“Ayaw mo talagang tumigil, ano? Wala ka talagang balak na bigyan ako ng tahimik na buhay kahit na ‘yon ang gusto ko para sa ating lahat. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko sayo.” Napabuntong-hininga si Natalie at tahimik na dinampot ang chopsticks at naupo. “Sige na nga. Tapusin na natin ang dramang ‘to. Sa totoo lang, kumpara sayo, hindi naman malaking isyu ang hindi masarap na pagkain sa akin. Hindi ako anak mayaman kaya wala akong karapatang mag-inarte.”Nagsimula siyang kumain—kaunting gulay, kaunting kanin. Gaya ng nakagawian. Habang kumakain siya, hindi na siya pinigilan ni Mateo. Tahimik lang itong nagsalin ng ulam sa plato niya, gaya ng dati nitong ginagawa para sa kanya.Tahimik na inubos ni Natalie ang pagkain niya, mabilis at walang imik. Ni hindi sila nag-usap. Sa kabilang banda, halos hindi man lang nakakain si Mateo, nakapaglagay siya ng pagkain sa plato niya pero hindi naman niya nagalaw—mas naging abala siya sa pagtingin sa babae.Matapos punasan ang
Maingat na kumatok si Leo sa pinto ng silid ospital. “Mateo, alam kong gising ka, papasok ako. May kasama nga pala ako!” Binuksan niya ang pinto at hinihila si Natalie papasok. “Ayan, dinala ko na siya sayo para hindi mo ako laging binubulyawan. Ako na nga ang nagmamalasakit sayo, susungitan mo pa ako.”Diretso siyang lumapit sa kama, binitiwan ang kamay ng babae, at bahagyang itinulak ito palapit kay Mateo.“Ay!” Napasubsob si Natalie, muntik nang matumba sa kama. Sa gulat, kumapit siya sa una at tanging bagay na abot ng kanyang kamay—ang pasyente mismo—kay Mateo.Hindi naman nagreklamo si Mateo, kahit na medyo nabigla sa pagdating ni Leo pati na rin sa kasama nito. Hindi naman talaga siya natutulog, nang makaalis si Leo, ipinagpatuloy niya ang panonood ng basketball game nito. Agad niyang iniakbay ang nag-iisa niyang malusog na braso sa asawa bago pa ito tuluyang sumubsob.“Ayos ka lang?” Tanong ni Mateo habang inaalalayan ang babae. Pagkatapos ay sinamaan ng tingin si Leo. “Ingat
“Hindi ko kailangan ng boyfriend! Meron na ako!” Bulalas ni Nilly. Halos magkulay makopa ang mga ping isa pinaghalong inis at galit.“Ano? Kailan pa nagka-nobyo ang babaeng ‘to?” Sandaling napatunganga si Leo. “May iba pang lalaking matapang na gustong makipagrelasyon sa kahuli-hulihang lahi ng dragon?!”Sinamantala ni Nilly ang pagkakataon. Halatang hindi inaasahan ng lalaki ang mga sinabi niya. Mabilis niyang inagaw pabalik ang inorder na milk tea at may ngiting tagumpay na tumalikod. Ang balak niya ay isarado sa pagmumukha nito ang pintuan ng unit niya.“Teka! Sandali lang!” Hinawakan ni Leo ang pulso ni Nilly. “Sino?”“Ha?”“Kung may nobyo ka na, gusto kong malaman kung sino.”“Ano ako, bale?” Saglit na natigilan si Nilly si bago naunawaan ang tanong. Gustong malaman ni Leo kung sino raw ang boyfriend niya. Pinilit niyang gawing kalmado lang ang sagot niya ngunit sinigurado niyang nakataas ang baba niya. “Sino pa ba? Kilala mo siya, malamang nakita mo na siyang kasama naming ni Na
Habang tumatagal, lalo lang nainis si Mateo sa naririnig. Ang pinakahuling kailangan niya ngayon ay isang kaibigan na mukhang wala namang balak na kampihan siya. Si Leo ay matalik niyang kaibigan at isa ito sa mga taong walang preno kung magsalita at sanay na rin ito sa mainit niyang ulo.“Wala ka na bang ibang magawa? Kung wala na talaga, umalis ka na lang, mabuti pa!” Klasikong galit na may kasamang pamamahiya.Pero hindi ito dinamdam ni Leo. Nagkibit-balikat lang ito. “Huwag kang mag-alala. Aalis din ako,” sagot niya ng kampante habang hinihiwa pa rin ang mansanas sa kamay. “Hintayin mo lang na matapos ko ‘to. Matamis kasi, kaya nakakapanghinayang na iwan.”Pagkagat ng isa, nagpatuloy siya, tila hindi narinig ang pagtataboy sa kanya ni Mateo.“Anyway, anong plano mo ngayon?”“Anong plano?” Tinapunan siya ni Mateo ng iritadong tingin. “Hindi ko alam kung anong sinasabi mo.”“Huwag mo akong tingnan ng ganyan.” Ngumisi si Leo. “Seryoso, hindi ko sinisisi si Natalie kung bakit siya gal
“Ah ganoon ba?” Malamig na tawa ni Mateo sa pang-aasar ni Natalie, may halong panlalait ang boses. “Hayaan mo na. Hindi naman ako mamamatay. Lagnat lang ‘to. Tsaka, kung naaalala ko, sabi mo, wala na tayong pakialamanan.”“Aba…ganito na ba siya ngayon kung umatake? Paawa? Magdadrama? Akala niya siguro, sa ginagawa niyang ‘yan ay magbabago ang isip ko? Ganoon baa ko kadaling mabilog sa paningin ng lalaking ‘to?”Napatawa si Natalie—isang malamig na tawa. “O sige, mamatay ka na. Mukhang handa ka naman pala. Pakibati na lang ako kay San Pedro—yan ay kung doon ang punta mo.”“Ano? Ikaw talaga!” Biglang nagbago ang ekspresyon ni Mateo at tumalim ang mga mata. “Natalie!”“Bakit? Bakit mo ako tinititigan ng ganyan?” Kalmado pa rin ang kanyang titig. “Ako ba ang dahilan ng pagkakasugat mo? Bakit, gusto mo ba akong konsensyahin? Hindi eepekto ‘yan, oy.”Pagkasabi nito ay tumayo na si Natalie. “Kung totoong mamatay ka diyan sa simpleng lagnat, malamang maantig si Irene—baka pati siya, mamatay n
Kalmado ang tono ni Natalie, parang natural na natural na lang sa kanya. Pero iba ang dating nito sa lalaki, para kay Mateo, ang bawat salitang binibitawan nito ay tila may kasamang matalim na pangungutya na kahit anong iwas niya ay nadadaplisan at natatamaan siya.Wala siyang balak na ipaliwanag ang sarili, pero sa dami ng mga patutsada nito—hindi na niya kayang palampasin. Sumabog na rin ang galit niya. “Teka lang, gusto mo bang malaman kung paano ko nakuha ang sunog na ‘to? Nasunog ang braso ko dahil sayo!”“Oh?” Mabilis na sulyap ang ibinigay ni Natalie sa paso, halatang hindi kumbinsido. “Dahil sa akin? Talaga ba?”“Oo!” Nataranta si Mateo, desperadong ipaintindi sa kanya ang totoo. “Kanina kasi…nang mangyari ang sunog—”“Tama na.” Matalas ang pagputol ni Natalie sa mga sasabihin pa sana niya. “Anuman ang palusot mo, hindi ko paniniwalaan. Gusto mo pa bang ituloy ‘to? Kahit na alam mong wala naman akong pakialam dyan?”Napahinto si Mateo.Habang tinititigan ang kalmado ngunit mal