ng matandang lalaki. “Ah, tamang-tama ang dating ninyo,” itinaas nito ang hawak na kalendaryo. “Tinitingnan ko na ang mga petsa. Actually, kami n
“Saan niyo ako dadalhin?!”Muling binalik ang duct tape sa bibig niya para hindi na siya magtangkang sumigaw pa. Pakiramdam ni Irene, bawat bahagi ng katawan niya ay masakit. Nahihirapan siyang huminga at hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa pinaghalong takot at kirot.Nag-aapoy ang kanyang lalamunan, pero kahit anong pilit niya, walang boses na lumalabas sa kanya. Pinipiga ng tape ang kanyang paghinga. Wala na rin siyang ideya kung gaano katagal na silang bumabyahe.Ang dilim sa labas ng bintana ng van ay tila walang katapusan, at tanging ang papalit-palit na liwanag ng mga street lights lang ang nakikita niya.Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ni Irene.Hindi pwedeng dito na lang matapos ang buhay niya. Kahit hindi sinabi ng dalawang lalaki, alam niyang hawak nila ang buhay niya at pwedeng magbago ang isip nila at imbis na pakawalan siya, baka patayin na lang siya. Kailangan niyang mag-isip at makahanap ng paraan para mabuhay.Hindi pa siya nakakabuo ng maayos na plano, tumigil
Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or
Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala
Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw
Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon
Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa
“Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r