“Si Natalie? Anong nangyari? Natuloy ba siya sa opisina mo kanina?” Lumambot ang tono ng pananalita ni Mateo. Nagkaroon siya kaagad ng interes pagkabanggit ng abogado sa asawa. “Nakikinig ako, anong tungkol sa kanya?”Hindi nakaligtas kay Jose Panganiban ang biglaang pagbago ng mood at boses ni Mateo, napangiti na rin ang abogado. Sa tagal ng pagsasama nila bilang kliyente at abogado, nabibilang lang sa daliri ang mga pagkakataong nagpakita ito ng emosyon. Karaniwang malamig ang pakikitungo nito sa lahat ng nakakasalamuha nito.[Mr. Garcia, ganito kasi ang nangyari,] panimula ng abogado. [Hiniling ni Natalie na hindi daw muna niya pipirmahan ang alimony agreement. Hihintayin daw muna niyang bumaba ang desisyon ng korte para sa divorce ninyo.]Naestatwa si Mateo dahil sa narinig. Mabigat ang dating ng bawat katagang narinig niya. Nagmamadali si Natalie na tapusin ang ugnayan nilang dalawa.Unti-unting naramdaman ni Mateo ang pait sa dibdib niya. Nilalamon hanggang sa malunod na siya, k
Nasa 40 mahigit pa lamang si Amanda Pascual—isa siyang masiglang babae at matibay na ilaw ng tahanan. Kaya naman para Drake, isang dagok ang malamang may karamdaman ang ina. Parang isa itong madilim na ulap na biglang bumalot sa pamilya nila ng walang babala.Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. “Dad, ano pong sabi ng doktor? Gaano kalala ang kondisyon ni mommy?”Umiling si Felix, bakas sa mukha ng ama ang tindi ng pagod at pangamba. “Hindi pa nila alam talaga, Drake. Kailangan pa ng maraming pagsusuri, pagkatapos, sasailalim si Amanda sa biopsy. Doon pa lang makukumpirma ang resulta pagkatapos ng mga iyon.”Tila mabigat na bato ang nakapatong sa dibdib ni Drake. Ang walang katiyakan ng mga salitang iyon ay hindi niya inaasahan. Pareho silang natahimik ng ama, pareho silang puno ng hindi masabing takot at pag-aalala.“Sige na, anak. Pumasok ka sa loob, samahan mo ang mommy mo,” utos ni Felix sa anak. Tinapik pa niya ang braso ng anak bilang pampalakas-loob.“Pwede
“Sorry, hindi ko matandaan kung sino ka, Miss.” Nakakunot ang noo ni Drake. Alam niyang nagkita na sila noon pero hindi lang niya maalala kung saan. Isang magaan na tawa ang nagmula sa babae at mapagbirong tinitigan si Drake. “Hindi mo talaga ako nakikilala?” Umiling si Drake. “Hindi.” “Ano ka ba, ako ‘to. Si Jean. Jean Marcos! Naaalala mo ba yung tabachingching na batang babaeng nakatirintas ang buhok at parating nakasunod sayo?” Dahil sa deskripsiyon na iyon, unti-unting nagliwanag ang memoryang iyon kay Drake. Bumalik sa isipan niya ang imahe ng isang malusog na batang babae na laging nakabuntot sa kanya kahit saan man siya magpunta. Matalik na magkaibigan ang pamilya Pascual at Marcos sa loob ng maraming taon. Ang nanay ni Jean at ang nanay niya ay matalik na magkaibigan noon pa man. “Jean? Ikaw na ‘yan?” Napangiti si Drake. “Oo, naalala ko na. Grabe, ang tagal nating hindi nagkita. Kamusta ka na?” Malaki ang pinagbago ni Jean. And dating tabac
Walang naging agad na sagot si Drake, ang mukha niya ay walang bakas ng anumang emosyon. Nagpalitan ng tingin ang kanyang mga magulang, ramdam nila ang pagdapo ng tensyon sa paligid. Hindi na bago sa kanilang tatlo ang ganitong eksena. Ilang beses na itong nangyari sa kanila at mas maraming beses na hindi pabor sa kanila ang resulta ng ganitong pag-uusap. Binasag na ni Felix ang nakakabinging katahimikan na sumukob sa kanilang tatlo. “Anak, isang beses lang. Wala ng kasunod pa. Alam mo namang matagal ng magkaibigan ang mga pamilya natin, kabastusan kung tatanggihan natin sila at mapapahiya ang mommy mo sa bestfriend niya. Hindi naman natin gustong mangyari ang ganoon, hindi ba?” Nanigas ang panga ni Drake, may pangamba siya sa kanyang mukha. Kinonsensya pa siya ng ama. “Isang pagkikita lang?” Inulit niya ang sinabi ni Felix na puno ng pagdududa. “Oo naman,” sagot ni Felix, sabay tawa ng pilit na parang sinusubukan pagaangin an
Alam niyang si Mateo ang tumatawag sa kanya at ang biglaang tawag na iyon ay kaagad na nag-iwan ng bigat sa kanyang dibdib. Dahil sa ito ang unang beses na tumawag ito sa kanya, nagkunwari siyang pormal. Ginawa niya ang karaniwan niyang ginagawa kapag may kliyenteng tumatawag sa kanya. Ngunit ang totoo ay bumangon ang kaba ng palabasin siya nito ora mismo.Hindi niya mapigilang kabahan. Nasa tanghalan din si Mateo. Ang lalong ipinagtataka niya ay kung bakit parang galit nag alit ito sa kanya gayong maayos naman ang naging huli nilang pag-uusap. Ibinilin pa nga nito si Natalie sa kanya.Nagpaalam siya kay Jean. “Sandali lang ako. Babalik din ako kaagad.”Tumango lang si Jean pero nanatili ang pagtataka nito hanggang sa makalabas siya sa VIP seat.**Wala ng tao sa lounge dahil naghudyat na ang pagsisimula ng pagtatanghal. Paglabas ni Drake, bago pa man niya magawang hanapin ang lalaki, dumapo na ang kamao ni Mateo sa kanyang mukha. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi siya nakai
“Oo, ‘yan din sana ang gusto kong sabihin. Pasensya na kung padalos-dalos ako kanina. Minsan talaga walang preno ang bibig ko.” Paghingi ng paumanhin ni Drake. Malutong ang tawa ni Jean. “Naku, walang problema. Honestly, awkward naman talaga ng set-up na ito kaya kalimutan na lang natin. Total, nandito na rin tayo at sayang ang ibinayad natin, tapusin na natin ang palabas. This time, magkaibigan talaga tayo at hindi napwersang mag-date. Ano sa palagay mo?”Napangiti na din si Drake tsaka tumango. “Sige, gusto ko ‘yan. Tsaka wala namang masama kung tatapusin natin.”Dahil may napagkasunduan na silang dalawa, bumalik sila sa mga upuan nila at naging mas komportable sa isa’t-isa.**Habang ang lahat ito ay nangyayari, walang kaide-ideya si Natalie sa Broadway theater. Ang isip niya ay nakatuon sa nakaschedule na appointment sa korte sa lunes.Pagsapit ng lunes ng umaga, sinadya niyang maagang magising para maghanda. Magkahalo ang emosyon na nararamdaman niya. Mabigat ang araw na iyon pe
Pinagplanuhang mabuti ni Natalie ang oras ng pagdalaw niya kay Antonio. Sinadya niyang pumunta sa ospital sa oras na alam niyang nasa trabaho si Mateo. Hangga’t maaari, iniiwasan niya ang anumang uri ng alanganing komprontasyon sa pagitan nilang dalawa sa ospital. Kilala niya ang lalaki, magkakasagutan talaga sila kahit sa harapan pa ng matanda at iyon ang iniiwasan niyang mangyari. Sinalubong siya ng pamilyar na amoy ng antiseptic sa ospital, nagdulot ito ng parehong ginhawa at kaba sa kanya. Nagtanong na rin siya sa nurse kung nasaan ang kwarto ni Antonio para hindi siya mahirapang hanapin ito. Bago pumasok, pinuno muna niya ng hangin ang baga. Tahimik ang silid nito, banayad na pumapasok ang liwanag ng umaga sa bahagyang nakabukas na kurtina. Pumasok na siya ng dahan-dahan.Nakataas ng bahagya ang kama ni Antonio, may IV drip ito at kasalukuyang tulog. Ayaw sana niyang istorbohin ang pahinga nito kaya dahan-dahan siyang lumapit sa kama para masuri ang mga monitor nito. Maayos nama
Hindi ito itinanggi ni Mateo. Huli na rin kung itatanggi pa niya ito. Mahirap basahin ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Lalo lamang nainis at nalito si Natalie dahil sa ginawa ni Mateo. “Bakit mo ginawa ‘yon?”Mula sa lohikal na pananaw, para kay Natalie ay mas makabubuti kapag inamin na niya ang totoo sa lolo niya. Kapag nalaman nilang hindi naman talaga siya ang ama ng dinadala, mas madali sana ang lahat. Maaring magalit ito pero hindi na nila kailangang maghiwalay ng masalimuot. Kung inamin na sana ni Mateo ang totoo, tapos na sana ang lahat. Ngunit hindi iyon ang pinili niyang gawin.“Ano sa tingin mo?”Bumaba ang tingin ni Mateo kay Natalie, ang mga mata ay may halong inis at pagkawala ng tiwala. Nagtataka siya kung bakit tila wala itong ideya sa mga nangyayari.“Hindi na natin dapat pa dagdagan ang sama ng loob ni lolo. Nangyari ang lahat ng ito ng malaman niyang naghiwalay tayo. Sa palagay mo ba, kapag sinabi kong hindi ko anak ang batang nasa sinapupunan mo, hindi siya mulin
“Kailangan kong pumunta!” Matigas at walang pagdadalawang-isip ang boses ni Mateo. Napatigil siya sandali bago nagdagdag, “sinasabi ko sayo ito dahil kailangan mo akong pagtakpan kay Lolo.”Alam ni Antonio na magkasama silang dalawa at kung makakarating sa matanda na iniwan niya si Natalie para puntahan si Irene, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan. Nangako siya sa lolo niya at kung susuwayin na naman niya ito, hindi niya alam kung mapapatawad pa siya ng matanda. Ngunit importante din ang kailangan niyang puntahan.“Si Alex na ang maghahatid sayo.”Nanikip ang dibdib ni Natalie. Isang malalim at hindi maiwasang pakiramdam ng kawalang-magawa ang lumukob sa kanya. Kilala niya si Mateo, kapag nagpasya na itong umalis, wala na siyang magagawa para pigilan pa ito.Kaya sa halip, hindi na siya lumaban pa o nakipagtalo. Isa iyong tahimik na pagtanggap. Nakatigil na ang kotse kaya bumaba na lang siya.Nagkuyom ang mga kamao ni Mateo. Tumigil siya sandali---isang segundo lang at pagkat
Isang tawag lang naman---hindi mahirap gawin. Wala namang mawawala sa kanya kung tatawagan niya ang lalaki. Tumulong na din naman siya, lulubus-lubusin na niya.Naiwan raw ni Janet ang telepono niya kanina dahil sa pagmamadali. Naiintindihan niya iyon. Sa oras ng emergency, napakaraming mga bagay ang nakakalimutan. Wala ring binigay na paliwanag si Janet sa nangyari sa anak kaya hindi na rin nagtanong pa si Drake. Tinawagan na niya si Mateo.**Sa mga sandaling iyon, nasa ospital sina Mateo at Natalie para bisitahin si Antonio. Maaga pa lang ay ipinatawag na sila nito para paalalahan na kailangan silang makausap nito. Naroon din si Ben, nasa gilid ito ng kama ng matanda. May hawak itong kalendaryo na tinitingnan ni Antonio. Abalang-abala ang dalawa nang pumasok sina Mateo sa loob ng silid.Nang makita ang dalawa, agad na nagliwanag ang mukha ng matandang lalaki. “Ah, tamang-tama ang dating ninyo,” itinaas nito ang hawak na kalendaryo. “Tinitingnan ko na ang mga petsa. Actually, kami n
“Saan niyo ako dadalhin?!”Muling binalik ang duct tape sa bibig niya para hindi na siya magtangkang sumigaw pa. Pakiramdam ni Irene, bawat bahagi ng katawan niya ay masakit. Nahihirapan siyang huminga at hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa pinaghalong takot at kirot.Nag-aapoy ang kanyang lalamunan, pero kahit anong pilit niya, walang boses na lumalabas sa kanya. Pinipiga ng tape ang kanyang paghinga. Wala na rin siyang ideya kung gaano katagal na silang bumabyahe.Ang dilim sa labas ng bintana ng van ay tila walang katapusan, at tanging ang papalit-palit na liwanag ng mga street lights lang ang nakikita niya.Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ni Irene.Hindi pwedeng dito na lang matapos ang buhay niya. Kahit hindi sinabi ng dalawang lalaki, alam niyang hawak nila ang buhay niya at pwedeng magbago ang isip nila at imbis na pakawalan siya, baka patayin na lang siya. Kailangan niyang mag-isip at makahanap ng paraan para mabuhay.Hindi pa siya nakakabuo ng maayos na plano, tumigil
Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or
Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala
Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw
Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon
Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa
“Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r