Walang taong mabait sa iba nang walang dahilan. Hindi inosente si Natalie at lalong hindi siya mapagpanggap. Matagal na niyang alam na may gusto sa kanya si Mateo.Yun nga lang, mas gusto nito si Irene.Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi nito kayang mamili sa pagitan ng dalawang babae. Alam naman siguro niyang hindi pwedeng magkaroon ng dalawang babae sa buhay niya ng sabay. Bukod sa komplikado, magulo din. Pero hindi na muna niya gustong isipin ‘yon sa ngayon.Dahil sa sandaling hiningi ni Mateo sa kanya ang diborsyo, natapos na rin ang lahat kaya hindi niya maintindihan kung bakit lumalapit pa ito sa kanya.Pinag-aaralan ni Natalie si Mateo, sinusubukan niyang basahin ang magulong laman ng isip nito. Palagi itong mayabang, palaging sigurado sa kanyang mga desisyon. Pero pagdating sa kanya, bigla itong nag-aalinlangan.Hindi na naitago ni Natalie ang paglitaw ng isang pilit na ngiti sa kanyang labi.“Alam mo bang malaki ang pagkakaiba ng tao at mga bagay? Pwede kang magkaro
Namilog ang mga mata ni Natalie sa gulat. Hindi siya makapaniwala. “Seryoso ba siya? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito!” Himutok niya sa sarili.Palakas ng palakas ang loob nito at sinusubukan pa din ang swerte niya. Sa inaasta nito ngayon, kulang na lang na ipamukha sa kanya ni Mateo na dapat niyang tanggapin ang presensya nito sa ayaw at sa gusto niya.“Alam mong gusto kita, Natalie,” hindi ito nag-atubili. “Talaga bang kaya mong tiisin na may isang taong may gusto sayo at labis na nag-aalala?”Napaawang ang bibig ni Natalie sa baluktot na lohikang ginamit sa kanya ni Mateo. Para sa kanya, wala itong ka-kwenta-kwentang rason.Nagbuga siya ng hangin habang pinipigil ang sarili. Napagdesisyunan niyang huwag bigyan ng halaga ang kahibangan ni Mateo. Tinuloy niya ang paglalakad hanggang sa malagpasan niya ito. Matulin at determinado ang bawat hakbang niya.“Natalie? Natalie! Hintay!”Narinig niya ang galit na boses ni Mateo na tinatawag ang pangalan niya ng paulit-ulit pero hind
“Last na ‘to, promise.” Tiyak ang pagkakasabing iyon ni Mateo. May tipid na ngiti din ito sa labi. Isang ngiti na hindi madaling basahin. “Tama ka. Napagdesisyunan ko na, na ito na ang huling beses. Pagbalik natin sa Pilipinas, hindi na kita guguluhin.”Nalito si Natalie at halata iyon sa mukha niya pero hindi siya nagsalita. May kung anong bigat sa dibdib niya nang marinig iyon pero pinili niyang huwag na lang itong pansinin.“Hindi ka ba naniniwala sa akin?” Tumawa si Mateo ng may panunukso sa tinig. “Mag-asawa tayo dati, Nat. Siguro naman, kabisado mo kahit paano ang ugali ko.”Syempre, kabisadong-kabisado ni Natalie. At dahil nga kabisado niya, hindi siya lubos makapaniwala. Marami na siyang narinig na pangakong parang may kasiguraduhan kahit wala naman pagdating sa huli. Ilang beses na itong nangakong hindi na lalapit pero si Mateo mismo ang lumalabag sa pangako niya.Pero hindi na nakipagtalo si Natalie.Sa halip ay tumango siya. “Salamat kung ganoon.”Iyon lang ang sagot niya--
Napaisip si Mateo. “Talaga bang naiinis siya sa amoy ng damit ko?”Hindi pa niya nagagawang magsalita ay nahila na pabalik ni Natalie ang kamay at nagawa ng buksan ang pintuan sa likod ng kotse.“Sandali, huwag ka ng lumipat sa likod. Lalo kang makakaramdam ng hilo kapag dyan ka pumwesto.” Dali-dali niyang hinubad ang suot na jacket, nirolyo ito at itinapon sa likod ng sasakyan. “Ayan, itatapon ko ‘yan sa unang basurahan na madadaanan natin, okay?”Nag-iisip si Natalie, nakapamewang pa ito. Hindi man niya gustong aminin, kahit paano ay nabawasan ng kaunti ang inis niya dahil sa simpleng kilos na iyon. “Bahala ka.”“Dito ka na ulit sa harap.”“Oo nga!”Muntik ng matawa si Mateo, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Pero naisip niya kung bakit nagkakaganoon si Natalie. “Nagseselos ba siya?”Mabilis niyang sinulyapan ang kanyang katabi at kahit na pumayag na itong maupo ulit sa harapan, may paraan ng pag-iwas si Natalie ng tingin sa kanya. Ipinagpatuloy din nito ang pagbubukas sa
Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan, ang tuloy-tuloy na tunog ng mga patak na bumabagsak sa makakapal na mga dahon sa kagubatan ay sumanib sa malakas na pag-ugong ng hangin. Halos hindi na makita ni Natalie ang paligid dahil sa kapal ng ulan na bumabalot sa kapaligiran. Ang mga matatayog na puno ay parang mga higanteng anino na gumagalaw kasabay ng nagngangalit na bagyo.Pinili ni Natalie na magpatuloy, kahit na ang bawat hakbang niya ay lumulubog sa maputik na lupa. Ang mga hibla ng buhok niya ay dumidikit sa mukha at ang kanyang paghinga ay mabigat habang nagpapatuloy siya sa paghahanap.Matagal-tagal na rin siyang naglalakad, ngunit wala pa ring bakas ni Mateo.Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Natalie. “Sa iba ba siya dumaan? Imposible naman. Sigurado akong doon ako dumaan sa kung saan siya dumaan. Eto lang ang pwede niyang daanan.”Isang matinding kaba ang bumalot sa dibdib niya. “Hala. Paano kung…paano kung nakabalik na si Mateo sa kotse at wala ako doon?”Imbes na maging ok
“Ano ka ba, Mateo. Bisita namin kayo,” nag-alinlangan pa ang matandang babae.“Honey, hayaan mo na sila.” Saway ng matandang lalaki sa asawa. “Asikasuhin mo na lang ang dinner natin mamaya.”“Ay, oo nga pala.” Nakangiting tugon ng babae. “Oh, siya, paano ba ‘yan…”“Salamat po, ako na po ang bahala sa kanya,” magalang na sabi ni Mateo sa babae.Napatawa ito ng mahina, may kislap ng kasiyahan sa mga matandang babae. “Napakabuti mong asawa, Mateo. Ingatan mo at buntis ang asawa mo.”Nakaawang ang bibig ni Natalie sa palitan ng salita ng tatlo ngunit hindi siya nagsalita para itama ang maling akala ng mag-asawa. Tumango lang si Mateo ay marahang hinawakan ang kamay ni Natalie para akayin paakyat sa kahoy na hagdan. Ang bawat hakbang nila ay nagdulot ng langitngit sa kahoy.Pagdating nila sa guest room, binuksan ni Mateo ang pinto at pinapasok si Natalie sa loob. Namangha siya, simple ngunit maaliwalas ang loob ng kwarto---may nakahanda ng mga sariwang kumot, tuwalya at comforter para sa l
Hindi lang basta-bastang hapunan ang inihain sa kanila. Masasabing pinaghandaan ng husto ng matandang mag-asawa ang ipapakain sa kanila. Stir-fried na gulay na galing mula sa hardin nila, seared lamb chops, mga sariwang prutas at ice cream. May onion soup din na bumalot sa buong silid kainan. Parang may selebrasyon sa bahay na iyon ngayong gabi. Sa kwarto na sila kumain.Alam ni Mateo na ang ganoong klase ng pagkain ay hindi pangkaraniwang isine-serve sa isang maliit na village—ito ay ginagawa lamang para sa mahahalagang bisita o espesyal na okasyon. Kaya naman lubos ang kanyang pasasalamat sa kabutihan ng matandang mag-asawa.Ngunit sa kabila ng masasarap na pagkain na nakahain sa harapan nila, halos hindi man lang galawin ni Natalie ang pinggan niya.Agad itong napansin ni Mateo. “Kung hindi mo gusto ang pagkain, huwag mong pilitin ang sarili mo, Nat.”“Ayos lang ako,” agad siyang umayos ng upo at pinilit ang sarili na magmukhang natatakam sa mga pagkain. “Ayokong sayangin ang mga p
Pinigilan ni Natalie si Mateo bago pa ito tuluyang makalabas. Nakatuon ang pansin niya sa madilim na gabi na binabagyo pa rin. “Teka lang. Anong ibig mong sabihin? Nahihibang ka na ba? Hindi ito Manila at lalong walang bigas ang mga tao dito. Tsaka, hindi mo ba nakikitang bumabagyo pa?”Ngumisi si Mateo, naroon pa rin ang hindi matinag-tinag na kumpyansa sa mukha. “Paano ko naman malalaman kung hindi ko susubukan, hindi ba?”Tuluyan na nitong nabuksan ang pinto at lumabas. Napabuntong-hininga na lang si Natalie. “Ang tigas talaga ng ulo ng isang ‘yon.”Nag-alinlangan siya pero sumunod na rin siya pababa ng hagdan, marahan ang kanyang mga yapak. Pagdating niya sa hagdanan, narinig niya ang boses ni Mateo mula sa sala---kalmado, magalang pero may paninindigan.“…pero malayo ang pinakamalapit na supermarket, Mateo.” May pag-aalala na sabi ng matandang lalaking may-ari ng bahay. “Baka umagahin ka na. Bukod doon, malakas pa rin ang ulan.”“Ayos lang po,” sagot ni Mateo habang inaayos ang m
“Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r
“Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just
Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo
Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust
Mula pagkabata nila, hanggang ngayon ay hindi pa niya narinig na magpakumbaba sa kanya si Irene. Halos nagmamakaawa na ito na kitain niya.Nakakatawa iyon para kay Natalie.Talagang mahal na mahal ni Irene si Mateo.May bahagyang kislap ng panunukso sa mga mat ani Natalie. Kasabay ng pasilay ng labi para sa isang maliit na ngiti. Ibinaba niya ang bag sa sofa at naupo, ang tono ng pananalita niya ay sinadya niyang gawing kaswal.“Sorry, pero dadalawin ko si Justin. Hindi ako pwede.”At pagkatapos---ibinaba na niya ang tawag.Kung talagang gusto siyang makita ni Irene, nararapat lang na ito ang kusang lumapit sa kanya at hindi kabaligtaran. Naningkit ang mga mata ni Natalie, kahit paano ay alam na niya kung ano ang aasahan sa susunod na mangyayari.**Sumakay ng bus si Natalie. Hindi siya nagsisinungaling kanina nang sabihin niyang pupuntahan niya si Justin.Tahimik ang naging biyahe niya, maliban sa mahinang ugong ng makina ng bus, at nag-uusap na mga pasahero. Gustuhin man niyang matu
Mailap ang tulog kay Irene nang gabing iyon. Ilang beses siyang nagpapalit-palit ng posisyon sa kama, ngunit wala kahit isang saglit ma katahimikan ang dumaan sa kanyang isipan.Isang tanong lang ang laman ng isipan niya: “Bakit biglang nakialam ang lolo ni Mateo? At hindi lang pangingialam ang ginawa nito—naging malupit din ito.”Sa umpisa pa lang, alam naman niya na hindi siya gusto ng matanda---iyon ay matagal ng malinaw. Ngunit kahit na dismayado ito sa relasyon nila, hindi ito hayagang nakialam noon.Ngunit ngayon, sa isang iglap lang, sinira na ng matanda ang lahat ng pinaghirapan nila ng nanay niya.“Pero bakit ngayon? Ano ang nagbago?” Paulit-ulit na binalikan ni Irene ang mga pangyayari.Hanggang sa biglang kumabog ang dibdib niya.Ang pagkakasakit ng tatay niya---doon nagsimula ang lahat.Simula ng pilitin nila si Natalie na magdonate ng kanyang atay. Nanlamig ang katawan ni Irene. Hindi pa niya sigurado pero hindi niya pwedeng alisin ang posibilidad. Isang malamig na kilabo
Gustuhin man ni Mateo na maging kalmado, huli na. Kilalang-kilala niya ang lolo niya. Hindi ito nagbibiro. Nanigas ang buo niyang katawan at tumibok sa sakit ang kanyang sentido. Unti-unting namayani ang inis sa kanyang sistema at hindi na niya napigilan ang bibig.“Lo, anong ginawa mo kay Irene?”May bahid ng galit at pagkabalisa sa kanyang tinig---isang bagay na bihira niyang gawin sa harapan ng lolo niya.“Hmph.” Imbes na masindak, humagikgik pa ito. Mapanuya at halong lantad na pagkadismaya. “Mateo…pansin ko lang, lumalakas yata ang loob mo. Mula ng samahan mo ang babaeng iyon, wala ka ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo. Ipapaalala ko lang sayo kung ilang beses mo na sana akong muntik ilibing ng buhay dahil sa kakadikit mo doon!”Hindi pa tapos si Antonio, nais nitong iparating ang punto niya ng malinaw. “Ganito mo ba pasasalamatan ang taong nagpalaki sayo? Sa pamamagitan ng pagsuway sa akin sa bawat pagkakataon?”Napayuko si Mateo at nakakuyom ang mga kamao niya
Halos hindi makatulog si Natalie buong gabi. Kahit na ramdam ng katawan niya ang matinding pagod, hindi naman nakikisama ang kanyang isipan at mas gusto nitong manatiling gising.Kinabukasan, kahit kulang sa tulog, wala siyang nagawa kundi pilitin ang sarili na pumasok sa trabaho, ngunit wala siyang maayos na konsentrasyon sa ginagawa. Kahit anong pilit niyang ituon ang isip sa trabaho, patuloy siyang bumabalik sa usapan nil ani Antonio kagabi.Ayon sa matanda, may dalawang araw siya para magpasya.Ang dalawang araw na iyon ay para pag-isipan kung tuluyan na siyang lalayo o babalik sa magulo niyang nakaraan kasama si Mateo.Pagsapit ng tanghali, sa halip na magpahinga, mas pinili niyang dalawin ang kapatid sa rehabilitation center. Noong nasa Canada siya, may mga binili siyang regalo para kay Justin at gusto niyang personal na ibigay ito.Pero higit pa roon---kailangan niyang sabihin kay Justin ang mga nalaman niya tungkol sa Wells Institute.Kung tatanggapin man niya ang tulong na in
“Ben.”“Yes, sir.”Hindi na kailangang ipaliwanag pa ni Antonio kay Ben ang gusto niyang mangyari. Sa isang kumpas lang ng kamay ni Ben, isa sa mga lalaking naka-itim ang lumapit at bago pa man makaiwas si Janet---Pak!Isang malakas at walang awang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Malutong at malakas at umalingawngaw sa tahimik na hardin.“Mmph---!” Napapatras sa lakas ng pwersa si Janet. Kung hindi siya maingat ay baka natumba na siya dahil sa isang sampal. Nalasahan niya ang dugo sa bibig at nanginig ang kanyang labi sa sakit at pagkabigla.Ngunit hindi siya naglakas-loob na gumanti.Nagbuga ng hangin si Antonio, dinampot ang isang puting panyo at pindampi iyon sa gilid ng bibig. Pagkatapos ay itinapon iyon na para bang isa itong nakakadiring bagay. “Tingnan mo nga ang sarili mo, Janet. Saan ba ako magsisimula…ah…isa kang matandang babaeng walang modo. Kahit anong alahas ang ipalamuti mo sa katawan mo, wala ka pa ring class. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang buhay mo