Share

KABANATA 389

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-06-24 18:49:34

Dalawang bloke ang layo, ganap ng huminto ang trapiko—wala ni isang sasakyan ang gumagalaw. Halos lahat ng mga driver ay nagsibabaan para tingnan kung ano ang sitwasyon. Pati mga pasahero ay naki-usyoso, pero mas marami ang hindi magkamayaw sa loob ng bus.

“Anong gagawin natin? May mga nasugatan sa loob ng bus! Kailangan nating makarating sa ospital!”

Mabilis na umakyat ang driver at pumagitna para pakalmahin ang mga nagkakagulong pasahero. “Huwag kayong mag-panic! Inaayos na ng traffic police ang daan, at paparating na ang mga ambulansya. Tumawag na ako sa pinakamalapit na ospital. Hindi makakatulong kung matataranta tayo.”

“Oo nga, maghintay na lang tayo. Mas grabe ang tinamo ng mga nauna sa atin! Maging pasensyoso tayo.”

Pinigilan ni Natalie ang dumudugong noo niya at mapait na ngumiti. “Siguro sa susunod, dapat ko munang tingnan ang horoscope ko bago lumabas ng bahay.”

Mabuti na lang at dumating agad ang mga traffic police at sinimulan ang evacuation ng mga pasahero. Nakahanda na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (16)
goodnovel comment avatar
Fe Villasin
bakit Hindi ko ma play Ang mga advertisement Hindi ako mkakapag open Ng next chapter
goodnovel comment avatar
Rodolfo mandia
*bobo si nat
goodnovel comment avatar
Elizabeth Samala
waiting for the next chapter pls...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 575

    Napasinghap si Natalie sa biglaang pagputok ng damdamin ni Mateo. “Teka, sandali lang. Bakit mo naman biglang idinadawit si Drake dito?”“Oh?” Lalo pang dumilim ang ekspresyon ni Mateo. Natawa siya ng malamig at sarkastiko. “Bakit? Dalawang salita pa lang ang nasasabi ko tungkol sa kanya, apektado ka na agad?”“Ano na naman ‘tong pinagsasabi ng lalaking ‘to? Una, susugod dito tapos magagalit, tapos mandadamay na naman ng tao.” Napairap si Natalie. Malinaw na bumalik na naman sa pagiging irasyonal itong si Mateo at imposibleng kausap.“Tapos ka na ba sa pagsigaw mo?” Malamig niyang tanong. “Kung oo, pwede ka ng umalis. Hindi ka nakakatulong, eh.”Sobrang bigat na ng iniisip niya dahil sa isyu ng plagiarism niiya—hindi na niya kailangan ng isa pang walang kwentang pagtatalo. Gusto lang ni Natalie na mag-focus sa isa sa mga pinakamabigat na isyu na kinakaharap niya ngayon. Umupo siya sa sofa at tumalikod, ayaw na niyang lingunin ang lalaki.Ang totoo, kanina pa niya gustong alukin ito ng

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 574

    “Sino ang may lakas ng loob na suspindihin si Natalie? Ang tibay naman ng sikmura ng taong ‘yon para gawin iyon sa isang Garcia?”[Ganito kasi ‘yon—may nagreklamo laban sa kanya!] Sa kabilang linya, buong detalye namang ikinuwento ni Marie ang nangyari. Kahit na hindi nagkwento sa kanya si Natalie ng personal, mabilis kumalat ang balita sa ospital lalo pa at hindi na bago sa eskandalo si Natalie. Nalaman na lang din niya ang kabuuan ng storya mula sa mga kasamahan sa trabaho.Tahimik lang na nakinig si Mateo, ngunit unti-unting dumilim ang kanyang mukha sa bawat salitang naririnig. “Naintindihan ko.”[So…ayun nga…]Pero bago pa man ibaba ni Mateo ang tawag, malamig niyang idinugtong, “Marie, hindi ba may usapan tayo? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?”Isa sa mga tungkulin ni Marie kay Mateo ay bantayan si Natalie sa ospital—pero hindi man lang siya nag-ulat ng ganitong kalaking isyu. Dismayado siya dahil hindi naman ito pumapalya sa pagpapadala ng schedule ng asawa.[Ano kasi…] Napa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 573

    “Ha?” Nagsalubong ang mga kilay ni Natalie. “May nagawa ba akong mali?”“Tumingin ka sa dinadaanan mo!” Sigaw ng isang nagtitinda ng mga buko habang itinutulak ang kanyang kariton. “Uy, buntis! Ang laki na nga ng tiyan mo, tapos lakad ka ng lakad na parang walang pakialam? Tinawag na nga kita, ‘di ka pa tumigil! Tapos kapag naaksidente ka, kasalanan ko pa dahil wala akong ginawa! Muntik ka ng mahulog sa manhole, oh!”Ah—kaya pala. Nagmamalasakit lang ito at medyo napikon dahil hindi niya pinansin. Nang maisip niya ang nangyari, agad siyang yumuko at nag-sorry sa lalaki.“Pasensya na po talaga.”“Ayos lang, pero sa susunod, mag-ingat ka ha.”Pag-angat niya ng tingin, tsaka niya lang lubos na naintindihan kung bakit nakakunot ang noo ni Mateo. Pero sana naman, pwede na niyang bawiin ang braso niya mula sa pagkakahawak nito. Mukhang wala itong balak na bitawan siya kaya hinila niya ang braso.“Salamat. Ayos na ako.”Tinitigan siya ni Mateo, halatang gulat at naiinis. “Wala ka na bang pak

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 572

    “Hindi pa tapos ang lahat. Nandito pa ako bilang mentor mo, nangangako ako na hindi kita iiwan—hahanap tayo ng paraan para mapatunayan na hindi ka nameke, Natalie. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.”“Maraming salamat po, sir.”Ngunit alam ni Natalie na pinapagaan lang ng direktor ang loob niya—na kung wala siyang maihahain na panibagong ebidensya sa lalong madaling panahon, kahit si Director Tolentiona ay limitado lamang ang magagawa. Mas malakas pa rin ang kapangyarihan at impluwensya ng academic at medical board.**At gaya ng inaasahan, kinabukasan ay dumating ang opisyal na abiso ng suspension niya mula sa ospital. Personal siyang pinuntahan ni Director Tolentino sa opisina para iabot sa kanya ang sulat.Halos hindi maigalaw ni Natalie ang mga kamay. Hindi niya gustong tanggapin ang sulat na iyon dahil para na rin niyang inamin na ninakaw nga niya ang akdang thesis ni Maurice Flores. Hindi niya pa ito nakikita buhat ng maghiwalay sila ng dorm at mahigpit na ipinagbabawal ni Dir

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 571

    Pagbalik ni Natalie sa townhouse, ang una niyang ginawa ay hanapin at buksan ang isang lumang storage box at mula doon, kinuha niya ang isang makapal na accordion folder. Napasinghap siya. Nandoon ang lahat ng materyales kaugnay ng kanyang graduation thesis, kabilang na ang orihinal na USB drive. Maayos ang pagkakaorganisa ng lahat—dahil bunga ito ng dugo at pawis niya. Hindi niya kayang itapon ni isang pahina, ni mawala man lang ito. Masinop niyang tinago ang lahat bilang memorabilia at hindi sana ebidensya na siya ang tunay na nagsulat ng sarili niyang gawa.Sa dami ng ebidensyang hawak niya, tiwala siyang sapat ito para patunayan ang kanyang pagiging inosente. Hindi pa niya nasasabi kay Nilly dahil ayaw niyang magalit na naman ito. Total, gumugulong na ang imbestigasyon at tiwala siya sa sarili niya—mas minabuti niyang sarilinin muna ang pangambang nararamdaman.“Diyos ko, hindi na matapos-tapos…”Pero kahit ganoon…hindi maalis ni Natalie ang kaba sa dibdib niya.**Kinabukasan, ga

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 570

    Dahil sa matagal na pananahimik ni Natalie tungkol sa ama nila, naging malabo at manipis ang konsepto ni Justin sa kung ano ang “ama.” Pakiramdam niya, kahit hindi man niya siniraan ito sa kapatid—siya ang dahilan kung bakit naging malayo ang loob nito sa ama. Nasa punto siya ng buhay niya ngayon na gusto niya pa ring subukan kahit papaano.Maingat na tumango si Natalie. “Oo, Justin. May tatay ka. Lahat ng tao, may nanay at tatay.”Hindi agad sumagot si Justin. Halata sa mukha niya ang kalituhan at pag-aalinlangan. Kahit matalino at espesyal na bata ito, may mga aspeto na hindi agad nito nauunawaan. Hindi siya minadali ni Natalie—hinayaan niya lang itong mag-isip sa sarili nitong bilis.Makalipas ang ilang saglit, tsaka lang ito muling nagsalita. “Si Papa… katulad din ba ni Mama? Wala na rin siya? Nasa heaven na sila pareho?”“Ha?” Parang sinaksak ang dibdib ni Natalie sa narinig mula sa kapatid. Namutla siya at halos manginig ang boses niya sa pagkagulat at emosyon. Hindi niya ‘yon i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status