Hindi pa rin makapaniwala ang manager at staff sa nangyayari. “Mrs. Garcia?” Lumapit ang manager na may hawak na mga disenyo sa kanyang mga braso. “Handa na po ang mga disenyo. Gusto niyo po bang maupo para maipaliwanag ko sa inyo ang mga ito?” tanong niya, may halong propesyonalismo at pag-aalala sa boses. “Hindi na kailangan.” Umiling ng bahagya si Natalie. “May kailangan din akong asikasuhin. Kaya mabilis lang ito.” “Ho? Hindi ko po kayo maintindihan.” Napatigil sa gulat ang manager. Hindi ito pwedeng mangyari iyon.Mukhang hindi nasisiyahan si Mrs. Garcia sa serbisyo nila. Isa si Mateo Garcia sa mga VIP client nila at malaking pasasalamat nila na sila ang napili nitong gumawa ng susuotin nila sa araw ng kasal nila at kung aalis ang mapapangasawa nito ng hindi man lang tumitingin sa mga disenyo, baka mawala ang trabaho ng manager dahil sa galit ng kanyang amo. “Mrs. Garcia, mayroon po ba kaming nagawang hindi ninyo nagustuhan? Patawarin niyo po kami kung—” “Hindi, wala nam
‘Sigurado ka ba? Hindi ka nakialam?’ Bahagyang yumuko si Irene, ang gilid ng kanyang labi ay bahagyang napangiti. Maingat niyang tina-type ang kanyang sagot. Mabilis namang nagreply si Ed sa mensahe niya. ‘Oo naman, hindi ako nakialam. Sinigurado ko na walang koneksyon ang paparazzi na kinuha ko para sigurado. Parang hindi mo ako kilala.’ Nagtatalon ang puso ni Irene. ‘Good job, Ed! Maasahan ka talaga. At dahil dyan, may bonus ka.’ Ibinaba n ani Irene ang telepono at sumandal sa upuan, dinadama niya ang bihirang katahimikan na bumalot sa kanya. Pagdating nila sa bahay nila muling binuhat ni Mateo si Irene mula sa sasakyan. Dumiretso siya sa pintuan at agad na umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kwarto nito. Sumunod naman si Janet sa likuran niya. “Ay, Mateo, tulungan na kita.” “Hindi na kailangan.” Mariing umiling si Mateo. Maingat niyang inihiga si Irene sa kama at siya mismo ang nag-ayos ang kumot, at sinigurong komportable ang babae sa pagkakahiga. “Auntie,
Hindi kailanman nagsinungaling si Drake sa kanya, at madali para kay Natalie na isipin kung paano ito naghintay ng walang pagod, araw-araw at umasang makita siya. Ang sakripisyo at pasensya nito ay bahagyang nagpalambot ng kanyang puso. May mga bagay na kailangang pag-usapan nila kaya malumanay niyang sinabi, “Nagugutom ako, tsaka oras na din para kumain. Gusto mo, mag-dinner tayo?” Agad na lumiwanag ang mukha ni Drake sa tuwa. “Sige ba!” Sa simpleng karinderya lang sana gusto ni Natalie kumain ng hapunan pero nagpumilit si Drake na sa isang fastfood chain na lang sila kumain para makapag-usap sila. Inorder din niya ang alam niyang mga paborito nitong pagkain. Nang dumating ang mga pagkain, nakayuko na si Natalie at pilit na pinipigilan ang mga luhang nagbabantang tumulo mula sa kanyang mga mata. Nag-vibrate ang kanyang telepono, ngunit matapos sulyapan, iniwan niya ito sa tabi. “Hindi mo ba sasagutin?” tanong ni Drake matapos ang saglit na katahimikan. “Huwag na,” sagot ni
“Ano’ng nangyayari?” Mabilis ang tibok ng puso ni Natalie at basang-basa siya ng malamig na pawis—ito ang mga tipikal na sintomas ng hypoglycemia. Karaniwan, lumalabas lang ito kapag hindi siya nakakakain, ngunit ngayon ay tila mas malala.Siguro dahil sa pagbubuntis, naisip niya. Nakaupo siya sa isang upuan. Alam na ni Drake ang tungkol sa kanyang hypoglycemia mula noon kaya agad itong kumuha ng kendi mula sa bulsa. Nagulat si Natalie dahil may dala pa din itong kendi gaya ng nakagawian nila. “Nat, kainin mo ito.” Maingat na binuksan ni Drake ang kendi at iniabot ito sa kanyang labi. Tinanggap niya ito at agad na nakaramdam ng ginhawa. Pinawi ng tamis ng kendi ang pait ng damdamin niya. “S-salamat…” “Mas mabuti na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Drake, hinihilot pa nito ang braso niya at ang bawat kilos nito ay puno ng malasakit. Ngunit mas malala ito kaysa dati. Umiling si Natalie. Ramdam pa rin niya ang panghihina. Nang walang ano-ano ay binuhat siya ni Drake na parang w
Walang masagot si Natalie. Ngunit ang mga salitang iyon ni Drake ay tila langis na binuhos sa umaapoy na galit ni Mateo. Lumamig ang kanyang tingin at kahit na ang kanyang boses ay nanatiling normal, may bahid iyon ng pag-aalinlangan. “Bakit hindi mo sagutin, Natalie? May tanong sayo si Mr. Pascual. Bakit hindi ka sumasagot? Medyo bastos yata iyon, hindi ba?” Hindi maikakaila ang pang-uuyam sa kanyang tono. Nanigas ang mukha ni Natalie at lumingon kay Drake at malamig na sinabi, “Ayos na ako. Salamat sa paghatid mo sa akin. Pwede ka nang umalis.” “Natalie…” hindi pinansin ni Drake ang malamig niyang pagtataboy. Dumilim ang kanyang ekspresyon at hindi siya nagpadaig. “Sabihin mo sa akin—masaya ka ba sa kanya?” Muling tumahimik ang kwartong iyon. Muli, walang sinabi Natalie, ngunit ang kawalan ng sagot niya ay nagsabi na ng lahat. Hindi kailangan ni Drake ng kumpirmasyon para maintindihan iyon—hindi siya masaya. Kilalang-kilala niya si Natalie, mahal na mahal niya ito sa loob
Pagkatapos magsalita, muling humiga si Natalie. “Nasabi ko na ang lahat ng kailangan kong sabihin. Gusto ko lang magpahinga ngayon.” Ngunit hindi siya basta-basta tinantanan ni Mateo. Matalim ang tingin nito sa kanya, matigas at hindi natitinag. Nang muli itong magsalita, puno ito ng malamig na pang-uuyam. “Ang pagiging patas ba para sayo ay hindi ko na dapat inaalam kung sinu-sino ang mga lalaking kinikita mo, tulad ng sinasabi mong hindi ka nakikialam sa mga babaeng kasama ko? Sinasabi mo bang pikit-mata na lang akong manonood habang naglalambingan kayo ng ibang lalaki? Iyon ba?” Natigilan si Natalie sa gulat. Iba ang pagkakaunawa nito sa pagkakasabi niya. Kung sa bagay, sa mata ni Mateo, ganoong klase ng babae siya. Nakaramdam siya ng matinding kirot sa puso sa isiping iyon. Bago pa siya makasagot, nagpatuloy na muli si Mateo, tumataas ang boses na puno ng awtoridad. “Kung iyon ang gusto mo, ngayon pa lang, sinasabi ko na sayo na hinding-hindi ako papayag! Sinabi ko ng hindi k
Ang sampal ni iyon ay hindi masakit sa pisikal, ngunit ito ang nagpaalab sa galit na matagal ng itinatago ni Mateo. Sa loob ng dalawang araw, binabagabag siya ng pagbubuntis ni Irene at ang mahirap na desisyon na kaakibat nito. Alam niya sa kaibuturan ng puso niya na hindi niya kayang bitawan si Natalie. Ngunit may kasalanan din naman si Natalie. Tumanggi itong pumili ng wedding dress at nakipagkita pa sa dating kasintahan. Higit sa lahat, walang ipinakitang malasakit sa kanya. Ang pagmamahal niya dito tila isang biro lang. Mas nanaig ang galit niya kaysa sa lohika. Yumuko si Mateo at mariing hinalikan si Natalie kahit na ayaw pa nito. “Ano ba, tigilan mo—mmph…” Nagpupumiglas si Natalie, ang mga sigaw niya ay napipi sa ilalim ng kanyang halik, ngunit hindi siya pinansin ni Mateo. Lalo lang nitong pinalakas ang determinasyon na magawa ang gusto niya. Nang matapos ito, nakahiga pa rin si Natalie at walang buhay na nakatingin sa kisame. Ang mga luha sa kanyang pisngi ay natuyo n
“Wow.” Pagpasok ni Leo sa kwarto, agad siyang kumaway kay Ivan. “Buksan mo ang mga bintana, bilis. Sigurado ba kayong ospital pa ang lugar na ito? Dinaig pa ang club sa usok, eh.” Napatitig siya sa ashtray sa ibabaw ng mesa, punong-puno ng upos ng sigarilyo ito. Malinaw na indikasyon na hindi tumigil si Mateo sa paninigarilyo. Nang itinuon ni Leo ang kanyang tingin sa kaibigan, halos ayaw nitong salubungin ang mga titig niya. Puno ng panunuya ang ekspresyon ni Leo. “Hoy, Mateo. Sinisira mo ba ang sarili mong kalusugan? Nawawala lang siya ng pansamantala, pero parang katapusan na ng mundo para sayo. Malay mo naman, lumabas lang si Natalie saglit.” Tahimik si Mateo. Dahan-dahan siyang bumuga ng usok at sumandal sa kanyang upuan, isang bihirang tagpo para sa isang taong laging kalmado at maayos ang kilos. Naging seryoso si Leo at nawala ang mapaglaro niyang tono. Umupo siya sa tapat ng kaibigan. “Ano ang ginawa mo sa kanya? Sabi ni Ivan, hindi raw maganda ang kalagayan niya.” Ib
“Kailangan kong pumunta!” Matigas at walang pagdadalawang-isip ang boses ni Mateo. Napatigil siya sandali bago nagdagdag, “sinasabi ko sayo ito dahil kailangan mo akong pagtakpan kay Lolo.”Alam ni Antonio na magkasama silang dalawa at kung makakarating sa matanda na iniwan niya si Natalie para puntahan si Irene, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan. Nangako siya sa lolo niya at kung susuwayin na naman niya ito, hindi niya alam kung mapapatawad pa siya ng matanda. Ngunit importante din ang kailangan niyang puntahan.“Si Alex na ang maghahatid sayo.”Nanikip ang dibdib ni Natalie. Isang malalim at hindi maiwasang pakiramdam ng kawalang-magawa ang lumukob sa kanya. Kilala niya si Mateo, kapag nagpasya na itong umalis, wala na siyang magagawa para pigilan pa ito.Kaya sa halip, hindi na siya lumaban pa o nakipagtalo. Isa iyong tahimik na pagtanggap. Nakatigil na ang kotse kaya bumaba na lang siya.Nagkuyom ang mga kamao ni Mateo. Tumigil siya sandali---isang segundo lang at pagkat
Isang tawag lang naman---hindi mahirap gawin. Wala namang mawawala sa kanya kung tatawagan niya ang lalaki. Tumulong na din naman siya, lulubus-lubusin na niya.Naiwan raw ni Janet ang telepono niya kanina dahil sa pagmamadali. Naiintindihan niya iyon. Sa oras ng emergency, napakaraming mga bagay ang nakakalimutan. Wala ring binigay na paliwanag si Janet sa nangyari sa anak kaya hindi na rin nagtanong pa si Drake. Tinawagan na niya si Mateo.**Sa mga sandaling iyon, nasa ospital sina Mateo at Natalie para bisitahin si Antonio. Maaga pa lang ay ipinatawag na sila nito para paalalahan na kailangan silang makausap nito. Naroon din si Ben, nasa gilid ito ng kama ng matanda. May hawak itong kalendaryo na tinitingnan ni Antonio. Abalang-abala ang dalawa nang pumasok sina Mateo sa loob ng silid.Nang makita ang dalawa, agad na nagliwanag ang mukha ng matandang lalaki. “Ah, tamang-tama ang dating ninyo,” itinaas nito ang hawak na kalendaryo. “Tinitingnan ko na ang mga petsa. Actually, kami n
“Saan niyo ako dadalhin?!”Muling binalik ang duct tape sa bibig niya para hindi na siya magtangkang sumigaw pa. Pakiramdam ni Irene, bawat bahagi ng katawan niya ay masakit. Nahihirapan siyang huminga at hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa pinaghalong takot at kirot.Nag-aapoy ang kanyang lalamunan, pero kahit anong pilit niya, walang boses na lumalabas sa kanya. Pinipiga ng tape ang kanyang paghinga. Wala na rin siyang ideya kung gaano katagal na silang bumabyahe.Ang dilim sa labas ng bintana ng van ay tila walang katapusan, at tanging ang papalit-palit na liwanag ng mga street lights lang ang nakikita niya.Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ni Irene.Hindi pwedeng dito na lang matapos ang buhay niya. Kahit hindi sinabi ng dalawang lalaki, alam niyang hawak nila ang buhay niya at pwedeng magbago ang isip nila at imbis na pakawalan siya, baka patayin na lang siya. Kailangan niyang mag-isip at makahanap ng paraan para mabuhay.Hindi pa siya nakakabuo ng maayos na plano, tumigil
Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or
Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala
Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw
Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon
Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa
“Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r