Share

KABANATA 331

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-05-16 18:22:06

Inakala ni Mateo na sa mga oras na ito, nasa university o nasa affiliated hospital si Natalie, kaya hindi dapat maging problema ang pagkikita nila. Ora-orada ang pag-alis niya noong nakaraang araw at ngayong nakabalik na siya ng bansa, naisip niyang tama lang na makipagkita siya sa babae.

Pero tumanggi ito ng tawagan niya.

[Mauna ka na. Napuntahan ko na si Lolo kaninang umaga. Marami pa akong dapat gawin. Pagkatapos ng lahat ng iyon, dadalawin ko siya bago umuwi sa Antipolo.] Klamado ang boses nito at walang bahid ng pagmamadali, walang pangongonsensya at wala ring pag-aalinlangan.

Natahimik si Mateo sa kabilang linya. Iniisip niya kung totoong abala ito o baka naman gumagawa lang ng rason si Natalie para maiwasan ang makipagkita sa kanya.

Matapos ang ilang segundo, natanong rin niya sa wakas ang bumabagabag sa kanya. “Nat, galit ka ba sa akin?”

Tumawa si Natalie, mahina at may bahagyang pagdistansya. [Bakit ako magagalit? May ginawa ka bang dapat kong ikagalit?]

Natigilan si Mateo.

H
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (36)
goodnovel comment avatar
Bebelyn Bregondo Bres
paulit ulit Hanggang ngaun dpa din alam ni Mateo na cya Ang ama ng pinagbubuntis ni Natalie
goodnovel comment avatar
Bebelyn Bregondo Bres
bakit paulit ulit nlng,Hanggang ngaun dpa din alam na cya Ang ama ng dinadala nya,nakakainis na din tong kwento na to
goodnovel comment avatar
Bunso Garcia Pastor
baket paulit at paikot ikot ang kwento mo.. walang improvement pabalik balik lang.. walang oagbabago. walang direksyon ang kwento. pabalik balik lang sa mga naunang chapter.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 420

    Mula pa sa simula, plano na ba talaga niyang ipagdiwang ang kaarawan niya kasama si Irene? Nakaplano na ba ang araw na ito para sa kanila kaya hindi niya man lang nabanggit sa akin na kaarawan niya? Marahil ay iyon nga ang dahilan.Dapat na talaga siyang matuto—at tigil na ang mga walang kwentang bagay na siya lang ang nagpapakahirap, pero sa dulo, siya rin ang napapahiya. Nagpakapagod siya, hindi naman niya kailangan iyon, at sa huli, nauwi lang ang lahat sa wala.“Sana naniwala na lang ako kay Nilly. Hay. Kailan ba ako matututo? Bakit paulit-ulit na nangyayari ito?” Litanya niya sa sarili, umaasang sa pamamagitan nito, matatauhan siya at hindi na uulit pa.Nakahiga na siya, patay na ang ilaw, at sinubukan niyang matulog. Pero biglang may narinig siyang tunog mula sa pinto--ang tunog ng susi na iniikot sa seradura.Agad siyang napabangon.Sa parehong sandali, bumukas ang pinto, sumindi ang mga ilaw, at nagliwanag ang buong kwarto. Pumasok si Mateo ng walang pakialam at inihagis ang s

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 419

    “Hindi mo na kailangang malaman.” Hinila ni Natalie ang kamay niya palayo, hindi alintana ang hapdi.“Hindi ko na kailangang malaman?” Bahagyang kumipot ang malalim na mga mata ni Mateo at tuluyan ng nagdilim ang ekspresyon.” Asawa kita. Nasugatan ka, tapos sasabihin mong hindi ko na kailangang malaman?”Mahinang tumawa si Natalie, walang emosyon sa tinig niya—sobrang kalmado na parang simpleng paglalahad lang ng katotohanan ang ginagawa niya. “Buong gabi mong ipinagdiwang ang kaarawan mo kasama ang ex mo. Wala rin akong nalaman tungkol doon, hindi ba?”“…ano?” Natigilan si Mateo—hindi dahil sa konsensya, kundi sa gulat. “Anong sinasabi niyang pagdiriwang kasama ang ex ko?”Bago pa siya makasagot, nabawi na ni Natalie ang kanyang kamay mula sa lalaki at umakyat na sa taas.Kaarawan. May binanggit si Natalie tungkol sa kaarawan. Kumunot ang noo ni Mateo—tapos, biglang dumating sa kanya ang realization. “Sh*t. Sh*t. Tama. Kaarawan ko nga ngayon. Ibig sabihin… kaya niya ako niyaya ngayon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 418

    Pinikit ni Natalie ang mga mata at umiling. Pero hindi pa rin siya tiningnan nito. Ramdam ni Mateo ang bigat ng kanyang kasalanan. Pinaghintay niya ito buong gabi ng walang dahilan. At kahit na may dahilan pa—hindi niya rin magagawang sabihin ang nangyari sa asawa dahil hindi nito magugustuhan ang kinalabasan ng paghahanap niya.“Paano kung bukas ng gabi? Ako ang pipili ng lugar. Pangako, mauuna akong dumating.” Alok niya.“Hindi na kailangan.” Umiling muli si Natalie. Kinuha niya ang huling piraso ng maanghang na labanos at tsaka bumulong, “huling piraso na ito.”“Ako na, ikukuha kita ng mas marami.” Mabilis na tumayo si Mateo, halatang gusto niyang bumawi.Ngunit noong hawakan niya ang walang lamang pinggan—napagtanto niya ang isang importanteng bagay. Wala siyang ideya kung saan nakalagay ang mga side dish. Pero hindi siya tumigil—binuksan niya ang ref, pero wala siyang nakita doon. Pati mga cupboard ay binuksan niya.Nanatiling tahimik lang si Natalie. Ni hindi siya tinulungan o n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 417

    Kaagad napansin ni Irene ang pagbabago sa ekspresyon ng lalaki. “May problema ba?”Tumayo si Mateo at tumango. “Oo. Irene, pasensya na. Kailangan kong umalis agad.”“Bakit ka humihingi ng paumanhin? Ayos lang. Salamat sa pagbabalik mo ng hairpin ko at higit sa lahat…salamat dahil bumalik ka.” Ngumiti si Irene ng maunawain, walang balak pigilan siya. “Isa pa, matagal na tayong magkaibigan—hindi na kailangan ng pormalidad. Kung may mahalaga kang dapat gawin, sige lang.”Mabilis na dumaan sa mata ni Mateo ang pasasalamat. “Mag-uusap tayo ulit.”“Sige, mag-ingat ka sa byahe.” Tumayo si Irene at tahimik na pinagmamasdan ang mabilis niyang pag-alis.Dahan-dahang lumitaw ang isang ngiti sa kanyang labi. Tumingin siya sa butterfly hairpin na nasa kanyang palad—at mahigpit na hinawakan ito.**Sa loob ng kotse, mabilis na tinawagan ni Isaac si Alex. "Utos ni sir, huwag mong hayaang umalis si Natalie dyan. Papunta na kami.”Mabigat ang buntong-hininga ni Alex. Sa totoo lang, kanina pa siya naha

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 416

    Ganoong panahon din nagsimulang manilbihan sa kanya si Isaac. Galing ito sa mga tauhan ng lolo niya. Dahil sa ito ang pinakabata—minabuti ng lolo niya na ibigay sa kanya bilang personal bodyguard at PA niya. Tinanggap niya si Isaac dahil nagkasundo naman sila kaagad—doon din nagsimula ang pagsasama nila ni Isaac—halos kasabay ng pagtatapos ng kabanata nila ng dalagitang madaldal.Matapos tapusin ang utos ng araw na iyon, bumalik si Isaac at nag-ulat. “Tapos na. Ako mismo ang nag-abot sa kanya.”Saka lang nakahinga ng maluwag si Mateo. Naniwala siyang wala na siyang anumang alalahanin, kaya lumipad siya papuntang ibang bansa para sa kanyang gamutan.**Halos anim na buwan ng bulag si Mateo bago magsimula ang kanyang paggamot sa ibang bansa. At inabot pa siya ng anim na buwan ulit bago niya muling nabawi ang kanyang paningin. Hindi naging madali ang naging proseso ng kanyang operasyon. Marami siyang mga pinagdaanan bago niya nakamit ang positibong resulta.Pero sa huli—nagtagumpay ito.

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 415

    Bumalik sa isipan ni Mateo ang mga alaala ng kahapon—parang isang pelikulang mabilis na pinapatakbo pabalik. Malinaw na malinaw iyon sa kanyang isipan. Kahit kailan ay hindi nawala sa kanya ang mga alaalang ‘yon dahil lagi niyang binabalikan ang mga alaalang ‘yon sa tuwing naiisip niya ang babaeng binigyan niya ng butterfly hairpin.Noong bata pa siya—nagkaroon siya ng isang matinding aksidente sa sasakyan na nagdulot ng pagkabulag niya ng tuluyan. Literal na naging madilim ang mundo niya at nalugmok siya sa matinding depresyon.Naghanap ang Lolo Antonio niya ng pinakamagagaling na doktor sa buong bansa, ngunit wala ni isa ang makapagsabi kung maibabalik pa ang paningin niya. May malaking posibilidad na hindi na niya muling makikita ang liwanag—na mananatili siyang nakakulong sa kadiliman magpakailanman.Para sa isang tulad niya, na lumaking matapang, mayabang, at hindi natitinag, isa itong malupit na dagok. Habang hindi siya makakita ng anuman, naging mabangis at mainitin ang ulo ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status