Share

KABANATA 461

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-09-02 13:58:57

Tahimik na nakatingin lang si Isaac kay Mateo, bakas sa mukha nito ang lalim ng pag-iisip. Kung si Isaac ang tatanungin, ayaw niyang mapunta sa sitwasyon ng boss niya ngayon—iniisip pa lang niya, sumasakit na ang ulo niya.

Patuloy na bumibilis ang takbo ng sasakyan. Nasa highway na sila.

“Nasaan ba kasi si Alex?” Mariing tanong ni Mateo, ang panga niya ay mahigpit na nakasara.

Alam na agad ni Isaac kung ano ang ibig niyang sabihin, kaya naman, mabilis niyang tinawagan si Alex. Ilang beses pa niyang inulit—pero—walang sumasagot. Ngayon, ay hindi niya alam kung paano sasabihin sa boss niya ‘yon. Sa huli, tinapangan na lang niya dahil kailangang malaman nito ang totoong lagay ng sitwasyon.

“Sir, naka-off ang phone ni Alex!”

Tunay ngang mas lumala pa ang sitwasyon.

Ibig sabihin, si Alex mismo ay maaaring nasa panganib rin. Sa pinakamabuting sitwasyon at kung sinuswerte, kasama pa rin niya si Natalie at magkasama silang nadukot. Pero sa pinakamasamang sitwasyon? Magkahiwalay sila.

At kung
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (75)
goodnovel comment avatar
Park Shin Hye
korek napaka haba na ng chapter pero wlang ka kwenta kwenta lagi kawawa c natalie ei ..sayang ang yaman ni mateo d alam na mag ama c nat at rigor bubu mo author nkaka gigil kah s totoo lng ..
goodnovel comment avatar
Park Shin Hye
s sobrang yaman ni mateo gang ngaun dpa alam c natalie ung nkasama nia s hotel tang ina author to nkaka bwesit ung bida laging second choice nlng
goodnovel comment avatar
Belle Seyer
bye author bungad parang ang pangit na delete ko na good novel haha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 465

    Natapos na ng mga doktor sa emergency room ang paunang pagsusuri kay Natalie. Ayon sa kanila, wala naman silang nakitang problema sa mga vital signs niya, ngunit dahil buntis siya, tinawag nila ang isang obstetrician para sa mas masusing pagsusuri.Sa buong proseso, hindi umalis si Mateo sa labas ng silid. Ilang beses siyang nagparoon at nagparito habang hinihintay kung kailan nila makikita si Natalie.“Alex,” tawag ni Mateo sa tauhan niya.“May kailangan kayo, sir?” Nasa malapit lang si Alex. Binigyan din ito ng paunang lunas. Pero dahil wala naman itong nararamdaman, sinamahan na niya ang buong grupo sa labas ng ER.Dahil trabaho ni Alex na samahan ang asawa ng mangyari ang lahat, kailangan ni Mateo na marinig ang buong detalye mula mismo sa kanya. “Sabihin mo sa akin ang lahat. Huwag kang magtitira ng kahit na anong detalye.”Agad na inamin ni Alex ang kanyang pagkakamali. “Sir, patawarin niyo ako. Nabigo akong protektahan si Natalie.” Pagkatapos, isa-isang ikinuwento niya ang laha

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 464

    Hindi na nag-aksaya ng oras si Alex at mabilis na lumapit sa exhaust vent. May kataasan din ‘yon pero nakahanap siya ng mga karton ng nagyeyelong karne na ginawa niyang patungan para magawa niyang abutin ang pakay.Ang pagbabalot kay Natalie ng kanyang jacket ay pansamantalang solusyon lamang—ang tanging paraan para tuluyang matulungan siya ay ang makalabas sila agad. Hindi siya matutulungan ng simpleng jacket lang laban sa ganito katinding lamig.Sinuri niya ang wiring ng vent at gamit ang kanyang mga kamay, pinilas ito ng walang pag-aalinlangan. Nang bumagal ang pag-ikot ng exhaust fan, inilabas niya ang kanyang foldable military knife at agad nagsimulang magtrabaho—pasalamat na lang siya at hindi iyon nakita ng kung sino mang nagdala sa kanila doon.Habang nagtatrabaho siya—naisip niya na hindi ganoon katalino ang kung sino man ang salarin dahil iniwan ang cellphone niya at hindi siya kinapkapan ng maayos. Pabor ‘yon sa kanila ni Natalie. Kahit paano ay may panlaban sila at may gam

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 463

    “Isaac, kunin mo si Irene!”“Ano?” Bago pa makareact si Isaac, isiniksik na ni Mateo sa mga bisig niya ang walang malay na babae.Pagkatapos—walang pag-aalinlangan at wala ng iba pang sinabi, bumalik siya sa naglalagablab na gusali.“Sir Mateo!” Halos tumigil ang tibok ng puso ni Isaac ngunit hindi naman siya makagalaw dahil bitbit niya si Irene. “Anong ginagawa niya?! Maliwanag na delikado na ang una niyang pagsagip, pero ngayon bumalik pa siya?! Anong babalikan niya sa loob?”**Sa loob ng nasusunog na gusali, agad siyang nilamon ng makapal na usok. Halos mapunit ang lalamunan niya kakaubo pero nagpatuloy pa rin siya. Ang huling natatandaan niya ay sa lugar na ‘yon niya narinig na nahulog ang bagay na ‘yon.Mababa ang kanyang katawan habang naghahanap sa gitna ng nag-aapoy na guho. “ Nasaan 'yon?! Hindi puwedeng nawala na lang ng bigla ‘yon!”At doon—sa gitna ng naglalagablab na apoy, may kumislap na maliit na bagay.Ang lighter. Ang lighter na ginawa ni Natalie para sa kanya—ang re

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 462

    “Mm… mm…” Parang isang kawawang uod, pilit gumapang si Irene sa mabato at maalikabok na sahig, unti-unti na siyang nakalapit sa pinto. “Mateo… Mateo, nandito ako! Malapit lang ako! Tumingin ka sa banda rito!”Kaunting metro na lang ang layo niya, pero pakiramdam niya ay tila napakalayo nito—parang hindi niya kailanman mararating. Hanggang sa—isang kakaibang amoy ang pumuno sa kanyang ilong. Nakakasulasok, nakakaalarma…nakakapanindig balahibo.Basang-basa pa ng luha ang kanyang mga mata, halos tinatakpan nito ang mga mata, pero napatigil siya.“Ano ‘yon? Parang…p-parang…sunog?!”Nanlaki lalo ang kanyang mga mata sa banta ng isang sunog. Sa ganitong lugar, kapag kumalat ang sunog at nakagapos pa siya—matutusta siya ng buhay. Kailangan niyang kumilos para hindi ‘yon mangyari. Ginapang niya ang ulo niya paitaas gamit ang nalalabi niyang lakas—at sa kanyang harapan, nakita niya ang kumukutikutitap na liwanag mula sa labas ng bintana.Apoy!“Hindi… Hindi puwede! Hindi ako pwedeng mamatay di

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 461

    Tahimik na nakatingin lang si Isaac kay Mateo, bakas sa mukha nito ang lalim ng pag-iisip. Kung si Isaac ang tatanungin, ayaw niyang mapunta sa sitwasyon ng boss niya ngayon—iniisip pa lang niya, sumasakit na ang ulo niya.Patuloy na bumibilis ang takbo ng sasakyan. Nasa highway na sila.“Nasaan ba kasi si Alex?” Mariing tanong ni Mateo, ang panga niya ay mahigpit na nakasara.Alam na agad ni Isaac kung ano ang ibig niyang sabihin, kaya naman, mabilis niyang tinawagan si Alex. Ilang beses pa niyang inulit—pero—walang sumasagot. Ngayon, ay hindi niya alam kung paano sasabihin sa boss niya ‘yon. Sa huli, tinapangan na lang niya dahil kailangang malaman nito ang totoong lagay ng sitwasyon.“Sir, naka-off ang phone ni Alex!”Tunay ngang mas lumala pa ang sitwasyon.Ibig sabihin, si Alex mismo ay maaaring nasa panganib rin. Sa pinakamabuting sitwasyon at kung sinuswerte, kasama pa rin niya si Natalie at magkasama silang nadukot. Pero sa pinakamasamang sitwasyon? Magkahiwalay sila.At kung

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 460

    “Well…siya ay… hmm?” Biglang napayuko si Irene at napahawak sa kanyang noo. Namilipit ang kanyang mukha sa hindi maipaliwanag paraan—halatang may nararamdaman itong hindi kanais-nais.“Anong nangyayari?” Kumunot ang noo si Natalie at nagtanong. “Okay ka lang ba?”“Hindi ko alam…” mahinang sagot ni Irene, iginala pa nito ang mga mata sa kapaligiran, tila nahihilo. “Umiikot ang ulo ko… hindi ko na makita ng maayos…ang…ang…”“Hoy…huwag mo nga akong ganyanin.” Isang hindi maipaliwanag na kaba ang gumapang kay Natalie.At doon lang niya niya napansin—unti-unti na ring bumibigat ang kanyang ulo. Nagsisimula ring lumabo ang kanyang paningin. Pinilit niyang igalaw ang ulo para linawin ang kanyang isip, pero lalo lang lumala ang pagkahilo na nararamdaman niya.Sa isang malakas na thud, bumagsak si Irene sa lamesa, nawalan na ito ng malay.“Anong nangyayari?” Natataranta na si Natalie. “Hoy! Irene!” Mahigpit niyang hinawakan ang braso nito at niyugyog. “Gumising ka! Huwag kang matulog! Huwag di

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status