Natigilan si Mateo, sa pangatlong beses ay lumipad ang tingin niya papunta kay Natalie. Parang umaasang may sabihin siya.Bilang tugon, tumaas ang kilay ni Natalie at sinabayan ng paglaki ng mga mata dahil sa pagtataka. “Bakit mo ako tinitingnan? Huwag mong sabihing gusto mong ako ang magpaligo sa kanya? Ikaw ang may gustong dito siya manatili kaya trabaho mo ‘yan.” Itinaas pa nito ang mga kamay bilang pagpapakita na wala siyang gagawin sa pagkakataong iyon.Ang bahagyang ngiti sa labi ni Natalie ay lalong nagpadilim ng ekspresyon ni Mateo. “Pwede bang tigilan mo ang pagsasalita ng mga walang kwentang bagay?” Iritado na ito. “Wala akong iniisip na ganyan. Ang dumi ng isip mo.”“Tsk,” mahinang tumawa si Natalie. Sumandal siya sa pader na parang walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya. “Sinong tanga ang maniniwala sa kanya?”Noong maayos pa silang nagsasama, kahit na sandali lamang iyon, maraming beses siyang hinila nito sa shower. At dahil mas matagal silang magkarelasyon ni
“Irene,” mabilis na hinawakan ni Mateo ang braso ng babae, sa ganoong paraan, napigilan niya ang tuluyang pagbagsak nito sa kanya. Mahigpit ngunit maingat ang pagkakahawak niya—isang tahimik na paraan ng pagguhit ng linya at distansya sa pagitan nila. Hanggang maari ay may malinaw siyang pag-iisip at ayaw naman niyang lapastanganin ang karapatan ni Natalie.Inakala niyang magiging mahirap itong pakiusapan pero kabaligtaran ang nangyari. Tila walang pakialam si Natalie. Gayunpaman, kailangan pa rin niyang lagyan ng limitasyon ang pagkakalapit nila ni Irene bilang respeto kay Natalie.“Mateo?” Napatingin si Irene sa kanya. Ang mga matang basa ng luha ay puno ng sakit at kalituhan. “Tinutulak mo ba ako palayo? Bakit? Hindi ba mahal mo ako? Muntik mo pa nga akong gawing Mrs. Garcia, eh.”Nagbuga ng hangin si Mateo. Pinipigilan niya ang sariling emosyon. Lasing ang kausap niya at kahit saang anggulo tingnan, siya ang matino at siya ang kailangang maging matino. “Irene, ang suite na ito ay
Ang Isla Verde ay isang kilalang destinasyon ng mga lokal at banyagang turista. Puno ito ng mga mararangyang resort, hotel at boutiques ng mga kilalang luxury brands. Maraming pwedeng puntahan doon. May naisip na siyang maliit na hotel sa dulo ng isla. Kilala niya ang may-ari ng hotel na iyon at pwede niyang tawagan habang papunta doon. Kung magtatagal pa sila sa labas, tiyak na may makakakita na sa kanila at kapag umabot ang pangyayaring ito sa pandinig ng lolo niya, tiyak niyang mag-aaway na naman sila ay iniiwasan niyang mangyari iyon.Hindi na nagdalawang isip si Mateo, inabot niya ang susi ng kotse sa isang security guard. “Kunin mo ang sasakyan ko. Bilisan mo.”“Yes, sir.” Mabilis na tumango ang gwardya at tumakbo patungo sa parking area. Pero pagkalipas ng ilang hakbang, bigla itong huminto at nagbago ang ekspresyon, halatang nagulat dahil sa taong nakasalubong niya. “Mrs. Garcia…”Biglang bumigat ang dati ng may tahimik na tensyon sa hangin. Narinig ni Mateo ang pangalang sina
Natigilan si Natalie. “Narito nga si Irene…”Nagpatuloy si Rigor. Ang kanyang tinig ay puno ng pangamba, na para bang natatakot siyang hindi siya seseryosohin ni Natalie. [Siguradong pumunta ang kapatid mo dyan para hanapin si Mateo. Magkasama kayong dalawa hindi ba? Bantayan mo siya—huwag mong hahayaan na mawala si Mateo sa paningin mo.]Tahimik pa rin si Natalie, mariing pinipigilan ang kanyang emosyon. Ni minsan, hindi niya na-imagine na si Rigor mismo ang magbibigay sa kanya ng babala.Pero huli na…Pinagtagpi-tagpi na niya ang mga nangyari. Walang duda, kaya umalis si Mateo ay para puntahan si Irene.Ang tanong ay bakit?“Natalie, seryoso? Tinatanong mo pa bakit? Hindi ba si Irene ang pinakamahalagang babae sa buhay niya at hindi kailanman hahayaan ni Mateo na magdusa ito. Ito rin ang babaeng pinoprotektahan ni Mateo sa lahat ng pagkakataon. B-baka nagsisisi na siya? Baka hinihiling na rin ngayon ni Mateo na nagkapalit sana kami ng posisyon ni Irene. At si Irene ang pakakasalan n
“Batas ‘yon ni lolo!” Mabilis na paliwanag n Natalie. Agad siyang napaatras para ipagtanggol ang sarili. “Ang sabi niya, bago ang kasal, hindi tayo dapat matulog ng magkasama. Iyon daw ang tradisyon sa pamilya niyo.”Pinulupot ni Mateo ang mga braso at pilit na nagpakita ng seryosong ekspresyon—pero ang ningning sa kanyang mga mata ay nagkanulo sa kanya. Halos mabulunan siya sa pagkalito at inis. Mula sa pagkapulupot ng mga braso, napakapit siya sa gilid ng kanyang shorts bago nagbuga ng malalim na hininga. “Anong klase ng patakaran ‘yan? Pinagtitripan ako ni lolo, tama ba?”Hindi na napigilan ni Natalie ang mapahalakhak. “Aba, ewan ko. Kung may reklamo ka, si lolo ang kausapin mo. Ako? Wala akong balak na suwayin ang utos niya.”“Hindi mo kayang suwayin si lolo?” Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Mateo, ang kanyang ekspresyon ay unti-unting nagdilim at napuno ng hinala.At bago pa nahulaan ni Natalie ang binabalak nito, huli na ang lahat—matagumpay ng nakagalawa ang mga kamay ni Ma
Malamig ang simoy ng gabi at ang mahinang kaluskos ng mga dahon sa labas ay sumasabay sa malayong tunog ng paghampas ng alon sa dalampasigan.Tumayo na rin si Nilly para tingnan kung kanino galing ang package. “Uy, sa ganitong oras? May nagpadala ng package at dito sa isla? Ang aga naman ng wedding gift na ‘yan. Kanino daw galing, Nat?”Imbes na sagutin ang tanong ng kaibigan, pinakita na lang ni Natalie ang nakalagay na pangalan ng sender.“Oh.” Pero nanaig pa rin ang pag-uusisa nito ng bumalik na sila sa sala dala ang isang may katamtamang laki na kahon. “Sige na, buksan mo. Tingnan natin kung ano ang pinadala niya. O baka gusto mong lumayo ako para may privacy ka?”Tinapunan ni Natalie ng matalim na tingin ang kaibigan. “Ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi mo kailangan lumayo.”Ngumiti lang si Nilly pero nanatiling nakaupo sa tapat habang maingat na binubuksan ni Natalie ang package. Napasinghap sila pareho, sa loob ay may isang pinong jewelry box—ang klase ng kahon na karaniwang nagl