May isang oras din silang nagbyahe ni Alex hanggang marating nila ang pabrika nina Nilly. Ginawa din nito ang lahat para masabay din ang day-off niya sa day-off ni Natalie para personal niyang masamahan ito. Sa harap, naghihintay na si Nilly sa kanila.“Dito!” Kumaway pa ito para agad nilang makita.Huminto ang sasakyan sa harapan ni Nilly. Bumaba si Natalie at niyakap ang kaibigan, pagkatapos ay kumuha ng nakatuping disenyo mula sa kanyang bag. Ipinakita niya ang disenyong pinagpuyatan niya kagabi.“Tingnan mo. Sa tingin mo, pwede ito?”“Tingnan natin.” Habang naglalakad papasok, binuksan ni Nilly ang papel at tumango. “Mukhang okay. Kumpleto rin ang mga materyales. Kaya ko hiningi sayo ang listahan kanina kasi may madadaanan akong shop.”“Buti naman.”“Anong buti naman, hindi ko regalo ‘yon kaya bayaran mo ako!”Habang nag-uusap sila, sumilip si Alex sa blueprint. Karamihan sa mga guhit ay hindi niyamaintindihan, pero nang makita niya ang huling sketch ng produkto—“Sandali… lighter
“Ano ‘yon?” Hindi pa masyadong nakita ni Natalie ang bagay na gumulong bago ito tuluyang napunta sa ilalim ng kabinet. May kalaliman din ang espasyong iyon at dahil malaki na ang umbok ng tiyan niya, kinailangan niyang humanap ng makakapitan at bwelo. Yumuko siya upang abutin ito—pero bago pa niya iyon nagawa--—“Anong ginagawa mo?” Isang malalim at paos na boses, halatang galing pa sa pagtulog, ang pumigil sa kanya. Gising na si Mateo.Nilingon ni Natalie ang lalaki. “Ah. Inayos ko kasi ang jacket mo. May nalaglag. Sigurado ako, narinig kong may nahulog. Kukunin ko sana.”Nagsalubong ang kilay nito, halatang hindi natuwa sa nakita.“Wala ka bang kamalay-malay sa kalagayan mo? Yumuyuko ka—sa tingin mo ba ligtas ‘yan para sa isang buntis?”Saglit siyang natigilan. “Sa tingin ko naman ay okay lang—”“Hmph.” Dalawang hakbang lang, at nasa harapan na niya si Mateo. “Kung may nangyari sayo, sige nga? Hindi ba sabi ng OB mo, bawal sayo ang mga strenuous activities?” Hinawakan nito ang kamay
Malamig na ngumisi si Isaac, saka tumingin sa may pinto bilang isang tahimik na banta. “Madali ka naming madadala sa presinto. May kasama pa kami sa labas. Doon pa lang, talo ka na. Tiyak kong matutuwa ang mga pulis na magdagdag ng isa pang preso sa selda lalo na at… hindi naman talaga sayo ‘yang bagay na ipinagbibili mo.”Nanigas ang mukha ng lalaki at nilunok ang kaba. “P-Paano mo nasabing hindi akin ‘to? Akin ‘to. Nasa akin nga di ba?”“Tama na ang palusot! Inuubos mo ang pasensya ko!” Biglang tumaas ang boses ni Isaac matalim ang tingin. “Magsalita ka na o baka gusto mong dukutin ko ang dila mo?”“O-Oo na! Aamin na ako!” Halatang takot na takot ang lalaki.Halos sabay na napagtanto nina Mateo at Isaac na ang kausap nila ay isa lang karaniwang magnanakaw, hindi handa sa ganitong klase ng interogasyon. Ni hindi pa nga siya hinahawakan, pero agad na siyang bumigay. Ilang maanghang na salita lang ay tumiklop na agad ito.“N-ninakaw ko ‘to!” Bulalas nito.Ninakaw?Nagkatinginan sina Ma
Tumahimik saglit si Mateo bago mapangiti ng bahagya. [Mrs. Garcia. Tama ba ang iniisip ko? Tinitingnan mo kung nasaan ako? Natatakot kang may ginagawa akong masama? Huwag mong isipin ‘yan. Syempre, uuwi ako.]Isa na siyang lalaking may-asawa. Ang manatili sa labas magdamag ay hindi na isang opsyon. Kahit gaano siya ka-busy sa trabaho, kailangan niyang umuwi at matulog sa tabi ng asawa niya—dahil bukod sa iyon ang tama—iyon din ang gusto niyang gawin. Ang malamang nag-aalala sa kanya ang asawa ay naglagay ng ngiti sa labi ni Mateo.Bahagyang nakaramdam ng hiya si Natalie. “Ewan ko sayo. Nagtatanong lang naman ako. Okay, ibababa ko na ang tawag.”[Sige. Goodnight.]Matapos ibaba ang tawag, nanatili lang siyang nakaupo, tila may bumabagabag sa isip niya. Hindi niya ito tinawagan para lang tiyakin kung nasaan ang asawa o dahil kinakabahan siyang baka may gawin itong masama. Wala naman siyang duda kay Mateo. Pero sa sandaling iyon, may matinding pakiramdam siya na hindi niya maipaliwanag—p
Ang pinakamalaking problema na kinakaharap niya ay ang pagpili ng regalo sa kaarawan nito.“Ano ang dapat kong ibigay? Wala ng kulang kay Mateo—mga mamahaling sasakyan, branded na relo? Kalimutan na natin ang katotohanang hindi niya ito kailangan, hindi ko rin naman kayang bilhin ang mga iyon. Hindi ko inakala na ganito kahirap mag-isip ng regalo para sa kagaya niya.”Naalala niya, matapos nilang ikasal, binigyan siya nito ng secondary card ulit, wala itong limit sa pagkakaalam niya pero hanggang ngayon ay hindi pa niya nagagamit iyon. Bukod pa doon, naisip din niya na kung gagamitin niya ang pera nito para bilhan ito ng regalo para sa birthday nito—parang mali iyon—lumalabas na hindi ‘yon regalo, kundi isang bagay na binili lang gamit ang sarili niyang pera.Biglang may naisip si Natalie—ang lighter.Kakawala lang nito. Mukhang magandang ideya na isang bagong lighter ang ibigay niya sa asawa. At kahit bumili siya ng high-end brand, hindi naman ‘yon magiging sobrang mahal—isang bagay
“Ano ba ang nawala mo?” Tanong ni Natalie ng may halong pagtataka.“Yung lighter ko.” Itinuro ito ni Mateo gamit ang kanyang mga daliri. “Yung palagi kong ginagamit.”“Oh.” Naalala ni Natalie ang naturang lighter. “Baka naiwan mo lang sa bahay?” Napaisip siya—nakita niya ito kagabi sa study. Itinapon iyon ni Mateo sa gilid ng sofa kasama ang sigarilyo—bago sila ‘magkasundo at magkaayos’.“Hindi.” Tumigil sa paghahalughog si Mateo at umiling, nakakunot ang noo. “Ginamit ko pa ‘yon ng umalis ako sa opisina kanina.” Mulaki ang halaga ng lighter na iyon para sa kanya. Base sa mukha ni Natalie, alam niyang nagtataka ito kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya para sa isang lighter. Ipinaliwanag niya, “regalo ‘yon sa akin ni lolo ilang taon na ang nakalipas noong kaarawan ko.”Kaya naman pala—may sentimental na halaga. Ang pagkawala nito ay talagang nakakalungkot. “Baka nalaglag sa kotse?” Ibinaba ni Natalie ang kahon ng egg tarts. “Tingnan natin sa loob ng sasakyan. Baka nandoon ‘yon.”