Share

KABANATA 213

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-01-23 20:19:14

“Si Natalie? Anong nangyari? Natuloy ba siya sa opisina mo kanina?” Lumambot ang tono ng pananalita ni Mateo. Nagkaroon siya kaagad ng interes pagkabanggit ng abogado sa asawa. “Nakikinig ako, anong tungkol sa kanya?”

Hindi nakaligtas kay Jose Panganiban ang biglaang pagbago ng mood at boses ni Mateo, napangiti na rin ang abogado. Sa tagal ng pagsasama nila bilang kliyente at abogado, nabibilang lang sa daliri ang mga pagkakataong nagpakita ito ng emosyon. Karaniwang malamig ang pakikitungo nito sa lahat ng nakakasalamuha nito.

[Mr. Garcia, ganito kasi ang nangyari,] panimula ng abogado. [Hiniling ni Natalie na hindi daw muna niya pipirmahan ang alimony agreement. Hihintayin daw muna niyang bumaba ang desisyon ng korte para sa divorce ninyo.]

Naestatwa si Mateo dahil sa narinig. Mabigat ang dating ng bawat katagang narinig niya. Nagmamadali si Natalie na tapusin ang ugnayan nilang dalawa.

Unti-unting naramdaman ni Mateo ang pait sa dibdib niya. Nilalamon hanggang sa malunod na siya, k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (74)
goodnovel comment avatar
Nenith Pelin
Pa2ngit ng pa2ngit ang storya nka2wala ng gana magbasa
goodnovel comment avatar
Jean Buendia Ponciano Lee
aku matagal na akung tag a asa NG Good novel pero ilan lang natapus ko dito hnd mahaba estorya tulad NG the attorney wife. played by faith. at SOS HND masyado mahaba ito ilan buwan na parang lahat NG character may kuento nakakainis na
goodnovel comment avatar
Jean Buendia Ponciano Lee
alam nio hnd na uso ang pahabaang estorya ngayon kahit Sa telibisyon si card lang ang tumatagal wa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 568

    Bagama’t para bang may nakabigkis sa mga paa niya, na parang pinahihirapan siyang lisanin ang ospital kahit iyon naman ang gusto niya—parang may libong kilo ang bigat sa bawat hakbang…hanggang sa nagawa na niya…tumalikod na rin si Mateo at lumakad palayo.“Hindi ako mahal ni Natalie. Ginawa na nito ang lahat para lang makawala sa akin. Kung ganoon… ano pa ang silbi ng pagpipilit? Ang tunay na lalaki, marunong kumapit—at marunong ring bumitaw.” Litanya ni Mateo sa sarili habang naglalakad palayo.Kung ang paglayo sa kanya ang magbibigay ng kaligayahan sa babae, dapat niyang hayaang lumaya ito. Pagkatapos ng lahat, napagtanto niya, na sa mundong ito—may taong hindi kayang mabuhay ng wala ang isa.Malas niya dahil mukhang siya ang isang ‘yon.**Lumipas ang dalawang araw, at muling bumalik sa normal ang takbo ng buhay nila. Sa puntong ito, kumpirmado na ni Natalie—ang pagpunta ni Mateo sa kanya sa ospital noong isang araw na ay para lang humingi ng tawad. Maghugas lang ng kamay dahil na

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 567

    Matapos ang matinding gulat, unti-unting kumalma si Natalie. Sa sobrang abala niya sa trabaho, si Mateo ang pinakahuling tao na iniisip niyang gusto siyang makausap lalo pa at sinabihan na siya nito noong huli nilang pagkikita na ayaw na niyang makarinig ng kahit na ano mula sa kanya.Ang buong akala niya, personal siya nitong pinuntahan para pag-usapan ang magiging takbo ng kanilang pormal na paghihiwalay. Hinanda na ni Natalie ang sarili para sa pagkakataong iyon. Handa na siyang putulin ang ugnayan niya kay Mateo kung iyon ang gusto nito.Sa halip, iba ang pakay nito. Muling hinalungkat ni Mateo ang araw na nakita siya nitong natutulog ng mahimbing sa tabi ni Drake. Ang araw na halos isumpa siya nito para sa kasalanang hindi naman niya ginawa.Hindi niya agad sinagot ang tanong. Sa halip, tinitigan niya ito at bahagyang ngumiti. “Bakit mo ‘yan tinatanong?”Sa simpleng tanong na ‘yon, halos nalaman na agad ni Mateo ang katotohanan—na siya ay hindi naging makatarungan sa pagtrato sa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 566

    Naka-mask at may suot na guwantes si Natalie ng lumabas siya para salubungin ang emergency patient. Gaya ng ibang emergency situation, halos hindi magkamayaw ang medical staff pero propesyonal at kalmado pa rin ang atake.“Anong kondisyon ng pasyente niyo?” Tanong ni Natalie sa EMT.“28, male. Nahulog sa bakod ng kapitbahay, doc. Tumagos ang kable na nakausli sa dibdib, sa tingin ko, pati tiyan may tama. Nabigyan naman naming ng pangunang lunas. Pero dahil sa layo ng location nila, marami na ring dugo ang nawala sa kanya.”Tumango si Natalie, kalmado pa rin. “Sige, ipasok niyo agad sa ER. I-monitor ang vitals. Palitan ang IV drip agad at ihanda ang surgical area. I-notify ang OR at ihanda ang operating table. Ako na ang kukuha ng dugo—pag may resulta na, ipagbigay-alam agad sa blood bank para sa transfusion.”“Noted, doc!” Sagot ng nurse na tumanggap ng pasyente.Kahit malaki na ang tiyan ni Natalie, wala ni katiting na panghihina sa kilos niya. Kumilos siyang mabilis, pulido, at prop

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 565

    “Sir!”“Anong kaguluhan ‘to?!”Sakto lang ang pagdating nina Isaac at ang presidente ng Lucky Dragon Corporation, at agad silang napatigil sa nakita nila—isang bugbugan sa harap mismo nila ang nagaganap! Nauna silang lumabas pero ng makarinig ng ingay mula sa loob ng locker room—agad silang bumalik.Hindi na sila nag-aksaya ng oras. Agad nilang hinila ang dalawa palayo sa isa’t isa.“Bitawan niyo ako! Inuutusan ko kayo, bitawan niyo ako!” Galit na galit si Mateo, pulang-pula ang mga mata at nagtatagisan ang panga. “Papatayin ko talaga ang hayop na ‘yan!”“Ha!” Halos baliw na ang ngiti naman ang binigay ni Drake. “Sige lang! Kung hindi mo ako mapapatumba ngayon, wala ka ng respeto na makukuha mula sa akin dahil hindi ka naman karespe-respeto!”“Hoy, hoy!” Niyakap ng presidente ng Lucky Dragon si Drake mula sa likod. May edad na ito pero physically active at malakas pa. “Mr. Pascual, konting preno naman sa bibig mo. Tignan mo na nga lang ang itsura mo—lamog ka na pero ang tapang tapang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 564

    [Makinig kang mabuti dahil baka nakakalimutan mo na kahit na ilang araw pa lang ang lumipas—dahil sa pamilya niyo…tinawag ni Mateo ang kaibigan ko na babaeng walang hiya at sinabing ayaw na niya rito!]“Ano?!” Parang tinamaan ng ligaw na kidlat si Drake. Napako siya sa kinatatayuan, nanlamig at hindi makagalaw.Siya pala…kahit hindi direkta…siya pa rin. Siya ang sumira kay Natalie. Siya ang pinagmulan ng lahat ng kalbaryo nito sa buhay. Siya ang rason kung bakit namumuhay ng mag-isa si Natalie at maaaring hindi lang ang pagsipa sa mansyon ang ginawa ni Mateo sa sariling asawa. Sa mundo ng mga makapangyarihan, hindi na lingid sa kaalaman nila kung anong klase ng tao si Mateo kapag nagagalit.Ngayon na alam na niya, paano pa siya mapapakali? Hindi siya pwedeng tumunganga na lang at panoorin si Mateo na pareho silang sirain ni Natalie. Ang lahat ng ito ay bunga ng isang pagkakamali lamang.Kailangang kausapin niya si Mateo. Kailangan ipaliwanag niya ang lahat—kailangan itama ang pagkakam

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 563

    Pagdating niya doon, kokonti pa lang ang tao. Maaga pa at halos hindi pa nag-uumpisa ang visiting hours. Bukod pa doon, bawal ang mga bisita sa mga ward ng pasyente tuwing oras ng trabaho. Kaya naman nagtagal muna si Drake sa labas ng surgery department building, bago tuluyang naglakad papunta sa emergency at outpatient departments.Hindi na siya pinapasok pa ng guwardiya sa unang gusali kaya susubukan niya sa iba. “Baka sakaling palarin ako—baka naka-duty si Natalie ngayon sa ER.”Ayaw rin niyang tawagan ito dahil una, hindi tama na abalahin niya ito sa trabaho at pangalawa, kung siya nga ang puno at dulo ng problema nila ni Mateo—malaki ang posibilidad na hindi sagutin ni Natalie ang mga tawag niya. Dahil sino ba naman ang gugustuhin pang makipag-ugnayan sa taong sumira ng lahat?Una niyang tinungo ang emergency department—wala siya roon. Sunod ang outpatient clinic—at doon, sinuwerte siya.Nandoon nga si Natalie.Maaga pa pero dagsa na ang mga pasyente at dahil kilala ni Drake ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status