Share

KABANATA 214

Penulis: Lin Kong
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-24 14:06:41

Nasa 40 mahigit pa lamang si Amanda Pascual—isa siyang masiglang babae at matibay na ilaw ng tahanan. Kaya naman para Drake, isang dagok ang malamang may karamdaman ang ina. Parang isa itong madilim na ulap na biglang bumalot sa pamilya nila ng walang babala.

Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. “Dad, ano pong sabi ng doktor? Gaano kalala ang kondisyon ni mommy?”

Umiling si Felix, bakas sa mukha ng ama ang tindi ng pagod at pangamba. “Hindi pa nila alam talaga, Drake. Kailangan pa ng maraming pagsusuri, pagkatapos, sasailalim si Amanda sa biopsy. Doon pa lang makukumpirma ang resulta pagkatapos ng mga iyon.”

Tila mabigat na bato ang nakapatong sa dibdib ni Drake. Ang walang katiyakan ng mga salitang iyon ay hindi niya inaasahan. Pareho silang natahimik ng ama, pareho silang puno ng hindi masabing takot at pag-aalala.

“Sige na, anak. Pumasok ka sa loob, samahan mo ang mommy mo,” utos ni Felix sa anak. Tinapik pa niya ang braso ng anak bilang pampalakas-loob.

“Pwede
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (43)
goodnovel comment avatar
Joy Moriente
sino kaya yung bumisita sa nanay ni drake hay Natalie Sana happy ending ang love life mo...️...️...️
goodnovel comment avatar
Chineta geromiano Roscales
Ha ha ... na Luka c author report nlng
goodnovel comment avatar
Chineta geromiano Roscales
Ha ha author Hindi pa Nga na tpos kuna nat at mateo Ang story Kay drake nman nko parang iba iba kna mg isip bigyan kita ng clue pina imbestigahan ne lolo ne Mateo c Nat Kaya Alam na c Mateo Ang tatay ng anak at Sbihin Kay Mateo okay para mga Gotz nman Ang work ko nka bored na or report
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 483

    Napatingin Natalie sa flyer na hawak niya. Tinitigan niya iyon ng maigi. Bukod sa mga kinalat na flyers, may mga ganoon din. Kung sino man ang may pakana ng paglabas ng lahat ng iyon ay may budget. Ang hinala niya, maaaring ang isa sa mga legal na asawa. Tinitigan niya iyon ng maigi. Sa totoo lang, ‘yung mga lalaki ni Dr. Yu—hindi naman sila pangit. Masama lang ang ginawa niya, pero kahit papaano, maganda ang panlasa niya. Masasabi niyang may taste ito sa mga lalaki.Binubuklat pa lang niya ang mga pahina ng biglang may anino sa harap niya—ipinikit niya ang mga mata, hindi siya handa sa presensya nito pero amoy mint at cologne… alam na agad niya kung sino ‘yon kahit na hindi pa siya magtaas ng tingin.Ang buong akala ni Natalie, malilibre ang araw niya dahil hindi nagparamdam sa kanya ang lalaki simula kagabi ng ihatid siya nito sa apartment unit ni Nilly. Nakahinga siya ng maluwag sa pag-aakalang, naintindihan din nito sa wakas na tapos na siya.Pero narito ito ulit.Inagaw nito ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 482

    Pagkatapos nilang kumain, tulad ng napagkasunduan nila, inihatid ni Mateo si Natalie sa apartment complex ni Nilly. Gaya ng bilin ng asawa kanina, nauna ng naihatid ni Alex ang mga gamit niya doon.“Nandito na tayo. Aakyat na ako,” paalam ni Natalie, kalmadong kumaway habang patungo sa hagdan patungo sa main entrance ng gusali.Ngunit bigla, may humawak sa kamay niya. Diretsong nakatingin si Mateo sa kanya, walang ekspresyon sa mukha habang nagsasalita. “Sandali lang. Lumang building ito. Sira ang ilaw sa hagdanan. Malamang haggang pasilyo ng floor niyo at wala kayong elevator dito. Paano kung matapilok ka?”Maingat at maalalahanin ito. Pero sa sitwasyon nilang dalawa, kailangan pa ba ito? Hindi na nag-abalang makipagtalo pa si Natalie. Bahala na ang lalaki kung ano ang gusto niyang gawin.Umaasa si Natalie na sana dumating din ang panahon na maiintindihan nito na—hindi ito pagpapakipot lang at hindi ito isang simpleng kaso ng pagseselos. Totoong tapos na siya.**Kinabukasan, tambak

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 481

    Unti-unti nang nabasag ang maingat na pagpipigil ni Mateo. Humalukipkip siya. “Ikaw yata ang hindi nakakaintindi,” aniya sa madiing tono. “Kahit ano pa ang nangyari, wala ‘yun sa pagitan nating dalawa. Walang magbabago at walang nagbago.”“Talaga lang? nasobrahan naman sa pagiging delusyunal ang lalaking ito.” “Baka sayo, oo,” sagot ni Natalie, ang mga labi niya ay nakasimangot. “Pero iba ang tama ng nangyaring iyon sa akin. Aaminin ko—isa kang mabuting tao. Minahal kita. At sa isang punto, magiging ipokrito ako kung hindi ko sasabihin na pinangarap ko pa nga ang isang buhay kasama ka.”“Maganda 'yan.” Dumilim ang mga mata ni Mateo habang tinititigan siya. “Ipagpatuloy mo ang pangarap na ‘yan dahil tutuparin natin ‘yan.”Umiling si Natalie ng dahan-dahan, magaan pero matatag ang tono niya. “Pero bumitaw na ako. Mabuti pang hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong maniwala at mangarap na posible ‘yon.”“Natalie, hindi mo kailangan bumitaw.” Humina ang boses ni Mateo at inabot niya an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 480

    “Dr. Yu, hindi po ‘yon ang ibig kong sabihin...mali po yata ang pagkakaunawa ninyo sa sinabi ko…” pilit na nagpaliwanag si Natalie. Hindi nga sila magka-team ni Dr. Yu—ni hindi niya alam kung sino ang mga pasyenteng hawak nito. Paano niya aayusin ang mga medical records gaya ng inuutos nito sa kanya?“Pwede ba? Tigilan mo nga ‘yang mga rason mo! Wala akong pakialam kung malapit ka sa direktor ng ospital na ito o kung sino ang napangasawa mo.” Inilapat ni Dr. Yu ang mga file sa kamay niya. “Ayusin mo na lang ‘yan! Tigilan mo mga palusot dahil hindi bebenta sa akin ‘yan! Kahit na pagbali-baliktarin mo ang mundo, senior ako at kaya kong utusan ka! May lakad pa ako! pagbalik ko, dapat tapos na ‘yan!”“Sandali lang po, Dr. Yu—”Pero hindi na lumingon ang babae. Lumabas na siya ng opisina dahil naipasa na niya ang trabaho sa iba. Naiwang nakatayo si Natalie doon, hawak ang mga file, litong-lito. Pero ano pa bang magagawa niya? Wala—tinanggap na lang niya ito.Saktong tumunog ang cellphone n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 479

    Habang nagsasalita, sinulyapan ni Natalie si Tomas. Tila sinisiyasat kung tama ang hinala niya. Nanigas si Tomas, halatang gusto na lang lumubog sa lupa dahil napunta siya sa isang alanganing sitwasyon.Gustuhin man niyang itanggi, pero ang hiya sa mukha niya ang nagsabi ng lahat—tama ang hinala nito.“Sige na, pumunta ka na sa kanya,” sabi ni Natalie habang kinukuha ang bag mula sa sofa. “Kailangan ko ng bumalik sa department ko.”“Sandali, Natalie!” Agad hinawakan ni Mateo ang pulso niya, ayaw siyang paalisin. “Galit ka ba?”“May saysay ba ang tanong na ’yan?” Malamig na sagot ni Natalie. “Kung sabihin kong galit ako, mapipigilan ba ng galit ko ang pagpunta mo sa kanya?”“Nat…” wala siyang maisagot. “Masama lang talaga ang kalagayan ni Irene ngayon…sana maunawaan mo…”“Alam ko,” sagot niyang walang emosyon. “Kaya nga hindi kita pinipigilang puntahan siya.” Maingat niyang inalis ang kamay ng lalaki sa pulso niya. “Ang tanong ko ay theoretical. Hindi ‘yon utos. Bukod pa doon, may traba

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 478

    Natigilan si Mateo. Parang nilaslas ang puso niya ng isang mabangis na pusa—malalim, sugat-sugat na ito, at dumudugo.Masakit. Masakit na masakit. Ilang beses na siyang napagsalitaan ng maanghang ni Natalie ngunit ito na yata ang pinakatumagos sa kanya. Nanigas ang gwapo niyang mukha sa tensyon, pero pinilit pa rin niyang ngumiti. “Paano mo nasabi na sayang ang oras ko kung mahal ko ang sarili kong asawa? Habang ikaw ang asawa ko, hindi ka makakatakas sa akin at sa pagmamahal ko. Kaya mas mabuti pang paghandaan mo na.”“Ganoon ba?” Ngumiti si Natalie, mapanukso. “Sige. Wala naman akong talo dito.” Pagkatapos, binago na niya ang usapan. “Tuyo na ba ang buhok ko? Matutulog na ako.”“Oo, tuyo na,” sagot ni Mateo habang iniaalis ang tuwalya sa buhok niya. Bigla-bigla, binuhat niya ang babae ng walang pasintabi.“Anong ginagawa mo? Hindi mo ba iniisip ang braso mo? Didikit ang sugat sa benda! Dudugo ‘yan!” Gulat na bulalas ni Natalie.May sugat pa si Mateo at hindi ito dapat nagbubuhat dah

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status