Share

KABANATA 197

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-12-27 16:13:58
Nanatiling matigas si Natalie sa yakap ni Mateo, ang kanyang mga kamay nakalaylay lamang sa kanyang tagiliran. Hindi niya tinutugunan ang yakap, ngunit mahina siyang tumawa.

Mahinahon niyang sinabi na, “sige. Tinatanggap ko na ang paghingi mo ng tawad.”

Kahit labag sa kanyang kalooban, pinilit ni Mateo na bitawan siya. Iyon na ang huling yakap nila. Pagkatapos ay hindi na muling mangyayari iyon.

“Nat,” muling simula niya, ang boses niya ay kalmado ngunit ang kanyang puso’y hindi mapakali. “Tungkol sa alimony… Ang bahay sa Antipolo ay ililipat sa pangalan mo. May kasamang pera at iba pang mga ari-arian—”

“Haha!” Natawa ulit si Natalie.

Si Mateo naman ngayon ang nagtaka. “Ano’ng nakakatawa?”

“Pasensya na,” sabi niya. Pinipigilan nitong huwag tumawa. “Hindi ko lang inaasahan na magkakaroon ng alimony. Hindi mo kailangan ibigay sa akin ang kahit ano. Tutal, tayo…”

Bigla siyang tumigil, balak sanang sabihin na ang kasal nila ay hindi kailanman nag-ugat sa pagmamahal, kundi sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (53)
goodnovel comment avatar
Nenita Descartin
Ang tagal ba sa katotihanan, nawalan na ako gana magbasa kasi mas pabor sa kintrabida eh.
goodnovel comment avatar
emma dequiña
nabbwst aqo kc hiwalay n cla n mateo araw araw aqong nkaabay s kwnto nla tas ganito lng ung mabbsa q hays nkkaasar hnd mgnd ung kwnto.
goodnovel comment avatar
emma dequiña
hnd magnda ung kwnto hnd mgkkatuloyan ung c mateo at natale at paikot ikot nlng ung kwnto nkkaasar lng at ang haba p hnd pnlumslaki ung kwnto at ung kptd n natale nwla n s story at ung pgbbntis nya hnd nmsn lumalaki tyan nya. hays nqo.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 198

    Umiling si Natalie. “Hindi, hindi pwede.” Natigilan si Mateo, para bang tinusok ang kanyang puso ng karayom. Hindi niya matanggap ang sagot nito sa kanya. “Galit ka ba talaga sa akin?” tanong niya, ang boses niya ay puno ng sakit. “Hindi naman,” mahinang sagot nito at bahagyang tumawa ng mapait. Ang tono niya ay magaan, tila nagpapaliwanag. “Alam mo naman—hindi kami magkasundo ni Irene. Para na rin sa kapakanan mo, mas mabuti kung hindi tayo magkaibigan. Sa totoo lang, mas okay kung hindi na tayo magkikita pa.” Saglit tumigil si Natalie, tsaka nagdagdag, “Kung magkita man tayo, magpanggap na lang tayong hindi magkakilala.” Mahinang kumaway siya. “Paalam, Mateo.” “...s-sige,” sagot ni Mateo, bagama’t tila nakabara sa kanyang lalamunan ang salitang iyon. Nanatili siyang nakatayo, nakatanaw habang umaalis si Natalie ng walang alinlangan. Inasahan niyang ganito ang kalalabasan, ngunit hindi niya inakala na aalis siya ng ganoon kabilis, ganoon katatag. May bahagi sa kanya na gusto

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 199 

    Mabilis na lumapit si Natalie sa kanyang ama, ngunit huminto siya para may sadyang agwat sa pagitan nila. “Ano ang kailangan mo?” malamig niyang tanong. “Wala, wala…” natatawang sagot ni Rigor, halatang kinakabahan. Inabot niya ang dalang bag sa anak. “Bumili ako ng mga paborito mong meryenda. Tanggapin mo sana.” Ayaw sanang kunin ni Natalie, ngunit mapilit si Rigor. Ipinilit nito ang bag sa kanyang mga kamay. Maraming taong abala sa paligid, kaya’t ayaw ni Natalie ng eksena. Sa huli, napilitan siyang tanggapin ito. “Mga meryenda lang naman, bulong niya sa sarili. “Wala naman sigurong masama.” Kitang-kita ang ginhawa sa mukha ni Rigor ng tanggapin niya ang bag. Ngumiti ito nang malapad habang mabusising tinitigan si Natalie. “Ang payat mo na. Kailangan mong kumain ng maayos. Nag-aaral ka pa para sa mga pagsusulit, tama? Huwag kang magpapagod—” “Tama na.” Hindi na kinaya ni Natalie. Pinutol niya ang sinasabi nito sa mabagsik na tono, ang ngiti sa kanyang mukha’y puno ng pang

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 200

    Nagkibit-balikat si Natalie. Namangha siya sa reaksyon ng kaibigan. “Wala namang nakakagulat. Tulad ng inaasahan ko, pinili niya si Irene." Ikinuwento niya ng maikli kay Nilly ang naging pag-uusap nila ni Mateo at kung paano ito kakalmado at walang emosyon ang tono. “Iyon nga ang nangyari…tapos na ang lahat.” “Anong karapatan niya?!” biglang sigaw ni Nilly, namumula ang mukha sa galit. “Akala ba niya pwede ka niyang kunin kapag gusto niya at itapon kapag ayaw na? Paano nagagawa ng isang tao na maging ganito kasama?” “Okay lang, Nilly. Tanggap ko naman.” Habang iniisip niya ito, lalo siyang nagagalit. “Hindi ito katanggap-tanggap! Sobra na ito!” “Teka. Saan ka pupunta?” Hinawakan ni Natalie ang braso ni Nilly nang makita niyang papalabas ito. “Para komprontahin siya, syempre!” sagot ni Nilly na para bang ito ang pinaka-normal na bagay na pwede niyang gawin sa mundo. “Akala ba niya, dahil mayaman siya, may karapatan siyang paglaruan ang mga tao ng ganito?” “Hayaan mo na…”

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 201

    Matapos niyang maiiyak ang lahat, kahit papaano ay nakaramdam ng kaunting ginhawa si Natalie. Napagpasyahan niyang maupo sa sopa at tingnan ang mga bagong mga balita para sa araw na iyon. Napalunok siya dahil sa nakitang larawan—ang larawang iyon ay kuha kina Mateo at Irene.Mistulang binagyo ang isipan ni Natalie. “Anong klaseng balita ito? Paano naging balita ang ganitong bagay?” tanong niya sa sarili. Sa pagkakakilala niya kay Mateo, hindi ito ang klase ng tao na gustong nakabalandra ang mukha sa media. Mas gusto nito ang low-profile image nito. Kung tutuusin ay hindi na nito kailangang maipalabas sa mga balita para lamang makilala dahil maituturing na institusyon na ang mga Garcia sa buong bansa. Ang mga mayayamang tao gaya nila ay hindi kailanman nanaising lumabas sa mga balita lalo na sa mga ganitong klase ng romantikong eskandalo. Imposible, pero nakalantad nga ang larawang iyon sa buong internet at sa buong mundo.Naiinis si Natalie, iisa lang ang paliwanag kung bakit iyo

    Last Updated : 2025-01-17
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 202

    “Gusto kong malaman kung mas maganda ba kaysa kay Natalie, Mateo. Mas mahinahon at maunawain? Mas maalaga ba ang babaeng artista na iyon kaysa sa asawa mo?! Ano ang pumasok dyan sa kokote mo para gawin mo ito? Hindi kita pinalaki para maging isang salawahang asawa, Mateo!” Dumadagundong ang boses ni Antonio. Hindi pa nasiyahan ay sinabayan pa nito ng matalim na tunog ng pagtama ng kanyang tungkod sa marmol na sahig. Napuno ang sala ng galit at tila bulkan itong malapit ng umabot sa rurok at pumutok.  Tahimik lang at natiling nakatayo lang si Mateo. Ang ulo niya ay nakatungo at hindi niya masalubong ang tingin ng lolo niya habang sinesermonan siya. Ramdam niya na tila sinasakal siya sa tindi ng tensyon sa paligid, napakagulo ng sitwasyon—kasing gulo ng kanyang damdamin ngayon. Dahil sa kawalan ng sagot mula kay Mateo, lalo lamang umigting ang galit ni Antonio. Matalim ang mga titig na tinatapon nito sa kanya. Mahal siya ng lolo niya kaya ang makitang ganito ang pakikitungo sa kanya

    Last Updated : 2025-01-17
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 203

    Sa lahat ng mga napuntahang establisimyento ni Mateo, ang mga ospital na yata ang lugar kung saan hindi natutulog ang mga tao. Lagi itong bukas para sa lahat at kailanman ay hindi ito nagpatay ng mga ilaw. Kahit may liwanag ng araw ay may mga silid itong nakabukas pa din ang ilaw. Ngunit pakiramdam ni Mateo ay nababalot siya ng mabigat at madilim na ulap. Ang tunog ng iba’t-ibang aparato at monitor na nakakabit sa mga pasyente, ang banayad na yapak ng mga nurse—-dinig niyang lahat ng iyon ngunit paulit-ulit pa rin ang alingawngaw ng mga salitang binitawan sa kanya ni Natalie sa kanyang isipan. “Hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan, Mateo. Ayaw na kitang makita. Kung magkikita man tayo, ituturing kita na hindi ko kakilala.”  Ni minsan ay hindi niya akalaing masasaktan siya dahil lang sa mga salitang galing sa isang babae. Nagkamali siya dahil napakasakit pala. Parang punyal itong paulit-ulit na humiwa sa kanyang dibdib at nag-iwan ng isang sugat na hindi gumagaling. Hindi la

    Last Updated : 2025-01-17
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 204

    “Inaamin ko naman, Mateo, eh. Dahil sa hindi ko pag-iingat, lumala ang kondisyon ni lolo,” sabi ni Irene na sinabayan pa ng panginginig ng boses at pagtulo ng luha. “Ganito na lang, sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Gusto mo bang maglabas ako ng pahayag para linawin ang lahat?” Tahimik lang si Mateo sa kinauupuan niya. Naroon pa rin ang simangot sa mukha niya habang iniisip ang bigat ng sitwasyon na kinakaharap niya. Matagal bago ito muling nagsalita. “Hindi na kailangan, tapos na rin naman ang lahat. Pabayaan mo na lang.” “Pabayaan na lang?” Inulit ni Irene ang sinabi ng lalaki para makasigurong tama siya ng dinig. “A-anong ibig mong sabihin sa pabayaan na lang?” “Umalis na si Natalie sa bahay sa Antipolo. Nakapagpasya na ako, paninindigan kita at ang bata.” Natigilan si Irene. Nasapo niya ang sariling bibig sa gulat at para na din mapigilan ang sarili na mapahiyaw sa kagalakan. Nagulat siya sa umpisa pero agad naman niyang naunawaan ang sinabi ni Mateo. Mataga

    Last Updated : 2025-01-17
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 205  

    Alas otso na ng gabi. Biglang tumunog ang telepono ni Natalie. Nang tingnan niya ang screen, nakita niyang si Tomas ang tumatawag sa kanya. Naguguluhan man ay sinagot pa rin niya ang tawag. “Hello?” “Nat, papunta ako dyan sa inyo sa Taguig.” Diretsong sabi nito. “Nasa bahay ka ba?” Nagtaka si Natalie. “Sa Taguig? Bakit mo ako pupuntahan doon, Tomas?” “Inutusan kasi ako ni sir,” agad itong nagpaliwanag. “Si Ben ang nag-empake ng mga naiwan mong gamit, tapos ako naman ang maghahatid dyan sayo. Sabi kasi sa bahay sa Taguig ka titira.” Tumigil ang pagtibok ng puso ni Natalie. Inaasahan na niya ang mangyayari pero iba pa rin pala kapag nangyari na ito. “Ah, ganoon ba. Pero wala ako doon.” “Walang problema,” kalmado ang sagot ni Tomas. “Hihintayin kita.” Wala nang nagawa pa si Natalie, “sige.” Pagkatapos ng tawag na iyon, kinuha na ni Natalie ang kanyang bag at dali-daling lumabas ng pintuan. Mas mabilis sana siyang makakarating doon kung nagbook siya ng sasakyan, pero dahil we

    Last Updated : 2025-01-17

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 315

    Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 314

    Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 313

    Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 312

    Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 311

    Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 310

    “Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 309

    “Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 308

    Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 307

    Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status