Share

KABANATA 259

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-03-05 18:53:31

Umalab ang galit ni Mateo, ang hawak niya sa kahon ng cake ay lalong humigpit, halos masira na ito. Ang matalim niyang tingin ay sinalubong ang matapang na tingin ni Natalie. Ang bawat hibla ng kanyang kalamnan ay puno ng tensyon.

“Paano kung sirain ko ‘to? Kung itapon ko’ to?”

Hindi natinag si Natalie kahit pa katakot-takot na ang ekspresyon sa mukha ng kausap. “Inuulit ko, akin na ang cake na ‘yan. Ibigay mo sa akin. Hindi ako nagbibiro.”

Ang pinapakita nitong tapang ay lalo lang nagpaningas ng galit ni Mateo. “Bakit? Bakit napakahalaga ng cake na ito para sayo, Natalie?”

Ang katanungang iyon ay dumagdag lamang sa napakaraming tanong niya. Hindi niya maiwasang isipin na niloko siya---hindi lang ni Natalie kundi ng buong sitwasyon. Isang mapait na tawa ang tumakas mula sa mga labi ni Mateo habang lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kahon.

“Mukha bang nagbibiro rin ako? Malalaman natin ngayon kung gaano kahalaga sayo ang cake na ‘to.”

Pagkatapos ideklara iyon, sa pamamagitan ng i
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (51)
goodnovel comment avatar
Yolanda Pusing
Diba Natividad din si Natalie Di ba naisip ni mateo yun, tanga nman
goodnovel comment avatar
Shielane Batua Nandog Abas
nakakainis na..sayang ang gems ko nd ko maibigay kc masyadong tanga ang mga karakter..
goodnovel comment avatar
Kurtmalou Villacacan
ang tagal lumaki ng tyan ni Nat, di gawin ipa embistiga ni mateo buhay ni nat at Irene. kelan ggraduate c nat? anu na author ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 482

    Pagkatapos nilang kumain, tulad ng napagkasunduan nila, inihatid ni Mateo si Natalie sa apartment complex ni Nilly. Gaya ng bilin ng asawa kanina, nauna ng naihatid ni Alex ang mga gamit niya doon.“Nandito na tayo. Aakyat na ako,” paalam ni Natalie, kalmadong kumaway habang patungo sa hagdan patungo sa main entrance ng gusali.Ngunit bigla, may humawak sa kamay niya. Diretsong nakatingin si Mateo sa kanya, walang ekspresyon sa mukha habang nagsasalita. “Sandali lang. Lumang building ito. Sira ang ilaw sa hagdanan. Malamang haggang pasilyo ng floor niyo at wala kayong elevator dito. Paano kung matapilok ka?”Maingat at maalalahanin ito. Pero sa sitwasyon nilang dalawa, kailangan pa ba ito? Hindi na nag-abalang makipagtalo pa si Natalie. Bahala na ang lalaki kung ano ang gusto niyang gawin.Umaasa si Natalie na sana dumating din ang panahon na maiintindihan nito na—hindi ito pagpapakipot lang at hindi ito isang simpleng kaso ng pagseselos. Totoong tapos na siya.**Kinabukasan, tambak

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 481

    Unti-unti nang nabasag ang maingat na pagpipigil ni Mateo. Humalukipkip siya. “Ikaw yata ang hindi nakakaintindi,” aniya sa madiing tono. “Kahit ano pa ang nangyari, wala ‘yun sa pagitan nating dalawa. Walang magbabago at walang nagbago.”“Talaga lang? nasobrahan naman sa pagiging delusyunal ang lalaking ito.” “Baka sayo, oo,” sagot ni Natalie, ang mga labi niya ay nakasimangot. “Pero iba ang tama ng nangyaring iyon sa akin. Aaminin ko—isa kang mabuting tao. Minahal kita. At sa isang punto, magiging ipokrito ako kung hindi ko sasabihin na pinangarap ko pa nga ang isang buhay kasama ka.”“Maganda 'yan.” Dumilim ang mga mata ni Mateo habang tinititigan siya. “Ipagpatuloy mo ang pangarap na ‘yan dahil tutuparin natin ‘yan.”Umiling si Natalie ng dahan-dahan, magaan pero matatag ang tono niya. “Pero bumitaw na ako. Mabuti pang hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong maniwala at mangarap na posible ‘yon.”“Natalie, hindi mo kailangan bumitaw.” Humina ang boses ni Mateo at inabot niya an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 480

    “Dr. Yu, hindi po ‘yon ang ibig kong sabihin...mali po yata ang pagkakaunawa ninyo sa sinabi ko…” pilit na nagpaliwanag si Natalie. Hindi nga sila magka-team ni Dr. Yu—ni hindi niya alam kung sino ang mga pasyenteng hawak nito. Paano niya aayusin ang mga medical records gaya ng inuutos nito sa kanya?“Pwede ba? Tigilan mo nga ‘yang mga rason mo! Wala akong pakialam kung malapit ka sa direktor ng ospital na ito o kung sino ang napangasawa mo.” Inilapat ni Dr. Yu ang mga file sa kamay niya. “Ayusin mo na lang ‘yan! Tigilan mo mga palusot dahil hindi bebenta sa akin ‘yan! Kahit na pagbali-baliktarin mo ang mundo, senior ako at kaya kong utusan ka! May lakad pa ako! pagbalik ko, dapat tapos na ‘yan!”“Sandali lang po, Dr. Yu—”Pero hindi na lumingon ang babae. Lumabas na siya ng opisina dahil naipasa na niya ang trabaho sa iba. Naiwang nakatayo si Natalie doon, hawak ang mga file, litong-lito. Pero ano pa bang magagawa niya? Wala—tinanggap na lang niya ito.Saktong tumunog ang cellphone n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 479

    Habang nagsasalita, sinulyapan ni Natalie si Tomas. Tila sinisiyasat kung tama ang hinala niya. Nanigas si Tomas, halatang gusto na lang lumubog sa lupa dahil napunta siya sa isang alanganing sitwasyon.Gustuhin man niyang itanggi, pero ang hiya sa mukha niya ang nagsabi ng lahat—tama ang hinala nito.“Sige na, pumunta ka na sa kanya,” sabi ni Natalie habang kinukuha ang bag mula sa sofa. “Kailangan ko ng bumalik sa department ko.”“Sandali, Natalie!” Agad hinawakan ni Mateo ang pulso niya, ayaw siyang paalisin. “Galit ka ba?”“May saysay ba ang tanong na ’yan?” Malamig na sagot ni Natalie. “Kung sabihin kong galit ako, mapipigilan ba ng galit ko ang pagpunta mo sa kanya?”“Nat…” wala siyang maisagot. “Masama lang talaga ang kalagayan ni Irene ngayon…sana maunawaan mo…”“Alam ko,” sagot niyang walang emosyon. “Kaya nga hindi kita pinipigilang puntahan siya.” Maingat niyang inalis ang kamay ng lalaki sa pulso niya. “Ang tanong ko ay theoretical. Hindi ‘yon utos. Bukod pa doon, may traba

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 478

    Natigilan si Mateo. Parang nilaslas ang puso niya ng isang mabangis na pusa—malalim, sugat-sugat na ito, at dumudugo.Masakit. Masakit na masakit. Ilang beses na siyang napagsalitaan ng maanghang ni Natalie ngunit ito na yata ang pinakatumagos sa kanya. Nanigas ang gwapo niyang mukha sa tensyon, pero pinilit pa rin niyang ngumiti. “Paano mo nasabi na sayang ang oras ko kung mahal ko ang sarili kong asawa? Habang ikaw ang asawa ko, hindi ka makakatakas sa akin at sa pagmamahal ko. Kaya mas mabuti pang paghandaan mo na.”“Ganoon ba?” Ngumiti si Natalie, mapanukso. “Sige. Wala naman akong talo dito.” Pagkatapos, binago na niya ang usapan. “Tuyo na ba ang buhok ko? Matutulog na ako.”“Oo, tuyo na,” sagot ni Mateo habang iniaalis ang tuwalya sa buhok niya. Bigla-bigla, binuhat niya ang babae ng walang pasintabi.“Anong ginagawa mo? Hindi mo ba iniisip ang braso mo? Didikit ang sugat sa benda! Dudugo ‘yan!” Gulat na bulalas ni Natalie.May sugat pa si Mateo at hindi ito dapat nagbubuhat dah

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 477

    Hinalikan siya ni Mateo ng mariin—puno ng emosyon, para bang doon niya ibinubuhos ang lahat ng kanyang inis at galit na nararamdaman mula sa malamig niyang pagtrato sa kanya. At pagkatapos, kinagat niya si Natalie—hindi sobrang lakas, pero sapat para iparating ang punto niya.Masama na nga ang loob ni Natalie, lalo pang uminit ang ulo niya sa kagat na ‘yon. Bumuwelta siya—hindi siya papayag na hindi rin makaganti sa ginawa nito sa kanya—kaya kinagat din niya si Mateo, pero hindi banayad, kundi mas madiin, mas mabagsik. Sapat para ipakita ang punto niya.Kung ang kagat ng lalaki ay isang babala, ang sa kanya ay isang buo at totoong parusa. Ang intensyon niya ay makasakit talaga ng pisikal dahil inunahan siya.“Ugh—” napaungol si Mateo sa sakit, napasinghap, pero hindi pa rin bumitaw. Sa halip, lalo pang naging mapusok ang halik niya.“Nababaliw na ba siya? Imbes na bumitaw…lalo pa yatang ginanahan.” Galit na galit na si Natalie. Habang lalo siyang hinahalikan nito, lalo niyang kinagat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status